Mga Pahina

Linggo, Hulyo 13, 2014

Si Apostol Pedro ba ang Unang Santo papa?





Aral at doktrina na noon pama'y hawak na ng mga katoliko ang paniniwala nilang ito. Subalit, marami parin sa kaanib nila ang walang malay sa ganitong aral sapagkat, hindi nila maitatanggi na ang mga kaanib ay hindi dinaan sa pagdodoktrina upang magkaroon ng mataas na pagkilala at pananampalataya. Ito ang aral na muli'y ating ihayag upang marami pa ang mas makakaunawa sa tunay na aral.


Ating muling itanong, ano po ba ang isa sa pinaka-pinanghahawakan nila na mga talata na nagtuturo umano'y pag bigay ni Cristo ng Authority kay Pedro upang maging unang Santo Papa. Sa gamit nila mula sa John 21:15-17 ng Douay–Rheims Bible, ay ganito ang nakasulat sa Pilipino na:




Juan 21:15-17
“Kaya't nang mangakapagpawing
gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga ako ng higit kay sa mga ito? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Pakanin mo ang aking mga kordero”.
“Sinabi niya sa kaniyang muli sa ikalawa, Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi niya sa kaniya, Alagaan mo ang aking mga tupa.”
“Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? Nalumbay si Pedro sapagka't sa kaniya'y sinabing makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi
sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang aking mga tupa.”



Ito raw ay ang dahilan kung paano ipinagkaloob na pagiging Santo Papa o ang Authority kay Pedro. Dito palang e talagang makikita na ang pag haka haka ng aral ukol rito. Tandaan po natin." WALANG BINANGGIT SI CRISTO NA GINAWANG SANTO PAPA SI PABLO". kundi sa pagka sabi ni Cristo na "PAKANIN MO ANG AKING TUPA", na agad namang kunklusyun nila na malinaw raw na inatangan ng katungkulan upang maging Unang Santo papa.


Sa talatang binanggit tatlong beses ito sinabi at binanggit ni Cristo. " “Simon anak ni Juan, Iniibig mo baga ako?” .

Ano ang Dahilan ni Cristo? Mas mabuti, bago ang haka haka e mabuting suriin ang mga talata na nasa unahan nito. Ang dahilan ni Cristo sa pagtatanung at pagsabi ni Cristo kay Pedro. Tandaan po natin, ito pong pangyayaring ito ay sa muling pagka buhay ni Cristo. At kinausap Niya si Pedro at sa kadahilanang, NAGDUDUDA SA PAGIBIG NI PEDRO sa kaniya. Sa anong dahilan? Ibaba natin ang talata :



Juan 21:2-3
“Samasama nga si Simon Pedro, at si Tomas na tinatawag na Didimo, at si Natanael na taga Cana ng Galilea, at ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pa sa kaniyang mga alagad.”
“SINABI SA KANILA NI SIMON PEDRO, MANGINGISDA AKO. SINABI NILA SA KANIYA,KAMI MAN AY MAGSISISAMA SA IYO. Sila'y nagsiyaon, at nagsilulan sa daong; at nang gabing yaon ay wala silang nahuling anoman.”


Napansin po natin, bago natin pinuntahan ang talata na ginamit nila ay makikita natin mula sa mga naunang talata nito, na si Pedro ay nag pasya na UMURONG SA KANYANG TUNGKULIN at naisipang bumalik sa dating gawain sa PAGKA-MANGINGISDA at isinama pa ang mga alagad.


Dapat rin natin mauunawaan na sa unang pagtawag sa kaniya ay nakita ni Cristo si Pedro sa kanyang unang gawain na gaya ng binanggit sa taas na pagka-mangingisda:



Mateo 4:18
“ At sa paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea; ay nakita niya ang dalawang magkapatid, SI SIMON NA TINATAWAG NA PEDRO, at si Andres na kaniyang kapatid, na inihuhulog ang isang lambat sa dagat; sapagka't SILA'Y MGA MAMAMALAKAYA.”




Malinaw At ganito ang sinabi ni Jesus kay Pedro:



Lucas 5:10
“At gayon din si Santiago at si Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasama ni Simon. AT SINABI NI JESUS KAY SIMON, HUWAG KANG MATAKOT; MULA NGAYON AY MAMAMALAKAYA KA NG MGA TAO.”


Nang tinawag ni Cristo si Simon Pedro upang maging APOSTOL ay maliwanag na siya’y pinatigil na ni Cristo sa gawaing PANGINGISDA, at sinabihan nga na

“MULA NGAYON AY MAMAMALAKAYA KA NG MGA TAO.”[Mangangaral ng ebanghelyo, dalhin ang tao sa katotohanan].



Ito ang pagkatawag kay Apostol Pedro sa pagbigay ng tungkulin sa pagka aposto. Subalit nang mamatay na ang Panginoon ay nagpasya si Pedro na umurong sa kanyang tungkulin at naisipanh bumalik sa dating Gawain. Kaya ng sa muling pagkabuhay ni Cristo ay kinausap Niya si Pedro:


Juan 21:15
“Kaya't nang mangakapagpawing gutom sila, ay sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, Simon, anak ni Juan, INIIBIG MO BAGA AKO NG HIGIT KAY SA MGA ITO?...”


Ano ang naging damdamin at naging reaksyon ni Pedro?


Juan 21:17
“Sinabi niya sa kaniya sa ikatlo, Simon, anak ni Juan, Iniibig mo baga ako? NALUMBAY SI PEDRO sapagka't sa kaniya'y sinabing makaitlo, Iniibig mo baga ako? At sinabi niya sa kaniya, Panginoon, nalalaman mo ang lahat ng mga bagay; nalalaman mo na kita'y iniibig. Sinabi sa kaniya ni Jesus, Pakanin mo ang
aking mga tupa.”



Sa napansin po natin. Si Pedro ay "nalumbay" sapagkat, alam niyang si Cristo ay nagdududa at alam na siya ay umurung sa kaniyang tungkulin. Kaya makaitlong beses siyang tinanong ni Cristo. At upang makapanigurado ay inutusan Siyang " Pakanin mo ang aking tupa".


May dapat po tayong mapansin. Lalong nagpapatotoo na mali ang kanilang pag aakla sapagkat, may "malulumbay" palang santo papa na tumanggap? Talagang mali sa pagpakahulugan ng talata na kanilang ginamit sapagkat ang tema ng tagpo ay bilang pag-uutos ni Cristo kay Pedro at hindi paglilipat ng isang "authority".


Sa pagkasabing " PAKANIN" mo ang aking tupa, ano ang katumbas doon?




Gawa 20:28 “ Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga KATIWALA, UPANG PAKANIN ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.” [Lamsa Version]



Maliwanag na ito ay bilang "PANGANGALAGA SA MGA TUPA SA LOOB NG IGLESIA" kung saan ang isang tao ay hinirang upang maging katiwala na mangangalaga. Kung gayon, hindi lang pala ito sa iisang tao kundi ito ukol kung saan isang gampanin o tungkulin na iniutus at hindi isang pagpapasa ni Cristo kay Pedro ng Authority.

Kung magiging Santo Papa ba ang isang tao, gaya ng kanilang pag-kilala kay Pedro, ano ang katumbas doon?



"The pope, therefore, as vicar of Christ, is the VISIBLE HEAD of CHRIST'S KINGDOM on earth, THE CHURCH, of which CHRIST HIMSELF IS THE INVISIBLE HEAD." [Answer Wisely , by Rev. Martin J. Scott, p. 49 ]


Sa Filipino:


“Ang Papa, samakatuwid, bilang kahalili ni Cristo, ay ang NAKIKITANG ULO ng KAHARIAN NI CRISTO sa lupa, ang IGLESIA, kung saan SI CRISTO MISMO ANG DI NAKIKITANG ULO NITO.”


Malinaw mula sa kanilang aklat at paniniwala na ang isang Papa ay nagrerepresenta bilang ULO NG IGLESIA NA NAKIKITA dito sa lupa.Kaya malinaw na ang pagkilala nila, si Pedro ay ulo rin ng Iglesia. Kita nyu na ang kanilang paniniwala ukol rito. Kailanma'y walang ganitong aral mula sa Biblia

CRISTO = INVISIBLE HEAD IN HEAVEN

SANTO PAPA= VISIBLE HEAD ON EARTH

Ano nga ba ang totoong aral na dapat natin malaman?



Mateo 28:18
“At lumapit si Jesus sa kanila at sila’y kaniyang kinausap, na sinasabi, ANG LAHAT NG KAPAMAHALAAN SA LANGIT AT SA IBABAW NG LUPA AY NAIBIGAY NA SA AKIN.”


Malinaw po ang sabi ng Biblia. Lahat ng kapamahalaan mula sa LANGIT AT LUPA man ay si Cristo lamang ang may pamamahala at ito ay hindi na mapapalitan


1 Corinto 3:11
" Sapagka't sinoman ay hindi makapaglalagay ng ibang pinagsasaligan, kundi ang nalalagay na, na ito'y si Cristo Jesus. "


Talagang totoong hindi na mapapalitan ang Pagiging ulo ng Iglesia na si Cristo at maling Gawing Papa o pope si Pedro. Sapagkat, ang pagiging Papa ay nangamgahulugang kapalitan o kahalili ni Cristo. Ganito ang kanilang pag-amin:



“THE POPE TAKES THE PLACE OF JESUS CHRIST ON EARTH…by divine right the Pope has supreme and full power in faith, in morals over each and every pastor and his flock. HE IS THE TRUE VICAR, THE HEAD OF THE ENTIRE CHURCH, the father and teacher of all Christians. He is the infallible ruler, the founder of dogmas, the author of and the judge of councils; the universal ruler of truth, the arbiter of the world, THE SUPREME JUDGE OF HEAVEN AND EARTH, THE JUDGE OF ALL, being judged by no one, God himself on earth.” [Quoted from the New York Catechism]


Ang Papa ay may titulong Vicar na nagpapatunay umano ng pagiging ULO ng IGLESIA. Ganito rin sa isang dictionatyo:



“Vicar 
VIC'AR , n. [L. vicarius, from vicis, a turn, or its root.]

In a general sense, A PERSON DEPUTED OR AUTHORIZED TO PERFORM THE FUNCTIONS OF ANOTHER; A SUBSTITUTE IN OFFICE.” [Webster’s 1828 Dictionary ]


Kung sa Biblia kaya, sasang-ayunan ba itong paniniwala nila? Ganito ang patotoo naman ng Biblia:



Hebreo 7:24
 “Datapuwa’t siya, sapagka’t namamalagi magpakailan man ay may pagkasaserdote siyang DI MAPAPALITAN.”



Napakalinaw naman po pala ng Biblia na nagtuturo na si Cristo a hindi nagkaroon ng kapalitan maging dito sa lupa kung saan nagpatungkol sa mga Papa. Makikita po natin ang maling aral mula sa paniniwala ng mga katoliko na kanilang ginawa si Pedro na isang Papa ng Iglesia na kailanma'y hinding hindi ito inangkin ni Pedro. Sapagkat masama ang pagkakaroon ng titulong ito na kanilang dinamay pa si Pedro sa kanilang kasinungalingan. Ganito ang isang nagrerepresenta pa sa pagiging Papa na kaylan may hindi ginawa ni Pedro:



“THE POPE IS NOT ONLY THE REPRESENTATIVE OF JESUS CHRIST, HE IS JESUS CHRIST HIMSELF, hidden under the veil of flesh.” [Catholic National, July 1895 ]


Sa Filipino:


“ANG PAPA AY HINDI LAMANG KINATAWAN NI JESU CRISTO, SIYA AY SI JESU CRISTO MISMO, na natatago sa ilalim ng takip ng laman.”


Kita nyu na. Ang pagiging Papa umano'y nagpapakita na Siya'y si Cristo. Kailanman ay hindi ito ginawa ni Pedro sapagkat may babala ng ganito mula sa Biblia:



Mateo 24:5
 “Sapagka't marami ang magsisiparito sa aking pangalan, na mangagsasabi, AKO ANG CRISTO; at ililigaw ang marami.”


Ang pagpapanggap at pagpakilala pala bilang Cristo ay pinapauna na ng Biblia na may lilitaw upang iligaw ang marami. Ginawa ba ito ni Pedro? Hinding-hindi ito magagawa ng sinomang Apostol gaya ni Pedro, kanila lang ginawan ng kasalanan si Pedro. Ito ang inangkin ng mga Santo Papa na hindi ginawa ni Apostol Pedro na magpanggap. Ito pa ang kakilakilabot na pagpapakahulugan bilang pagiging Papa:



“ WE HOLD UPON THIS EARTH THE PLACE OF GOD ALMIGHTY ” [Pope Leo XIII Encyclical Letter of June 20, 1894 ]


" Pope Nicholas I declared: “the appellation of God had been confirmed by Constantine on THE POPE, WHO, BEING GOD, CANNOT BE JUDGED BY MAN.” [Labb IX Dist.: 96 Can. 7, Satis evidentur, Decret Gratian Primer Para ]



Ganito ang kasalanan na ipinatong nila kay Pedro, ng dahil sa ginawa nilang Papa ay katumbas na rin pala ng pag-angkin ng kapangyarihan ng Dios, at pagpapakilala bilang Dios. Kasalanan na naman ulit ang kanilang ipinaratang kay Pedro na siyang labag sa Biblia:



Hebreo 12:23
 “Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit, at sa DIOS NA HUKOM NG LAHAT, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal,..”


2 Tessalonica 2:3-4
“Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating muna ang pagtaliwakas, at mahayag ang TAONG MAKASALANAN, ang anak ng kapahamakan, NA SUMASALANGSANG AT NAGMAMATAAS LABAN SA LAHAT NA TINATAWAG NA DIOS O SINASAMBA; ANO PA'T SIYA'Y NAUUPO SA TEMPLO NG DIOS, NA SIYA'Y NAGTATANYAG SA KANIYANG SARILI NA TULAD SA DIOS.”



Saan pa maaring ang Pagiging Santo Papa ay nakitulad sa Dios?


Mateo 23:9
" At huwag ninyong tawaging inyong ama ang sinomang tao sa lupa: sapagka't iisa ang inyong ama, sa makatuwid baga'y siya na nasa langit. "


Kaya, may babala na huwag tawaging Papa ang sinoman tao rito sa lupa. Mas lalo na si Pedro na tawaging unang Papa sa Katoliko. Anu at saan Ama ang mga Papa?


"At ang Santo Papa (Ama)ay ang pinakamataas na ama ng ating kaluluwa dito sa lupa, dahil sa siya ang kahalili nang ating Panginoon. "At dahil sa ang mga sacerdote ang nagbibigay sa atin ng buhay ng ating kaluluwa, sa pamamagitan ng pangangasiwa sa mga sacramento , sila man ay tinatawag na 'Ama ng kaluluwa'." ( Ang Iglesia ni Kristo at Iba't ibang SektangProtestante, p.26 )


Kung gayon, ang Pagkilala bilang Santo Papa ay ang pagkilala sa kanila bilang "Ama ng kaluluwa". Bakit sa kanila natupad ang babala? Mali ba ang pagkilala sa kanila bilang Ama ng kaluluwa?


Ezekiel 18:4
" Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay. "


Malinaw ulit ang pagpapaliwanag ng Biblia, at kaylan man ay hindi ito ginawa ni Pedro ang gawing katulad ng Dios o magiging gaya ng parang Dios.

Kitang kita natin mula mismo sa kanila ang mga kapangyarihan na maaring maaring angkinin raw kapag ang isang tao ay magigig santo papa na mas lalo na kay Pedro na pinakauna raw na Santo papa. Lalabas mula sa ating pag-aaral na si Pedro ay para na ring pinatungan nila ng malaking kasalanan.


Ang tunay na Relihiyon, tandaan po natin, nagtuturo lamang ng iisang paniniwala at pananampalataya at walang salungatan, gaya ng patotoo at nakasulat sa Biblia:



Efeso 4:5
" Isang Panginoon, ISANG PANANAMPALATAYA, isang bautismo, "


Malinaw ang pagkakilanlan. Kung gayon walang salungatan. Kung mula sa kanilang aklat, aminado kaya sila na totoong hindi tinawag ni Cristo si Pedro na Papa? Sila ang sasagot:


Mula sa isang polyeto ng Iglesia Katolika:


"Christ Never Called Peter 'Pope' (Why Millions call him ''Holy Father," p.1 1)

Sa Filipino:

“Hindi tinawag na Papa ni Cristo si Pedro.”


Kung gayon, kung hindi tinawag ni Cristo si Pedro na PAPA noong Unang Siglo, maliwanag na hindi siya ang UNANG SANTO PAPA na gaya ng ipinapalagay nila at yun ay GUNI GUNI lang pala nila?


Isa pang tanong, may mababasa ba sa Biblia na si Apostol Pedro ay tinawag na PAPA ng mga UNANG CRISTIANO? Ang sagot "WALA". Kung mismo ng mga kapuwa mg Papa kaya ang tatanungin, segurado kaya sila o pareho rin na hindi segurado?





"ALL OF THIS MAKES IT QUITE CERTAIN THAT PETER NEVER WAS IN ROME AT ALL. NOT ONE OF THE EARLY [CATHOLIC] CHURCH FATHERS GIVES ANY SUPPORT TO THE BELIEF THAT PETER WAS A BISHOP IN ROME until Jerome in the fifth century." (Roman Catholicism, by Dr. Loraine Boettner, p. 122 )


Sa Filipino:


“LAHAT NG ITO AY NAGPAPATUNAY NA HINDI NAKARATING SI PEDRO SA ROMA. WALA NI ISA MAN SA MGA UNANG MGA AMA NG IGLESIA [KATOLIKA] AY NAGBIBIGAY NG PAGSANG-AYON SA PANINIWALA NA SI PEDRO AY NAGING OBISPO SA ROMA hanggang kay Jerome noong ika-limang siglo.”


Ito pa ang pahayag at pag-amin ng isang obispo


"MOST SCHOLARS REJECT AS UNHISTORICAL THE TRADITION THAT THE APOSTLE PETER WAS, AND WAS RECOGNIZED AS BEING THE FIRST BISHOP OF ROME." (The Christian Society, Bishop Stephen Neill, p. 36 )


Sa Filipino:


“KARAMIHAN SA MGA ISKOLAR AY ITINATAKUWIL BILANG HINDI MAKASAYSAYAN ANG TRADISYON NA SI APOSTOL PEDRO AY NAGING, AT KINILALA BILANG UNANG OBISPO NG ROMA.”


Malinaw ang kontrahan ng kanilang pahayag, at ang mga pagsang-ayun na hindi tinawag si Pedro o naging Papa man sa kanilang Relihiyon. Ano ang kahulugan sa kanilang pahayagan na "Obispo sa Roma" ?


“The TITLE POPE , once used with far greater latitude (see below, section V), IS AT PRESENT EMPLOYED SOLELY TO DENOTE THE BISHOP OF ROME,”
Catholic Encyclopedia:



Katumbas ito ng pagiging Santo Papa. Kaya, malinaw sila na mismo ang umamin na wala sa Biblia at kailanman ay hindi naging Papa si Pedro sa totoong Iglesia. Ito ay isang aral na malaking kamalian ng pagkilala sa tunay na aral.


Napansin natin, marami ang magiging kasamaan ng pag-aangkin kay Pedro bilang Santo papa.isang malaking kasalanan. Sapagkat ito ay katumbas narin ng pagdiriin mo ng kasalanan ky Apostol Pedro na kailanman ay hindi niya nagawa. Sana naman ay naging masuri tayo sa bawat aral, tunay na aral na dapat lakaran ng tao.


Sa karagdagan pang mga aral:
Si Pedro ba ang Batong pinagtayuan ayun sa Mateo 16:18?



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento