Mga Pahina

Biyernes, Enero 3, 2014

Bakit si Cristo ay TAO at hindi TAO lamang

Hanap butas parin ang ating mahal na mga kaibayo sa pananampalataya. TAO LAMANG daw ang pagtingin namin kay Cristo, Yan po ay mali sa pandinig nila sa Aral ng IGLESIA NI CRISTO.




Ang aral po mula sa Biblia ay TAO si Cristo. .tulad nitong isang talata na mismong ipinahayag ni Cristo:




Juan 8:40
"Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham."




Malinaw ang pahayag ni Cristo na ang pagka TAO niya ay GALING mismO ito sa Dios. At maging sa pag akyat at  ngayun na nasa langit na, TAO parin si Cristo.Ganito ang ating mababasa




Awit 80:17
“ Mapatong nawa ang iyong
kamay sa TAO na iyong
kinakanan. Sa anak ng tao na
iyong pinalakas sa iyong sarili.”





At maging sa muling pagparito o pagbalik,ay TAO parin ang kalagayan,Narito  :




Mga Gawa 1:11
"Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit""





Ngayun balikan natin,Bakit po hindi  TAO LAMANG si Cristo.narito po ang ilan sa mga talata na na katibayan na aking ibabahagi sa inyu.




Lucas 1:32
“Siya'y magiging dakila, at
tatawaging Anak ng Kataastaasan:
at sa kaniya'y ibibigay ng
Panginoong Dios ang luklukan ni
David na kaniyang ama:

Siya ay dakila at anak ng Dios..



Ginawang dakila at anak ng kataastaasan
anu pa.




Heb. 2:9
“ Kundi nakikita natin ang
ginawang mababa ng kaunti
kay sa mga anghel, sa
makatuwid ay si Jesus, na dahil
sa pagbata ng kamatayan ay
pinutungan ng kaluwalhatian
at karangalan, upang sa
pamamagitan ng biyaya ng
Dios ay lasapin niya ang
kamatayan dahil sa bawa't
tao.”





Pinatungan ng Karangalan at kaluwalhatian,at mababang kaunti kay sa mga anghel. ...
anu pa.




efesa 1:22
“At ang lahat ng mga bagay
ay pinasuko niya sa ilalim ng
kaniyang mga paa, at siyang
pinagkaloobang maging
pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia,"





Ang lahat ng bagay ay pinasuko sa kanya. at pinagkalooban ng maging pangulo ng IGLESIA.
anu pa.




“Sapagka't nararapat sa atin
ang gayong dakilang saserdoteng
banal, walang sala, walang
dungis…”
( Heb. 7:26 )




Siya laman ang tao na di nagkasala at walang Dungis.
anu pa?



“Sinasabi baga ninyo tungkol
sa kaniya, na pinabanal ng Ama at sinugo sa sanglibutan…”
(Juan 10:36 )




Sinugo at pinabanal ng kanyang AMA.anu pa?



“Pakatalastasin nga ng buong
angkan ni Israel, na ginawa ng
Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.”
(Gawa 2:36)




Siya ay ginawa ng Dios na panginoon at Cristo. .At Pinag utos ng Dios na ang lahat ay lumuhod o sumamba :



“Kaya siya naman ay pinakadakila
ng Dios, at siya’y binigyan ng
pangalang lalo sa lahat ng
pangalan; Upang sa pangalan ni
Jesus ay iluhod ang lahat ng
tuhod, ng nangasa langit, at ng
nangasa ibabaw ng lupa, at ng
nangasa ilalim ng lupa. At upang
ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon sa ikaluluwalhati ng Dios
Ama.”
(Filip. 2:9-11)





Ang lahat ng Nilalang ay lumuhod o sumamba rin kay Cristo, at ito ang ikaluwalhati ng Dios.

Anu pa ?




Gawa 5:31
"Siya'y pinadakila ng Dios ng kaniyang kanang kamay upang maging Principe at Tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel, at kapatawaran ng mga kasalanan."





Ginawa siya ng Dios bilang tagapagligtas. . .at Ang higit sa lahat ng pagka TAO ni Cristo. .ang pagiging tagapamagitan ni Cristo sa Dios at sa TAO.



I Timoteo 2:5
"Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,"





Maraming mga patotoO sa Biblia na talagang si Cristo ay iba sa pangkaraniwang tao kay mali ang kanilang paratang na  ang mga IGLESIA NI CRISTO  ay TAO lamang ang pagtingin kay Cristo. .



Ang lahat ng katangian ni Cristo ay galing sa Dios at AMA ni Cristo. kaya ang katangian ng tunay na Dios. ay walang Simula at walang pinanggalingan. .



Awit 90:2:
"Bago mo nalabas ang mga
bundok, O bago mo nilikha ang
lupa at ang sanglibutan, Mula
nga ng walang pasimula
hanggang sa walang hanggan,
ikaw ang Dios."




Sanay malinaw sa lahat.salamat po.

6 (na) komento:

  1. wala namang binangit sa Awit 80:17 na si cristo ang tinutukoy dun ah? sino sumulat sa Awit - di ba si David, matagal pang panahon bago isinugo ng Dios si Cristo ng masulat yan

    TumugonBurahin
  2. Maraming salamat po marami po akong natutunan

    TumugonBurahin
  3. Colosas 2:8-9
    (Tagalog)/ MAGANDANG BALITA BIBLIA

    Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhan at madayang katuruan na hindi kay Cristo nagmula, kundi sa mga tradisyon ng mga tao at sa mga alituntunin ng mundong ito. Sapagkat likas kay Cristo ang buong pagka-diyos kahit na siya'y nag-katawang tao.

    TumugonBurahin
  4. Colosas 2:8-9
    (Tagalog)/ MAGANDANG BALITA BIBLIA

    Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhan at madayang katuruan na hindi kay Cristo nagmula, kundi sa mga tradisyon ng mga tao at sa mga alituntunin ng mundong ito. Sapagkat likas kay Cristo ang buong pagka-diyos kahit na siya'y nag-katawang tao.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 8 Mag-ingat kayo, na baka bihagin kayo ng sinuman sa pamamagitan ng pilosopiya at ng walang kabuluhang panlilin­lang, na ayon sa kaugalian ng mga tao, ayon sa mga espiritwal na kapangyarihan ng sanlibutanito at hindi naaayon kay Cristo.

      9 Ito ay sapagkat nananahan sa kaniyang katawan ang lahat ng kapuspusan ng kalikasan ng Diyos.

      Eto po yung orihinal na nakasulag wag mo pong baguhin yung nakasulat

      Burahin
  5. 8 Mag-ingat kayo, na baka bihagin kayo ng sinuman sa pamamagitan ng pilosopiya at ng walang kabuluhang panlilin­lang, na ayon sa kaugalian ng mga tao, ayon sa mga espiritwal na kapangyarihan ng sanlibutanito at hindi naaayon kay Cristo.

    9 Ito ay sapagkat nananahan sa kaniyang katawan ang lahat ng kapuspusan ng kalikasan ng Diyos.

    yes po tama po Proud INC here

    TumugonBurahin