Ang mga manunuligsa at Ibang mangangaral , masakit sa Loob nila tanggapin na pag mabanggit na ang "Hula o Propesiya" tungkol kay kapatid na FELIX Y MANALO yung sa isaias 46:11 ay Agad ito tutuligsain ng mga Kaibayo. Sapagkat Si Ciro nga talaga daw ang tinutukoy sa talatang Ito. Narito po ang laman ng talata ating balikan:
Isaias 46:11 “ Na tumatawag ng IBONG MANGDARAGIT mula sa silanganan, ng taong
gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”
Maliwanag po ang bangit sa talata na.
1.TAONG GUMAGAWA NG AKING payo
2.MULA SA MALAYONG LUPAIN
Atin po itong Isa isahin ang mga katangian na tinutokoy sa talata.Bilang pauna,Ang aklat po ni ISAIAS ay isang napakahirap unawaing aklat na tanging gabay ng TUNAY NA SUGO lamang ang makakapagbigay liwanag:
Gawa 8:27-31 “At siya'y nagtindig at yumaon: at
narito, ang isang lalaking taga Etiopia, isang bating na may dakilang kapamahalaan na sakop ni Candace, reina ng mga Etiope, na siyang namamahala ng lahat niyang kayamanan, at siya'y naparoon sa Jerusalem upang sumamba; At siya'y pabalik at nakaupo sa kaniyang karo, at BINABASA ANG PROPETA ISAIAS. At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong ito. AT TUMAKBO SI FELIPENG PATUNGO SA KANIYA, AT NAPAKINGGAN NIYANG BINABASA SI ISAIAS NA PROPETA, AT SINABI, NAUUNAWA MO BAGA ANG BINABASA MO? At sinabi niya, PAANONG MAGAGAWA KO, MALIBAN NANG MAY PUMATNUBAY SA AKING SINOMAN? AT PINAKIUSAPAN NIYA SI FELIPE NA PUMANHIK AT MAUPONG KASAMA NIYA.
Gaya ng pangyayaring iyan, pinatunayan na malibang ang ISANG TUNAY NA SUGO NG
DIYOS gaya ni Apostol Felipe ang magpaliwanag, walang makakaunawa riyang sinoman.
Ngayun balikan natin ang unang patotoo mula sa ISAIAS 46:11
1. TAONG GUMAGAWA NG PAYO
Sa Banal na kasulatan, anu pala itong tinutokoy na PAYO?atin pong basahin sa aklat ng Awit :
Awit 107:11 “Sapagka't sila'y nanghimagsik laban sa MGA SALITA NG DIOS, at hinamak ang PAYO NG
KATAASTAASAN:”
ito pala ay ang mga SALITA NG DIOS.. anu pa ? .
Awit 119:172 “Awitin ng aking dila ANG IYONG
SALITA; sapagka't lahat ng mga utos mo ay KATUWIRAN.”
Ang Salita ng Dios. . ay ang payo ng Dios. .at ang mga utos ng Dios na siya namang Katuwiran. kaya atin ito mapapatunayan mula sa Aklat ng Daniel :
Daniel 4:27 “Kaya't, Oh hari, tanggapin mo ang AKING
PAYO, at lansagin mo ng KATUWIRAN ang iyong mga kasalanan, at ng pagpapakita ng kaawaan sa dukha ang iyong katampalasanan; baka sakaling ikatibay ng iyong katiwasayan.”
Matitiyak po natin, na ang Ibong mandaragit, ito ay ang TAONG GUMAGAWA NG MGA PAYO,at KATWIRAN.Paano naman inihalintulad ang gumagawa ng kanyang KATWIRAN ?
1 Juan 3:7 “Mumunti kong mga anak, huwag kayong
padaya kanino man: ANG GUMAGAWA NG KATUWIRAN AY MATUWID, GAYA NIYA NA
MATUWID”:
Sabi ng BIBLIA:
“ANG GUMAGAWA NG KATUWIRAN AY MATUWID.”
Isang TAONG MATUWID ang GUMAGAWA ng KATUWIRAN, at sino ang NAKAKATULAD?
“GAYA NIYA NA MATUWID”
Nakakatulad Niya na MATUWID, sino ang tinutukoy ni Apostol Juan na MATUWID?
1 Juan 2:1 “Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag
mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may Tagapamagitan tayo sa Ama, SI JESUCRISTO ANG MATUWID:”
Maliwanag kung gayon:
"NA ANG IBONG MANDARAGIT NA TAONG GAGAWA NG PAYO O KATUWIRAN NG DIYOS AY ISANG “TAONG MATUWID” GAYA NI JESUCRISTO NA MATUWID.”
Ibig sabihin may pagkakatulad din kay CRISTO ang IBONG MANDARAGIT…
Ano ba ang TUNGKULIN ng TAONG MATUWID ayon sa aklat din ni Propeta ISAIAS?
Isaias 26:7 “ANG DAAN NG GANAP ay KATUWIRAN: IKAW NA MATUWID AY NAGTUTURO NG LANDAS NG GANAP.
Ito palang matuwid na na kagaya ng Gawain ni Cristo, ay tagapagturo o mangangaral ng mga Salita ng Dios. anu ang itinuro ni Cristo na mga salita?
Juan 14:24 “Ang hindi umiibig sa akin ay hindi
tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang
inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang
nagsugo sa akin.”
SALITA NG AMA NI CRISTO ang itinutoro ng MATUWID na kagaya ng gawain ni Cristo. . na Isang mangangaral. o gumagawa ng Payo ng Dios..
______________
Ngayun. puntahan naman natin Si CIRO.
Anu ba ang gawain ni CIRO,at anu ang kanilang pinanghahawakang mga talata? na sabi pa nila,kaya daw si Ciro yan ay sa mga naunang mga talata ay binanggit ang pangalan ni Ciro. Tama kaya ang haka haka nila?
Narito po ating Liwanagin.
Isaias 44:28 “Na nagsasabi tungkol kay CIRO, Siya'y
aking pastor, at isasagawa ang lahat kong kaligayahan: NA NAGSASABI NGA RIN TUNGKOL SA JERUSALEM, SIYA'Y MATATAYO; AT SA TEMPLO, ANG IYONG PATIBAYAN AY MALALAGAY.”
Isaias 45:1, 4 “GANITO ANG SABI NG PANGINOON SA KANIYANG PINAHIRAN NG LANGIS, KAY CIRO, NA ANG KANANG KAMAY AY AKING HINAWAKAN, UPANG MAGPASUKO NG MGA BANSA SA HARAP NIYA; at aking kakalagan ang mga balakang ng mga hari; upang magbukas ng mga pintuan sa unahan niya, at ang mga pintuang-bayan ay hindi masasarhan;… Dahil sa Jacob na aking lingkod, at sa Israel na aking pinili tinawag kita sa iyong pangalan: aking pinamagatan ka, bagaman hindi mo nakilala ako.”
Makikita sa mga talatang iyan na si Ciro, hari ng Persia ay inatasan ng Diyos sa isang
tanging gampanin na:
“SA JERUSALEM, SIYA'Y MATATAYO; AT SA TEMPLO, ANG IYONG PATIBAYAN AY MALALAGAY.”
Upang magtayo ng Templo o Bahay ng Diyos sa Jerusalem, at:
“UPANG MAGPASUKO NG MGA BANSA SA HARAP NIYA.”
Maliwanag po ang kaniyang Misyon:
MAGTATAYO NG TEMPLO SA JERUSALEM at MAGPAPASUKO NG MGA BANSA
At ito ay pinatotohanan ni Haring CIRO na ipinagutos ng Diyos sa kaniya:
2 Cronica 36:23 “GANITO ANG SABI NI CIRO NA HARI SA PERSIA: LAHAT NG KAHARIAN SA LUPA AY
IBINIGAY SA AKIN NG PANGINOON, NG DIOS NG
LANGIT; AT KANIYANG BINILINAN AKO NA
IPAGTAYO SIYA NG ISANG BAHAY SA JERUSALEM, NA NASA JUDA. Sinomang mayroon sa inyo sa buong kaniyang bayan, sumakaniya nawa ang Panginoon niyang Dios, at umahon siya.”
Maliwanag po na ang Gawain ni Ciro ay hindi isang mangangaral na gumagawa ng kanyang payo para ipangaral ang kanyang mga Salita. .
ang ikalawang patotoo mula sa Isaias 46:11
2.MULA SA MALAYONG LUPAIN
Saan ba itong malayong lupain? may binanggit ba talagang dako na ating dapat mapansin?
sipiin natin muli ang talata :
Isaias 46:11 “Na tumatawag ng ibong
mangdaragit mula sa SILANGANAN, ng taong
gumagawa ng aking payo mula sa MALAYONG LUPAIN ; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin.”
Malinaw po na ang taong mangangaral na mula sa Malayong lupain ay yun din ay nagmula sa Silanganan. . Saan naman magmumula ang lahi ng Tao na ito?
Sa Isa. 43:5-6, ay sinasabi ang ganito:
“ Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa SILANGANAN, at pipisanin kita mula sa kalunuran; “Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa.”
Malinaw po na na mula ito sa Malayo na silanganan,pero papalusot parin ang iba,sapagkat hindi raw magkarugtong ang SILANGANAN at MALAYO. magkaibang talata daw. .
Sa BIBLIANG ingles kaya. . ang MALAYO AT SILANGAN. magkadugtong kaya?
Sa Isa. 43:5, sa salin ni James Moffatt, ay ganito
ating Sipiin :
“From the far east will I bring your offspring…”
(Mula sa Malayong Silangan ay dadalhin ko ang iyong lahi…).
Malinaw na malinaw po na talagang mula sa malayong Silangan ang tao na mangangaral na tumupad ng kanyang payo. .TotoO po kaya na ang Pilipinas ay bahagi ng MALAYONG SILANGAN?
Sa World History nina Boak, Slosson at Anderson, sa Pahina 445, ay ganito ang
sinasabi:
“The Philippines were Spain’s share of the first
colonizing movement in the Far East.”
Sa Wikang Pilipino:
“Ang Pilipinas ay naging bahagi ng Espanya sa unang kilusan sa pananakop sa MALAYONG SILANGAN”
at kung napansin din po ninyu. ito ay sa panahun ng MGA WAKAS NG LUPA na binanggit sa taas ng talatang Isaias 43:6. Anu ang kahalalan na bingay sa kanya?
Sa Isa. 41:9, ay ganito ang sinasabi:
“Ikaw na aking hinawakan mula sa mga WAKAS NG LUPA, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita,Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil.”
Pinili sya ng Dios at pinili mula sa panahon ng mga WAKAS NG LUPA.Saan ba nagmula ang gawain at saan patungo ang gawain?
narito po :
Isaias 43:5 “ Huwag kang matakot, sapagkat ako'y
kasama mo! Titipunin ko kayo mula sa DULONG SILANGAN hanggang sa KANLURAN, at ibabalik ko kayo sa inyong DATING TAHANAN .”
[Magandang Balita, Biblia ]
Ang gawain ng sugo ay hindi lamang magsisimula sa Malayo o Dulong Silangan, kundi
makakaabot hanggang sa kanluran. Sa madaling salita, ang gawain ng Sugo na magsisimula sa Pilipinas ay tatawid-dagat at makakaabot hanggang sa mga bansa na nasa Kanluran – at natupad ang hulang ito ng Diyos ng ang Iglesia ay nakarating sa Hawaii noong 1968, at pagkatapos noon ito ay unti-unting na itong lumaganap sa mga Estado ng America at maging sa bansang Canada at sa mga iba pang bansa na nasa Kanluran. At doon na nagsimula ang paglaganap sa buong daigdig ng Iglesia na nagmula sa Pilipinas.
Sinabi rin ng Diyos na kaniyang ibabalik ang gawain ng sugo sa kaniyang DATING TAHANAN, na ang tinutukoy ay ang JERUSALEM.
Psalms 132:13,.14 " Lord. you have chosen Jerusalem as your home: 'This is my permanent home where I shall live' , you said, 'for I have always wanted it this way.¨ (The Living Bible)
Ang dating tahanan ay ang Jerusalem, doon din naitatag ni Cristo noong Unang Siglo ang Unang Iglesia ni Cristo na naitalikod ng mga bulaang propeta. Ngunit hindi pumayag ang Diyos na manatiling walang Tunay na Iglesia kaya siya nagsugo upang muling maitayo ang Iglesia ni Cristo . At natupad din ang hulang ito dahil muling nakabalik ang Iglesia ni Cristo sa Jerusalem noong Marso 31, 1996 na nakapagtatag ng local o Kongregasyon doon sa pamamagitan ng pangangasiwa ni Kapatid na Erano G. Manalo ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia na siyang nagpatuloy ng gawaing ito ng Sugo nang ang Ka Felix ay pumanaw noong 1968.
Kaya imposibleng maging si Ciro ang nasa hula. .naway malinaw ito para sa lahat.
salamat po.
Maraming salamat po kapatid. Pa copy po :)
TumugonBurahinMandirigma si Haring Ciro
TumugonBurahinAnsabe ay
Isasagawa ang aking payo hindi ipapangaral ang aking payo
Naisagawa naman ni Haring Ciro sa Isaias 44:28
Nagtayu sya ng templo kaya nailapit muli ang tao
Gusto kase ng diyos mailapit muli ang tao kaya isinagawa ni Haring Ciro ang pagtatayo ng Templo sa Jerusalem
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
Burahin𝗦𝗶 𝗖𝘆𝗿𝘂𝘀 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗻𝗴𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗘𝗯𝗮𝗻𝗴𝗵𝗲𝗹𝘆𝗼!
TumugonBurahinKung si Cyrus ang “ibon na mandaragit (Isa. 46:11), saan mismo sa Kasulatan sinabi na ang kanyang atas ay mangaral ng Ebanghelyo?
Meron ba? Wala!
Ang salitang "payo" sa (Isa 46:11) ay ang ‛êtsâh na salitang Hebrew:
H6098 עֵצָה ‛êtsâh
From H3289; advice; by implication plan; also prudence: - advice, advisement, counsel ([-lor]), purpose.
Ang ginamit ng bibliang Tagalog AB ay "payo." Ang translation naman ng mga English bibles ay iba-iba, merong "counsel," "purpose," "plan," "advise," at 'will." Kung ang pagbabasehan ay ang mga nagawang pagpapalaya ni Cyrus sa mga exiles, paglalatag ng pundasyon at konstruksyon ng Bahay ng Diyos, at rebuilding ng Jerusalem—ang tamang salin ay yaong nagbibigay ng sense patungkol sa mga ito.
Ang pangangaral ng Ebanghelyo ay *HINDI kasama* sa misyon ni Cyrus.
Ang malinaw na ipinagawa kay Cyrus ay ang pagsasakatuparan ng layunin ng Diyos: muling itayo ang Jerusalem at ang Templo at palayain ang mga exiles ng Diyos (Ezra 1:1–3; 6:3–5; 2 Cron. 36:22–23; Isa. 45:13).
Kaya ang argumento na hindi maaaring si Cyrus ang “ibon na mandaragit” dahil hindi siya nangaral ng Ebanghelyo ay 𝙣𝙖𝙜𝙡𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙜 𝙞𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙠𝙤𝙣𝙙𝙞𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙖 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙨𝙖𝙖𝙙 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙖𝙩𝙖𝙨.
Kung gayun, sino ang inatasang mangaral ng Ebanghelyo?
