Mga Pahina

Sabado, Nobyembre 15, 2014

Deuteronomio 6:4 Si Cristo ba ang Dios ?





Sa bahaging ito ng talata ay ginagamit ng ilan upang palabasin na si Jesus ang Tinutukoy ng talata. Ganito po ang laman nito :


Deuteronomio 6:4
" Dinggin mo, Oh Israel: ang Panginoon nating Dios ay isang Panginoon ".


Binanggit ng talata na ang Dios ng Israel ay Panginoon din. Subalit, ang masama ay ang agad na magkaroon ng haka-haka o kuro-kuro ukol rito. Dapat ring mapansin natin na WALANG CRISTO na binanggit ayun sa talata. Ngayon, ating tiyakin kung sino ba ang Dios ng Israel at ano ang PALATANDAAN sa Kaniya?


Genesis 17:1
" At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, AKO ANG DIOS NA MAKAPANGYARIHAN sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka.


Exodo 3:6
" Bukod dito ay sinabi, Ako ang Dios ng iyong ama ang Dios ni Abraham, ang Dios ni Isaac, at ang Dios ni Jacob. At si Moises nga ay nagtakip ng kaniyang mukha; sapagka't siya'y natakot na tumingin sa Dios ".


Siya ang Dios nilang lahat. Siya ang nagsasalita sa Kanila na ang Ikakikilala ay ang pagiging MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT o " ALMIGHTY GOD". Siya ang Kinilala rin ng mga Israel noon. Sino ang Kinilalang Dios ng mga Israel ayon rin kay Moises? Ganito rin ang SINABI ni MOISES sa mga taga Israel :


Deuteronomio 32:6
" Ganyan ba ninyo ginaganti ang Panginoon, O mangmang na bayan at hindi pantas? HINDI BA SIYA ANG IYONG AMA NA TUMANGKILIK SA IYO? KANIYANG NILALANG KA, at itinatag ka ".


Napakalinaw na ang Dios din ng Israel ay walang iba kundi an AMA NA LUMALANG sa kanila. Pinatutunayan din ba nila ito? Ganito ang ating mabababasa :


Isaias 64:4
" SAPAGKA'T HINDI NARINIG NG MGA TAO mula nang una, O NAULINIGAN MAN ng pakinig, O ANG MATA AY NAKAKITA MAN NG DIOS LIBAN SA IYO, na iginagawa niya ng kabutihan ang naghihintay sa kaniya ".

Isaias 64:8
" Nguni't ngayon, OH PANGINOON, IKAW AY AMING AMA; kami ang malagkit na putik, at ikaw ay magpapalyok sa amin; at KAMING LAHAT AY GAWA NG IYONG KAMAY ".


Malinaw na ang kinikilala nilang LUMIKHA At ang iisang Dios ay ang Ama LAMANG. Siya ang MAKAPANGYARIHAN DIOS(ALMIGHTY GOD), na sinabi na Dios din ni Abraham na nagsasalita ayun sa Genesis 17:1. Siya rin ang nagsasalita maging sa bagong tipan na Siya ang DAPAT na magiging AMA na kikilalanin na Siyang makapangyarihang Dios :


2 Corinto 6:18
" AT AKO SA INYO'Y MAGIGING AMA, At sa akin kayo'y magiging mga anak na lalake at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat ".


Ang Sabi ng Dios, Siya ang Panginoon na magiging AMA NG LAHAT. Samakatuwid, siya lamang ang Dios na kikilalanin na Ama. May iba paba liban sa ipapakilala ni Cristo o ang sarili niya ang ipinakilala? Ganito ang Kaniyang sinabi :

Mateo 23:9
"  At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: SAPAGKA'T IISA ANG INYONG AMA, SA MAKATUWID BAGA'Y SIYA 
NA NASA LANGIT. 

Sa lahat lahat ba ay ang AMA LAMANG ? opo ganito ang patotoo ng Biblia :


Efeso 4:6
"  Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat ".


 Ang makapangyarihang DIOS na nasa langit ay Siya rin ang Dios at Ama ng panginoong Jesucristo :


Efeso 1:3
" Purihin nawa ANG DIOS AT AMA NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo "


1 Pedro 1:3
" Purihin nawa ANG DIOS AT AMA NG ATING PANGINOONG JESUCRISTO, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay "


Pinatotohanan ito ni Cristo na ang Dios ang totoong makapangyarihan sa lahat sapagkat WALANG BAGAY NA HINDI MAPAGYAYARI :


Matthew 19:26
" Tiningnan sila ni Jesus at sinabi,“Hindi ito magagawa ng tao,ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay. 

Lucas 1:37, NIV
 "Ito ay sapagkat sa Diyos ay walang anumang bagay na hindi mapagyayari"


Kaylan man ay hindi sinabi ni Jesus na Siya ang iisang Dios o ang makapangyarihang Dios. Kundi ang pagpapakilala parin sa Kaniyang Ama na Siya ang dapat kikilalanin na tunay at iisang Dios sa ikapagtatamo ng Buhay na Walang Hanggan. Ganito ang Kaniyang Sinabi :


Juan 17:1, 3 MBB
" Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi,
“Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya. ITO ANG BUHAY NA WALANG HANGGAN: ANG MAKILALA KA NILA, ANG IISA AT TUNAY NA DIOS, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo ".


Tiniyak ng Panginoong Jesucristo na ang TUNAY at IISANG Dios ay ang Ama lamang. At yun ang ikapagtatamo ng buhay na walang hanggang ang magkaroon ng tamang pagkilala at pagsunod. Hindi totoo na si Cristo ang tunutukoy na Panginoon na Dios doon sa Deut. 6:4, sapagkat ang PANGINOONG DIOS na kilala ng Israel ay ang AMA lamang na Siyang Lumikha. Ang pagkapanginoon ng Dios ay walang PINAGMULAN mula pa sa panimula (Awit 90:), subalit ang PagkaPanginoon ni Jesus ay KALOOB ng Dios at Ginawa ito sa Kaniya na maging panginoon (Gawa 2:36), kaya Si Jesus ay may pinagmulan at Siya ay nagmula at nanggaling sa Dios (Juan 8:42).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento