Mga Pahina

Lunes, Hunyo 30, 2014

May Babala Bago Igawad Ang Hatol






Sa papalapit na araw ng paghuhukom at sa katapusan ng sanlibutan, ang mundo ay mas lalong nagpakasama at mas inuuna pa ang buhay na pansarili kaysa buhay na pangako. Kaya, ang mga kaanib sa loob ng Iglesia Ni Crito ay walang sawa sa paghihikayat sa tao upang madala sa tunay na gawain at paglilingkod.

Ang hatol ng Dios sa mga gumagawa ng masama ay hindi Niya kaagad iginagawad. Ito ang kahayagan ng malaking pag-ibig at pagpapahinuhod ng Dios upang ang tao ay mabigyan ng pagkakataong magbago at hindi mapahamak:


2 Pedro 3:9
" Hindi mapagpaliban ang Panginoon tungkol sa kaniyang pangako, na gaya ng pagpapalibang ipinalalagay ng iba; kundi mapagpahinuhod sa inyo, na hindi niya ibig na sinoman ay mapahamak, kundi ang lahat ay magsipagsisi. "



BABALA BAGO ANG BAHANG GUNAW


Ang isa sa mga kahayagan ng pagpapahinuhod ng Dios ay noong bago Niya gunawin ang unang sanglibutan ng baha:



1 Pedro 3:20
" Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig "



Ang bigat ng kasalanang ginawa ng tao sa panahon ni Noe (Gen.6:1-5,7) ay sapat nang dahilan upang igawad ng Dios ang kanyang parusa sa kanila. Ngunit hindi Niya ito ginawa kaagad, sa halip ay nagpahinuhod muna Siya at nagbigay ng pagkakataon upang ang mga tao ay magbago at ihindi mapahamak. Bilang katunayan, inutusan ng Dios si Noe na ipangaral ang matuwid na pamumuhay samantalang inihanda ang daong:




2 Pedro 2:5
" Dahil sa kasalanan ng tao noong unang panahon, ginunaw ng Diyos ang daigdig sa pamamagitan ng baha. Wala siyang iniligtas maliban kay Noe na nangaral tungkol sa matuwid na pamumuhay, at ang pito niyang kasama." [MBB]



Samantalang inihanda ni Noe ang daong, hindi niya inilihim sa mga tao na may malaking kapahamakan o paglipol na magaganap at ang daong ang tanging kaparaanan upang sila ay maligtas sa kapahamakang iyon. Gayunman, hindi sila naniwala sa ibinabala. Sa halip na tumugon, sila ay nagwawalang bahala. Hindi rin nila itinuwid ang kanilang buhay. Lahat ng nagwawalang bahala sa katotohanan ay napahamak. Walong tao lamang ang naligtas-si Noe at ang pito niyang kasama sa daong---dahil sa kanilang pakikinig sa babala ng Dios at pagtalima sa kanyang utos.



PAGLIPOL SA SODOMA AT GOMORRA


May isa pang pangyayari na inilalahad ang Biblia na ngapapatunay na bago igawad ng Dios ang hatol ay nagbibigay muna Siya ng pagkakataon upang ang tao ay hindi maparusahan. Ito ay ang pangyayari sa mga bayan ng Sodoma at Gomorra.

Dahil sa kanilang kasamaan, ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra ay itinakdang wasakin ng Dios. Subalit sinabi ng Dios na hindi Niya itutuloy ang parusang inilalaan Niya kung mayroon man lang Siyang makikitang kahit sampung taong matuwid.(Gen. 18:16-32,MB). Samakatuwid, nagbigay ng malaking pagkakataon ang Dios sa mga bayang yaon. Ngunit dahil sa hindi man lamang umabot sa sampu ang matuwid sa Sodoma at Gomorra,itinuloy ng Dios ang Kaniyang parusa sa kanila.


Gayunman si Lot na isang taong matuwid, kasama ang kaniyang sambahayan, ay hindi idinamay ng Dios. Nag-utos ang Dios ng mga anghel upang iligtas sila mula sa kaparusahan (Gen.19:12-17).


Ano ang dapat maunawaan ng lahat sa ginawa ng Dios sa paglipol sa bayan ng Sodoma at Gomorra?


2 Pedro 2:6
" At pinarusahan niya ng pagkalipol ang mga bayan ng Sodoma at Gomorra na pinapaging abo, nang maging halimbawa sa mga magsisipamuhay na masama "


Ang paglipol na ginawa ng Dios sa Sodoma at Gomorra ay isang malinaw na katunayang paparusahan Niya ang mga taong masama. Ito ang dapat mauunawaan at makatawag-pansin sa mga nawiwili sa paggawa ng kalikuan. Ang pagpapahinihod ng Dios ang dapat umakay sa kanila upang magsisi. Hindi nila dapat ipagwalang bahala ang pagkakataong ibinigay ng Dios sapagkat magwawakas din ang Kaniyang pagpapahinuhod.

Bakit kahit ang Dios ay pag-ibig at mapahinuhod ay magwawakas ang pagkakataong Kaniyang ibinibigay sa mga taong masama kung hindi sila magbago? Ano ba ang kahulugan para sa Dios ng hindi pagtugon ng tao sa pagbabagong Kaniyang hinihingi?


Roma 2:4-5
" O hinahamak mo ang Diyos, sapagkat siya'y napakabuti, mapagpigil, at mapagpaumanhin? Hindi mo ba alam na binibigyan ka niya ng pagkakataong magsisi at magbagong-buhay kaya napakabuti niya sa iyo?
" Ngunit dahil da katigasan ng iyong ulo at di pagsisi, pinabigat mo ang parusang ipapataw sa iyo sa paghahayag ng poot ng Diyos sa Araw ng kaniyang paghatol. "
( MB)



BABALA SA PANAHONG CRISTIANO


Kung paanong sa unang sanlibutan at sa mga bayan ng Sodoma at Gomorra ay nasumpungan ng Dios ang labis na kasamaan ng tao, gayon ang patuloy Niyang nakikita maging sa ating panahon:


2 Tim. 3:1-5
" Tandaan mo ito: mababatbat na kahirapan ang mga huling araw. Ang mga tao'y magiging makasarili,gahaman sa salapi, palalo, mayabang, mapang-alipusta, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos.
"Bukod dito, magiging malupit sila, walang habag, mapanirang-puri, mapusok, marahas, at mamumuhi sa mabuti.
"Hindi lamang iyan, sila'y magiging taksil, walang taros, palalo, at mahilig sa kalayawan sa halip na sa mga bagay na ukol sa Diyos. Sila'y mgkukunwang may pananampalataya ngunit hindi naman makikita sa buhay nila ang kapangyarihan nito. "
(MB)



Tulad ng pinagpauna ng Biblia, sa mga huling araw na ito ay magiging labis ng kasamaan ng tao. Ang katotohanang ito ay malinaw na natupad. Katunayan, ang mga karumaldumal na kremin ay nagaganap sa ibat ibang panig ng daigdig. Kapansin-pansin ang lubhang pagsama at patuloy na paglala ng ugali ng tao sa kasalukuyan.

Subalit dapat nating tandaan na ang lahat ng masama at makasalanan ay walang bahagi sa kaharian ng Dios(1Cor.6:9-10). Bagkus, ang Dios ay nagtakda ng araw kung kailan Kaniyang ihahayag ang Kaniyang poot at parusa sa lahat ng taong masama:


2 Pedro 3:7, 10
" Nguni't ang sangkalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.
Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog. "



Itinakda ng Dios ang araw ng paghuhukom, ang paglipol sa lahat ng taong masama. Ang araw na ito ay darating na gaya ng magnanakaw. Sa araw na ito magwawakas ang pagpapahinuhod ng Dios sa lahat ng nagwawalang-bahala sa ibinigay Niyang pagkakataong magsisi at magbago. Kaya bago dumating ang araw na ito, kailangan maisagawa na tao ang kaukulang paghahanda upang hindi makasama sa mga lilipulin at paparusahan.



ANG PARAAN SA IKALILIGTAS



Ang Dios ay hindi kailan man nagkukulang sa pagpapaalaala at pagbibigay ng babala bago Niya isagawa ang PAGHUHUKOM. Sa pamamagitan ng Biblia ay itinuro Niya kung ano ang kailangan ng tao upang maligtas:


Roma 5:8-9
" Ngunit ipinadama ng Diyos ang Kaniyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. At ngayung napawalang-sala na tayo sa pamamagitan ng kaniyang dugo, lalo nang tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa pamamagitan niya." (MB)



Ang kailangan ay mapawalang sala ang tao sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. Ito lamang ang tanging paraan upang makatiyak ang tao ng kaligtasan mula sa poot ng Dios. Ang napawalang sala o tinubos ng dugo ni Cristo na nakatitiyak ng kaligtasan ay ang Iglesia Ni Cristo:


Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.” (lamsa trans.)


Sa panahong Cristiano, ang kailangan gawin ng tao upang mailigtas siya ng Panginoong Jesucristo sa kaparusahan sa araw ng paghuhukom ay ang pag anib sa Iglesiang tinubos ng dugo ni Cristo ang IGLESIA NI CRISTO.




Habang may pagkakataon pa, dapat samantalahin ng tao ang panahong ito na ibinigay ng Dios para sa kaniyang ikaliligtas, at hindi kung kailan hili na ang lahat

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento