Sinasabi ng mga sumasalungat sa pangangaral ng kapatid na Felix Manalo na ang tinutukoy ng hula sa Isaias 41:9-10 ay si Jacob o ang Israel. Kaya naman, sinipi nila ang talata sa unahan nito sa Isaias 41:8. Ganito ang nakasulat:
Isaias 41:8
" Nguni't ikaw, Israel, lingkod ko, Jacob na siyang aking pinili, na binhi ni Abraham na aking kaibigan "
Malinaw umano sa talatang ito na ang mga unang talata ay tumutukoy sa literal na Israel sa LAMAN.
Bakit natin natitiyak na ang tinutukoy ay hindi si Jacob na anak ni Isaac? Una, malaon nang patay si Jacob na anak ni Isaac nang isulat ni Isaias ang kaniyang aklat. Ikalawa, si Jacob ay hindi saklaw ng panahong tinawag na "wakas ng lupa".
KAYLAN ANG WAKAS NG LUPA?
Ito ay sa mga panahong malapit na ang Araw ng Paghuhukom. Nagbigay ang Panginoong Jesucristo ng mga tanda para matiyak natin kung ang panahon ay mga wakas na ng lupa. Kabilang sa mga palatandaang ito ay ang mga DIGMAANG AALINGAWNGAW SA BUONG MUNDO at kasasangkutan ng mga bansa at kaharian (Mat.24:6-7). Ang kinatuparan nito ay ang UNA AT IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. Ang una ay sumiklab noong hulyo 27, 1914.
Tiniyak din na sa mga kaugnay na hula na ang sugong hinuhulaan ay magmumula sa Malayong Silangan (Isaias 43:5-6). Kaya kaalinsabay ng unang digmaang pandaigdig ay ang pagkarehistro ng Iglesia ni Cristo sa pamahalaan noon ding hulyo 27, 1914.
Dapat mauunawaan na may dalawang uri ng Israel ayon sa pagtuturo ng Biblia. Pansining mabuti ang sinabi ni Apostol Pablo:
Roma 9:6-8
" Datapuwa't hindi sa ang salita ng Dios ay nauwi sa wala. Sapagka't hindi ang lahat ng buhat sa Israel ay mga taga Israel:
Ni sapagka't sila'y binhi ni Abraham, ay mga anak na silang lahat: kundi, Kay Isaac tatawagin ang iyong binhi.
Sa makatuwid, ay hindi mga anak sa laman ang mga anak ng Dios: kundi ang mga ANAK SA PANGAKO'Y siyang ibibilang na isang binhi. "
Dito ay sinasabing may iba pang binhi ni Abraham buhat sa mga nagbuhat sa Israel: kung papaanong may Israel sa laman, mayroon ding Israel sa pangako. Bagaman hindi nagmula sa lahing Israelita, ibibilang din silang binhi ni Abraham sa pangako:
Galacia 3:29
" At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako. "
Binhi ni Abraham sa pangako ang mga taong kay Cristo-Ang kaanib sa Iglesia ni Cristo (Gal.1:22, New Pilipino Version; Mat.16:18). Kaya nga ang Iglesia ay tinawag ding Israel ng Dios:
Galacia 6:16
" At ang lahat na mangagsisilakad ayon sa alituntuning ito, kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanila, at sa Israel ng Dios. "
Hindi man Israel sa laman, ngunit Israel sa pangako. Kaya,bagaman ang hinuhulaan sa Isaias 41:9-10 ay hindi ang patriarkang si Jacob mismo, tiyak na ito ay tumutukoy naman sa Jacob o Israel sa Pangako-May kahalalang maglingkod sa Dios.
ANG PANGAKO NG DIOS SA KANIYANG SUGO
Isaias 41:14-15
" Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel.
" Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa. "
Sa mga talatang sinipi ay malinaw na ang hinuhulaan sa Isaias 41:9-10 ay pinangakuan ng Dios na Kaniyang tutulungan, palalakasin, hindi itatakwil, at ililigtas sa kaaway.
NATUPAD SA PANGANGARAL NG KAPATID NA FELIX MANALO
Ang pangako ng Dios na Kaniyang tutulungan at palalakasin ang gawain ng sugo na tinawag sa mga wakas ng lupa ay nagkaroon ng katuparan sa pangangaral ng Kapatid na Felix Y. Manalo.
Sa maikling panahon sa kabila ng paghahadlang ng maraming tumutuligsa at kumakaaway, ang Iglesia ni Cristo, sa tulong ng lakas na ipinangako ng Dios ay hinangaan ng marami dahil sa mabilis na paglaganap nito hindi lamang sa pilipinas kundi maging sa ibayong dagat. Sa tulong din na ipinangako ng Dios ay makikita ang mga naglalakihan at naggagandahang mga gusaling sambahan ng Iglesia ni Cristo sa iba't ibang panig ng mundo.
Nasaksihan ng marami kung papaano napapahiya at nalilito ang mga kumakaaway na nangahas makipagtunggali sa pamamagitan ng mga diskusyon. Nasaksihan din ng marami kung papaanong dinudurog ng mga salita ng Dios ang mga maling aral ng iba't ibang pangkatin ng pananampalataya na nagtangkang pasubalian ang mga aral ng Dios na ipinangaral ng Kapatid na Felix Manalo.
Nangyari ang lahat ng ito upang ating mauunawaan at sampalatayanan na ito ay gawain ng Dios:
Isaias 41:20
" Upang sila'y makakita at makaalam, at makagunita, at makatalos na magkakasama, na ginawa ito ng kamay ng Panginoon, at nilikha ng Banal ng Israel. "
At ang kapatid na Felix Manalo ang Kaniyang sugo sa mga WAKAS NG LUPA.
IKAW IGLESYA NI manalo.. BAHAGI YAN NG CHAPTER 41 NG ISAIAH, ANG VERSE ISAIAH 41 : 8 AY KADUGTONG NG ISAIAH 41:9...
TumugonBurahinAt MALI ANG WAKAS NG LUPA, ginagawa NYONG KABABALAGHAN... SIMPLE YAN TUMUTUKOY TINUTUKOY AY EAST... HANGGANG DULO NG LUPA... ANO IBIG NYO SABIHIN... BINABALUKTOT NYO ANG VERSE NG BIBLE,
tumutukoy ito sa binhi ni abraham verse8
TumugonBurahinat sa uod na jacob
verse 14
hindi talaga si jacob yan
sino yan?
galacia 1:13 binhin ni abraham si cristo
awit 22:6&16
uod na jacob binutasan ang kamay at paa