Mga Pahina

Miyerkules, Marso 19, 2014

Kahalagahan ng Pag-aasawa


          



       Ang kasal, MULA PA SA PASIMULA, ang itinuturing na pinakabananl at pinakadalisay na taling nagbubuklod sa lalaki at babaeng mag-asawa—isang institusyon  na napakahalaga sa buhay ng tao. Ang pagkakaroon ng mabuting asawa ay itinuturing pa nga ng marami na dakilang karangalan ---isang sukatan upang mapatunayan ng isang tao sa kanyang mga kamag-anak, kakilala, at kaibigan na sya ay matagumpay sa kanyang personal na buhay.

            Kung gaano ang pagkilala ng isang tao sa pag-aasawa at kung paano niya tinutupad  ang kanyang mga pananagutang saklaw nito ay lubhang mahalaga para sa kanyang kapakanan---maaari itong magbunga ng kaligayahan at kaganapan ng isang tao ; maaari rin naming magdulot  ito ng sakit ng ulo o kasiphayuan. May mga taong madali matangay ng simboyo  ng damdamin anupa’t ito ay nagtutulak sa kanila na makagawa ng maling pagpapasya. Sa maraming pagkakatraon ay ating nasaksihan kung paano nagpadala ang marami sa impluwensiya ng lipunan pagdating sa pananamit, pananalita, pag-iisip, at maging sa pag-aasawa. Subalit dapat maunawaan ng lahat na ang marami sa nakaugalian ng mga tao sa mundo  ay hindi kasang-ayun sa mga aral ng Diyos. Hindi marapat ipagpauna ng tao ang pagbibigay-kasiyahan sa sarili kaysa pagbibigay-lugod sa Diyos.

            Kaya, paano magagawa ng tao na mabigyang kaluguran ng tao ang Diyos at nang sa gayun ay magkakaroon siya ng maligaya at matagupay na pag-aasawa? Ganito ang pahayag mismo ni Cristo :


At sila’y maging isa .’ kay’t hindi na sila dalawa kundi isa. Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao “. (Mar. 10:8-9, Magandang Balita Biblia)



         Ang pagkakasal kung gayun, ay isang institusyon ng pagbubuklod  ng dalawang taong pinag-isa ng Diyos, na hindi dapat  paghiwalayin ng sinumang tao. Isa itong pang habambuhay na kaugnayan  sa pagitan ng isang lalaki  at isang babae na kanilang sinumpaan na hindi nila puputulin. Ang pagsasamang ito ay dapat pamalaan ng mga batas ng Diyos (Roma 7:2-3), na siyang nagtatali sa mag-aswa sa isat-isa; gaya ng kanilang pangako na  


 “hanggang papaghiwalayin tayo ng kamatayan. “.


       Kung lubos na kinikilala ng mag-asawa na sila ay iisa, gagawin nila ang lahat nilang makakaya upang bigyang-kasiyahan, palakasin, at aalalayan ang isat-isa. Mayroon na silang iisang buhay bilang mag-asawa—ganap na silang isa sa mata ng Dakilang Lumikha.
Maaring ang sosyologo at ang mga kinikilalang marunong ay magmumungkahi ng pamamaraan, kaalaman o hakbang sa pagpili ng tinatawag na “SUOLMATE” subalit ang pinakamabuting asawa ay galing sa Panginoon (Kaw. 19:14). Tunay ngang ang isang matalino,maunawain, at mabuting asawa ay isang mabuting bagay—isang biyaya sa Diyos (kaw. 18:22).



