Sa PANAHONG CRISTIANO, ibibilang tayong mga anak ng Diyos kung may kaugnayan tayo sa Kaniyang Anak na si Jesucristo. Upang magkaroon tayo ng kaugnayan kay Cristo, kailangan maging miyembro tayo ng kaniyang Iglesia. Ang kaanib sa Iglesiang itinayo ni Cristo ang may relasyon sa Kaniya dahil sa ang Iglesia ay katawan Niya at Siya ang ujo nito (Col. 1:18; Efe. 5:32, MBB).
Kaya, kung sinasabi ng isang tao na siya'y anak ng Diyos o siya'y may relasyon kay Cristo, kailangang mapatunayan muna niyang ang Iglesia o samahang pangrelihiyong kinabibilangan niya ay siyang tunay na kay Cristo sa panahong ito. Ang panginoong Jesucristo na tagapagtatag mismo ng Iglesia, ang mga Apostol Niya, at higit sa lahat, ang Dakilang Diyos, ang mga nagpapatotoo kung alin lamang sa napakaraming iglesia at pangkatan ng pananampalataya ngayon ang iisang Iglesiang itinatag ni Cristo.
Iyon ang iglesiang dapat nating pasukan upang maging totoo at matibay ang ating pagkakatiwalang may relasyon tayo sa Panginoong Jesus, at sa gayon, tayo'y sa Ama na iisang tunay na Diyos.
ANG PATOTOO NI JESUS
Ayon sa Apocalipsis 19:10,
"ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula"
suriin natin kung ang Iglesia Ni Cristo na nagsimula sa Pilipinas ay pasado sa pamantayang ito.
Kung ang Iglesia Ni Cristo ang siya lamang Iglesiang kay Jesucristo, may patotoo ba Siya tungkol dito? May hula(prophecy) ba Siya tungkol sa paglitaw ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas noong 1914?
Ang totoo, ang pagkakatatag ng Iglesiang ito ay katuparan ng hula ni Cristo na nakasulat sa Juan 10:16 tungkol sa Kaniyang ibang mga tupa:
"Mayroon pa Akong ibang mga tupa. Sila ay wala sa kawan na narito. Kailangan ko din silang pangunahan. Sila ay makikinig sa Aking tinig. Sa hinaharap ay magkakaroon ng isang kawan at isang pastol"(Isinalin mula sa Easy-to-Read Version).
Ipinagpauna ng Panginoong Jesus na mayroon Siyang ibang mga tupa na gagawin Niyang isang kawan. Itatatag Niya sila bilang Iglesia Ni Cristo.
Pinatunayan ni Apostol Pablo na ang kawan ng Panginoon ay ang Iglesia Ni Cristo. Ganito ang sinasabi niya sa Gawa 20:28:
"Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo"( Isinaling mula sa Lamsa Translation)
Ang pagtitipon ng ibang mga tupa ng Panginoong Jesus upang maging Iglesia Ni Cristo ay mangyayari sa hinaharap o sa darating na panahon. Kaya tinawag Niya silang Kaniyang ibang mga tupa dahil "WALA SILA SA KAWANG NARITO" Na tinutukoy ay ang Iglesi Ni Cristo noong unang siglo.
Hindi nangangahulugang dalawang iglesia ang itinayo ni Crirto. Ang Iglesia noong unang siglo at ang Iglesiang kinabibilangan ng Kaniyang ibang mga tupa ay iisang Iglesia Ni Cristo. Kung paanong iisa ang ulo, si Cristo, iisa lamang ang katawan o Iglesia :
Efeso 4:4
" May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo "
Colosas 1:18
" At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan. "
Ang paglitaw ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas ay muling pagkakatatag sa tunay na Iglesia.
Kailangan ang muling pagtatatag sa Iglesiang nagsimula sa Jerusalem noong unang siglo sapagkat ito ay naitalikod sa pananampalataya noong pumanaw na ang mga Apostol:
Gawa 20:29-30
" Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan;
At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan. "
1 Timoteo 4:1
" Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio, "
Kung paanong ipinagpauna ng Panginoon na ang Iglesia ay ililigaw ng mga bulaang propeta o mga huwad na tagapangaral :
Mateo 24:4, 9, 11
" At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman.
Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan.
