Mga Pahina

Sabado, Nobyembre 22, 2014

PAGSUSUOT NG ALAHAS AT PAGPAGUPIT NG BUHOK NG BABAE BAWAL BA?

Bro, ako po ay isang Kapatid. Ako lamang ang isang INC sa aming pamilya at sila lahat ay ADD. Kanila pong tuligsa ay BAKIT DAW NAGSUSUOT TAYO NG PALAMUTI O ALAHAS SA KATAWAN, at BAKIT DAW DAPAT MAHABA ANG BUHOK NG BABAE ". Hindi ba ito nakasulat sa Biblia na pinagbabawal?


PAGSUSUOT NG ALAHAS: Bawal nga ba?


Saan ba nakabasi ang paniniwala nilang ito? Suriin po natin. Bakit Singsing ang ating ginamit sa larawan. Maaari kasi natin itanong na ang SINGSING o RING ba ay hindi isang ALAHAS? Kung ikinasal ba sa kanila ay wala ba sila nito? Ating suriin ang ilan pang patotoo mula sa Banal na Kasulatan.

Totoo na sa Banal na Kasulatan ay mababakas natin na ang mga Unang Lingkod ng Dios gaya ng Israel ay di pinagbawalang magkaroon at magsuot ng alahas at gumamit ng mga hiyas at ginto. Katunayan bago nila lisanin ang Egipto ay iniutos ng Dios. Ganito po:



Exodo 3:22
" Lahat ng babae ay manghihingi ng damit, alahas na ginto o pilak sa kanilang mga kapitbahay at sinumang babaing nandoroon. Ipasusuot ninyo ang mga ito sa inyong mga anak.." [MB]


MGA SAMPOL NG ALAHAS GAYA NG SS.


Ang alahas na tulad ng hikaw.


Exodo 32:2
" Kung gayon, tipunin ninyo ang mga hikaw na ginto ng inyong asawa't mga anak..." [MB]


Upang ipakita ng Dios ang Pag ibig niya sa Jerusalem sa ganito Niya inilarawan ang pag- ibig na Kaniyang ginawa.



Ezekiel 16:11-13
"Sinuutan kita ng pulseras sa magkabilang braso, at binigyan ng kuwintas. Binigyan din kita ng hikaw sa ilong at tainga. Pinutungan kita ng isang magandang korona. Nagayakan ka ng alahas na pilak at ginto..." [MB]


PANAHONG CRISTIANO


Nang dumating ang panahong Cristiano, sa isang talinghaga ni Jesus tungkol sa alibughang anak, nang ito ay bumalik ay ipinag utos ng ama sa alila:



Lucas 15:22
" ..Madali! Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya, Suutan siya ng singsing at panyapak."[MB]



KUNG hindi pala masama o bawal ang magsuot ng alahas. Maaaring pumasok sa isipan nila ang mga katanungang ito:
Bakit sa mga unang taon ng INC ay ipinaiiwas ng Sugo ang pagsusuot ng mga alahas? Ano ang layunin? at Ano ang pinagbatayan ng Sugo sa pansamantalang pagpapapatupad nito?


Sagot. Ginamit ng Sugo ang Paraan ng mga Apostol na gatas para sa sanggol. Paano? Narito:


Hebreo 5:13-14

"Ang nabubuhay sa gatas ay sanggol pa, wala pang muwang tungkol sa mabuti't masama. Ngunit ang matigas na pagkain ay para sa may sapat na gulang, na sanay na sa pagkilala ng mabuti't masama."[MB]




Sapagkat bata pa o nagsisimula pa lang ang INC ay pansamantalang ipinaiiwas ang pagsusuot ng alahas, bagama't di masama ang pagsusuot nito, ay maaari naman itong magamit sa maling layunin na dito pinag ingat ng Sugo ang Iglesia.

Sa anong layunin ng paggamit ng alahas o ginto o hiyas, tayo ay pinag-iingat kaya ito ay pansamantalang ipinapaiwas ? Ang magamit ang alahas sa pagpaparangya.

PAANO NAKAKASAMA?

Oseas 2:13
"At aking dadalawin sa kaniya ang mga kaarawan ng mga Baal, na siya niyang pinagsusunugan ng kamangyan, nang siya'y NAGPAPARANYA ng kaniyang mga HIKAW at kaniyang mga HIYAS,..."



Mali ang mga pamamaraan na ginamit upang MAGPARANGYA. Mali rin na magamit ang alahas sa PAGPAPALALO at PAGMAMATAAS.


Isaias 3:16-21.
"Bukod dito'y sinabi ng Panginoon, Sapagkat ang mga anak na babae ng Sion ay mga mapagmataas, at nagsislakad na mga may kapalaluan at mga matang nakairap, na nagsisilakad at nagsisikendeng habang nagsisiyaon, at nagpapakalatis ng kanilang mga paa: Sa araw na yaon ay aalisin ng Panginoon ang kagayakan ng kanilang mga hiyas sa paa, at ang mga hiyas ng ulo, at ang mga pahiyas na may anyong kahating buwan;
Ang mga hikaw, at ang mga pulsera,... kuwintas sa bukong bukong...ang mga singsing,.."



Ito ang dahilan kung bakit pansamantalang ipinaiiwas ng Sugo sa Iglesia Ni Cristo ang pagsusuot ng mga alahas sa mga unang taon nito. Sapagkat noon, ang Iglesia ay bata pa sa pananampalataya ay baka mahulog sa maling layunin ng paggamit o pagsusuot ng mga Alahas.



Dumating ang panahon na ang Iglesia Ni Cristo ay di nanatiling bata sa pananampalataya. Inalis na ng Sugo ang pagiiwas nito sapagkat sinasabi din naman sa Biblia.



Hebreo 5:14
"Ngunit ang matigas na pagkain ay para sa may sapat na gulang, na SANAY NA sa pagkilala ng mabuti't masama."[MB]



UKOL NAMAN SA BAWAL DAW MAGPAGUPIT NG BUHOK ANG MGA BABAE


Hindi ito naiintindihan ng ating mga kaibigan sapagkat nang mabasa lang na mahaba ang buhok ay agad ng pinagbawal. Ganito ang laman ng talata :

1 Corinto 11:15
'Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip''


Kung ating tatanungin, gaano kahaba ang isang bagay para masabi mo itong mahaba? Siyempre isang kakilakilabot at pangit tingnan na ang babae ay KALBO.


ayon po sa pag aaral nang siyensiya, ano ang kanilang masasabi ukol rito?


" The most oft-quoted average rate of human hair growth is 6 inches (15 centimeters) per year. However, the majority of studies measuring the rate of hair growth didn't take into account the race of study participants. It's known, for instance, that Caucasian hair differs from Asian and African hair in several ways, e.g., density (how closely hair strands are packed together) and the angle of hair growth.

" A 2005 study in the International Journal
of Dermatology also found a difference
among races in the rate of hair growth.
For example, Asian hair grows the fastest, while African hair grows the slowest. The average hair growth rate of Asian female participants was nearly 6 inches per year. Comparatively, African female participants' hair grew 4 inches (10 cm) per year, while Caucasian female participants' hair grew a little more than 5 inches (13 cm) per year.

" The hair growth rate of the male participants didn't significantly differ from that found for women. "

Source :

http://m.livescience.com/42868-how-fast-does-hair-grow.html

answerparty.com/question/answer/what-is-average-rate-of-human-hair-growth


kung ang isang babae ay inialis sa kanya ang pagpapagupit nang 10 taon gaano na kahaba ito? 60inch mula sa pag ka kalbo..
mga LIMANG TALAMPAKAN siguro ito. papaano kung mababa ang taas nang
isang babae papaano kung sa sitwasyong
iyon ay na tatapakan na niya nang kanyang buhok sa kahabaan nito? maari po ba itong matawag na kaayusan GAYON sa biblia may utos :

1 Corinto 14:40
''Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.''


Samakatuwid, isang pagsunod sa kaayusan ang pagpaputol o pagtrim ng buhok na isang angkop sa isang tao na babagay sa Kaniya upang maging maayos at maganda sa paningin ng tao, higit sa lahat ay sa harap ng Dios. Ating balikan ang nasa unahan ng talata na ginamit nila upang mas mapalinaw :


1Corinto 11:10
" Dahil dito'y nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng TANDA NG KAPAMAHALAAN, dahil sa mga anghel.


Ang tanda ng kapamahalaan yung BUHOK
o yung LAMBONG. Ano ba yung lambong?



1Corinto 11:15
" Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip ".



Yung buhok ginawang pantakip sa ulo. ang tanong, kung may babae at ginupit niya split ends niya at nagpagupit siya hanggang baywang o balikat ibig bang sabihin WALA na siyang lambong? Diba't may lambong pa rin siya? Diba't MAHABA pa rin yun ayun sa pag-aaral? Paano kung pina hot oil niya pa? paano kung pina rebond ? diba't mas maganda lambong niya. Gaya ng sinasabi sa 11:15 ang buhok ay bilang Pantakip. Kaya ang tanong natin, MAY BUHOK paba ang tawag doon?


Kung ang sagot meron pa rin edi tapos ang usapan. Kung ang sagot wala, aba e baka iba na kausap mo na sumagot...^__^

2 komento:

  1. Paano naman po sa kalalakihan? Pwede po ba ang long hair?

    TumugonBurahin
  2. Para sa mga lalaki po, hindi natural para sa kanya na magpatubo ng mahabang buhok, kung ating bakikan ang talata ng 1Corinto 11:14

    1 Corinto 11:14 (TLAB) Hindi baga ang katalagahan din ang nagtuturo sa inyo, na kung may mahabang buhok ang lalake, ay mahalay sa kaniya?

    Ang kanyang buhok ay natural na mas maiksi o mas manipis kaysa sa mga babae. Ito ay sang-ayon sa tradisyon ng mga taga Corinto na hindi pagsusuot ng mga lalaki ng takip sa ulo habang sumasamba.

    Hinimok ni Pablo ang iglesia na sumang-ayon sa pangkalahatang ideya na sinasang-ayunan naman po ng KUKTURA patungkol sa katanggap-tanggap na anyo ng mga lalaki at babae.

    KAHIT po hindi naman ang haba ng buhok ang pangunahing pinailalapat natin ang mga sumusunod na aplikasyon:

    1) Dapat tayong sumunod sa mga natural at tinatanggap na pagkakakilanlan ng kultura sa kasarian, Dapat na magmukhang lalaki ang mga lalaki at dapat na magmukhang babae ang mga babae.

    2) Hindi po tayo dapat magrebelde laban sa kultura sa ngalan ng anumang uri ng “kalayaang Kristiyano.” Mahalaga kung paano natin ipiniprisinta ang ating mga sarili sa mundo. Dapat na boluntaryong po tayong ipailalim ng mga babae ang kanilang sarili sa kapamahalaan ng mga lalaking pinuno sa iglesya,

    3) Hindi natin dapat baliktarin ang natural na papel na itinakda ng Diyos para sa mga lalaki at babae.

    TumugonBurahin