Ang 𝙢𝙖𝙡𝙞𝙣𝙖𝙬 𝙣𝙖 𝙞𝙣𝙖𝙩𝙖𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙣𝙜𝙖𝙧𝙖𝙡 𝙣𝙜 𝙀𝙗𝙖𝙣𝙜𝙝𝙚𝙡𝙮𝙤 ay isa ring Anointed na matatagpuan dito rin sa Isaiah:
Isa 61:1-2 (BSB)
1) The Spirit of the Lord GOD is on Me, because 𝘁𝗵𝗲 𝗟𝗢𝗥𝗗 𝗵𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗼𝗶𝗻𝘁𝗲𝗱 𝗠𝗲 𝙩𝙤 𝙥𝙧𝙚𝙖𝙘𝙝 𝗴𝗼𝗼𝗱 𝗻𝗲𝘄𝘀 to the poor. He has sent Me to bind up the brokenhearted, to proclaim liberty to the captives and freedom to the prisoners,
2) to proclaim the year of the LORD’s favor...
Iniugnay mismo ng 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝗛𝗲𝘀𝘂𝘀 ang propesiya na nakasaad sa itaas sa Kanyang ministeryo na mababasa sa Luk 4:18–21.
May 𝗶𝘁𝗶𝗻𝗮𝗸𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 ang Diyos upang ihayag 𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙞𝙬𝙖𝙜𝙖 𝙣𝙜 𝙀𝙗𝙖𝙣𝙜𝙝𝙚𝙡𝙮𝙤, at kung sino ang gaganap:
Eph 3:3-6 (BSB)
3) that is, 𝘁𝗵𝗲 𝗺𝘆𝘀𝘁𝗲𝗿𝘆 made known to me by revelation, as I have already written briefly.
4) In reading this, then, you will be able to understand my insight into the mystery of Christ,
5) 𝙬𝙝𝙞𝙘𝙝 𝙬𝙖𝙨 𝙣𝙤𝙩 𝙢𝙖𝙙𝙚 𝙠𝙣𝙤𝙬𝙣 𝙩𝙤 𝙢𝙚𝙣 𝙞𝙣 𝙤𝙩𝙝𝙚𝙧 𝙜𝙚𝙣𝙚𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙨 as it has now been revealed by the Spirit to God’s holy apostles and prophets.
6) 𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗺𝘆𝘀𝘁𝗲𝗿𝘆 is that through the gospel the Gentiles are fellow heirs, fellow members of the body, and fellow partakers of the promise in Christ Jesus.
Gal 1:11-12 (BSB)
11 For I certify to you, brothers, that the gospel I preached was not devised by man.
12 I did not receive it from any man, nor was I taught it; rather, 𝙄 𝙧𝙚𝙘𝙚𝙞𝙫𝙚𝙙 𝙞𝙩 𝙗𝙮 𝙧𝙚𝙫𝙚𝙡𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙛𝙧𝙤𝙢 𝙅𝙚𝙨𝙪𝙨 𝘾𝙝𝙧𝙞𝙨𝙩.
Kaya bakit natin hahanapin kay Cyrus ang gawain na hindi naman ipinagkatiwala sa kanya ng Panginoong Diyos? (Para ipalit si FYM?!)
𝗔𝗻𝗴 𝗥𝗶𝗴𝗵𝘁𝗲𝗼𝘂𝘀𝗻𝗲𝘀𝘀 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗞𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗜𝗹𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 (𝗜𝘀𝗮𝗶𝗮𝗵 𝟰𝟲:𝟭𝟯)
Rom 3:21-22 (BSB)
21 But now, apart from the law, 𝙩𝙝𝙚 𝙧𝙞𝙜𝙝𝙩𝙚𝙤𝙪𝙨𝙣𝙚𝙨𝙨 𝙤𝙛 𝙂𝙤𝙙 𝙝𝙖𝙨 𝙗𝙚𝙚𝙣 𝙧𝙚𝙫𝙚𝙖𝙡𝙚𝙙, as attested by the Law and the Prophets.
22 And 𝙩𝙝𝙞𝙨 𝙧𝙞𝙜𝙝𝙩𝙚𝙤𝙪𝙨𝙣𝙚𝙨𝙨 𝙛𝙧𝙤𝙢 𝙂𝙤𝙙 𝙘𝙤𝙢𝙚𝙨 𝙩𝙝𝙧𝙤𝙪𝙜𝙝 𝙛𝙖𝙞𝙩𝙝 𝙞𝙣 𝙅𝙚𝙨𝙪𝙨 𝘾𝙝𝙧𝙞𝙨𝙩 to all who believe. There is no distinction.
Rom 3:25-26 (BSB)
25 God presented Him as the atoning sacrifice through faith in His blood, in order 𝙩𝙤 𝙙𝙚𝙢𝙤𝙣𝙨𝙩𝙧𝙖𝙩𝙚 𝙃𝙞𝙨 𝙧𝙞𝙜𝙝𝙩𝙚𝙤𝙪𝙨𝙣𝙚𝙨𝙨, because in His forbearance He had passed over the sins committed beforehand.
26 He did this 𝙩𝙤 𝙙𝙚𝙢𝙤𝙣𝙨𝙩𝙧𝙖𝙩𝙚 𝙃𝙞𝙨 𝙧𝙞𝙜𝙝𝙩𝙚𝙤𝙪𝙨𝙣𝙚𝙨𝙨 at the present time, so as to be just and to justify the one who has faith in Jesus.
Walang sinuman ang KARAPAT-DAPAT na magsagawa ng mga ito maliban sa Panginoong Jesus at ang Banal na Espirito!
May karugtong sa ibaba...
...Karugtong
TumugonBurahin𝗦𝗶𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗶𝗻𝘂𝘁𝘂𝗸𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗦𝘁𝘂𝗯𝗯𝗼𝗿𝗻 𝘀𝗮 𝗜𝘀𝗮𝗶𝗮𝗵 𝟰𝟲:𝟭𝟮?
Isa 46:12 (ESV) “Listen to me, you 𝘀𝘁𝘂𝗯𝗯𝗼𝗿𝗻 of heart, you who are far from righteousness:
Sagot:
Ezk 3:7 (ESV) ...because all the house of Israel have a hard forehead and a 𝐬𝐭𝐮𝐛𝐛𝐨𝐫𝐧 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭.
Isa 48:1 (BSB) Listen to this, O house of Jacob (Israel)...
...
Isa 48:4 (BSB) For I knew that 𝐲𝐨𝐮 𝐚𝐫𝐞 𝐬𝐭𝐮𝐛𝐛𝐨𝐫𝐧; your neck is iron and your forehead is bronze.
Jer 5:23 (BSB) But these people (house of Israel v15) have 𝘀𝘁𝘂𝗯𝗯𝗼𝗿𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝗯𝗲𝗹𝗹𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗵𝗲𝗮𝗿𝘁𝘀. They have TURNED ASIDE and GONE AWAY.
Ayon sa Roma 3:10, “Walang matuwid, kahit isa.” Ngunit ang mga malayo sa katuwirang tinutukoy sa talata 12 ay ang mga stubborn o matitigas ang puso. Kaya ang paglalarawang ito ay angkop sa Sambahayan ni Juda at Sambahayan ni Israel, at 𝙨𝙞𝙡𝙖 𝙢𝙞𝙨𝙢𝙤 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙡𝙪𝙢𝙞𝙝𝙞𝙨 𝙖𝙩 𝙡𝙪𝙢𝙖𝙮𝙤 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙩𝙪𝙬𝙞𝙧𝙖𝙣 (Jer 5:23). Dahil sa stubbornness ng Sambahayan ni Juda kaya sila naging mga bihag ng Babilonia.
Ang mga stubborn ay yaong dati ng napangaralan ng paulit-ulit pero ayaw pa ring magbago, HINDI YAONG mga bagong nakarinig pa lamang o hindi pa nakarinig ng pangangaral.
𝗦𝗶 𝗙𝗲𝗹𝗶𝘅 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼 𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗛𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗦𝘂𝗴𝗼?
Kung iaangkop sa kanya ang pahayag sa Isaiah 46:13 na “ANG AKING PAGLILIGTAS AY HINDI MAGHIHINTAY,” hindi ba nangangailangan ito ng napakahabang paghihintay?
Hindi maaaring angkinin ni FYM at ng INC na siya ang katuparan ng “Ibong Mandaragit” at ang maglalapit ng Katuwiran (Isaiah 46). Wala siyang kaugnayan sa mga talatang ito, at HINDI SIYA KARAPAT-DAPAT! Ang binanggit na Katuwirang ilalapit ay 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙞𝙨𝙢𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙮𝙨𝙩𝙚𝙧𝙮𝙤 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣𝙤𝙤𝙣𝙜 𝙅𝙚𝙨𝙪𝙨 𝙣𝙖 𝙣𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣𝙜𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙥𝙖𝙥𝙖𝙠𝙤 𝙨𝙖 𝙠𝙧𝙪𝙨! Hindi ito puwedeng tumutukoy lamang sa ISANG EXCLUSIVE na pangangaral ng sinumang tao o kahit ng sinumang apostol; at hindi nila ito inangkin.
Gumagamit nga ng mga talata sa Biblia, ngunit ang ilan sa mga ito ay taken out of context, at ikinokonekta sa ibang mga talata upang maipasok ang “pananaw,” pagkiling, o konsepto ng INC.
Mas mabuting magsimula tayo sa teksto mismo kaysa magsimula sa isang konklusyon at pagkatapos ay hahanap ng mga talatang susuporta rito.
Dito nagiging mahalaga ang pagkakaiba ng exegesis at eisegesis:
Exegesis — The careful, objective analysis of a text to find its true, original meaning.
Eisegesis — The subjective interpretation of a text by injecting personal ideas, biases, or preconceived notions.
Pagka-akyat ng Panginoong Jesus ay isinugo ang Banal na Espiritu upang tumulong sa pagpapalaganap ng Magandang Balita. Makikita sa Bagong Tipan ang mahalagang gawain ng Banal na Espiritu:
• Inihayag Niya ang hiwaga tungkol sa mga Judio at Gentil (Ef. 3:5);
• Binigyan Niya ng tapang ang mga apostol upang maging mga saksi (Gawa 2);
• Pinagtibay Niya ang pangangaral sa pamamagitan ng mga tanda at himala (Gawa 3:6; Roma 15:19); at
• Ginabayan Niya ang gawain ng mga apostol sa kanilang misyon (Gawa 10; 16:6–7).
Mahalagang isaalang-alang ang buong larawan ng paglalapit ng Panginoong Diyos ng Kanyang Katuwiran: ang gawain ng Panginoong Jesus, ang gawain ng Banal na Espiritu, ang mga apostol, at ang mensahe ng Ebanghelyo.
Sa mga miembro ng INC, babalewalain ba natin ang mga ito para bigyang daan ang turo ni FYM at ng INC na siya ang kinatuparan ng hula tungkol sa ibong mandaragit at ng maghahatid ng katuwiran palapit sa Zion?
Tularan natin ang mga Bereans:
...“Sinuri nila araw-araw ang mga Kasulatan upang malaman kung totoo ang mga bagay na itinuturo sa kanila.”
— Gawa 17:11
Dapat nating basahin ang buong Bibliya at maging pamilyar sa mga aklat nito dahil paminsan-minsan ay ipapaalala sa atin ng Banal na Espiritu ang mga talata sa Bibliya upang maghatid ng mensahe. Kung minsan, Siya ay magbibigay ng panaginip na, kapag ininterpret gamit ang Salita ng Diyos, ay makikita ang mensahe. At dapat nating i-konsidera ang sitwasyon at timing.
Anyone can copy and paste