Mga Pahina

Linggo, Nobyembre 30, 2014

Ang Nakatakdang Kapahamakan (kung alam lang ng tao)






Marami na tayong naririnig na iba't ibang pangyayari na naging tatak na sa isip ng marami sapagkat nagdulot ng pagkitil ng maraming buhay. NAAALALA paba ninyo ang ukol sa bagyong "YOLANDA"?


" Niragasa ni super typhoon Yolanda ang Kabisayaan hanggang Kabikulan at ito na ang sinasabing pinakamalakas na bagyo na tumama sa kalupaan sa buong mundo ngayong 2013 at maituturing ding isa sa pinakamalakas sa kasaysayan.

Biyernes, Nobyembre 8 nang tumama sa kalupaan ng bansa si Yolanda at anim na beses pang nag- landfall bago tuluyang lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) Sabado ng hapon. Umabot ng 235 kilometer per hour ang taglay nitong lakas ng hangin at pagbugsong nasa 275 kilometer per hour na pagbugso, ayon sa PAGASA.

Sa loob ng isang taon, may average na 20 bagyo ang tumatama sa Pilipinas na nabubuo sa Pacific Ocean malapit sa equator. Ayon sa National Geographic, hindi pangkaraniwan ang taglay na lakas ni Yolanda lalo't nabuo ito sa labas ng typhoon season.

Isinisisi ito ng karamihan sa mga eksperto sa climate change.

Narito ang 10 pinakamapaminsalang bagyo sa Pilipinas sa mga nakalipas na taon:

● Typhoon Uring (international name Thelma)

-Nobyembre 15, 1991 nang ragasain ni Uring ang Ormoc, Leyte kung saan 5,100 ang mga nasawi.

● Typhoon Pablo (international name Bopha)

-Disyembre 3, 2012 nang tumama sa hilagang bahagi ng Mindanao ang bagyo. Mahigit 1,900 ang mga nasawi na karamihan ay nagmula sa Compostela Valley at Davao Oriental.

● Typhoon Nitang (international name Ike)

-Tumama sa Pilipinas noong Agosto 31, 1984 kung saan 1,363 ang mga nasawi. Typhoon Sendong (international name Washi)

-Disyembre 16, 2011 nang hagupitin ng bagyo ang hilagang bahagi ng Mindanao kung saan hindi bababa sa 1, 080 ang mga nasawi.

● Typhoon Trix

-Oktubre 16, 1952 nang maminsala ito sa Bicol region kung saan 995 ang mga nasawi.

● Typhoon Amy

-Disyembre 9, 1951 nang manalasa sa gitnang rehiyon ng bansa ang bago kung saan 991 ang mga nasawi. Malaking bahagi ng Negros ang nawasak dahil sa bagyo.

● Typhoon Nina

-Nobyembre 25, 1987 nang bayuhin ng bagyo ang Bicol region dahilan para rumagasa ang mga putik at lahar mula sa Bulkang Mayon. Tinatayang 979 ang nasawi sa bagyo.

● Typhoon Frank (international name Fengshen)

-Hunyo 20, 2008 nang tumama ito sa Pilipinas kung saan 938 ang mga nasawi
Typhoon Angela

-Isang category 5 typhoon na tumama sa
Pilipinas noong Nobyembre 2, 1995 na ikinasawi ng 936.

● Typhoon Agnes

-Nobyembre 5, 1984 nang masalanta ang gitnang rehiyon ng bansa kung saan 895 ang mga nasawi.

Source :

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/National/10_pinakamapaminsalang_bagyo_na_tumama_sa_Pilipinas.html


Iilan lamang ang mga ito sa mga pangyayaring nakaukit na sa gunita ng marami sa dahilang lubhang napakarami ng NAPINSALA. Sino ang makalilimot sa larawan ng mga taong nasawi at binawian ng buhay, maging ng mga ari-ariang nasalanta dahil sa malakas at malagim na mga pangyayaring ito?

Kung nalaman lamang ng mga taong binawian ng buhay na sa oras, araw, at lugar na yaon ay magwawakas ang kanilang buhay, di sana'y umiwas sila upang hindi mapahamak kundi maingatan ang kanilang buhay. Hindi sana sila pumayag na naroon sila sa ganoong lugar nang oras na yaon. KUNG ALAM LANG NG TAO ...


WALANG TAO NA PINAPANGINOON NG KAMATAYAN



Likas sa tao na ingatan at ipagsanggalang ang kaniyang buhay, gawin ang lahat ng makakabuti rito, at hanapin ang mga bagay na makakatulong upang ito ay mapanatili. Ang totoo, maraming malalagim na pangyayari sa mundo ang naiwasan sana ng tao kung nalaman lamang niya ang mangyayari sa kinabukasan o sa hinaharap. Subalit gaya ng ipinahayag sa Banal na Kasulatan, hindi ito alam ng tao:


Santiago 4:14
" Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi. "


Napakarupok ng buhay ng tao. Anuman ang kaniyang kalagayan sa buhay ay hindi siya sisinuhin ng kamatayan; mamamatay siya pagdating ng kaniyang takdang oras. Tiniyak ni Apostol Pablo na oras-oras at araw-araw ay nanganganib sa kamatayan ang tao :


1 Corinto 15:30
" Bakit baga naman tayo'y nanganganib bawa't oras?

1 Corinto 15:31
" Ipinahahayag ko alangalang sa ikaluluwalhati ninyo, mga kapatid, na taglay ko kay Cristo Jesus na Panginoon natin na araw-araw ay nasa panganib ng kamatayan ako. "


Sapagkat ang kamatayan ay itinakda ng Diyos, hindi ito maiiwasan ng tao. Ganito ang sabi ng Biblia :


Hebreo 9:27
" At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom "

Inilarawan din ng Biblia ang abang kalagayan ng tao sa harap ng kamatayan nang ganito:


Ecles. 8:8
" Walang tao na may kapangyarihan sa diwa upang pumigil ng diwa; ni walang kapangyarihan siya sa kaarawan ng kamatayan......."


Roma 7:24
" Abang tao ako! sino ang magliligtas sa akin sa katawan nitong kamatayan? "


ANG LALONG MALAKING KAPAHAMAKAN


Tangi sa kamatayan, hindi rin alam ng tao ang araw at oras ng ikalawang pagparito ni Cristo o ng Araw ng Paghuhukom:


Mateo 24:36, 44
" Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, kundi ang Ama lamang.
Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip. "


Nagbigay ng palatandaan ang ating Panginoong Jesucristo upang ating malaman kapag ang Araw ng Paghuhukom ay malapit nang mangyari o "nasa mga pintuan nga ". At sapagkat ang mga palatandaang Kaniyang ibinigay ay natupad na,katulad ng mga digmaang aalingawngaw o mababalita, na susundanng digmaan ng bansa laban sa bansa, na ang kinatuparan ay ang dalawang digmaang pandaigdig na naganap noong nakaraang siglo, at ang iba pa (ang kagutom, lindol, at kahirapan) ay patuloy pang natutupad [Mat.24:3, 33, 6-9], natitiyak nating ang wakas ay totoong malapit na.


