Mga Pahina

Huwebes, Mayo 15, 2014

Ang Kautusan at Ang Sampung Utos






Ito ang aral na ating bigyan ng kaliwanagan at katiyakan dahil minsan nang nagkamali ang karamihan dahil sa pagtupad nito.Ang sampung(10) utos mula sa lumang tipan ay ito ang kadalasan na nasa isip ng karamihan at pinapaulit ulit at kanilang patuloy na tinuturo at tinitindigan na umano'y nananatili parin hanggang ngayun.Ito ang mahalagang katanungan na ating sasagutin :



Ang Sampung Utos ng Dios sa Israel: Nagpatuloy ba hanggang sa panahong Cristiano?



Ito ang ating suriin, pero bago nating sagutin, itanung muna natin, Saan nagsimula ang SAMPUNG UTOS? Ito po ay nang ang Israel ay inilabas ng Dios sa pagkaalipin sa Egipto, silay binigyan ng Dios ng Sampung Utos(Deut. 5:1-21)., Ito ay ibinigay ng Dios kay Moises sa bundok ng Sinai na mismong ang Dios ang sumulat sa dalawang tapyas na bato. Mababasa natin mula sa Exodo 32:15-16 :



Exodo 32:15-16
" At si Moises ay pumihit, at bumaba sa bundok, na dala ang dalawang tapyas ng patotoo sa kaniyang kamay; mga tapyas na may sulat sa dalawang mukha niyaon; sa isang mukha at sa kabilang mukha ay may sulat. At ang mga tapyas ay gawa ng Dios, at ang sulat ay sulat ng Dios, na nakaukit sa mga tapyas. "




Ang kautusang ito ay tinatawag din na TIPAN ng Dios sa Israel (Deut.4:13; 9:9). at tinawag ding Kautusan ni Moises(Deut.4:44).


Ang Sampung Utos ay nakaukit sa dalawang tapyas na bato, ito ay inilalagay ng Israel sa isang Kaban na tinatawag na "Kaban ng Tipan" :



Bilang 10:33
" At sila'y nagsisulong mula sa bundok ng Panginoon ng tatlong araw na paglalakbay; at ang kaban ng tipan ng Panginoon ay nasa unahan nila ng tatlong araw nilang paglalakbay, upang ihanap sila ng dakong kanilang mapagpapahingahan. "




Subalit ipinagpauna ng Dios na Siya ay gagawa ng BAGONG PAKIKIPAGTIPAN na di gaya ng Tipang ginawa niya sa kanilang mga Ninuno, ng ilabas sila sa Egipto. :



Jeremias 31:31-32,MB
"Sinasabi pa ni Yahweh, 'Darating ang panahon na gagawa ako ng BAGONG PAKIKIPAGTIPAN sa
Israel at sa Juda. Ito'y di gaya ng Tipang ginawa ko sa kanilang mga ninuno, nang ilabas ko sila sa Egipto..."




Malinaw na ang Dios ay may pauna nang gagawa siya ng Bagong Tipan.Subalit,ano ang mga dahilan at ipinagpauna ng Dios ang paggawa ng Bagong Pakikipagtipan?




1.) Una, sapagkat SINIRA ng Israel ang pakikipagtipan nila sa Dios ng ang Israel ay tumalikod ... (Jeremias 31:32; Daniel 9:11)



2.) Ikalawa, Ang Unang Tipan ay nagkaroon ng kakulangan ... (Heb.8:7)




Ito ang malinaw na nakatala at dahilan ng Dios.Ngayun, kapag ginawa na ang BAGONG TIPAN ay gagawin ng LUMA ang dati at lilipas. :




Hebreo 8:13
"Doon sa sinasabi niya, Isang BAGONG TIPAN, ay linuma niya ang una.Datapuwat ang nagiging LUMA at TUMATANDA ay malapit ng LUMIPAS."




Paano napagtitibay ang bawat tipan? Ito'y sa pamamagitan ng pagwiwisik ng dugo ng baka ang Luma o Matandang Tipan ay napagtibay ... (Exodo 24:8;Heb.9:18).




Nang dumating ang Bagong Tipan ito ay itinalaga sa pamamagitan ng dugo ni Cristo (Heb.9:15). Sapagkat sinasabi ng Kasulatan:




Heb.9:16-17
"Sapagkat kung saan mayroong tipan doo'y kinakailangan ang kamatayan ng gumawa niyaon. Sapagkat ang isang tipan ay may kabuluhan kung mamatay ang gumawa: sa ibang paraa'y walang anomang kabuluhan samantalang nabubuhay ang gumawa."




Nang dumating ang Bagong Tipan na ipinangako ng Dios, ano ang nangyari sa Sampung Utos o sa Kautusan ni Moises? Ito ay Nauwi na lamang sa Dalawang Utos.




"Sa dalawang utos na ito'y nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta." Mateo 22:40




Ang dalawang utos ay ang Pag ibig sa Dios at ang Pag-ibig sa Kapwa. Sapagkat ang Lumang Tipan ay pinalitan na ng Bagong Tipan sa panahong Cristiano. Maging ang palatuntunan ng pagsamba ay napalitan o binago ...(Heb.9:1).


Hanggang saan nanatili ang kautusang ito ni Moises o ang 10/sampung utos? Ito ay nanatili hanggang kay Juan Bautista, Ganito ang mababasa :





Lucas 16:16
" Ang KAUTUSAN at ang mga propeta ay nanatili HANGGANG KAY JUAN: mula noo'y ang evangelio ng kaharian ng Dios ay ipinangangaral, at ang bawa't tao ay pumapasok doon na nagpipilit. "



Papaano kung ang Tao ay nahirati sa pagtupad sa Lumang Kautusan o 1O UTOS? Ang tao ay di na aariing ganap sa pagtupad sa Kautusang ito :



"At sa pamamagitan niya ang bawa't nananampalataya ay inaaring ganap sa lahat ng mga bagay, sa mga ito'y hindi kayo aariing ganap sa pamamagitan ng kautusan ni Moises." Gawa 13:39


Ilang mga Halimbawa ng Kautusan/alituntunin sa Lumang Tipan na na nakapaloob sa Sampung utos na hindi na ipinatupad sa mga Cristiano



1. Ang Pagbabawal ng Pagkain ng mga Hayop na walang biyak ang Paa at hindi ngumunguya mula sa sikmura (Gaya ng Kamelyo at Baboy, at iba pa ) at ng mga lamang tubig na walang palikpik at walang kaliskis (Levitico 11:3-8, 10 ) ay maliwanag nang pinayagan na makain sa panahon ng Bagong Tipan (Mga Gawa 10:9-15 ).


2. Ang Pagtutuli sa mga lalake na ipinagutos din noon (Levitico 12:3 ) ay hindi na ipinatupad sa mga Cristiano ng mga Apostol (Mga Gawa 15:1-32 ).


3. Ang batas na NGIPIN sa NGIPIN at MATA sa MATA (Levitico 24:20 ) na ipinatupad din noon, pero nilinaw ni Cristo na hindi na ganun ang batas ngayon ( Mateo 5:38-39 )


4. Maging ang sabbath na ito'y sa mga Israelita lamang pinapatupad(Exodo 20:8-11). Upang alalahin.(Deuteronomio 5:15 ). At sa panahaong Cristo ay di na pinapatupad (Col. 2:16,MBB)



Dapat maunawaan, gaya na ng ma ito ay nakapaloob sa Sampung Utos ng Dios sa Israel, na niluma na at Lumipas na.Kung di na aariing ganap ang tao sa pagtupad sa kautusan ni MoisesS amakatuwid ang pagtupad nito gaya ng Pangingilin ng Sabbath ay di ikaliligtas.Tandaan din natin. Ang Dios ay nagbigay ng 10 utos.Ang 10 utos ay Pangunahin at naglatag din ng ibang mga kautusan at alituntunin sa ikatutupad ng10. Kung mawawala ang 10, hndi na kailangan ang mga alituntunin at kautusang sumusuporta dito sapagkat wala ng susuportahan dahil nawala na.. Example sa New Testment: Gawing may Karapatan at Kaayusan ang Lahat ng Bagay. 1 Cor. 14:40. Kaninong kautusan na ang dapat nating tuparin?



Galacia 6:2
"Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at TUPARIN NINYONG gayon ang KAUTUSAN NI CRISTO."



Dapat tandaan: May mga Kautusan sa Lumang Tipan na Nagpatuloy at ipinatupad sa Bagong Tipan na ngayon ay tinatawag na ito na 'KAUTUSAN NI CRISTO'. na siyang pinapatupad.


1 komento:

  1. Kasinungalingan ang lahat walang sariling kautusan ang panginoong jesus nong nagkatawang tao sya sa DIOS Ama parin ang kautusan na dala dala nya kaya wag kayong mga sinungaling

    Mateo 5:17-18
    [17]Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin.
    [18]Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.

    Mga Hebreo 4:9-11
    [9]May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios.
    [10]Sapagka't ang pumasok sa kaniyang kapahingahan ay nagpahinga naman sa kaniyang mga gawa, gaya ng Dios sa kaniyang mga gawa.
    [11]Magsipagsikap nga tayo ng pagpasok sa kapahingahang yaon, upang huwag marapa ang sinoman ayon sa gayong halimbawa ng pagsuway.

    TumugonBurahin