Mga Pahina

Miyerkules, Enero 28, 2015

Mateo 4:7 at Lucas 4:12 Si Cristo ba ang tinutukoy na Diyos?



Ang mga bulaang mangangaral ay patuloy sa paggamit ng mga talata na pilit baluktutin upang mapaniwala ang marami sa kanilang MALING PANINIWALA at mailigaw sa maling aral. Isa sa MALING ARAL ay ang paniniwalang Diyos si Cristo. Upang mapaniwala ang marami, siyempre gagamit at gagamit ng mga talata, hindi lang isa kundi marami silang sinisipi na mga talata upang masasabing TAMA nga kahit mali na, ganun ka talino ang diablo. Ang isa sa talata ay gaya ng nakasulat sa Mateo 4:7 at Lucas 4:12.


Subalit bago ang pagkakataong iyan, ginamit rin nila ang mga naunang mga talata nito [Mateo 4:10; Lucas 4:8], upang pabulaanan na Dios si Cristo sapagka't sinabi rin ni Cristo na "SA DIOS LAMANG SUMAMBA" kaya Dios nga raw talaga si Cristo dahil sa mga katagang iyon. May nagawa na po tayong kasagutan sa maling pang-unawang iyon at maaaring bisitahin ang artikulo ukol rito.

Dios ba si Jesus dahil sinabi na "SA DIOS LAMANG SUMAMBA ayun sa Mateo 4:10; Lucas 4:8 ?




Ating ipagpatuloy at balikan ang ukol sa Mat. 4:7 at Lucas 4:12 at ating suriin kung paano nila ito inunawa at binaluktot ang talatang ito. Ating sipiin ang laman ng talata :


Mateo 4:7" Sinabi sa kaniya ni Jesus, Nasusulat din naman, HUWAG MONG TUTUKSUHIN ANG PANGINOONG MONG DIOS. " [Ang Biblia]

Lucas 4:12" At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Nasasabi, HUWAG MONG TUTUKSUHIN ANG PANGINOON MONG DIOS." [Ang Biblia]


Gaya ng naunang pangyayari, ay karugtong rin ito sa pag-uusap ng diablo at ni Cristo, sa pagkakataong tinukso ng diablo si Cristo na sundin ito sa kaniyang kagustuhan. Kaya, dito'y nahulog ulit sa maling pag-unawa ang mga BULAANG MANGANGARAL na sarili ni Cristo raw ang tinutukoy ni Cristo na Diyos na "HUWAG TUKSUHIN o SUBUKIN [sa ibang salin] ".



SINO ba ang tinutukoy ni Jesus na HUWAG MONG TUTUKSUHIN ang Panginoon MONG  Dios? Siya ba ito na akala nila'y si Jesus? Tandaan na kausap ni Jesus ang diablo at mismo ang diablo rin alam kung sino lamang at ilan ang Dios. At siyempre iisa lamang ang alam din niya at hindi trinity:


Santiago 2:19" Ikaw ay sumasampalataya na ANG DIOS AY IISA; MABUTI ANG IYONG GINAGAWA: ANG MGA DEMONIO MAN AY NAGSISIMPALATAYA, at nagsisipanginig. "


Mabuting ARAL na malaman na ang Dios ay IISA lamang. Ganoon din at alam ng diablo iyon. Hindi dalawa sa iisa o tatlo sa iisang Dios kundi malinaw na "IISANG DIOS". Kaya kung si Cristo ang tatanungin, SINO ang tinutukoy Niya sa panghalip na "MO" sa pagkasabi sa diablo na yun ang tinukso niya? Ganito din ang kataga na sinabi Niya sa mga alagad na kanilang sinasampalatayan at kanilang kinilala. Ganito ang sabi naman ni Jesus:



Juan 20:17
" Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako SA AKING AMA AT INYONG AMA, at AKING DIOS AT INYONG DIOS. "


Dito ay Sinabi ni Jesus na ang Dios ng mga ALAGAD NIYA, ay ITO din ang DIOS NIYA, na walang iba kundi ang AMA. Sa makatuwid, ang mga KATAGANG " MO,
IYO" Ay mga PRONOUN o PANGHALIP, ay kagaya rin na tinutukoy ni Cristo doon sa naunang talata [Mat.4:10; Luc.4:8] na Diyos kung sino iyon. Walang iba kundi ang Ama at hindi Siya. Kaya kung susuriin natin ang mga pahayag ng daiblo, HINDI NIYA KAYLANMAN sinabi na si Cristo ay Diyos, kundi " ANAK NG DIOS". Ganito ang nakasulat :


Lucas 4:3" At sinabi sa kaniya ng diablo, KUNG IKAW ANG ANAK NG DIOS, ipag-utos mo na ang batong ito ay maging tinapay. "



Lucas 4:9" At dinala niya siya sa Jerusalem, at inilagay siya sa taluktok ng templo, at sinabi sa kaniya, KUNG IKAW AY ANAK NG DIOS, ay magpatihulog ka mula rito hanggang sa ibaba "


Malinaw. "ANAK NG DIOS" at hindi ang mismong Diyos. Kaya, ang Diyos na tinutukoy ng diablo kung saan may Anak ay siyempre walang iba kundi ang "AMA". Kaya kung si Cristo ang Diyos, abay dapat nilang patunayan na si Cristo ang may Anak, seguradong hindi nila mapapatunayan iyon.

Balikan natin ang pinaka maintopic sa talata na kanilang binaluktot. Bago sabihin ni Cristo ang katagang " HUWAG MONG TUTUKSUHIN ANG PANGINOON MONG DIYOS" ano nga ba ang nais ng diablo bakit ANG AMA rin ang tinukso ng diablo kahit si Cristo lamang ang kausap? Ganito balikan natin ang pangyayari at ituloy natin sa pahayag ni Cristo:


Lucas 4:9 At dinala niya siya sa Jerusalem, at inilagay siya sa taluktok ng templo, at sinabi sa kaniya, Kung ikaw ay Anak ng Dios, ay magpatihulog ka mula rito hanggang sa ibaba:


Lucas 4:10 Sapagka't nasusulat, SIYA'Y MAGBIBILIN SA KANIYANG MGA ANGHEL TUNGKOL SA IYO, UPANG IKAW AY INGATAN "


Lucas 4:11 AT, AALALAYAN KA nila ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.


Lucas 4:12 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Nasasabi, HUWAG MONG TUTUKSUHIN ANG PANGINOON MONG DIOS. "


Bakit ang Ama ang kasama sa tinukso ng diablo na Siyang tinutukoy ni Cristo? Malinaw sa talatang 10 na sinabi:


" SIYA'Y MAGBIBILIN SA KANIYANG MGA ANGHEL TUNGKOL SA IYO, UPANG IKAW AY INGATAN "


Ang "SIYA" na tinutukoy ng diablo ay napakalinaw walang iba kundi ang AMA kung saan magpapadala raw ng anghel kung sakaling MAGPATIHULOG si Cristo upang AALALAYAN upang hindi matisod sa mga bato. Sa pagkakataong ito'y dalawa ang tinukso ng diablo :

1. Ang Ama [ang iisang Diyos]- na mag-uutos raw at magpapadala ng mga anghel kung sakaling magpatihulog si Cristo.

2. Si Cristo [Anak ng Diyos]- na sasamba at susunod sa daiblo kung sakaling maniwala Siya nito.


Napakalinaw hindi po ba? Kaya isang kabaluktutan lamang ng pang-unawa ang sabihing, sarili ni Cristo ang tinutukoy na Diyos ayon sa Kaniyang pahayag. Kahit kaylan ma'y hindi inangkin iyon ni Cristo bagkus ipinakilala pa Niya sa lahat ang tunay ay iisang Diyos na marapat kilalanin at hindi ang Kaniyang sarili :


Juan 17:1, " Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “AMA, .... Ito ang buhay na walang hanggan: ANG MAKILALA KA NILA, ANG IISA AT TUNAY NA DIYOS, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo. " [MBB]



Ang Ama lamang ang iisa at tunay na Diyos ayon sa kaniyang pahayag, at hindi Niya inangkin iyon kaylanman, at ang KATOTOHANANG ito ang ikapagtatamo ng BUHAY NA WALANG hanggan at hindi ang kabaluktutang maling turo at aral.

3 komento:

  1. So kng Diyos ang Ama Diyos din ang Anak alangan ang manga mamunga ng talong syempre same sila Diyos kasama ng espiritusanto po..kaya sa pgbautismo ginamit yn mat.28:19 alangan nmang sa juan10:30 tupa ang aalagaan eh hndi hayop ang nilinis ng dugo ni Cristo kundi Tao so iisang Diyos sila. Commonsense po sinabi nya k Felipe ang nkakita na sa akin ay nkakita na sa Ama

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Samagkatuwid para Sayo Diyos ka din Kasi kinikilala mo ang Sarili mo na anak ng Diyos.. Ang Iglesia Ni Cristo na tinuring ng Diyos na Kaniyang mga anak lilitaw Diyos din kung tatanggapin natin ang opinion mo.. Dadami ang Diyos pag ganyan.

      Burahin
  2. CSGO Betting Sites with Free Coins - vsvrinders
    CSGO 바카라 사이트 casinopan Betting Sites With Free Coins - All You Need to Know — CSGO betting sites with Free Coins · CSGO Betting 무료 슬롯 머신 Site With Free 포커 족보 순위 Coins 슬롯커뮤니티 - All You Need to Know - 우리 계열 더킹 카지노 CSGO Betting Site With Free Coins - All You

    TumugonBurahin