Mga Pahina

Linggo, Marso 9, 2014

PURGATORYO, PAGPAMISA SA KALULUWA



Atin namang suriin ang aral ng ibang relihiyun na kanilang ipinangaral na diumanoy tatlo ang maaring mapuntahan ng tao kung siya ay papanaw na o mamamatay dito sa sanglibutan. Di na bago sa pandigin ang bagay na ito lalo na kapag may namatay na tao at ang napasok agad sa isipan nila ay ang tatlong patutungan ng tao na gaya ng sumusunud :


  • LANGIT
-ito umano ang pupuntahan ng tao kung walang kasalanan o mabait at sumusunud


  • PURGATORYO
-
Ito naman kung ang tao Di gaano masama,o di gaanong at di pa ganap na mabuti at sumusunud.


  • EMPYERNO
-Ito ang ikatlo na pag ang tao ay lubos na masama at makasalanan.





Ating titiyakin mula sa Biblia, tatlo ba ang patutunguhan ng tao? Sa anu inihalintulad ang tao kung saan sila nararapat ?

ganito po ang ating mababasa :


Mateo 25:33
" At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing. "




Ano po ang kahulugan ng nasa KANAN, at ang nasa KALIWA ?


Mateo 25:34
" Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan "


Mateo 25:41
" Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel "




Sa Ating nabasa, Dalawa po ang ng mamanahin ng tao,


1. KANAN ( Kaharian/langit)

2. KALIWA (Apoy na walang hanggan/impyerno



Malinaw po, na walang binanggit na tatlo o mayroon mang purgatoryo.

Ang isa pa sa kanilang ipinangaral,Agad Agad raw pupunta ang tao sa tatlong dako na gaya nga ng PURGATORYO.Totoo po ba talaga ito ? Ang tao ba pag namamatay ay agad itong pupunta ?

ganito po ang pagtuturo :


Job 14:10-12
''Ngunit namamatay ang tao; siya'y ililibing, mapapatid ang kaniyang hininga at wala nang kasunod. Kung paanong ang tubig ay nawawala sa dagat o ang isang ilog ay natutuyo, gayon ang tao, nahihiga at di nagbabangon; HANGGANG SA MAWALA ANG KALANGITAN, ang tao'y di na gigising o mangangamba pa sa kaniyang pagtulog.''( NIV )




Ang sabi po ng talata ay ganito :

"NAHIHIGA AT DI MAGBANGON HANGGANG MAWALA ANG KALANGITAN"



Mayroon pong nakadetalye na panahun kung kaylan lamang babangon ang nakahiga(patay). Kaylang po ang panahun na ito ?



II Pedro 3:10,12
'' Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang mangasusunog.
'' Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?''




Ito po ay sa araw at oras ng paghuhukom, Tsaka lamang hahatulan ang tao kung saan siya paroroon, at matitiyak po ba nating dalawa lang ang paroroonan ng tao at wala ng purgatoryo?



Daniel 12:2
'' 
At marami sa kanila na nangatutulog sa alobok ng lupa ay magigising, ang iba'y sa walang hanggang buhay, at ang iba'y sa kahihiyan at sa walang hanggang pagkapahamak.''


Ang sabi po ng talata :

"Ang iba'y sa WALANG HANGGANG BUHAY(langit)"

"ang iba'y sa KAPAHAMAKAN(Apoy)"




Tiniyak po saatin ngayun na walang ibang binanggit kundi LANGIT at APOY lamang ang pupuntahan ng tao, at ito po ay sa araw lamang ng paghuhukum. Kaya po maling aral kung iisipin na mayroon pang purgatoryo sapagkat labag ito sa mga pagtuturo ng biblia. Kung gayon ang aral na ito ba'y gawa gawa lamang o imbento ?




Ang pag aming ng isang paring katoliko sa kanyang aklat na pinamagatang :

"I WAS A PRIEST"
ni lucien Vient sa pahina 44 :



'' Purgatory had been invented by Rome in A.D. 593 but remained a very unpopular doctrine for many centuries. ...
'' Purgatory, like Mass, has no foundation in holy scripture, Christ and First Christians never talked about it and never knew of its supposed existence...
'' We ex-priests, know very well that Mass and Purgatory are inventions that are exceedingly profitable.''


sa filipino :


" Ang Purgatoryo ay inembento ng Roma noong 593 A.D ngunit ito ay nanatili na isang lubhang di-kilalang doktrina sa loob ng maraming siglo..."
" Ang Purgatoryo, tulad ng Misa , ay walang saligan sa banal na kasulatan. Hindi kailanman nag-usap si Cristo at ang mga unang kristyano tungkol dito at kailanman ay wala silang kabatiran sa ipinalalagay na pagkakaroon nito. "
" Alam na alam naming mga dating Pari na ang Misa at Purgatoryo ay mga imbensyong lubhang mapagkakakitaan. "




Aminado po ang kanilang pari noon na ito po ay isa lamang imbento na upang mapagkikitaan. Ito po ay malaking paglabag kung maituturing. Paano po sila maihalintulad ayun sa Biblia ?




2 Timoteo 4:3-4
" Sapagka't darating ang panahon na hindi nila titiisin ang magaling na aral; kundi, pagkakaroon nila ng kati ng tainga, ay magsisipagbunton sila sa kanilang sarili ng mga gurong ayon sa kanilang sariling mga masasamang pita; " At ihihiwalay sa katotohanan ang kanilang mga tainga, at mga ibabaling sa katha. "




Hayag po kung bakit ,Sapagkat sabi nga talata, "IHIHIWALAY ANG KATOTOHANAN".


Sariling Aral lamang ang pinapangaral at hindi ang ayun sa Banal na Kasulatan. Bakit nila hinihiwalay ang katotohanan?
ganito ang pauna ng Biblia :


Roma 10:2-3
"Mapatutunayan kong sila'y nagsisikap na maging kalugod-lugod sa Diyos,
subalit mali ang kanilang batayan. Sapagkat hindi nila nakilala ang pagpapawalang-
sala na kaloob ng Diyos, at nagsikap silang magtayo ng SARILI NILANG PAMAMARAAN sa halip na sundin ang pamamaraan ng Diyos" (Magandang Balita Biblia).




May sariling PAMAMARAAN o ARAL na kanilang ipinapangaral upang mailayo ang tao sa katotohanan, may mapapatunayan ba tayong ipinangaral nga nila ang ukol sa PURGATORYO ?



SARILING ARAL/PAMAMARAAN



1.
Sa isang aklat katoliko na pinamagatang

"Catesismo ng Pinagpalamnan"

na isinalin ng isang pari na si Padre Luis Amezquita. nai-published noong 1927,page 24 ay ganito po ang ating mababasa:



''T. Diyata ano ang purgatoryo?
''S. Pagsasangagan (cung baga sa guinto) sa mga caloloua ng cristianong banal na nacapagsisi man at nacapagcumpisal man datapoua't hindi nakapag-auas dito sa lupa ng buong auas sa mañga casalanan.''
[Catesismo ng Pinagpalamnan,pp.24]



2.
Ang isa pang Aklat na pinamagatang :


"Compendio Historico De La Religion"

sa pahinang 598-599 ay ganito po ang ating mababasa.:

''T. Baquit cailañgan ang paglalagay sa gracia nang
taong ibig magcamit nang indulgencia?

''S. Sapagcat ang taong na sa casalanang mortal, hanggang hindi nagcacamit nang patauad sa tunay na pagsisising Contricion, o sa mabuting pañguñgumpisal, ay dapat
magdusa magparating man saan sa apoy nang infierno, at hindi sa pugatorio lamang

''T. Bukod sa indulgencias, ? anuano ang ibang bagay na nacapapaui nang parusang
nararapat sa taong nagcasala nang daquila, cung macamtan na niya ang capatauaran nang parusang ualang hanggan?

''S. Ang mabuting pag-ganap nang parusang ipinagbilin nang Confesor, at gayon din naman ang mga gauang cabanalan, at ang pagtitiis nang anumang hirap, cung ang calulua ay na sa gracia: at cung hindi mapaui sa buhay na ito ang nasabing parusa, na pinañgañganlang pena temporal, ay sapilitang babayaran sa purgatorio.

''T. Baquit pinagquiquinabañgan nang mga calulua sa purgatoryo ang mga gauang magaling, na ipinatutungcol natin sa canila?

''S. Sapagcat sila ay mga catoto nang Dios: at inibig nang Dios na ang mga taong binigyan ay mapaquinabañgan nang canicaniyang gauang cabanalan, cung na sa gracia ang pinatutungculan; at caya dinadasal natin sa sumasampalataya ang mga
uicang may casamahan ang mga Santos.''
[Compendio Historico de la Religion, pp. 598-599]



3.
Sa isa pa rin pong Aklat Katoliko :

" Siya ang inyung pakinggan"

Ganito ang ating mababasa :

'' Ang dinadalita ng mga kaawa- awang kaluluwa sa purgatoryio ay ang hindi pagkakita sa Dios at maraming sarisaring hirap at sakit. Wala silang magagawa sa
sarili nila upang makaalis sa kanilang kapahamakan. Ngunit tayong nabubuhay pa dito sa lupa ang makatutulong at makapagbabayad ng kanilang utang sa Dios. Tayo ay makakatulong sa kanila sa paraan ng mga panalangin, ng mga indulgensiang
ipinatutungkol sa kanila, ng mga paglilimos at ng ibang gawang kabanalan, lalong lalo na sa paraan ng sacrifisio ng Santa Misa.'' [Siya ang inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, p. 73]





Dito po makikita natin ang ilang halimbawa ng kanilang mga aklat na pinanghawakan upang ipangaral sa mga tao upang ilayo sa katotohanan. Imbis na biblia ang gamiting basehan ay sariling pamamaraan at utos ang pinapatupad.



Pero bigyang linaw din natin kung sasang ayunan din kaya ng biblia ang kanilang sariling Aral gaya ng pahayag sa kanilang aklat na :


1. May magagawa pa ang mga buhay,para sa mga kaluluwa,


2. Alam ng mga patay ang ginagawa ng mga buhay




Suriin po natin, Nang mamatay ang tao, anu po ang kalagayan niya?



“ Ang hininga niya ay pumapanaw, siya'y nanunumbalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ding yaon aymawawala ang kaniyang pagiisip.”  Awit 146:4


Ang sabi po ng talata, sa araw ding yaon nang siya ay pumanaw

"MAWAWALA ANG KANYANG PAG-IISIP"



Tiyak po na wala nang maaalala ang mga patay,mawawala ang kanilang mga pag-iisip. Ngayun , ayun sa kanilang aklat ay may magagawa daw ang mga buhay para sa mga mga namatay. tama po kaya ang kanilang aral ?



“Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan.”
“Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.”
Ecclesiastes 9:5-6


Job 14;21
'' Ang kaniyang mga anak ay nagtataglay ng karangalan, at hindi niya nalalaman; At sila'y binababa, nguni't hindi niya nahahalata sila. ''



Ang paliwanag po ng biblia,WALA NA SILANG BAHAGI MAGPAKAILANMAN sa mga bagay na nagawa sa ilalim ng Araw . Kaya po, ang ginagawang pagpapamisa sa mga kalulwa ay wala na itong kabuluhan sapagkat wala nang bahagi ang sinumang namatay sa mga ginagawa ng mga buhay.

Ano po ba ang nangyayari sa kaluluwa kapag namatay ang tao ?


“At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una,…” Ecclesiastes 12:7


“Oo, dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw; kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan…Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok: ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.” Awit 44:22,25



Ayun sa Biblia, ang Kalulwa po ay kasama ng katawan na dumidikit o nananatili sa lupa, ito po ba ay kasama ng katawan na namamatay ?



“Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.”Ezekiel 18:4

“Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok : buhayin mo ako ayon sa iyong salita.”
Awit 119:25



Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok : ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.” Awit 44:25


Malinaw po na ang KALULUWA AT KATAWAN ng tao ay kasamang mamamatay at walang magagawa dito ang mga buhay para sa mga patay, at walang magagawa ang mga patay sa ginagawa ng mga buhay.

Ano po lamang ang hindi mamamatay kapag ang tao ay namatay ?



“At ang alabok ay mauuwi sa lupa gaya ng una, at ang diwa ay mababalik sa Dios na nagbigay sa kaniya .” Ecclesiastes 12:7


Ano ba iyong diwa na tinutukoy sa itaas, basahin natin sa Ingles na Biblia sa parehong verse:


“Then shall the dust return to the earth as it was: and the spirit shall return unto God who gave it.” Eccl.12:7, King James Version




Ang diwa ay iyon din ang ating Espiritu. Na binabawi ng Diyos sa tao kapag siya ay pumanaw na.



Samakatuwid, ang tao po ay binubuo ng TATLONG SANGKAP



  • ESPIRITU
  • KALULUWA
  • KATAWAN
Tiniyak po ba ng Biblia na ito ang tatlong sangkap ng tao ?



“At pakabanalin kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong ESPIRITO at KALULUWA at KATAWAN ay ingatang buo, na walang kapintasan sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.”
I Tesalonica 5:23



Malinaw po na ito ay ang mga sangkap ng tao, at ang ESPIRITO an babalik agad sa Dios, at ang Kaluluwa at ang katawan ay kasamang mamamatay.

Bakit po mamamatay ang kaluluwa? ganito naman ang paliwanag ng biblia :


“At nilalang ng Panginoong Dios ang tao sa alabok ng lupa, at hiningahan ang kaniyang mga butas ng ilong ng hininga ng buhay; at ang tao ay naging kaluluwang may buhay.” Genesis 2:7


Ito'y Sapagkat ang kalulwa ang may taglay ng buhay.




Kaya po ang IGLESIA NI CRISTO ay walang sawa sa pag hihikayat sa mga tao upang mailapit ang tao sa katotohanan. Sapagkat ang karamihan ay nabulag sa tamang aral at nahikayat sa aral na aral lamang ng tao.


Bilang pang huli, gaano po kasama ang makipag ugnay pa sa mga patay idinadalangin ito para daw mapunta sa langit ,?



“Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway, o enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o SUMASANGGUNI SA MGA PATAY. Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon : at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo.”
Deuteronomio 18:10-12



ITO PO AY ISANG GAWANG KARUMALDUMAL SA HARAP NG DIOS

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento