Mga Pahina

Huwebes, Enero 2, 2014

ADD o MCGI sa Dios ba ito?


Si sa karamihan hindi pa alam kung ano ang buong history nang Samahang ito, maaring maging mismo ang kanilang kaanib dito ay hindi pa alam ang buong katotohanan.






Ating ibahagi at tunghayan ang kwento ng kanilang Iglesia kung talagang itinayo nga Ni Cristo ito. .




HISTORY






Noong May 1922,

Sina Teofilo Ora,Januario Ponce at Basilio Santiago ay Dating ministro at kaanib sa Iglesia Ni Cristo na natiwalag at nagtayo ng Sariling relihiyun para sa pansariling Interes na tinawag na






"Iglesia ng Diyos kay Kristo Hesus"





At sa ganun ding taon naging kaanib si Nicholas Perez mula sa Maragondon, Cavite.
Noong 1928 naman, Nicholas Perez naman ay idiniklarang General Evangelist leader ng Samahan at sa kalaunan. Di rin nagtagal tumiwalag si Perez at si Basilio santiago  kasama ang maraming meyembro ng relihiyung itinayo nina Teofilo Ora.At nagsitayo ng sariling Samahan at relihiyun. Si Ponciano Bungay naman na kaanib ay tumiwalag at nagtayo ng Sariling samahan at relihiyun na pinangalanang:




"Iglesia Ni Cristo sa Ibabaw ng Bato " noong 1932




At si Basilio Santiago ay tumiwalag at nagtayo rin ng sariling samahan na pinangalanang:




"Church of God in Christ Jesus in" 1949




At si Salvador Payawal naman ay tumiwalag rin at nagtayo ng sariling samahan na tinawag na :




"The Most Holy Church of God in
Christ Jesus (Tagalog: Kabanal-
banalang Iglesia ng Diyos kay
Kristo Hesus )"






Noong 1931, Nicholas Perez kasama si Avelino Santiago ay nagsimulang magtayo muli ng samahang tinawag na





"Iglesia ng Diyos
kay Kristo Hesus, Haligi at Suhay ng Katotohanan "








At noong 1954 na naman ay iniwan din ni Santiago ang Grupo at nagtayo ng bagong Samahan o relihiyun na tinawag na :





"Iglesia ng Diyos na Buhay kay Kristo Hesus"





Doon sa Iglesia ni Mr. Perez naanib at nabautismuhan si Mr. Eliseo Soriano. Ngunit may nangyari at humiwalay din si Mr. Soriano at nagtatag ng sarili nyang Iglesia.




Nung NAMATAY SI MR. PEREZ, lahat ay inaasahan na si Mr. Soriano ang magiging
successor, ngunit may isang babaeng nagngangalang Levita Gugulan ang inappoint ng
Board of Directors ng Iglesia ni Mr. Perez bilang successor kapalit ni Mr. Perez. Naging
Board of Director din si Mr. Soriano ngunit noong Feb. 1976 natiwalag sya kasama ang iba pa dahil sa rebellion at pagtuturo ng mga aral na labag sa doktrina ng Iglesia ni Mr. Perez.




Isa sa itiniwalag ay Si Filomeno Hizon's At nagtayo naman ng sariling samahan na tinawag na:





" Mga Mananampalataya
sa Iglesia ng Diyos Kay Kristo
Hesus, Incorporated"


("Believers
in the Church of God in Christ
Jesus")
registered
on June 20, 1984.





Noon Maso 30, 1977, Dalawang taon ng mamaty si Perez,naitayo ni Soriano ang Sariling IGlesia :





"Iglesia ng Dios kay Kristo Hesus, Haligi at Saligan ng Katotohanan "




Ngunit Binago ito ni Soriano ng kasuhan sya ni Gugulan ng pagsimpleng pagkopya ng pangalan at ginawa nya ng ganito:



"SUHAY AT SALITAN"




Kaya naisipan ni Soriano na baguhin ang pangalan at gawin ito sa ibang pangalan na :





"Ang mga Kaanib sa Iglesia ng
Dios kay Kristo Hesus, Haligi
at Saligan ng Katotohanan sa
Bansang Pilipinas,
Incorporated "
  1980






Ngunit Binago na naman ulit ni Soriano ang kanyang relihiyun at pinangalanang :




"Bayan ng Katotohanan
Incorporated " 
 
1993





Dahil sa kinasuhan na naman ni Maximino Neito sa pareho ding kaso sa nauna. .(maximino Neito ay Successor sect. ni Gugulan).

At noon ding January 13, 2004.Inirehisto ulit ni Soriano ang kanyang Iglesia at pinalitan ng ibang pangalan na :





"Members Church of God International"  o MCGI





Sa Dahilan nyang Angkop daw na katawagan dahil lumaganap na daw ang Kanyang Iglesiang Itinayo at sa kasalukuyan ang MCGI ay pinamumunuan nila :




Presiding Minister, Eliseo Soriano, and Vice-Presiding Minister, Daniel Soriano Razon .