      Napakahalaga kung gayun na sa Diyos itiwala ang pagpili ng makatuwang sa buhay, gaya ng ipinayo ng lingkud ng Diyos :



“Magtiwala ka sa PANGINOON ng buong puso at huwag kang manangan sa sarili mong karunungan;Isangguni mo sa kanya ang lahat ng lakad mo, at itutuwid niya ang iyong landas. Huwag kang magpakapantas sa sarili mong mata; matakot ka sa PANGINOON at iwaksi ang masama.”(Kaw.3:5-7, NPV)


       Dapat na sumandal at manalig tayo sa panginoon nang buong puso upang bigyan ng Diyos na matagumpay ang kanyang Gawain. Kaylan lamang ito mangyayari? Kung ang mga aral at utos ng Diyos ang siyang maghahari sa pagsasama ng lalaki at babaeng mag-asawa. Kaya , nang tagubilinan ng Diyos ang lalaki na :



Ibigin ninyu ang inyun-inyung asawa, gaya ni Cristo sa iglesya” (efeso 5:23,MB)


      Tinutokoy ditong pag-ibig sa asawa ay higit pa sa emosyon o damdamin.Dapat itong mapatunayan sa pamamagitan ng pagbuhos ng buong lakas upang maibigay ang pangangailangan,maipagsanggalang, at maging mapagmahal sa kanyang asawa.Ang lalaking mapagmahal sa kanyang asawa ay ginagawa ang lahat upang mabigyan ng tahanan ang kanyang asawa (kung hindi man agad-agad ay bahagi ito ng kanyang panukala sa hinaharap),at maging sa lahat ng kanyang pangangailangan at ng kanilang mga anak upang maging makabuluhan at matatag ang kanilang buhay. Kung magagawa ng lalaking maipadama ang kanyang taos at wagas na pagmamahal sa asawa, magiging magaan paraa sa babae na magpasakop sa kanyang pangungulo.
Sa kabilang dako, nang utosan ng Diyos ang mga babae na:



“ Pasakop kayo sa inyung asawa tulad ng pagpapasakop ninyu sa panginoon. Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya…”( Efeso 5:22-23,Ibid)



       Ito ay nangangahulugan na gumawa ang babae ng isang matibay na pasiya na galang ang kanyang asawa nang walang halong pagkukunwari(sapagkat may babae na nais pangunahan o domihan ang asawang lalake upang gawin ang kanilang balang maibigan) kundi alang-alang sa kabutihang ipinakita nito sa kanya.Ang isang babaeng may takot sa Diyos ay hindi kailanman sasamantalahin ang kabaitan ng kanyang asawa upang maibigay nito ang lahat ng kaniyang ibig.
Nang sabihin ng Diyos na:



iiwan ng lalaki ang kanyang ama’t ina at magsasama sila ng kanyang asawa, at sila’y maging isa” (Efe.5:31,Ibid)



      Ito ay nangangahulugan na hindi dapat payagan ng mag-asawa na may makakasira 0 makakahadlang sa kanilanhg maayos na pagsasama ang kanilang pakikitungo sa kanilang mga magulang. Nakakalungkot, subalt may ibag mag-asawa nadi magagawang iwan o makawalaa sa poder ng kanilang mga magulang. Madalas nilang maisumbong ang mga pagkukulang ng kanilang asawa kaya naman ang mga beyinan ay nagkakaroon ng masamang damdamin laban sa kanilang manugang. Bagama’t marami mang magulang  ang nakapagbigay ng mahusay na payo at gabay sa mag asawa, mas mabuting manalangin muna ang mag-asawa bago nila pag-usapan nang sarilinan ang kanilang mga suliranin bago idulog sa iba.Nang ipaalaalang Diyos na:



“ Mga lalaki, sa ganoon ding paraan, maging maunawain kayo sa inyu-inyung asawa. Pakitunguhan ninyo sila nang may paggalang sapagkat sila’y mahihinang di tulad ninyo… sa gayon, walang magiging hadlang sa inyung mga panalangin.”(I Ped. 3:7, NPV)


      Ito  ay nangangahulugang di nila dapat hamakin o di kaya’y apihin ang kanilang asawang babae, dahil lamang may mababang antas ng pinag-aralan kumpara sa kanila. Dapat unawain ng lalaki na  hindi kinuha sa talampakan ang babae, kaya hindi siya dapat hamakino yurakan. Manapa’y ang babae ay kinuha mula sa tadyang ng lalake kaya makatuwiran lamang na sya ay bigyan ng marapat o mataas na pagpapahalaga.



DIBORSYO

Ang paghihwalay ay tila baga napakadali sa maraming mag-aasawa sa panahong ito. Ang konsepto ng tinatawag na “NUCLER FAMILY” noong dekada 50 at 60 ay napalitan nan g mga sambahayang malayung-malayo sa pinanukala ng Diyos.
Ang nakakalungkot, ito ay ginagawa ng milyun-milyong mag-aasawa sa lahat ng panig ng daigdig na wala man lamang pagsaalang-alang kung ito ay pinahintulutan ng diyos. Ano ba ang sabi ng Diyos ukol sa Diborsyo ? ganito ang pahayag ni propeta Malakias:



“ Hindi ba sila’y pinag-isa ng PANGINOON? Sa katawan at sa Espiritu, sila ay sa kanya. At bakit isa? Pagkat naghahanap siya ng maka-Diyos na bunga. Kaya nga, ingatan mo ang iyong sarili sa iyong espiritu, at huwag sumira sa pangako sa asawa ng inyong kabataan. ‘Namumuhi ako sa diborsyo ng mag-asawa,’ sabi ng PANGINOONG Diyos ng Israel….Kaya nga, ingatan mo ang iyong sarili sa iyong espiritu at huwag kang sisira sa pangako”  (Mal. 2:15-16, NPV, sa amin ang pagbibigay-diin)



      Wala nang mas lilinaw pa ditto sa pahayag ng Diyos na “NAMUMUHI AKO SA DIBORSYO” . Sa halip na magsikap na maging tapat na kabiyak, ang iba ay kaagad nahuhulog sa maling paniniwala na :


“mas madaling lagdaan ang isang kapirasong papel kaysa gumugol ng panahon at lakas para lamang magtagumpay ang pagsasama” ( http://EzineArticles.com/?expert=DanaKrupinsky )

Nakakalungkot subalit ang lipunan ay nagbago mula sa pagbibigay-halaga sa pamilya tungo sa pagbibigay-halaga sa sarili. Alinsunod sa Banal na kasulatan, sinumang humiwalay sa kabiyak at mag-aasawa ng iba ay “ Nagkasala ng pangangalunya” (Mat.19:9, NPV). Batid nating ang pagtataksil ay isa sa mga sanhi ng paghihiwalay ng mag-asawa at ang diborsyo ay totoong isang mapait na karanasan maging sa panig ng mga anak, anuman ang kanilang edad o antas ng pag-iisip---subalit mas higit nsa dapat ikatakot na : “ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Diyos” (Gal.5:19-21).




Kung making lamang ang tao sa tagubilin ng Diyos na ganito:



“Aking anak ang mga salita ko ay dinggin mo, at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo…Kaya nga, iyong malalaman katuwiran at katarungan, At iyong tataluntunin ang landas ng kabanalan…ang natatamong kaalaman nga sa iyo ay mag-iingat, Ang unawa’y maglilihis sa liku-likong landas” (Gal.5:19-21,9,11, MB)



      Ang buhay ay mapupuspos  parin ng mga tiisin, ang mga suliranin ay daratal at mawawala, ang pagsasama ng mag-asawa ay daraan parin sa ibat-ibang pagsubok dulot ng pang araw-araw na hamon ng buhay sa mundong ito—Subalit kung ang Diyos ang siyang lalakip sa buhay ng mag-asawa, ang kaligayahan, kahustuhan at kasiyahang dulot ng pagsasama ay mamalagi hanggang sila ay papaghiwalayin ng kamatayan.

2 komento:

  1. Kapted...paano kung ang dalawang tao ay ikinasal sa maling relihiyon.diba itoy hindi naman kinikilala ng DIOS.sa makatuwid bay pwedi na sila mag devorce

    TumugonBurahin
  2. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

    TumugonBurahin