Mga Pahina

Sabado, Abril 12, 2014

Hebreo 10:5 Eksistido na ba si Cristo?




Isa sa Aral at talata na ginagamit ng mga naniniwalang Diyos si Cristo, ay ang talata mula sa Hebro 10:5 , dito kung saan kanilang akala ay totoo raw na si Cristo ay eksistido na simula pa noong una at katunayan dw nito ay kausap ang Dios upang ipaghanda ng katawan. Para sa ating paglilinaw, ating ilatag ang talata upang suriin ito at ituwid, siyempre gamit parin ang Biblia. Ganito po ang nilalaman ng talata :




Hebreo 10:5
" Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo "





Dito umano'y mababasa raw natin na may nakasulat :



"Isang katawan ang sa akin ay inihanda mo"




Kausap daw ni Cristo na mula pa noon ay kausap ng Diyos na ihanda ang kanyang katawan. Pero alam ba nila, na ang talatang ito ay quoted ni Apostol Pablo mula pa sa Lumang Tipan ? Baka hindi. Kaya ating tingnan. Pero bago natin ilatag, unahin nating ang HEB.10:5 hanggang talatang 7 na :


BAGONG TIPAN


Hebreo 10:5-7
" Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo;
Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.
Nang magkagayo'y sinabi ko, Narito, ako'y pumarito (sa balumbon ng aklat ay nasusulat tungkol sa akin.) Upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban. "




LUMANG TIPAN



Awit 40:6-8
" Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran; ang aking pakinig ay iyong binuksan: handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi.
Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako; sa balumbon ng aklat ay nakasulat tungkol sa akin:
Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko; Oo, ang iyong kautusan ay nasa loob ng aking puso. "





Malinaw di po ba . Ito ay Sinipi ni Apostol Pablo na gaya ng ating nabasa sa dahilang hindi ang pinag-uusapan o tinutukoy niya sa talata ay hindi tungkol sa pag eksistido ni Cristo o ang pagka-Diyos man, kundi, ito ay ukol sa PAGHAHANDOG NG HAIN SA DIOS.(Hebreo 10:5-10).



Kung ipipilit nila ang ganitong maling isipan, na dahil sa kinausap ng Dios ang hinulaan, ay mangyayaring pati si Apostol Pablo mismo ay Eksisistido na rin kung gayun. Paano hinulaan at kinausap ng Dios si apostol Pablo sa isang hula? Ganito po mula sa LUMANG TIPAN :




Isaias 49:6
" Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa. "




Ganito naman ang pagpapatunay ni Apostol Pablo :




Gawa 13:47
" Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa."




Tatanggapin din kaya nila na may Apostol Pablo na mula sa lumang tipan sapagkat kausap din naman ng Dios?Seguradong hindi.Ano pa ang dapat nating mapansin sa talata?


"Ipinaghanda siya ng isang katawan"




Paano naipaghanda si Cristo? Ganito naman ang patotoo :




“Ipinasiya kong wala akong ipangangaral sa inyo kundi si Jesu-
Cristo na ipinako sa krus...Ang tinutukoy ko ay ang PANUKALA NG DIYOS, na nalihim sa tao; itinalaga niya ito para sa ating ikaluluwalhati, bago likhain ang sanlibutan.”
I Corinto 2:2,7 ,MB



Ganito pa :



“Mga Israelita,pakinggan ninyo ito! Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos. Pinatutunayan ito ng mga
himala, mga kababalaghan, at mga
tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya. Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna
ninyo. Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa PASIYA AT
PAGKAALAM ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan. Subalit siya'y muling binuhay ng
Diyos at pinalaya sa kapangyarihan ng kamatayan. Hindi ito maaaring mamayani sa kanya
.”Gawa2:22-24,MB




Ito ay isang PANUKALA, PASIYA na ng Dios simulat simula pa.Kaya kailangang ipaghanda ng katawan dahil sa pasimula ay panukala lamang ng Diyos ang paglalang o pagkakaroon ng Cristo na tutubos sa tao(I Ped.1:18-20;Roma1:2-3).




Ano pa ang dapat nating mapansin sa talata (Heb.10:5-7) ?. May Binanggit po diyan na :



“ako’y pumarito…upang gawin, Oh Dios, ang iyong kalooban”:




Kung ituturing nilang Diyos si Cristo, Lilitaw na ang isang Diyos ay kumilala at sumunud pa sa Isang Dios. Ito ay isang maling paniniwala at aral sapagkat ang tunay na Dios, walang kinikilalang iba pang Dios (cf. Isaias 45:5; 44:8; 46:9).


Bakit si Cristo ay isang masunurin. Anung aral na itinuro nya na dapat kilalanin na isang Diyos? Ganito ang pagpakilala ni Cristo :




Juan 17:3,1
" At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. "
" Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak "





Ang Sabi ni Cristo.

"IKAW(AMA) AY MAKILALA NILA NA IISANG DIOS NA TUNAY"



Kaya kaylan ma'y di inangkin ni Cristo na siya ang iisa tunay na Dios kundi ito ay ang AMA lamang. Kaya ang "Pagpasok sa sanglibutan" ayun sa(Heb.10:5) ay ang PAGSUSUGO NG DIOS kay Cristo sa Sanglibutan :




Juan 3:16-17
" Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Sapagka't hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya. "




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento