Mga Pahina

Huwebes, Pebrero 5, 2015

Kung IGLESIA NI CRISTO na, bakit nagdusa at naghirap rin sa mundo?





Bigyan po natin ng kasagutan at paglilinaw ang ilang bahagi na nais mabigyang linaw ng ilang nagsusuri at higit narin sa mga KAPATIRAN sa loob ng Iglesia Ni Cristo upang mas lalong maintindihan kung bakit nga ba kasama pa ang mga kaanib sa mga pagdurusa sa mundong ito? Ganito ang tanong ni Aser Catindig Aguilar:

"  Subalit bkit sa tuwing nagpapadama ang Diyos ng Galit s sanlibutan ay nadadamay ang kanyang mga "hnirang". Npakalaking palaisipan sa akin nuong dumating c Yolanda at marami pang gaya niya at meron pang magkakaibang masalimuot na pangyayari na Damay ang mga "hnirang". ? D ba't may pangako ang Diyos s kanyang bayan na kapag sila'y tumawag ay Kaniyang diringgin cla?  Nasaan ang Pangako? Hndi ba't d2 p lamang s buhay na ito ay makikita ng buong sanlibutan na ang tunay n bayan, Naroon ang Diyos?. . . . . . "




Noong nakaraang issue ay naibahagi natin ang kaparaanan kung PAANO matatamo ng tao ang tunay na KAPAYAAN at KAPANATAGAN sa buhay na ito. Napatunayan rin natin na ang tanging pag-asa natin ay ang maging KABILANG SA KATAWAN ni Cristo kung saan doon ang tunay na KAPAYAPAAN.


Kung ang Iglesia ni Cristo ay natubos na, bakit kasama sa nagdurusa sa mundong ito? Ito po ay sapagkat hindi lamang ang KARAPATANG MAGLINGKOD sa Diyos at kay Cristo ang tinamo nila kundi maging ang PAGTITIIS alang-alang kay Cristo:


" Ipinagkaloob niya sa inyo ang karapatang makapaglingkod kay Cristo, HINDI LAMANG ANG MANALIG SA KANIYA, KUNDI ANG MAGTIIS DIN NAMAN DAHIL SA KANIYA" [Filipos 1:29, MB]


Malinaw po ang nakasaad, ang hirap at pagdurusang dinaranas ng isang kaanib sa Iglesia ni Cristo sa mundong ito ay HINDI TULAD NG DINANAS NG MGA TAO NG SANLIBUTANG ITO. Amg tiisin ng mga tao ng sanlibutan ay hindi lamang sa mundong ito, sapagkat pagdating ng araw ng paghuhukom ay malilipol sila sa pamamagitan ng apoy [2 Ped. 3:10] at nakatakda pang parusahan sa dagat-dagatang apoy na doo'y WALANG HANGGANG PAGDURUSA ang dadaranasin nila [Apoc.21:8]


Ibang iba po ito sa tiyak na kahahantungan ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na nakapaninindigan at nakapagtiis hanggang sa wakas, may pagtitiis din :


Mateo 24:13" Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas. "


May pagtiis po talaga, subalit, TINIYAK ng Biblia na Sila'y magiging MAPALAD dahil may Hangganan ang kanilang pagpapagal:



" At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, 'Isulat mo ito: mula ngayon, MAPAPALAD ANG NAGLILINGKOD SA PANGINOON HANGGANG KAMATAYAN!' 'Tunay nga,' sabi ng Espiritu. Mangagpahinga na sa kanilang pagpapagal; sapagkat susundan sila ng kanilang mga gawa. ' ". . . .
" Kaya't kailangang MAGPAKATATAG ANG MGA HINIRANG NG DIYOS, ang mga sumusunod sa utos ng Diyos at nananatili sa pananalig kay Jesus [Apoc. 14:13,12, MB]


Sa BAYANG BANAL na Pangako ng Diyos matatamasa ng mga hinirang ang KAPAHINGAHANG IPINANGAKO [Apoc. 21:1-4]

Kaya ang Iglesia ni Cristo ang lunas sa pagdurusa at kahirapan ng mga tao sa mundong ito. Dahil ang nasa loob ng Iglesia ni Cristo at ang makapananatili rito hanggang sa kamatayan ang tiyak na makakapasok sa Bayang Banal, na doon ay hindi na mararanasan pa ang mga hirap, dusa , at kadalamhatiang nararanasan sa mundong ito.

Suriin at sariwain natin, BAKIT nga ba may ganitong pangyayari? Ano ang kahulugan ng mga ito? Ito po ay bunga ng pagkakahiwalay ng tao sa Diyos:


" Kung magkagayon, magagalit ako sa kanila. Itatakwil ko sila't tatalikdan, at sila'y madaling mabibihag ng kaaway. Masusuong sila sa mga kaguluhan at kapahamakan hanggang sa mapag-isip-isip nilang ito'y dahil sa akong Diyos nila ay hindi nila kasama " [Deut. 31:17, Magandang Balita Biblia]


Ganito ba ang gusto ng Diyos? Hindi po, hindi po ganito ang panukala ng Dios, naipahayag na po natin ito noong nakaraan. Ang tao ay nilikha ng Diyos sa kabutihan:


" Ito lamang ang natitiyak ko: ang tao'y nilikha ng Diyos sa KABUTIHAN, ngunit ang tao'y nag-iisip ng kung anu-anong bagay." [Ecles. 7:29, MBB]


Dapat bang sisihin ang Diyos ? Hindi po, ang tao ang nag-isip at gumawa ng di naaayon sa PANUKALA NG DIYOS at sa maraming pagkakataon ay nilalabag pa ang Kaniyang aral. Kaya't sa halip na tamasahin ang kabutihan ng Diyos, tiyak na parusa ang kanilang daranasin:


" Kung ang aking aral ay di pakikinggan At ang Kautusa'y hindi iingatan, Kung gayon, daranas sila ng PARUSA SA GINAWA NILANG MGA KASAAMAN, SILA'Y HAHAMPASIN SA GINAWANG SALA " [Awit 89:31-32, MBB]


Hindi lang mabibigo ang tao na MAPABUTI ang kaniyang buhay sa mundong ito, mag mabigat na parusa pang itinakda ang Diyos dahil sa kasalanan, at yon ang binanggit natin sa unahan na ito ang dagat-dagatang apoy [Apoc. 20:14]


Kung gayon, e baka maisip at maitanong naman ng ilan, SINUMP pala ang lahat ng tao, e di kasama pala kayo mga INC?. Ano nga ba ang LUNAS dito sa kahirapan? Noon pang nakaraang issue ay natiyak na natin na ang tanging lunas uoang makamit ang kapayapaan ay ang umanib sa Iglesia ni Cristo, kaya naman, UPANG MAKALAYA ang tao sa sumpa sa mundong ito, gaano ba natin matitiyak na tunay sa IGLESIA ni Cristo lamang matatagpuan? Ganito ng sagot:



" SA SUMPA NG KAUTUSAN AY TINUBOS TAYO NI CRISTO, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't binibitay sa punong kahoy " [Galacia 3:13]

Napansin po ninyo, ang pagkalaya sa sumpa (ang sumpa na buong kabayaran ay gaya ng ating sinabi na doon sa dagat-dagatang apoy), ay kasama sa tinubos ni Cristo, sapagkat ang mahalagang dugo ni Cristo ang ipinantubos sa KASALANAN:


" Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang;
Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, SA MAKATUWID BAGA'Y ANG DUGO NI CRISTO "[ 1 Pedro 1:18-19]

Ang tinubos ng dugo ni Cristo, sa marami ng pag-aaral ay ang Iglesia ni Cristo [Gawa 20:28, Lamsa Translation]. Kaya, ang dinaranas na pagdurusa ng tao sa mundong ito ay BUNGA NG PAGKAKASALA ng tao, sublit, ang buong kabayaran ng PAGKAKASALA ng tao ay sa dagat-dagatang apoy. Ito ang tanging lunas at pag-asa ng tao upang makalaya dito. Hindi MAIIWASAN kahit pa kaanib man ng IGLESIA NI CRISTO ang mga tiisin, sapagkat, bahagi na ito ng paglilingkod sa Diyos, at kay Cristo. Kay, hindi man makakamit ang MGA BAGAY SA MUNDONG ITO, BUNGA NG KAWALAN, may naghihintay namang tunay na KAPAYAPAAN, KAPANATAGAN at TUNAY NA BUHAY doon lamang sa bayang banal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento