Mga Pahina

Huwebes, Nobyembre 20, 2014

Dini Dios raw namin ang Manalo ayun raw sa pasugo?

Hindi na bago kundi matagal nang issue ang ganitong pandaraya ng mga mangangaral at may poot sa Iglesia Ni Cristo. Nang edit ng mga babasahin ng pasugo upang ang tingin ng mga tao sa Iglesia ay masama ito. Subalit sadyang mabuti parin ang Dios sapagkat, inihahayag niya ang mga kamalian ng maraming tao. At ang kabuuang parusa ay maipapataw sa takdang panahon sa pagbalik ng Kaniyang Anak.

Paano nila dinadaya ang tao? Iniba ang nakasulat sa Pasugo at upang mapaniwala ang tao. Pansinin ninyo ang kanilang Pag iba.



Kaya BABALA! Mag-ingat sa ganitong post kung makatagpo kayo ng ganito, Isang gawang panlilinlang upang kayo ay dayain. Kaya, Ayun ba sa Source ng Pasugo, na isinulat ng ming kapatid bilang isang Poem, sino ba ang totoong sinasamba at pinupuri ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo bilang Dios ? Narito ang lamang ng pasugo ating pansinin.


Ito ang katunayan na ang PANGALAN ng Dios ang tunay na niluluwalhati at sinasamba ng mga Iglesia Ni Cristo. Hindi ang kapatid na Felix Manalo. Sa katunayan, ang totoong relihiyon ay nagtuturo ang mga mangangaral ng mga katotohanan, at hindi mga pandaraya. Ganito ang babala sa Lahat :



Hebreo 3:13
"  Nguni't kayo'y mangagpangaralan sa isa't isa araw-araw, samantalang sinasabi, Ngayon; baka papagmatigasin ang sinoman sa inyo ng daya ng kasalanan"


Hindi marapat na kakitaan ng ganito na gaya ng kanilang pandaraya upang mahulog sa maling paniniwala ang marami at mahulog sa pagkakasala. Ano ang tamang pamantayan ng isang relihiyon?

1 Tesalonica 2:3
  Sapagka't ang aming iniaaral ay hindi sa kamalian, ni sa karumihan, ni sa pagdaraya.


Hindi pangdaraya. Kundi katotohanan lamang. Ngayo'y alam na natin na ang mga ganitong gawa ay hindi gawa na buhat sa Dios kundi gawa ng kadiliman. Sino ba ang tunay na dini Dios ng mga Iglesia Ni Cristo?  Ayun mismo kay Cristo, ang tunay na Dios na dapat kilalanin ay ang AMA lamang at wala ng iba :


Juan 17:1,3 MBB
"Ama.....Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo".

Samakatuwid, ang tunay na Dios na kinilala ng mga Iglesia ni Cristo ay ang Ama lamang. Hindi isang TAO o ang kapatid na Felix Manalo. Ano ang tawag sa kumilala ng ibang Dios gaya ng pagkilala kay Cristo na Dios? Ito ba ang palatandaan ng mga MANDARAYA?


‘’ Sapagakat nagkalat sa sanlibutan ang mga magdaraya —mga taong HINDI nagpapahayag na si Jesu- cristo’y NAGING TAO . Ang gayong mga tao ay magdaraya at anti-Cristo.’’ (2 Juan 1:7 MBB)

Sila ang magpapahayag na si Jesus ay HINDI NAGING TAO. Sakatuwid, imbis naging Tao ay NAGING DIOS na. Ang totoong Dios hindi Tao [ Hosea 11:9; bilang 23:19] , Isang Espiritu [ Juan 4:24], at hindi nagbabago [ Mal.3:6; Sant.1:17]…

Ano pa ang maling pang uunawa?

" Bakit ninyo laging tinitira ang mga rebulto at larawan ng mga katoliko, e sa inyo naman ay kitang-kita na humaharap pa sa larawan ni Manalo "



Kung mag edit man po kayo ng larawan e yung hindi mahahalata. Pansinin ninyo ang larawan. Sa gilid may flag ng ibang bansa. E ang tanong, paano nangyari?Napaghahalataan tuloy ang gawang kapalpakan ng mga tao na ang hanap ay ang gumawa ng mga kasinungalingan. Sino ba ang nasa likod nito at ang tunay na nasa larawan? ito pala iyon.



Mga mahal naming kapatid at mga kaibigan, Amin ring lilinawin, Ang pagkakaroon ng larawan o rebulto ay may dalawang uri na dapat laging tandaan. Alin dito ang dapat na iwasan at ayaw ng Dios?

1. Larawan o rebulto bilang alaala sa isang mahalagang tao na naging mahalaga sa kasaysayan o buhay ng Tao. Upang manatili ang alaala ng kaniyang naisagawang kabutihan.

2. Larawan o rebultong inanyuan na nagkaroon ng bahagi sa pagpupuri, pagsamba mga gawang may kaugnayan sa mga paglilingkod sa harap ng Dios.



Ang nasa Ikalawa po ang hindi marapat kakitaan sa lahat ng Tao. Ayaw ng Dios na sa mga pagpupuri at mga paglilingkod sa Kaniya ay idaan pa ito sa mga larawang inanyuan. Hindi dapat doon lumuhod doon upang iugnay ang pagsamba sa buhay na Dios. Ganito ang sabi ng Biblia :



Isaias 42:8
" Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan. "


Ito ang nais ng Dios. Ang lahat ng pagpupuri ay exclusibo lamang at hindi na marapat pang idaan sa mga rebulto o larawan. Kaya, ito ang babala kung bakit ipinagbabawal na ang isang rebulto kung may kaugnayan na sa paglilingkod...


Exodo 20:4 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:


Exodo 20:5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin.


Ito ang malinaw na dahilan kung bakit hindi dapat lumuhod o humarap pa sa rebulto kung may kaugnayan na sa pagsamba sa Dios sapagkat Siya ay MAPANIBUGHUIN. Kaya, ang masasabi natin doon sa mga tao na gumawa ng kwento na dinidios umano ng INC si Manalo, ay isang kalokohang palabas lamang upang ihasik ang POOT AT GALIT.

Payo po namin. Magbago na kayo at mag suri nalang at makinig ng Aral sa Iglesia ni Cristo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento