Mga Pahina

Sabado, Marso 22, 2014

Juan 8:58 Si Cristo ba ay Dios?



Isang talata na ginagamit ng ilan upang palabasan na Dios si Cristo,dahil sa mga salitang iniugnay nila.Upang mabigyang linaw ang talatang ito, Ating suriin ang mga pinagbabatayan nila.



Juan 8:58
" Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga. "





Kanilang ginamit ito , sapagkat mababasa umano na si Cristo ay ay nagsabing "AKO NGA",bago ipinanganak si Abraham. Paano naman nila iniugnay na Diyos nga raw si Cristo? Ganito po ang pahayag ng Dios :





Exodo 3:14
" At sinabi ng Dios kay Moises, AKO YAONG AKO NGA; at kaniyang sinabi, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ni AKO NGA".




Ito daw ang nagpapatunay na Dios nga raw si Cristo, Sapagkat binanggit nga ng Dios na siya yaong "AKO NGA".  Subalit, kung ganito lamang ka babaw ang kanilang maging basihan, ay malaki ang kanilang maging problema sapagkat, hindi lang ito ang mga talata na nagpapahayag na may nagsasalita at nagsabi ng "AKO NGA". Kung kapag may nagsasalita ng ganito ay magiging Dios narin ang mga sumusunod na nagsasalita nito :


ANGHEL :


Hukom 13:11  
"At bumangon si Manoa, at sumunod sa kaniyang asawa, at naparoon sa lalake, at sinabi sa kaniya, Ikaw ba ang lalake na nagsalita sa babaing ito? At kaniyang sinabi, Ako nga. "


BULAG


Juan 9:9
  "Sinabi ng mga iba, Siya nga: sinabi ng mga iba, Hindi, kundi nakakamukha niya. Sinabi niya, Ako nga." 


Maging si Apostol Pablo

1 Corinto 15:10 
" Datapuwa't sa pamamagitan ng biyaya ng Dios, ako nga'y ako; at ang kaniyang biyaya na ibinigay sa akin ay hindi nawawalan ng kabuluhan; bagkus ako'y malabis na nagpagal kay sa kanilang lahat: bagaman hindi ako, kundi ang biyaya ng Dios na sumasa akin. "


Malaki ang magiging problema nila kung ganito ang maging isipan sa pagkakamali ng aral ukol dito. Dapat ay hindi agad agad gumawa ng haka-haka kung ano ang pinatutunguhan o kahulugan nito lalo na a pagkilala sa tunay na Dios. Kaya, atin itong titiyakin kung magkaugnay o pareha nga ba talaga ang pinatutungkulan nga dalawang talata?. Ating itanong, Sino ba ang nagsasalita sa Exodo 3:14, Si Cristo ba ito?. Ating ituloy sa talatang 15 . Ganito ang ating mababasa.



Exodo 3:15
" At sinabi pa ng Dios kay Moises, Ganito ang sasabihin mo sa mga anak ni Israel, Sinugo ako sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang, ng Dios ni Abraham, ng Dios ni Isaac, at ng Dios ni Jacob: ITO ANG AKING PANGALAN magpakailan man, at ito ang AKING PINAKAALAALA sa LAHAT NG LAHI. "






Sa makatuwid, ang Dios na nagsasalita, ito ang DIOS NI ABRAHAM,NI ISAAC, NI JACOB, AT SA LAHAT NG LAHI.




Sa panahon ng Bagong Tipan. Matitiyak at makikilala din ba natin kung sino ang Dios ng mga taong binanggit? Ganito ang ating mababasa :



Gawa 3:13
" Ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, ang Dios ng ating mga magulang, ay NILUWALHATI ANG KANYANG LINGKOD NA SI JESUS; na inyong ibinigay, at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato, nang pasiyahan nito na siya'y pawalan. "






Sa ating nakita, Ang Dios na nagsasalita doon sa Exodo 3:14, ay Hindi si Cristo, sapagkat ito ang LUMULUWALHATI sa kanya. Sino po ba ito ?Ganito po ang pahayag mismo ni Cristo :




Juan 17:1, 5
" Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak: "
" At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon. "






Malinaw na ang lumuluwalhati kay Cristo ay ang AMA. Tiyak bang ito nga ang Dios na siyang tunay? Ganito parin ang pahayag ni Cristo sa talatang 3 na.:



Juan 17:3
" At ito ang buhay na walang hanggan, na IKAW ay makilala nila NA IISANG DIOS NA TUNAY, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. "




Ipinakilala ni Cristo, na ang Iisang Dios ay ang AMA lamang.Tiyak natin na ang pagsabi ng Dios na "AKO NGA" , ito'y Sapagkat siya'y Iisang Dios lamang na siyang dapat kinikilala ng lahat ng LAHI.


Efeso 4:6
" Isang Dios at Ama y lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. "




Ito ang itinuro ni Cristo na katotohanan, na siya namang tinanggap at itinuro ng mga Apostol :



1 Corinto 8:6
" Nguni't sa ganang atin ay may ISANG DIOS LAMANG, ANG AMA, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya. "





Nilinaw at pinakilala din ng mga Apostol kung ano ang itinuro ng Mga Apostol. Na walang ibang Dios kundi ang AMA lamang, Kaya malinaw na sa Atin kung bakit ipinahayag ng Dios na siya'y AKO NGA , sapagkat tumutukoy sa Kaniyang Pangalan sa  pagka iisang TUNAY NA DIOS.



UKOL KAY CRISTO




Suriin naman natin, kung bakit naman sinabi ni Cristo na " Bago si Abraham ay AKO NGA" Sa talatang juan 8:58? .




Galacia 3:16
" Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga PANGAKO, AT SA KANYANG BINHI. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, At sa iyong binhi, na si Cristo. "




Si Cristo ay Binhi o mula kay Abraham. At may pangako mula sa Dios. Ano ang pangako sa kanyang Binhi o ni Cristo?



Romans 1:2-4
"God PROMISED LONG AGO through his prophets in the Holy Scriptures to give this Good News to his people. THE GOOD NEWS is about God’s Son, Jesus Christ our Lord. As a human, he was born from the family of David, but through the Holy Spirit he was shown to be God’s powerful Son when he was raised from death."




Ang Magandang balita na ibibigay nya ang kanyang Anak para sa mga Tao. At ito ay mula pa noong una o "LONG AGO". Bakit ba mula pa noong una ang Pangako ng Dios, Anu po ba ang kahulugan nito?




"He was foreknown before the foundation of the world but was made manifest in the last times for the sake of you" I Pet. 1:20



Sa filipino :




"Pinili na siya ng Diyos sa
gawaing ito bago pa nilikha ang daigdig, at ipinahayag siya alang- alang sa inyo, bago sumapit ang katapusan ng mga panahon." I Pedro 1:20





Malinaw po. Kaya po ang dahilan ni Cristo sa pagkasabi niya "Ako Nga" , ay hindi tungkol sa Pagka-Dios, kundi sa kalagayan ng pagkapili ng Dios sa kanya simula't simula pa nang itatag ang sanlibutan. Kaya maling isipin na siya ay eksistido na bago pa nalikha ang sanlibutan. Kaylan lamang nagkaroon ng buhay si Cristo o nag eksistido na?




Galacia 4:4
" Datapuwa't nang dumating ang kapanahunan, ay sinugo ng Dios ang kaniyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, na ipinanganak sa ilalim ng kautusan, "





Ang pagsapit ng kapanahunan na si Cristo ay isilang ng Isang babae, tsaka lamang nagkaroon ng buhay na eksistido si Cristo.


Kaya po.maling aral na isiping, May Cristo nang eksistido mula pa noong una, Sapagkat tunay na ang AMA lamang ang nag-iisang Dios.at kaylan ma'y di siya papayag na may iba pang Dios na liban sa kanya.



Isaias 44:8
" Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba. "





Ito ay di kikilalanin ng tunay na Dios kung may iba pang Dios na pilit pinapalabas na mag eksist liban sa Kanya,at kaylan may Labag ito sa kalooban niya.



Isaias 46:9
" Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko "



Ang TATLONG SALITA na PANGALAN ng DIOS ayon sa EXODO 3:14 " EHYEH-AHSHER-EHYEH


Bilang karagdagan, kung babalikan natin ang talata ng Exo.3:14, ay may dapat rin tayo malaman na iyon ay isang katawagan na Pangalan ng Dios sa pagpapakilala Niya. Sa kabila ng apat na letrang pangalan ng Dios (YHWH), na siyang tinatawag na tetragrammaton, na karaniwan ng naisalin sa Ingles na "YAHWEH" o "LORD" sa ibang modernong Ingles na bersion, at "JEHOVA" naman sa ibang matandang Ingles na bersion ng Biblia. Ang BIBLIANG HEBREW, ay nagpapahayag na iba't ibang katawagan na Pangalan ng Dios, gaya anya ng"ELOHIM" (Gen.1:1),"EL ELYON" (Gen.14:18),"EL SHADDAI" (Gen.17:1), at ang tatlong letrang Pangalan na“EHYEH-ASHER-EHYEH” sa Exodus 3:14 na isinalin sa Ingles bilang“I AM WHO I AM”  At hindi ang ukol kay Cristo.





Sana'y malinaw na po sa lahat.

1 komento:

  1. mga gago,dapat iglisya ni manalo hindi iglisya ni kristo ang ddalhin nyo,kasinongalingan ang mga toro ni manalo sa inyo..si Kristo ay anak ng Diyos sa makatuwid sya ay Diyos..pinagloloko lang kayo ni manalo..alam nya na mapponta sya sa impierno kaya idadamay nya kayo..mapapahamak lang kayo..lalo nyo lang pinapayaman si manalo..marami na syang pinapatay sa Canada at Amerika na mga ministro..kasi nga pumalag na sila kay manalo kc nga may natuklasan silang kawalanghiyaan ni manalo...go to hell yan si manalo..rapest/killer.

    TumugonBurahin