__________________________



Kitang kita po natin ang buong history kung paano lamang ginawa at itinayo ng ang kanilang Iglesia sa dahilan lamang na pansariling interes. . walang karapatan na magtayo ang tao ng Sarili nyang Relihiyun na iba sa itinayo ni Cristo.Yan ba ang ipagmamalaki nila? yan ba ang tunay na relihiyun.? yan ba ang kay Cristo na gawa gawa lamang ng tao at palipat lipat pa ng pangalan?.




ang Panginoong Jesucristo ay nagtayo ng Iglesia na tinawag ng Kaniyang mga Apostol
na Iglesia ni Cristo (Mat. 16:18; Roma 16:16). Mula sa kalagayan nito sa pasimula na “munting kawan” (Luk. 12:32), sa dako ng mga Judio, ang Iglesiang ito, sa pamamagitan ng pangangaral ng mga Apostol, ay lumago at dumaming lubha sa kabila ng mga pag-uusig na kanilang nasagupa (Gawa 8:1; 6:7)



Anu ang payo ng Biblia :




"Mapatutunayan kong sila'y
nagsisikap na maging
kalugod-lugod sa Diyos,
subalit mali ang kanilang
batayan. Sapagkat hindi nila
nakilala ang pagpapawalang-
sala na kaloob ng Diyos, at
nagsikap silang magtayo ng
sarili nilang pamamaraan sa
halip na sundin ang
pamamaraan ng
Diyos"
(Roma 10:2-3,
Magandang Balita Biblia)
.







Imbis pamamaraan ng Dios ang sundin,nagtayo ng Sariling pamamaraan. Anu pala talaga ang paraan ng Dios.






"Ngunit higit na di-hamak
ang magagawa ng dugo ni
Cristo. Sa pamamagitan ng
walang hanggang Espiritu ay
inialay niya sa Diyos ang
kanyang sarili na walang
kapintasan. Ang kanyang
dugo ang luminis sa ating
puso't isip upang talikdan na
natin ang mga gawang
walang kabuluhan at
paglingkuran ang Diyos na
buhay"
(Heb. 9:14, Ibid.).







Yun lamang itinayo ni Cristo, na luminis sa ating kasalanan,sa pamamagitan ng Dugo ni Cristo at sa pag alay ng kanyang sarili. Anu ang pangalan ng Iglesiang ito na ibinuhos ng dugo ni Cristo na kanyang itinayo?





"Ingatan ninyo kung gayon
ang inyong mga sarili at ang
buong kawan na rito'y
hinirang kayo ng Espiritu
Santo na mga katiwala,
upang pakanin ang iglesia ni
Cristo na binili niya ng
kaniyang dugo"
(Gawa 20:28,
Lamsa Translation,)







Samakatuwid, hayag po at malinaw na talagang Iglesia ni Cristo parin ang itinayo ni Cristo at ,walang karapatan ang sinuman na sa kanyang kagustuhan ang magtayo ng sarilihing Relihiyun. Anu na po ang mga pinapauna sa mga hula tungkol sa ganitong mga pangyayari?


Sa Mateo 24:11 ay ganito ang hula niCristo:




“At magsisibangon ang maraming
bulaang propeta, at kanilang
ililigaw ang marami.”



Anung uri ang kanilang pamumuno?




“Ang mga pinuno nila’y parang
hayok na asong-gubat kung
lumapa ng kanilang
biktima…”
(Ezek. 22:27, Ibid.)




Malinaw ang naisaad,at anu ang payo sa mga tao sa ganitong mga tao.



“ ‘Mag-ingat kayo sa mga bulaang
propeta; nagsisilapit sila sa inyo
na animo’y tupa, ngunit ang
totoo’y mababangis na asong-
gubat’.”
(Mat. 7:15, Ibid.)




Anu pa ang paunang pahayag ni apostol pablo?




“Nguni’t hayag na sinasabi ng
Espiritu, na sa mga huling
panahon ang iba’y magsisitalikod
sa pananampalataya, at
mangakikinig sa mga espiritung
mapanghikayat at sa mga aral ng
mga demonio…”
(I Tim. 4:1)




“Mula na rin sa inyo’y lilitaw ang
mga taong magsasalita ng
kasinungalingan upang
mapasunod ang mga alagad, at sa
gayo’y mailigaw sila.”
(Gawa
20:30, Magandang Balita
)



Kitang kita po natin kung paanu naitayo nila ang pansariling interes at gawa gawa lamang. kung anu ang itinayo ni Cristo ay yun na dapat. huwa. na humigit pa sa sinimulan ni Cristo

sanay malinaw sa lahat at lalo na sa ating mga kaibigang mga MCGI.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento