Hindi kaila sa lahat ang mga nangyayari ngayon sa mundo. Sa magkabi-kabila'y may KAGULUHAN. Bagaman ang lahat ay NAGHAHANGAD ng kapayapaan, gayunpaman laganap ang kaligaligan sa maraming dako. Sa PILIPINAS lamang, may bagong kagimbal-gimbal na pangyayari na nakatawag pansin sa buong mundo ang PATAYAN NA NAGANAP kamakailan lamang, hindi lang iyon maging ang KAHIRAPANG natatamasa ng marami na nakapagdulot ng dalamhati sa marami. Isang masalimoot na pangyayari na naging MAHABANG PAKSA at naging TAWAG sa karamihan upang magdanas ng matinding emosyon at minsan hahantong sa masamang mithiin.
Nakakalungkot hindi po ba? Hindi lamang iyan, sapagkat ang karamihan ay dumaraing rin ng HIRAP. Marami ang nawalan ng hanapbuhay o walang hanapbuhay o mayroon mang trabaho ay kulang ang kinikita para sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Dama sa maraming bansa ang KAGULUHAN AY HIGIT ANG KAGUTOM.
Kaya, naitatanong ng ilan: BAKIT NAGKAGANITO ANG MUNDO? BAKIT NAGHIHIRAP AT NAGUGUTOM NANG GANITO ANG MARAMING TAO? GANITO BA TALAGA ANG NAIS NG DIYOS NA MAGING KALAGAYAN NG TAO?
Ang totoo, noong una'y maginhawa ang buhay ng tao. Hindi kailangang ang tao ay magpatulo ng pawis para kumain, sapagkat bago pa siya nilalang ng Diyos ng Diyos ay inihanda na ang kaniyang magiging tahanan, ANG HALAMANAN NG EDEN. Doo'y pinatubo ng Diyos ang lahat ng punong kahoy na nakalulugod sa paningin at mabubuting kainin. Naroon din ang punong kahoy ng buhay at ang punong kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama. Maligayang nabubuhay ang tao sa piling ng DIYOS [Gen. 2:8-15].
NAAKIT NG MALING PALIWANAG
Subalit dumating ang ahas na manunukso. Ito ang diablo o si satanas [Apoc. 12:9]. Dinaya niya si Eva sa pamamagitan ng Kaniyang mga kasinungalingan. Tinuruan niyang sumuway ang tao sa utos ng Diyos na :
Genesis 2:16-17 " ... Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan
" Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka. "
Sinabi ng manunukso na
Genesis 3:4-5 " ... Tunay na hindi kayo mamamatay: Sapagka't talastas ng Dios na sa araw na kayo'y kumain niyaon ay madidilat nga ang inyong mga mata, at kayo'y magiging parang Dios, na nakakakilala ng mabuti at masama. "
Nahulog si Eva sa bitag ng diablo, kaya :
Genesis 3:6 " ... pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain. "
Ang pangyayaring ito'y malaking leksiyon sa tao. Kailanman ay hindi dapat paakit kaninuman sa alinman o anumang paliwanag na salungat sa mga salita ng Diyos na nasusulat sa Banal na Kasulatan upang huwag mapahamak gaya ng sinapit ni Eva at ng kaniyang asawa.
SINUMPA ANG LUPA, ANG TAO, AT ANG IKABUBUHAY NG TAO
Dahil sa pagsuway na ginawa ng mga unang tao, sinabi ng Diyos sa lalaki na:
Genesis 3:17-19 " ... Sapagka't iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo; kakain ka sa kaniya sa pamamagitan ng iyong pagpapagal sa lahat ng mga araw ng iyong buhay
" Ang isisibol niyaon sa iyo ay mga tinik at mga dawag; at kakain ka ng pananim sa parang
" Sa pawis ng iyong mukha ay kakain ka ng tinapay, hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka't diyan ka kinuha: sapagka't ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi. "
Bunga ng sumpa ng Diyos sa mga unang tao dahil sa kanilang kasalanan, sila na dati ay hindi NAGHAHANAPBUHAY AY KINAILANGAN NANG MAGSIKAP at MAGPAGAL para sa kanilang ikabubuhay. Mula rin noon, tinakdaan ng Diyos ng kamatayan ang tao. Ang tao na nagmula sa alabok ay sa ALABOK DIN UUWI.
Tangi sa kamatayang pagkalagot ng hininga, itinakda rin ng Diyos na ang taong nagkasala ay IBUBULID SA DAGAT-DAGATANG APOY na siyang ikalawang kamatayan upang doon ay magdusa magpakailanman araw at gabi ng WALANG KAPAHINGAHAN sa apoy at asupre [Apoc. 20:5, 14; 14:9-11]. Dahil sa gawang masama, itinuring na ng Diyos na kaaway Niya ang tao [Col. 1:21]. Sa ganitong kalagayan, ang tao, sa harap ng Diyos bagaman buhay ay PATAY NA [1Tim.5:6]. Nahiwalay na ang tao sa Diyos, kaya, kahit pa tumawag ay hindi na sasagutin ng Diyos [Isa. 59:2]. Ito ang naging masaklap na kalagayan ng tao sa harap ng Diyos.
ANG LAHAT AY NAGKASALA
Ngunit, bakit sa kasalanan ng mga unang tao'y naramay ang buong sanlibutan? Ibig bang sabihin ay MINANA NG TAO ANG KASALANAN NINA ADAN AT EVA? Hindi minamana ang kasalanan. Ang kasalanan ay pagsalangsang sa kautusan [1 Juan 3:4]. Ang lahat ng tao ay nagkaroon ng kamatayan, sapagkat nang ang mga unang tao ay magkasala, PINALAYAS sila sa HALAMAN NG EDEN at PINABANTAYAN sa mga keruben ang daang patungo sa punong kahoy ng buhay upang huwag silang makakain ng buong bunga niyaon [Genesis 3:23-24]. Ito ang dahilan kaya lahat ng ipinanganak sa labas ng halaman ng eden ay nagkaroon ng kamatayan. Sinabi ni Apostol Pablo:
Roma 5:12" Kaya, kung paano na SA PAMAMAGITAN NG ISANG TAO AY PUMASOK ANG KASALANAN sa sanglibutan, AT ANG KAMATAYA'Y SA PAMAMAGITAN NG KASALANAN; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala "
Ang lahat ay nagsilihis; walang gumagawa ng mabuti kahit isa. Kaya naman, ang buong sanlibutan ay napasa ilalim ng HATOL NG DIYOS [Roma 3:11-12,19]. Hindi kataka-taka kung gayon, na sa mundong ito ngayon ay NAGHAHARI ANG KAGULUHAN, DIGMAAN, AT SARI-SARING KASAAM. Dahil sa kasalanan, sinumpa ng Diyos ang lupa, ang tao, at pati ang ikabubuhay niya:
Isaias 24:5-6
" Ang daigdig na ito ay magiging karumal-dumal Dahil sa mga taong may MARUMING PAMUMUHAY; MGA TAONG LUMALABAG SA TUNTUNIN NG KAUTUSAN AT AYAW TUMALIMA SA WALANG HANGGANG TIPAN.
" Kaya't ang SUMPA'Y daranasin ng daigdig, at magdurusa ang mga nilikha dahil sa kanilang kasamaan, At ilan lamang ang natitira. " [Magandang Balita Biblia]
ANG DAPAT GAWIN
Naging mapait man ang sinapit ng mga tao dahil sa sumpa, may ibinigay parin ang Diyos na pagkakataon upang sila'y makapanumbalik sa Kaniya:
Malakias 3:7" Mula nang mga kaarawan ng inyong mga magulang kayo'y nangagpakaligaw sa aking mga tuntunin, at hindi ninyo tinalima. MANUMBALIK KAYO SA AKIN, AT AKO'Y MANUNUMBALIK SA INYO, sabi ng Panginoon ng mga hukbo ... "
Ito na lamang ang nalalabing pag-asa ng tao sa mundong ito, ang MANUMBALIK SA DIYOS. Nangako ang Diyos sa mga manunumbalik sa Kaniya na Siya'y manunumbalik din sa kanila.
Ang paraan upang ang tao ay makapanumbalik sa Diyos ay itinuturo ng Banal na Kasulatan:
Jeremias 6:16" Ganito ang sabi ng Panginoon, Magsitayo kayo sa mga daan at magsitingin kayo, at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; at magsilakad kayo roon, at kayo'y mangakakasumpong ng kapahingahan sa inyong mga kaluluwa: ... "
ANG TANGING DAAN AT KUNG PAANO MAKADARAAN
Ang tanging daan patungo sa Diyos ay walang iba kundi ang Panginoong Jesucristo:
Juan 14:6" Sinabi sa kaniya ni Jesus, AKO ANG DAAN, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay DI MAKAPAROROON SA AMA, KUNDI SA PAMAMAGITAN KO. "
Upang ang tao ay makabalik sa Diyos, at maligtas, kailangan siyang pumasok sa KAWAN sa pamamagitan ng PINTUAN na si Jesuscristo:
" I am the Door; anyone who comes into the FOLD through me will be SAFE" [Juan 10:9, Revised English Bible]
Sa Filipino:
" Ako ang pintuan; sinumang pumasok sa loob ng KAWAN sa pamamagitan ko ay magiging LIGTAS. "
Ang pumasok kay Cristo na siyang pintuan ay PUMALOOB SA KAWAN. Ang kawang ito ay ang IGLESIA NI CRISTO:
Gawa 20:28 “Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.” [Lamsa Translation]
Kaya ang katumbas ng pagpasok sa kay Cristo para mapaloob sa KAWAN ay ang pagpasok o pag-anib sa IGLESIA NI CRISTO. Sa ganitong paraan makadaraan ang tao kay Cristo at makababalik loob sa Diyos. Itinuro ni Cristo na ang pumasok sa Kaniya sa pamamagitan ng pag-anib sa Iglesia ni Cristo ay maliligtas sa PARUSA sa dagat-dagatang apoy [Juan 10:9; Apoc.20:14].
Dahil sa ginawang pagtubos sa kanila sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, ang mga taong nasa loob ng Iglesia ni Cristo ay NAKABALIK SA KARAPATAN na maglingkod sa Diyos [Heb.9:14]. Kung sila ay magtatapat at mananatili hanggang sa wakas ay tatahan sila sa BAYANG BANAL na roon ay wala nang pagluha, wala nang kamatayan, ni dalamhati, o panambitan man, o hirap man. Lahat ng mga mapapait ba bagay na nararanasan sa mundong ito ay mapaparam na [Apoc. 21:1-4; Mat. 24:13]
Kung gayon, ang IGLESA NI CRISTO ay mahalaga at kailangan ng tao upang siya'y makapanumbalik sa Diyos. Marami man ang kaguluhan at kahirapan na hindu minsan aasahan ng marami sa mundong ito, gayunman ay nakakatiyak ang mga KAANIB sa tunay na Iglesia ni Cristo na pagdating ng takdang panahon ay tatamasahin nila ang isang mas mabuting buhay , ang buhay na walang hanggan.
..at ipagtanong ninyo ang mga dating landas, kung saan nandoon ang mabuting daan; ..Jeremias 6:16
TumugonBurahinAng tanging daan patungo sa Diyos ay walang iba kundi ang Panginoong Jesucristo:
alin po yung ang mga dating landas?
ang panginoong Jesus na mabuting daan(di dapat tutulan)ay nasa mga dating landas?..wala po akong tinututulang talata..nagtatanong lang po
tama po kayo kaibigan na ang tinutukoy na daan na dapat lakaran nga ng tao ay gaya ng sinabi sa Juan 14:16 na si "JESUS"..
TumugonBurahinAng sabi po ay walang makakaparoon sa Ama kundi marapat na dumaan kay Jesus. subalit alam naman po nating hindi literal iyon sapagkat nasa langit na si Jesus at hindi rin mangyaring sa katawan na literal ang papasukan ng tao upang makapasok o makaparoroon sa Ama. Ano ang sumisimbolo sa katawan ni Cristo ayon sa Biblia? ito ay ang IGLESIA (Col. 1:18)..
Kaya kung babasahin naman sa saling Revised standard Version ng talata ng Juan 10:9 ay malinaw na ang pumasok kay Cristo ay nasa "KAWAN".. At ang tawag sa KABUUAN sa Kawan ay ang IGLESIA NI CRISTO (Gawa 20:28, LAMSA)..
Kaya po ang tunay na nakasumpong ng MABUTING DAAN ay nasa tunay na IGlesia, ang IGLESIA NI CRISTO na doon ang kalooban ng AMA