Ayon din sa Biblia, sa Araw ng Paghuhukom, "Bawat isa ay haharap sa hukuman ni Cristo" (2Cor.5:10, MBB) at magbibigay sulit sa Diyos (Roma 14:12). Ang masasama ay pahihirapan sa " dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre," at " sila'y walang kapahingahan araw at gabi " (Apoc.21:8; 14:10-11; 2Ped.3:10,7). Ganito naman ang pahayag ni Propeta Zefanias ukol sa katapusan ng mundo:



Zefanias 1:18
" Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka't wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain. "


Palibhasa'y hindi alam ng tao ang tiyak na araw at oras ng Paghuhukom, hindi ba makatuwiran lamang na ito ay kaniyang paghahandaan? Hindi ba marapat lamang na paunlarin niya ang kaniyang buhay espirutuwal at huwag gugulin ang kaniyang buhay sa mga bagay na walang kabuluhan, ni ubusin ang kaniyang panahon, salapi, at lakas sa mga materyal na bagay lamang? Hindi ba matuwid lamang na gugulin niya ang nalalabing panahon upang tiyakin na siya ay makakasama sa pagtahan sa Bayang Banal o makabilang sa mga maliligtas at magmamana ng buhay na walang hanggan?


ANG WASTONG PAG-IINGAT NG BUHAY


Gaanon man ang paghahangad ng tao sa ganang sarili lamang niya na mapabuti at maingatan ang kaniyang buhay, nakikita natin na siya ay nabibigo sapagkat hindi niya hawak ang kaniyang buhay at hindi niya tiyak ang sasapitin:

Jer. 10:23, MB
" Nalalaman ko po, Yahweh, na walang taong may hawak ng sarili niyang buhay; at walang makakatiyak ng kanyang sasapitin. "


Wala ring sapat nakaalaman at kakayahan ang tao upang maiseguro ang kaligtasan ng kaniyang buhay. Napakaikli at may hangganan ang kaniyang natatanaw, na maaaring sa kaniyang panukat ay tama ngunit magbubunga pala ng kaniyang kasawian at kapahamakan [Kaw. 14:12, MB]. At kahit na sa bawat sandali ay mabalisa ang tao sa pag-iisip tungkol sa mga pangangailangan niya sa buhay na ito ay hindi niya madaragdagan ang haba ng kaniyang buhay. Ganito ang tanong ng Panginoong Jesucristo:


Lucas 12:25
" At sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay? "


Paano matututuhan ng tao ang wasto at karapatdapat na pag-iingat ng kaniyang buhay? Napakahalaga na kilalanin ng tao ang Diyos sa lahat ng kaniyang lakad sapagkat ang Diyos ang Siyang nagtuturo ng landas na dapat lakaran ng tao. Isinasaad ito sa Kawikaan 3:6 at 5 :

" Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas. "

" Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan "

Ano pa ang kahalagahan ng pagkilala ng tao sa Diyos? Siya ang tanging nakakaalam ng mabuti para sa ating buhay:


Jer. 29:10-11, MB
" Ito pa ang sabi ni Yahweh: ... 'Ako lamang ang nakakaalam ng mga panukalang inihanda ko para sa ikakabuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa hinaharap. "


Ang tunay na kumilala sa Diyos sa pamamagitan ng pagtalima sa Kaniyang mga utos [Juan 2:3, MB] ang siyang tunay na nag-iingat ng kaniyang buhay. Marapat lamang, kung gayon, na sangguniin ng tao ang Diyos sa kaniyang mga mithiin o plano sa buhay, at patuloy na sumunod sa Kaniyang mga utos upang mapanuto ang kaniyang buhay.

Napakalaki ng kinalaman ng relihiyon sa pag-iingat ng buhay ng tao. Ano ang utos o kalooban ng Diyos tungkol dito?


Jer. 6:16, MB
" Sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan: 'Tumayo kayo sa panukalang-daan at magmasid; hanapin ninyo ang dating landas, alamin kung nasaan ang pinakamabuting daan. Doon kayo lumakad, at magtatamo kayo ng kapayapaan'. Subalit ang sabi nila, ' Ayaw naming dumaan doon'. "


Utos ng Diyos nahanapin ang pinakamabuting daan at pagkatapos ay lakaran niya ito. Hindi Niya sinabi na sapat nang hanapin at sampalatayanan ang mabuting daan...KAILANGAN AY LUMAKAD DOON. Ang daang tinutukoy ay na dapat lakaran na tao ay ang Panginoong Jesuscristo. Ayon sa ating Tagapagligtas,:


" Ako ang pintuang dinaraanan ng mga tupa" Juan 10:7, MB


Ang pagdaan kay Cristo ay ang pagpasok sa Kaniya sa paraang pumaloob sa KAWAN o sa Iglesia Ni Cristo :


" Ako ang Pintuan; sinumang pumasok sabloob ng KAWAN sa pamamagitan ko ay magiging ligtas " [Juan 10:9, Revised Standard Version]

Ang KAWANG binanggit ay ang Iglesia Ni Cristo:


" Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo. [Gawa 20:28, Lamsa Translation]


Kaya, kapag ang tao ay pumaloob sa Iglesia Ni Cristo at pinapangyari ang gusto o kalooban ng Diyos, nagawa niya ang tunay na pag-iingat ng kaniyang buhay. Sa katunayan, tiniyak ng ating Panginoong Jesuscristo na hindi makapananaig ang kamatayan sa Iglesiang itinayo Niya. Ganito ang Kaniyang pahayag :


" At sinabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at HINDI MAKAPANANAIG SA KANYA KAHIT ANG KAPANGYARIHAN NG KAMATAYAN. " [Mat.16:18, MB]


Ang kamatayan, na kaibayo ng buhay at hindi nalalaman ng tao kung kailan darating, ay hindi makapanaig sa kaniya kung siya'y kaanib sa Iglesiang itinayo ni Cristo. Aagawin siya ng Diyos sa kamay ng kamatayan. Ganito ang isinasaad ng Biblia :


Awit 49:10,12,15, MB
" Ang lahat ay mamamatay ... Dumakila man ang tao, di niya maiiwasan, Tulad din ng mga hayop, tiyak siyang mamamatay ... Ngunit ako'y ililigtas, hindi ako babayaan, Aagawin ako ng Diyos sa kamay ng kamatayan. "


Katulad ng Panginoong Jesucristo, ang mga taong Kaniya o nasa labas labas Niya na malalagutan ng hininga ay bubuhaying mag-uli. Sila ang maliligtas. At dahil sa mapagtatagumpayan nila ang kamatayan, sila ang tunay na nakapag-ingat ng kanilang buhay.


ANG WASTONG PAGHAHANDA


Ang Panginoong Jesucristo mismo ang nagpaalaala na dapat paghandaan ang pagparitu Niya sa Araw ng Paghuhukom:


Mateo 24:44
" Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip. "


Kaya, kung iniingatan man ng tao ang kaniyang kasalukuyang buhay o ginagawa niya ang lahat upang huwag itong mapahamak, lalong dapat niyang paghandaan ang ARAW NG PAGHUHUKOM sapagkat ang nakasalalay rito ay ang kaligtasan ng kaniyang kaluluwa.

Itinuro ni Apostol Pedro kung paano magagawa ng tao ang wastong paghahanda sa Araw ng Paghuhukom:


2 Pedro 3:14
" Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya. "


Samakatuwid, anumang oras at araw dumating ang Araw ng Paghuhukom, ang tao ay dapat na nasa kapayapaan. Ipinaliwanag ni Apostol Pablo ang kahulugan nito:


Colosas 3:15
" At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat. "


Ayon kay Apostol Pablo, ang katawan ang kinaroroonan ng kapayapaan, at ang katawan na tinutukoy ay ang IGLESIA NI CRISTO (Col.1:18; Roma 16:16). Kaya, ang wastong paghahanda sa pagdating sa Araw ng Paghuhukom ay ang maratnan ang tao ng araw na iyon sa loob ng tunay na Iglesia na tumupad sa mga utos ng Diyos nang walang dungis at walang kapintasan.

Dakilang biyaya ang dulot ng pag-anib sa Iglesia ni Cristo sapagkat sa pamamagitan nito ay mapagtatagumpayan ng tao ang kamatayan at maliligtas siya sa kaparusahan sa Araw ng Paghuhukom.

Biyernes, Nobyembre 28, 2014

MAIKLING KWENTO NG PANANAMPALATAY



Gaano ba kahalaga sa isang tunay na hinirang ang kaniyang pananampalataya sa Diyos? Ang Diyos ay tumatawag sa ilan sa pamamagitan ng iba't ibang paran at baka isa tayo minsan na ginawang kasangkapan. Atin pong tunghayan ang TRUE STORY OF FAITH ng Isang Kapatid na namumuhay sa ngayon sa labas ng Bansa na tawagin nalang raw sa pangalang "SON" sa ating pamagat na:


"BUHAY ABROAD"



Ako po ay isang handog masiglang kaanib sa aming lokal CAMARINES SOUTHWEST, Dahil sa pangangailan ay nagpasya na lumabas ng bansa, dahil sa kasamaang palad po ay iba ang lugar o project na nadestinohan ko. Seguro'y may plano ang Diyos kung bakit niya ako dinala dito.

Nadestino ako sa isang malayong pook sa isang bahagi ng desyerto at tanging kampo (accommodation) lang namin ang nandoon. Malayo sa bayan, aabot ng 100 kilometro patungo sa kinalalagyan na gitna ng desyerto. Ang nasaisip ko agad kung sa papaanong paraan na ako makakasamba at baka hindi na ako magkaroon ng pagkakataon dahil sa sitwasyon kong ito. Lumuluha ang aking mata habang dumulog sa Diyos sa pananalangin, na Siya'y gumawa ng paraan upang ako'y hindi mahadlangan.


lumipas ang 3 linggo may isang katrabaho ako na naaksidente at napilayan, kaya ako'y lumapit at binigyan siya ng 1st aid. Nagkakwentuhan kami at napagtanong kung taga saan at, nabanggit ko sa kaniya na sa manila ako nakatira sa CULIAT Q.C. at agad niyang tinanong kung malapit ba kayo sa iglesia ni cristo templo. Sabi ko naman oo dun lang kami sa likod nuon nakatira, sabi nya Iglesia kaba?... sabi ko OO , kaanib din po ako.


Sa pagkakataong iyon, napagtanto ko agad na siya'y isang kapatid rin at dala nya ang transfer nya na umabot ng 9 months na, at hindi pa nya naipapatala, sabi ko bakit di mo pinatala? Sagot niya'y di nya mahanap ang dako kung saan may Samabahan. Sabi pa niya, mayroon pang isang kapatid dito electrician, ipapakilala ko sayo mamayang gabi. Di naglao't nagkakila-kilala kaming tatlo. Yung isang kapatid ay nababa sa karapatan dahil nakapagasawa ng sanlibutan, sabi ko gawa tayo ng marapat na paraan upang sama-samang makadalo. Tumawag kami sa pinsan ko na kapatid na nandito din sa saudi. Nakipag-ugnayan kami para mahanap ang dako. Unang pagsamba namin sinundo kami ng mga scan sa bayan at hinatid sa dako, nakasamba kami. Hindi namin mapigilang pumatak ang mga luha bunga ng tuwa at kaligayahan, halos simula nuon tuwing araw ng samba ay pumapara kami ng mga truck na papunta sa bayan para lamang makisabay, at pag nsaa bayan na ay magtataxi papunta sa dako. Sobrang galak at saya ang aming nadarama tuwing makapasok na sa loob ng sambahan. Masaya kaming tatlo at higit sa lahat nagbabalikloob narin yung ksama. Pag-uuwi kami'y nagtataxi papunta sa gasolinahan upang doo'y mag-abang ng truck na dadaan sa tirahan namin, ganun ang ginagawa naming lagi para lamang makadalo, kailangang mamuhunan ng pagtitiis..


Kami ay umaalis sa kampo ng 5pm at nakakauwi kami ng 2am na, dahil sa layo at hirap ng sasakyan. Dahil sa awa ng Diyos, Siya ay nagbigay na paraan upang kami ay mas makatugon pa, may isang engineer na may sasakyan at nasa dulo pa ng kampo namin ang pinagtatrabahuan. Nakilala namin at simula nuon tuwing dadalo siya ay dinadaanan nya na kami kaya di na kami pumapara pa ng truck.

Simula noon, sobrang saya ng aming nararamdaman na ramdam ang patnubay at awa ng Maykapal. Kami'y magkakasama na dumadalo, lumipas ang mga araw at natapos na ang kontrata ng mga kapatid ko at nag EXIT na sila at bumalik na sa Bansa. Yung isang kapatid ay tumanggap agad ng tungkuling pagka diakono sa NUEVA VISCAYA nababalitaan kong masiglang tumutupad. Dati natagpuan ko siya na nasa kalayawan at gawang sanlibutan dahil 9 na buwang hindi nakakasamba at kasama ay sanlibutan ganun din yung isa tiwalag at nakapagbalikloob dito bago paman umuwi ng pilipinas. Tinuruan ko rin silang maglagak at maghandog para sa pasalamat at lingap at tanging handugan bago paman sila nakabalik. Nabago ang mga buhay ng kapatid na dati'y gipit na gipt sa pamilya at kulang ang sweldo pero nang matuto silang sumunod sa mga tungkuling paghahandog at pagsamba ay nabago lahat ang takbo at uri ng pamumuhay na may kasamang pagpapala sapagkat nababalitaan kong payapa ang pamamuhay kahit kaunti ang sweldo ay nagkakasya. Iniwan nila akong masaya dahil napasigla ko sila, natupad ko ang misyon ko kung bakit ako napadpad sa isang desyerto at tigang na lugar malayo sa paglilingkod subalit yun ay isang tungkulin na tulungan ang mga kapatid duon na malapit ng mahulog sa bangin ng kapahamakan. Salamat sa Diyos at kinasangkapan nya ako upang may makapag-balikloob sa Kaniya.


Naranasan namin nuon ang matinding pag-uusigi ng sanlibutan dahil nakikita nila kaming tatlo na tuwing byernes ay lumuluwas at pag gabi naman ay nagpapanata kami sa isang lugar na walang tao. Kami ay inuusig pero nagtagumpay parin kami. Gumwa sila ng mga tsismis sa aming tatlo dahil palagi kami magkakasama at pag gabi ay nakikita kaming tatlo na pumupunta sa isang lugar at duon ay nagpapanata, at sa pag-aakala nilang may ginagawa kaming masama, ngunit kami'y hindi nagpahadlang at sa awa at gabay ng Diyos ay naipagpatuloy namin ang aming mga paglilingkod. Mayroon din kaming mga naisasamang makinig sa pamamahayag.

Ako ay kasalukuyang nasa labas parin ng bansa hanggan sa matapos ko itong aking kontrata habang patuloy na nagpupuri at naglilingkod sa Diyos. Gabayan sana tayong lahat lagi ng Diyos na buhay..


My Comment:

Sa ating natunghayan, malaki ang magagawa ng taimtim na pagtitiwala sa ating Diyos sapagkat totoong nakasulat na, ang lahat ng may tiwala ay hindi mabubuwal, gaya ng nakasulat :


Nahum 1:7 NPV
“Ang PANGINOON ay mabuti, isang kanlungan sa panahon ng kaguluhan. Ipinagmamalasakit niya ang mga nagtitiwala sa kanya.”


Ano ang pangako sa mga nagtitiwala?


Isaias 30:18 MB
“Ngunit ang Diyos ay naghihintay Upang tulungan kayo at kahabagan; Diyos na makatarungan itong si Yahweh, Mapalad ang lahat ng nagtitiwala sa kanya.”


Awit 32:10 NPV
“Maraming kapighatian ang masasama, ngunit ang di nagmamaliw na pag-ibig ng PANGINOON ang nasa paligid ng taon gnagtitiwala sa kanya.”


Totoong hindi madali ang buhay sa labas ng bansa. Hindi porke naririnig nating " NASA ABROAD" ay mayaman na agad at masarap ang buhay. Ang Diyos ang higit na kayamanang walang kupas kung siyay nasa atin. Napakalaki ang kaugnayan at magagawa ng PANANALANGIN AT PAGTIWALA sa Diyos. Sa lahat po ng mga kapatid na naghahanapbuhay, o nasa labas man ng bansa, tandaan po na kahit saan man tayo mapadpad, HUWAG NATIN BITAWAN ANG ATING KAHALALAN at ito'y lagi nating dala-dala hanggang sa hantungan ng ating buhay. Pahirap na ang mundo at itoy mas lalong hihirap pa, subalit ang ating TANGING hangad nalang na natitirang pag-asa ay ang buhay na walang hanggan. Oo malayo man sa pamilya at mga anak kung may pamilya, subalit bawat PATAK NG LUHA sa ating pagsisikap at kayod araw-araw ay hindi masasayang at hindi magiging walang kabuluhan sapagkat ang pangako ng Diyos, TITIPONIN NIYA TAYO AT MAGSAMA-SAMA PAGDATING SA BAYANG PANGAKO AT HINDI NA MAGKAKALAYO PA.

Sana po ay may natutunan tayo sa kwentong ito.  At salamat po sa ating kapatid na nagpadala ng kaniyang kwento ukol sa pananampalataya. ^__^

Miyerkules, Nobyembre 26, 2014

Juan 17:5 KATUNAYAN BA NA EKSISTIDO NA SI CRISTO BAGO PA NAITATAG ANG SANLIBUTAN?




Sabi ng ilan, hindi raw nila mauunawaan ang Iglesia ni Cristo dahil umano sa pagsasabi na wala pang Cristo mula ng pagkatatag ng sanlibutan. Katunayan nito ay ginamit nila ang iilang talata at iisa na rito ang nilalaman ng Juan 17:5. Na Tinamo na ni Cristo sa Ama ang kaluwalhatian bago paman ginawa ang sanlibutan. Ating suriin ang talata, ganito ang isinasaad sa ibang salin na:


Juan 17:5 " At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking TINAMO sa iyo BAGO ANG SANLIBUTAN AY GINAWA." [New English Trans]

Sa kaluwalhatian raw na kaniyang natamo ni Jesus bago paman ang sanlibutan ay naging gayon. Sa katunayan raw, ay sinabi ni jesus ang past tense form ng Verb na "TINAMO" doon sa kaniyang panalangin sa Ama. Hindi ba raw ito patotoo na Dios si Jesus?

Kung atin pong tatanggapin agad ang kadahilanan nilang ito upang isipin na Dios si Jesus, ay dadami ang Dios nila. Iisa na rito si Apostol Pablo o maging ang mga Cristiano. Ganito ang sinabi ni Pablo sa kaniyang sulat sa Efeso:


" kaya PINILI Niya tayo kay Cristo BAGO ANG SANLIBUTAN AY GINAWA upang maging banal at walang dungis sa harapan Niya sa pag-ibig " [Efeso 1:4, New Jerusalem Bible]


Pansinin ang VERB na "PINILI" kung saan pareho rin ang pagkasabing " BAGO ANG SANLIBUTAN AY GINAWA" bilang ponto ng reperensiya. Masasabi ba natin ngayong si Pablo at ang mga Cristiano ay eksistido narin mula pa sa pasimula? Seguradong ang isasagot nila'y HINDI!


Totoo po na masasabi nating may eksistido na ukol kay Cristo mula sa pagkakatatag ng sanlibutan, subalit hindi sa sariling haka-haka na may Cristo na kundi ayun sa turo ng Banal Na Kasulatan. Si Apostol Pedro na isa sa totoong tagasunod ni Cristo ay may itinuro ukol sa Panginoong Jesucristo kung saan maglilinaw sa isyung ito :

1 Peter 1:20
" FOREKNOWN, indeed, BEFORE THE FOUNDATION OF THE WORLD, he has been manifested in the times for your sakes." [Confraternity Version]



Ang sabi, si Cristo ay "FOREKNOWN" o " NASAISIP" bago paman naitatag ang sanlibutan. Kung si Cristo ay eksistido na bago paman ang pagkakatatag, ay hindi na dapat "NASAISIP" pa si Cristo o salitain. Sa katunayan, ang kadahilalang nasa ISIP pa siya bago paman ang pagkakatatag ng sanlibutan ay patotoo na sa pagkakataong yun ay hindi pa eksistido si Cristo.

Sa papaanong paraan naman tinamo ni Cristo ang kaluwalhatian mula sa Dios ayun sa Juan 17:5 kung siya'y hindi pa eksistido "bago paman naitatag ang sanlibutan"? Upang sagutin ito, mas makakatulong kung sabihin rin ang magkatumbas na tanong : Sa papaanong paraan naman ang Dios ay pumili sa Cristiano " bago naitatag ang sanlibutan"? (Efe.1:5) kung hindi pa sila eksistido? Ang mga sagot dito ay makikita sa mga kasunod na mga talata :


Ephesians 1:5
" God PLANNED long ago that we become His Own sons through Jesus Christ. This would please God; it is what He wanted." [Simple English Bible]


Ayun sa Talata, " GOD PLANNED LONG AGO" o Nasa Plano/nasaisip na nang Dios ang Kaniyang " PAGPILI BAGO NAITATAG ANG SANLIBUTAN" (Efe.1:4), at sa ibang salin ay pagtalaga " Destined" [Revised Standard Version] sa upang maging Kaniyang mga anak. Tandaan na dito'y malinaw na ang mga tao ay hindi pa eksistido mula sa simula at lalong hindi rin Dios.

Sa parehong paraan, "TINAMO" ni Cristo ang kaluwalhatian " bago naitatag ang sanlibutan" [Juan 17:5] hindi sa pagiging eksistido na o pagiging Dios man kundi sapagkat ito'y PLANO o kaalamang mula pa sa simula mula sa Dios bago paman itinatag ang sanlibutan [1Pedro 1:20, CV] upang :



Colosas 1:16
" .... ang lahat na mga bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, na mga bagay na nakikita at ang mga bagay na di nakikita, maging mga luklukan o mga pagsakop o mga pamunuan o mga kapangyarihan; lahat ng mga bagay ay nilalang sa pamamagitan niya at UKOL SA KANIYA ."


" Bago naitatag ang Sanlibutan, pinili ng Dios si Jesus" [1Ped.1:20, SEB] "Siya ay itinalaga" [1Ped. 1:20, RSV] upang magkaroon ng gayong kaluwalhatian, bagaman Siya, gaya ng mga Cristiano ay hindinpa eksistido sa panahong yaon. Sa katotohanan din na ang Biblia naman ay nagtuturo kung kailan ang takdang panahon ng katuparan ng pag eksistido ni Jesus, ng Siya'y ipinanganak ng Isang babae na si Maria :


Galacia 4:4
" Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan "


Mateo 1:18
" Ang pagkapanganak nga kay Jesucristo ay ganito: Nang si Maria na kaniyang ina ay magaasawa kay Jose, bago sila magsama ay nasumpungang siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng Espiritu Santo. "


Upang sa mas malinaw na patotoo na si Cristo ay hindi Dios ayun sa mga talata na kanilang ginamit, ay mas mabuting basahin ang mga naunang talata na pahayag at pagpapakilala ni Cristo kung sino ba ang dapat na kilalaning TUNAY AT IISANG DIOS. Ganito ang kaniyang sinabi :


Juan 17:1 MBB
" Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “AMA, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya."


Juan 17:3 MBB
" Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ANG IISA AT TUNAY NA DIYOS, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo."

Lunes, Nobyembre 24, 2014

ANG HINDI DAPAT MALIMUTANG GAWIN NG MGA HINIRANG







Sa buhay ng tao sa mundo ay marami ang MAPAGPIPILIIANG GAWIN. Saan pupunta at sino ang pupuntahan. Ano ang bibilhin at ano ang isusuot. Ayon sa mga nagsasaliksik nakaharap ang bawat tao sa daan-daang pagpili araw-araw. Marami rito ay mahalaga at ang iba naman ay hindi. Gayunman, anuman ang ating piliing gawin ay nagpapahayag kung sino tayo at kung anong uring kinabukasan o buhay sa hinaharap ang nakalaan sa atin.

Kaya nga, sapagkat ang taong 2014 ay sa sa susunod na buwan ay magtatapos na at sa HULING BUWAN ng taon para sa marami ay isang panahon ng walang taros na pagsasaya at mararangyang PAGDIRIWANG hindi kakaunti ang totoong abala na anupa't punong-puno ang mga SCHEDULES ng marami sa mga binabalak nilang gawin. Sa loob ng isang buong taon ay nagpapakahirap sila NAPAGOD AT HALOS NAUBOS ANG LAKAS SA PAGGAWAkaya ang pagtatapos ng taon ay ayaw nilang paraanin nang basta na lamang. Itinuturing nila na isang pananagutan sa kanilang sarili at sa kanilang sambahayan na ang piliin at gawin ay ang pagsasaya sa abot ng kanilang makakaya. Kaya, sa nakararami, ang taong 2014 ay dapat matapos, wika nga sa Ingles, " WITH A BANG NOT WITH A WHIMPER".



HUWAG MAKALILIMOT


Hindi masama ang magsaya at magdiwang kasama ng ating mga mahal sa buhay alang-alang sa mga tagumpay na natatamo sa pag-aaral, paghahanapbuhay o anumang ating pinagpagalan. Ano nga naman ang ilang oras o araw na pagsasaya kung ikukumpara sa isang taong pagsasakit at pagtitiis? Subalit, maaaring malimutan ng iba na mayroon tayong KATUTUBONG PANANAGUTAN SA DIOS na dapat tiyakin na ating naisasagawa lalo na nga kung isaalang-alang ang mabubuting bagay na ginagawa Niya sa atin. Ito ang sinasaad ng Biblia :


"Maglingkod sa PANGINOON na may kagalakan; lumapit sa harapan niya at awitan siyang may galak. Alaming ang PANGINOON ay Diyos. Siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kaniya; tayo ang bayan n'ya, mga tupa ng kaniyang pastulan. Pumasok sa kaniyang mga pintuan na may pasasalamat, at sa mga patyo na may pagpupuri; pasalamatan natin siya at purihin ang kaniyang pangalan." [ Awit 100:2-4, New Pilipino Version]


Ang Dios ang lumalang at nagbibigay anyo sa atin mula sa bahay-bata ng ating ina [Isa.44:2]. Ang Dios na lumalang din ang may hawak ng ating hininga at buhay [Job.12:9-10]. Sa Kaniya rin tayo nangabubuhay at nagsisikilos [Gawa 17:28]. Kaya lahat ng tao ay may pananagutang maglingkod , pumuri at magpasalamat sa Dios.

Kung gayon, marami mang bagay ang gustong gawin at pagkaabalahan ng mga tao tuwing katapusan ng taon ( pamimili o shopping, handaan, pamamasyal, bakasyon, pagdalaw sa kamag-anak at kaibigan) hindi siya dapat malibang ni magambala ng mga ito. Dapat na matupad ng tao ang kaniyang katutubong pananagutan sa Maylalang sa kaniya.


ANG DAPAT GAWIN NG MAGPAPASALAMAT


Maaaring sabihin ng iba na kailanman ay hindi nila nalilimutang isagawa ang pananagutang MAGLINGKOD AT MAGPASALAMAT SA DIOS. Subalit may itinuturo ang Biblia na dapat munang gawin ng mga magpapasalamat sa Kaniya. Ganito ang pahayag :


Awit 100:4
" Magsipasok kayo sa kaniyang mga pintuang-daan na may pagpapasalamat, at sa kaniyang looban na may pagpupuri: mangagpasalamat kayo sa kaniya, at purihin ninyo ang kaniyang pangalan. "


Kaya hindi dapat basta maisasagawa ng tao ang pagpapasalamat at pagpupuri sa Dios. Ang pagpapasalamat ay KAILANGAN MUNA PUMASOK SA PINTUANG-DAAN. Sa panahong Cristiano, ang pintuan at daan na tinutukoy ay walang iba kundi ang ating Panginoong Jesuscristo [Juan 10:9; 14:6]. Kaya bago isagawa ng tao ang pananagutan niyang pumuri at magpasalamat sa Dios, kailangan muna niyang pumasok o dumaan kay Cristo. Sinabi ng Panginoong Jesuscristo na Siya " ANG PINTUANG DINARAANAN NG MGA TUPA" [Juan 10:7, Magandang Balita Biblia]

Ang pumasok o dumaan kay Cristo ay napaloob sa Kawan:

John 10:9
" I am the door; any one who comes into the fold through me will be safe " [ Revised English Version]

Sa Filipino :

" Ako ang pintuan; sinumang pumasok sa loob ng Kawan sa pamamagitan ko ay magiging ligtas "


Ang KAWANG tinutukoy ay ang IGLESIA NI CRISTO:


" Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you overseers, to feed the church of Christ which he purchased with his blood." [ Act 20:28, Lamsa Translation]

Sa Filipino :

" Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang Iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo."


Kaya para maisagawa ng tao nang karapat-dapat ang pananagutan niyang maglingkod, pumuri, at magpasalamat sa Dios, kailangan munang pumaloob siya sa Iglesia ni Cristo.


ANG PINILING GAWIN AT ALALAHANIN NG MGA HINIRANG


Bagaman abala ang mga tao sa sanlibutang pagsasaya at paggawa ng kanilang mga piniling gawain sa pagtatapos ng taon, ang piniling gawin ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay MAGPAPASALAMAT AT ALALAHANIN ANG HINDI MASAYOD NA KABUTIHAN NG DIOS. Hindi nila malilimot kailanman ang tunay na dahilan kung bakit sila tinawag ng Dios. Ganito ang pahayag ni Apostol Pablo:





Colosas 3:15
" At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat. "


Ang katawan na tinutukoy ni Pablo ay ang Iglesia na pinangunguluhan ni Cristo [Col.1:18]. Kaya kung hindi man pinahahalagahan ng ibang tao ang maging mapagpasalamat, para sa mga iglesia ni Cristo, ito ay KATUTUBONG PANANAGUTAN nila sa Dios. Ito ang dahilan kaya bago matapos ang bawat taon ay isinasagawa ng mga hinirang ng Dios sa mga huling araw ang mga pagpapasalamat sa Kaniya.

Gayundin, sa okasyong ito inaalala at ipinagpapasalamat ng mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ang napakasaganang biyayang kanilang tinanggap mula sa Dios:


Colosas 1:12 Na nagpapasalamat sa Ama, na nagpaging dapat sa atin upang makabahagi sa mana ng mga banal sa kaliwanagan "

Colosas 1:13 Na siyang nagligtas sa atin sa kapangyarihan ng kadiliman, at naglipat sa atin sa kaharian ng Anak ng kaniyang pagibig "


Colosas 1:14 Na siyang kinaroroonan ng ating katubusan, na siyang kapatawaran ng ating mga kasalanan "


Marapat lamang na gawin ng mga lingkod ng Dios ang pagpapasalamat sa Kaniya sapagkat pinapaging-dapat Niya sila na makabahagi sa mana ng mga banal sa paraang iniligtas sila sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng Anak o ni Cristo. Ang kahariang ito ay ang kinaroroonan ng katubusan at kapatawaran ng kasalanan, alalaong baga'y ang IGLESIA NI CRISTO na tinubos ng dugo ni Cristo.

Kaya hindi nakagagambala sa mga hinirang ng Dios ang anumang pagsasaya at pagdiriwang na nagaganap sa mundo. Nakaukit sa kanilang gunita ang napakadakilang biyayang ibinigay ng Dios na hindi matutumbasan ng anuman: ang KAPATAWARAN NG KANILANG KASALANAN na dahil dito ay naktitiyak sila ng kaligtasan pagdating ng araw ng paghuhukom.


SA HINAHARAP NA BUHAY


Kung sa papaanong dahil sa tulong at awa ng Dios ay nalampasan ng mga hinirang ang mabibigat na pagsubok sa taong ito, muli, ganito rin ang kanilang hinihiling sa Dios para sa taong darating, NA HUWAG NIYANG BAYAANG BUMAGSAK ANG KANIYANG MGA HINIRANG:


Awit 66:10-11,9, MB
" O Diyos, sinubok mo ang 'yong mga hinirang, sinubok mo kami upang dumalisay; at tulad ng pilak, kami'y idinarang . Iyong binayaang mahulog sa bitag, at pinagdala mo kami ng mabigat.
" Iningatan niya tayong pawang buhay, Di tayo bumagsak, di n'ya binayaan! "


Ganito naman ang tugon ng Dios sa mga hinirang Niya sa mga huling araw na lubos ang pagtitiwala sa Kaniya :


Isaias 41:13,17, MB
" Ako si Yahweh na inyong Diyos At siyang nagpapalakas sa inyo, Ako ang may sabing: 'Huwag kayong matatakot at tutulungan ko kayo'. "
" Pag ang aking baya'y inabot ng matinding uhaw, Na halos matuyo Ang kanilang lalamunan, Akong si Yahweh ang gagawa ng paraan; Akong Diyos ng Israel ag di magpapabaya. "


Kaya, tumindi man ang kahirapan at paghihikahos, lumala man amg kaguluhan at kawalang kapayapaan, magbanta man ang mga pagkakasakit, mga kalamidad at karahasan, hindi sila matatakot ni matitigatig. Ang kanilang tiwala at tanglaw ngayon at sa hinaharap na buhay ay ang Panginoong Dios:



Awit 116:7 5-6, MB
" Manalig ka, O puso ko, sa Diyos ka magtiwala, pagkat siya ay mabuti't di marunong magpabaya.
" Mabuti ang Panginoon, siya'y mahabaging Diyos, tunay siyang mahabagin at mapagpahinuhod. Si Yahweh ang nag-iingat sa wala nang sumaklolo, Nong ako ay manganib, iniligtas niya ako."


2 Samuel 22:29-40, MB
" Ikaw po, O Yahweh, ang tanglaw sa akin Tanging patnubay ko sa daang madilim. Kung ikaw, O Diyos ko ang aking kasama, Anuman ang hirap ay nasaslunga. "

Sabado, Nobyembre 22, 2014

PAGSUSUOT NG ALAHAS AT PAGPAGUPIT NG BUHOK NG BABAE BAWAL BA?

Bro, ako po ay isang Kapatid. Ako lamang ang isang INC sa aming pamilya at sila lahat ay ADD. Kanila pong tuligsa ay BAKIT DAW NAGSUSUOT TAYO NG PALAMUTI O ALAHAS SA KATAWAN, at BAKIT DAW DAPAT MAHABA ANG BUHOK NG BABAE ". Hindi ba ito nakasulat sa Biblia na pinagbabawal?


PAGSUSUOT NG ALAHAS: Bawal nga ba?


Saan ba nakabasi ang paniniwala nilang ito? Suriin po natin. Bakit Singsing ang ating ginamit sa larawan. Maaari kasi natin itanong na ang SINGSING o RING ba ay hindi isang ALAHAS? Kung ikinasal ba sa kanila ay wala ba sila nito? Ating suriin ang ilan pang patotoo mula sa Banal na Kasulatan.

Totoo na sa Banal na Kasulatan ay mababakas natin na ang mga Unang Lingkod ng Dios gaya ng Israel ay di pinagbawalang magkaroon at magsuot ng alahas at gumamit ng mga hiyas at ginto. Katunayan bago nila lisanin ang Egipto ay iniutos ng Dios. Ganito po:



Exodo 3:22
" Lahat ng babae ay manghihingi ng damit, alahas na ginto o pilak sa kanilang mga kapitbahay at sinumang babaing nandoroon. Ipasusuot ninyo ang mga ito sa inyong mga anak.." [MB]


MGA SAMPOL NG ALAHAS GAYA NG SS.


Ang alahas na tulad ng hikaw.


Exodo 32:2
" Kung gayon, tipunin ninyo ang mga hikaw na ginto ng inyong asawa't mga anak..." [MB]


Upang ipakita ng Dios ang Pag ibig niya sa Jerusalem sa ganito Niya inilarawan ang pag- ibig na Kaniyang ginawa.



Ezekiel 16:11-13
"Sinuutan kita ng pulseras sa magkabilang braso, at binigyan ng kuwintas. Binigyan din kita ng hikaw sa ilong at tainga. Pinutungan kita ng isang magandang korona. Nagayakan ka ng alahas na pilak at ginto..." [MB]


PANAHONG CRISTIANO


Nang dumating ang panahong Cristiano, sa isang talinghaga ni Jesus tungkol sa alibughang anak, nang ito ay bumalik ay ipinag utos ng ama sa alila:



Lucas 15:22
" ..Madali! Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya, Suutan siya ng singsing at panyapak."[MB]



KUNG hindi pala masama o bawal ang magsuot ng alahas. Maaaring pumasok sa isipan nila ang mga katanungang ito:
Bakit sa mga unang taon ng INC ay ipinaiiwas ng Sugo ang pagsusuot ng mga alahas? Ano ang layunin? at Ano ang pinagbatayan ng Sugo sa pansamantalang pagpapapatupad nito?


Sagot. Ginamit ng Sugo ang Paraan ng mga Apostol na gatas para sa sanggol. Paano? Narito:


Hebreo 5:13-14

"Ang nabubuhay sa gatas ay sanggol pa, wala pang muwang tungkol sa mabuti't masama. Ngunit ang matigas na pagkain ay para sa may sapat na gulang, na sanay na sa pagkilala ng mabuti't masama."[MB]




Sapagkat bata pa o nagsisimula pa lang ang INC ay pansamantalang ipinaiiwas ang pagsusuot ng alahas, bagama't di masama ang pagsusuot nito, ay maaari naman itong magamit sa maling layunin na dito pinag ingat ng Sugo ang Iglesia.

Sa anong layunin ng paggamit ng alahas o ginto o hiyas, tayo ay pinag-iingat kaya ito ay pansamantalang ipinapaiwas ? Ang magamit ang alahas sa pagpaparangya.

PAANO NAKAKASAMA?

Oseas 2:13
"At aking dadalawin sa kaniya ang mga kaarawan ng mga Baal, na siya niyang pinagsusunugan ng kamangyan, nang siya'y NAGPAPARANYA ng kaniyang mga HIKAW at kaniyang mga HIYAS,..."



Mali ang mga pamamaraan na ginamit upang MAGPARANGYA. Mali rin na magamit ang alahas sa PAGPAPALALO at PAGMAMATAAS.


Isaias 3:16-21.
"Bukod dito'y sinabi ng Panginoon, Sapagkat ang mga anak na babae ng Sion ay mga mapagmataas, at nagsislakad na mga may kapalaluan at mga matang nakairap, na nagsisilakad at nagsisikendeng habang nagsisiyaon, at nagpapakalatis ng kanilang mga paa: Sa araw na yaon ay aalisin ng Panginoon ang kagayakan ng kanilang mga hiyas sa paa, at ang mga hiyas ng ulo, at ang mga pahiyas na may anyong kahating buwan;
Ang mga hikaw, at ang mga pulsera,... kuwintas sa bukong bukong...ang mga singsing,.."



Ito ang dahilan kung bakit pansamantalang ipinaiiwas ng Sugo sa Iglesia Ni Cristo ang pagsusuot ng mga alahas sa mga unang taon nito. Sapagkat noon, ang Iglesia ay bata pa sa pananampalataya ay baka mahulog sa maling layunin ng paggamit o pagsusuot ng mga Alahas.



Dumating ang panahon na ang Iglesia Ni Cristo ay di nanatiling bata sa pananampalataya. Inalis na ng Sugo ang pagiiwas nito sapagkat sinasabi din naman sa Biblia.



Hebreo 5:14
"Ngunit ang matigas na pagkain ay para sa may sapat na gulang, na SANAY NA sa pagkilala ng mabuti't masama."[MB]



UKOL NAMAN SA BAWAL DAW MAGPAGUPIT NG BUHOK ANG MGA BABAE


Hindi ito naiintindihan ng ating mga kaibigan sapagkat nang mabasa lang na mahaba ang buhok ay agad ng pinagbawal. Ganito ang laman ng talata :

1 Corinto 11:15
'Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip''


Kung ating tatanungin, gaano kahaba ang isang bagay para masabi mo itong mahaba? Siyempre isang kakilakilabot at pangit tingnan na ang babae ay KALBO.


ayon po sa pag aaral nang siyensiya, ano ang kanilang masasabi ukol rito?


" The most oft-quoted average rate of human hair growth is 6 inches (15 centimeters) per year. However, the majority of studies measuring the rate of hair growth didn't take into account the race of study participants. It's known, for instance, that Caucasian hair differs from Asian and African hair in several ways, e.g., density (how closely hair strands are packed together) and the angle of hair growth.

" A 2005 study in the International Journal
of Dermatology also found a difference
among races in the rate of hair growth.
For example, Asian hair grows the fastest, while African hair grows the slowest. The average hair growth rate of Asian female participants was nearly 6 inches per year. Comparatively, African female participants' hair grew 4 inches (10 cm) per year, while Caucasian female participants' hair grew a little more than 5 inches (13 cm) per year.

" The hair growth rate of the male participants didn't significantly differ from that found for women. "

Source :

http://m.livescience.com/42868-how-fast-does-hair-grow.html

answerparty.com/question/answer/what-is-average-rate-of-human-hair-growth


kung ang isang babae ay inialis sa kanya ang pagpapagupit nang 10 taon gaano na kahaba ito? 60inch mula sa pag ka kalbo..
mga LIMANG TALAMPAKAN siguro ito. papaano kung mababa ang taas nang
isang babae papaano kung sa sitwasyong
iyon ay na tatapakan na niya nang kanyang buhok sa kahabaan nito? maari po ba itong matawag na kaayusan GAYON sa biblia may utos :

1 Corinto 14:40
''Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.''


Samakatuwid, isang pagsunod sa kaayusan ang pagpaputol o pagtrim ng buhok na isang angkop sa isang tao na babagay sa Kaniya upang maging maayos at maganda sa paningin ng tao, higit sa lahat ay sa harap ng Dios. Ating balikan ang nasa unahan ng talata na ginamit nila upang mas mapalinaw :


1Corinto 11:10
" Dahil dito'y nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng TANDA NG KAPAMAHALAAN, dahil sa mga anghel.


Ang tanda ng kapamahalaan yung BUHOK
o yung LAMBONG. Ano ba yung lambong?



1Corinto 11:15
" Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip ".



Yung buhok ginawang pantakip sa ulo. ang tanong, kung may babae at ginupit niya split ends niya at nagpagupit siya hanggang baywang o balikat ibig bang sabihin WALA na siyang lambong? Diba't may lambong pa rin siya? Diba't MAHABA pa rin yun ayun sa pag-aaral? Paano kung pina hot oil niya pa? paano kung pina rebond ? diba't mas maganda lambong niya. Gaya ng sinasabi sa 11:15 ang buhok ay bilang Pantakip. Kaya ang tanong natin, MAY BUHOK paba ang tawag doon?


Kung ang sagot meron pa rin edi tapos ang usapan. Kung ang sagot wala, aba e baka iba na kausap mo na sumagot...^__^

Biyernes, Nobyembre 21, 2014

ANG DAKILANG KABANALAN NG PAG-AASAWA




Sa panahon ngayon, ang institusyon ng pag-aasawa ay nagiging malubhang hamun sa pamamagitan ng pag-iba sa pamantayan ng moralidad. Para sa iba, ang pag-aasawa ay nabawasan at nawalan ng katarungan sa isang piraso ng papel na walang espirituwal na kabuluhan. Ang ilan, ay nagsasabi na Ok lang na magkaroon lamang ng isang live -in relasyon upang matugunan ang isang tao kung kanino nais nilang ibahagi ang kanilang buhay. Doon naman sa pumasok sa buhay may asawa, mayroon din iba na naniniwala na anomang oras ay maaaring mag deborsio kung gugustuhin nila at sasama sa iba kung sino ang nais makasama. Narito sa Chart ang Nangunguna na mga bansa sa nagsasagawa ng deborsio. Kuha mula sa divorcemagazie.com




Sa mahigit na 15 bansa, mahigit 40% ng mga mag-asawa ang naghihiwalay sa dahilan ng DEBORSIO. Ano ano ba ang dahila kung bakit palasak ang ganito? Ayun sa parehong magazine, ay bukod sa may iba pa, pakikiapid, paglabag sa pisikal at emosyonal, kahirapan, at kakulangan ng panahon.

Habang ang Paghihiwalay ay isang masalimuot na pagtatapos ng maraming magasawa, ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay hindi sumusunod rito na magkaroon ng kawalan ng kabuluhan. Alam nila na ang Dios ang Siyang nagtayo at nagbuo nito na gaya ng pinatutunayan ng Biblia :


Mateo 19:5-6

" At sinabi, Dahil dito'y iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ina, at makikisama sa kaniyang asawa; at ang dalawa ay magiging isang laman?
Kaya nga hindi na sila dalawa, kundi isang laman. Ang pinapagsama nga ng Dios, ay huwag papaghiwalayin ng tao ".


Ang Dios ay hindi pumapayag sa simumang Tao na papaghiwalayin ang sinomang pinag isa sa harap Niya o bilang magasawa. Ang Biblia ay may iba pang sinabi tungkol dito :


Malachi 2:16
“I hate divorce,” says the Lord God of Israel, “and the one who is guilty of violence,” says the Lord who rules over all. “Pay attention to your conscience, and do not be unfaithful.”[New English Translation]

Ayaw na Ayaw ng Dios ang Deborsyo. Kaya ito ay isang malaking kamalian sa harap niya.


TUNAY NA SOLUSYON


Ano ba ang mga kailangan upang hindi mahulog sa mga ganitong mga suliranin ng mga magasawa? Sila'y dapat na sumunod sa mga kautusan ng Dios at ipapanatili ito kasama nila :


Roma 7:2

" Sapagka't ang babae na may asawa ay itinali ng kautusan sa asawa samantalang ito ay nabubuhay; datapuwa't kung ang asawa'y mamatay, ay kalag na sa kautusan ng asawa ".


Ang mag-asawa sa loob ng Iglesia ni Cristo ay kailangan isigurado na ang mga kautusan at aral na mula sa Dios ay nakapaloob lagi araw-araw sa kanilang pagiging mag-asawa. Kung ang bawat isa sa kanila ay ay hahayaan ang aral at salita ng Dios at isasabuhay sa kanilang pagiginga mag-asawa, seguradong ang lahat ng suliranin ay malalampasan sa kanilang buong sangbahayan. Sa ganitong pananaw, ating suriin ang kahayagan ng mga itinuturo ng Dios na nakasulat sa Banal na Kasulatan ukol sa ilang kadahilanan ng ibang tao kung bakit humantong sa ganitong pagtatapos sa kanilang Buhay may Kasama.


IKARANGAL ANG PAG-AASAWA


Ano ba ang turo ng Dios pagdating sa Extramarital Sex o pangangalunya?, kung saan ito ay ang isang rason kung bakit ang relasyon mg magasawa ay humantong sa Hiwalayan?


Hebreo 13:4

" Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios ".


Kung ang bawat isa lamang ay isaisip at papanatilihin sa kanyang puso at isipan na ang Dios ay magpaparusa sa kanino mang hindi tapat sa kanilang asawa, ay maiisaip niyang maraming beses bago magagawa ang pagkakasala, lalo na kung ikokonsidera niyang isang malaking kaparusahan ang mahuhulog sa ganitong imoralidad :


Apoc. 21:8
" Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, AT SA MGA MAKIKIAPID, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ANG KANILANG BAHAGI AY SA DAGATDAGATANG NAGNININGAS SA APOY AT ASUPRE; na siyang ikalawang kamatayan ".


IRESPETO ANG BAWAT ISA


Ano ba ang turo mg Biblia hinggil sa pisikal, emosyonal, at maging sa papanalitang pag aabuso, kung saan magiging dahilan naman ng pagaasawa sa di pagkakaunawaan hanggang sa hiwalayan? Ang Biblia ay nagtuturo kung paano ito maiiwasan :


Efeso 5:33
" Gayon man ay umibig naman ang bawa't isa sa inyo sa kani-kaniyang sariling asawa gaya ng sa kaniyang sarili; at ang babae ay gumalang sa kaniyang asawa ".


Pagdadamayan at respeto sa bawat isang mag-asawa at ito ay isang aspeto tungo sa tagumpay at walang hangganan ng pagsasama ng mag-asawa. Ang ganitong uri ng aral ukol sa Pag-aasawa ay itinuturo sa loob ng Iglesia Ni Cristo, at upang irerespeto, ang isa ay dapat na maging handa upang rumespito sa kani-kanilang asawa. Kung ito ay maisasagawa, ay walang mangyayaring hindi pagkakaunawaan. Ang lalaki ay dapat pag-ingatan ito na makabuluhang pagtuturo ng Diyos ,gaya ng itinuro pamamagitan ni apostol Pedro:


1 Pedro 3:7
" Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan ".


Ang lalaki ay marapat na hindi ibubulalas ang kaniyang pagkabigo mula sa ibang aspeto ng kaniyang buhay sa kaniyang asawa kung saan siya ay isang mahinang kasama. Ang isang MARAHAS ng lalaki ay kasuklam-suklam sa paningin mg Dios, gaya ng sinasabi :


Kawikaan 3:31-32
" Huwag kang managhili sa taong marahas, at huwag kang pumili ng anoman sa kaniyang mga lakad.
Sapagka't ang suwail ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang kaniyang payo ay kasama ng matuwid ".


MAGING KONTENTO



Ibang dahilan kung bakit ang ilan ay humantong sa deborsio ng kanikanilang mga asawa ay ang ukol s ekonomiya o pangangailangan na kanilang hinaharap. Ngunit , dapat bang payagan ng mag-asawa na ang kakulangan ng materyal na ari-arian o kayamanan ay siyang maging sanhi ng labis-labis na stress o pilay sa kanilang mga buhay at mapinsala ang pamumuhay bilang mag-asawa? Ganito ang turo ng Biblia :


Hebreo 13:5
" Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan ".


Marami ng pagkakataon na may ganitong karanasan. yaon ding nakaranas ng financal problem ay yaong nag overspend o gumastos ng sobra, o gumastos ng walang kabuluhan. Ang tao na hindi pantas sa pag gastos ng pera ay mga "MANGMANG" sa mata ng Dios, gaya ng sinabi ng Biblia :


Kawikaan 21:20
" May mahalagang kayamanan at langis sa tahanan ng pantas; nguni't ito'y sinasakmal ng mangmang ".


Hindi lamang kailangan na tayo ay mabuhay sa ating paraan, kundi marapat na panatilihin ang ating buhay na mahulog sa pagmamahal sa Pera. Ang kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay lahat pinapayuhan at pinaaalalahanan na isalig ang tiwala sa Dios, at ito naman ay pangako Niya na " Hindi ka Niya iiwan, hindi ka Niya pababayaan ".


MAGING TAPAT SA PANGAKO


Isa pang matinding mantsa para sa iba pagdating sa kanilang pag-aasawa ay kakulangan ng komunikasyon. Ito ay naghahatid sa kanila upang isipin na sila ay nagkukulang ng pagkakatugma sa kanilang mga asawa. Ano, gayunpaman , dapat bang alalahanin ng mag-asawa nang sa gayon ay hindi sila ay magbibigay-daan tulad damdamin o saloobin sa mangibabaw ang kanilang pag-iisip at lalo na sa kanilang pag-aasawa ?


Malakias 2:14
" Gayon ma'y inyong sinasabi, Bakit? Sapagka't ang Panginoon ay naging saksi sa iyo at sa asawa ng iyong kabataan, na ginawan mo ng paglililo, bagaman siya'y iyong kasama, at siyang asawa ng iyong tipan ".



Mga taong lumusong sa banal na pag-aasawa ay gumawa ng isang banal na panata sa harap ng Diyos na sila ay tapat sa kanilang mga asawa hanggang kamatayan. Upang matupad ang ganitong Panata, isa sa bagay na dapat itayo sa relasyon ng magasawa ay ang MABUTING KUMUNIKASYON o PAKIKITUNGO sa bawat Isa. Ang magasawa ay dapat na maglaan ng kaukulang panahon sa bawat isa, hindi lamang upang pag usapan ang mga suliranin na maaaring masagupa, kundi ang higit ukol sa pagsasalita mula sa puso , na iincourage ang ang bawat isa, at patatagin ang BONDING ng bawat isa upang sa gayon ay mas lalo pang mapanatag ang sarili sa darating pang mga hamon ng buhay.


Gayunpaman, ano ang mapapala ng mag-asawa na magbigay ng malaking kahalagahan sa mga utos ng ng Dios lao na sa kanilang tahanan?



Awit 128:1-4
" Mapalad ang bawa't isa na natatakot sa Panginoon, na lumalakad sa kaniyang mga daan.
Sapagka't iyong kakanin ang gawa ng iyong mga kamay: magiging maginhawa ka, at ikabubuti mo.
Ang asawa mo'y magiging parang mabungang puno ng ubas, sa mga pinakaloob ng iyong bahay: ang mga anak mo'y parang mga puno ng olibo, sa palibot ng iyong dulang.
Narito, na ganito nawa pagpalain ang tao, na natatakot sa Panginoon ".



Isang pagpapala ang matatamo ng mga mag-asawa na nananatili sa mga kautusan at pamamaraan na naayun sa mga pamamaraan na turo ng Dios, at hindi ang naaayun sa kanilang kagustuhan. Pagpapalain ang buong sangbahayan upang lalo pang tumatag at maging matibay sa lahat ng mga pagsubok.