At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. "
Hinulaan din Niya ang pagkakaroon ng isang kawan sa hinaharap na panahon o ang muling pagtatatag ng Kaniyang Iglesia.
ANG PATOTOO NG MGA APOSTOL
Nagbigay rin ang mga apostol ng patotoO na ang "ISANG KAWAN SA HINAHARAP" na binubuo ng ibang mga tupa ni Cristo ay ang Iglesia Ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas. Ito ang katuparan ng hinulaan ni Apostol Pedro na ikatlong grupo ng mga taong pinangakuan ng Espiritu Santo:
Gawa 2:36, 39
" Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.
Sapagka't SA INYO ANG PANGAKO, at SA INYONG MGA ANAK, at sa lahat ng NANGASA MALAYO, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya. "
Malinaw na ang "SA INYO" ay tumutukoy sa mga Israelita o mga Judio na umanib sa Iglesia noong unang siglo. Ang tinutukoy naman na "SA INYONG MGA ANAK" ay ang mga Gentil na naging Cristiano sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo, pangunahin na ni Apostol Pablo na isang Judio :
1 Corinto 4:14-15
" Hindi ko isinusulat ang mga bagay na ito upang kayo'y hiyain, kundi upang paalalahanan kayong tulad sa aking mga minamahal na anak.
Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka't kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio. "
Kung gayon, ang "MGA NASA MALAYO" ay hindi tumutukoy sa mga Gentil na naging kaanib sa unang siglong Iglesia. Samantalang ang mga Gentil, kasama ang mga judio, ay tinawag noong panahon ng mga apostol :
Roma 9:24
" Maging sa atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil? "
Ang ikatatlong grupo naman ay tatawagin pa lamang :
"Sa lahat ng nasa malayo, maging ilan man ang tatawaging ng. . . Diyos. "
Tulad ng nabanggit na, iisa lamang ang tunay na Iglesia. Gayunman, ito ay binubuo ng tatlong grupo ng tao. Ang unang dalawang grupo na magkapanahon--ang mga Cristianong Judio at Gentil-- ang bumubuo sa Iglesia noong unang siglo. Ang ikatlong grupo ay MALAYO sa kanila sa panahon at dako. Ganito ang pagkakasalin ni C.H. Rieu sa Gawa 2:39 :
"Sapagkat ang kaloob ay ipinangako sa inyo, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayong mga panahon at dako, na tatawagin ng Panginoon nating Diyos sa kaniya"(Isinalin mula sa Rieu Translation)
ANG PATOTOO NG DIYOS
Ang malayong dako na mula roon ay tatawagin ang ibang mga tupa ni Cristo ay ang MALAYONG SILANGAN, ayon sa hula ng Diyos sa Isaias 43:5 :
" Mula sa malayong silangan dadalhin Ko ang inyong Lahi, at mula sa malayong kanluran ay titipunin ko kayo "(Isinalin mula sa Moffatt Translation)
Kabilang sa tinatawag na dako ng mga Gentil ang Roma at Gresya na kapuwa nasa Europa. Ang mga ito ay wala sa Malayong Silangan. Ang Far East o Malayong Silangan ay ang Rehiyon sa ASYA na kinaroon ng Pilipinas (Kenneth Scott Latourette. A Short History of the Far East, p. 290), na rito lumitaw ang Iglesia Ni Cristo sa panahong ito.
Ang binanggit naman na "Malayong mga panahon" ay tumutukoy sa ekspresyong "MGA WAKAS NG LUPA. " Sa panahong iyon tatawagin o dadalhin ng Diyos ang Kaniyang mga anak na lalalaki at babae na mula sa silanganan, sa malayo. Sa Isaias 43:5-6, ay ganito ang nakasulat:
"Huwag kang matakot, sapagkat ako'y sumasaiyo; dadalhin ko ang iyong lahi mula sa silanganan, at titipunin kita mula sa kanluran; sasabihin ko sa hilaga, 'bayaan mo!' At sa timugan, 'Humag mo silang pigilan!' Dalhin mo ang aking mga anak na mula sa malayo, at ang Aking mga anak na babae na mula sa mga wakas ng lupa"(Isinalin mula sa NKJV)
Ang wakas ng lupa ay sa Ikalawang pagparito ni Cristo o Araw ng Paghuhukom( Mat.24:3; II Ped.3:7). Ang panahon bago ang dakilang araw na iyon ay tinawag ni Cristo na "MGA PINTUAN" na ayon din sa Kaniya ay "MALAPIT NA" (Mat. 24:33). Kung gayon, ang "MGA WAKAS NG LUPA" ay ang panahong malapit na ang wakas.
Kabilang sa mga pangyayaring makikita ayon kay Cristo kung ang panahon ay nasa mga wakas na ng lupa ay mga digmaang aalingawngaw :
Mateo 24:6-7
" At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.
Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. "
Ang mga digmaang ito ay mapababalita(Mat.24:6, MB) sa buong mundo sapagkat ang mga digmaang ito mismo ay pambuong mundo.
Sa kasaysayan, may dalawang digmaang pandaigdig, WORLD WAR I(Unang Digmaang Pandaigdig) at WORLD WAR II(Ikalawang Digmaang Pandaigdig), na naganap halos 19 na siglo ang layo sa panahon ng Iglesiang pinamahalaan ng mga Apostol. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay sumiklab noong Hulyo 27, 1914. Ito ang pagsisimula ng panahong "MGA WAKAS NG LUPA" kung kailan hinulaang tatawagin ng Diyos ang Kaniyang mga anak mula sa MALAYONG SILANGAN. Bilang katuparan ng hulang ito, ang IGLESIA NI CRISTO ay narehistro sa pamamahalaan ng Pilipinas sa mismong Petsang iyon.
Kung gayon, ang kawan na binubuo ng ibang mga tupa ni Cristo ay ang IGLESIA NI CRISTO na bumangon sa Pilipinas noong 1914. Ang Diyos mismo ang nagpapatotoo na ang mga kaanib sa Iglesian ito ay Kaniyang mga anak. Tiniyak ng Panginoong Jesus na sila'y Kaniyang mga tupa o mga alagad, alalaong baga'y tunay na Cristiano. At ang pahayag ng mga Apostol na sila'y tumanggap ng kaloob ng Espiritu Santo ay katumbas ng na rin ng patotoo na ang Iglesia Ni Cristo ay siyang bayan ng Diyos sa panahong ito(Efeso 1:13-14, MB).
Kaya sa Iglesia Ni Cristo nararapat maging miyembro ang lahat ng nagnanais magkaroon ng relasyon sa Panginoong Jesus upang mapabilang sa mga kinikilala ng Diyos na mga anak Niya.
Ayon kay Apostol Pablo , "Kung mga anak, ay mga tagapagmana nga; mga tagapagmana sa Dios, at mga kasamang tagapagmana ni Cristo "(Roma 8:16-17). Mamanahin nila ang Bayang Banal na doon ay makakapiling nila ang Diyos magpakailanman (Apoc.21:1-4).
Ang tanong ko ay ganito po. Mayroon pobang magaganap na ikatlong digmaang pandaigdigan o world war 3? Maraming salamat po.
TumugonBurahinNapakalinaw naman po na ang kausap ni Pedro dito ay mga Judio. Mga Israelita. Nang sinabi niyang "sa inyong mga anak" malinaw naman po na sa mga lahi nila. Paanong naging ang "sa inyong mga anak" ay mga Gentil? Sa mga anak nga nila di po ba? Mga Judio rin. Kaya dinugtungan ng sa "mga nasa malayo" dahil ito na ang mga Hentil. Kaya nga tinawag si Pablo mula sa malayo upang mangaral. at nangaral ang mga apostol sa iba't ibang lugar. Si Pedro nga diba sa Roma nangaral? di naman magkapitbahay ang Israel at ROma.
TumugonBurahinNabasa nyo po ba at naiintindihan ang Gawa 10? Ang pagkakasugo kay Pedro sa mga Hentil hindi po ba? Kaya mali po iyang blog ninyo.
So alin po ang mula sa malayong panahon at malayong silangan? Kung saan doon magkakaroon ng iba pang tupa? At ang pahiwatig na malapit na ang wakas ay magkakaroon ng digmaang aalingawngaw which is yu WW1. Na doon nga magsisimula ulit ang pag usbong ng mga Anak ng Diyos
Burahin