Mga Pahina

Miyerkules, Pebrero 5, 2014

Rebulto at larawang inanyuan





Sa bagay na panrelihiyun kung pag uusapan ay Alam ng karamihan kung anung pangkat ang laganap sa paniniwalang ukol dito sa mga LARAWANG INANYUAN.


Minsan naman,kapag maipahayag na ang katotohanang ukol dito ay iniisip agad nila na sinisiraan namin sila.Kung kanila lang sanang isapuso ang katotohanang ito, ay hindi po kami ang nagsasabi,kundi ito po ay mula mismo sa Dios.

Kaya po, ito ang ating sariwain kung gawa gawa lang ba namin o talagang Aral ng Dios.Ayun po sa Biblia,may utos na po ba ukol dito?
narito :



Ang UTOS






Deuteronomio 5:8 Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan na kawangis ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:



Malinaw po na itong bagay na ito ay hindi na po pala bagong utos ng Dios. E tanung po ng ilan, Paano po pala ngayun , Yung mga mga Minamahal sa buhay na pinagawan ng rebulto,o maging ang Iglesia Ni Cristo nga daw ay nagpagawa ng rebulto ng kapatid ng Felix Manalo,mali din po pala?

Sagot : Hindi po masama yun,Sapagkat may tinutokoy po ang Dios sa bagay nag pagbabawal . Sa anung gawain? narito po :


Ang Masama sa paggawa ng larawang inanyuan



Levitico 26:1 Huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diosdiosan, ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haligi, ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan sa inyong lupain, upang inyong yukuran yaon: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.



Exodo 20:5 Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;



Deuteronomio 5:9 Huwag mong yuyukuran sila o paglilingkuran man sila: sapagka't akong Panginoon mong Dios ay mapanibughuing Dios, na aking dinadalaw ang kasamaan ng mga magulang sa mga anak, sa ikatlo at sa ikaapat na salin ng nangapopoot sa akin;





Ito po ay masama na, kung ang larawan po ay may kaugnayan at kinalaman na sa paglilingkod kung saan niyuyukuran na at pinaglilingkuran.Ito po ang bahagi kung saan Ipinagbawal na ng Dios.
Bakit po ayaw ng Dios? May pinapaala ala ba sa atin?
ganito :


Deuteronomio 4:23-24 Mangagingat nga kayo, baka inyong malimutan ang tipan ng Panginoon ninyong Dios, na kaniyang pinagtibay sa inyo, at kayo'y gumawa ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay na ipinagbawal sa iyo ng Panginoon mong Dios.
Sapagka't ang Panginoon mong Dios ay isang apoy na mamumugnaw, mapanibughuing Dios nga.



Mapanibughuin po ang Dios,Kaya po ayaw niya na ang ginawang larawan ay may kaugnayn na sa paglilingkod sa kanya


Ikakagalit ba ng Dios ang paggawa ng larawan upang magkaroon ito ng kaugnayan sa paglilingkod sa kanya?narito po :



Deuteronomio 4:25 Pagka ikaw ay nagkaanak at nagkaanak ang inyong mga anak, at nagluwat kayo ng malaon sa lupaing yaon, at nagpakasama kayo, at gumawa kayo ng larawang inanyuan na kahawig ng anomang bagay, at gumawa kayo ng masama sa paningin ng Panginoon mong Dios, upang mungkahiin ninyo siya sa kagalitan:


Deuteronomio 27:15 Sumpain ang taong gumagawa ng larawang inanyuan o binubo, bagay na karumaldumal sa Panginoon, na gawa ng mga kamay ng manggagawa, at inilagay sa dakong lihim. At ang buong bayan ay sasagot at magsasabi, Siya nawa.



Awit 78:58 Sapagka't minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako, at kinilos nila siya sa panibugho ng kanilang mga larawang inanyuan.



Jeremias 8:19 Narito, ang tinig ng hiyaw ng anak na babae ng aking bayan na mula sa lupain na totoong malayo: Hindi baga ang Panginoon ay nasa Sion? hindi baga ang kaniyang Hari ay nandoon? Bakit minungkahi nila ako sa galit ng kanilang mga larawang inanyuan, at ng mga walang kabuluhan ng iba?


Jeremias 51:47 Kaya't narito, ang mga araw ay dumarating, na ako'y maglalapat ng kahatulan sa mga larawang inanyuan sa Babilonia; at ang kaniyang buong lupain ay mapapahiya; at ang lahat ng mapapatay sa kaniya ay mangabubulagta sa gitna niya.



Nahum 1:14 At ang Panginoon ay nagbigay utos tungkol sa iyo, na hindi na matatatag ang iyong pangalan: sa bahay ng iyong mga dios ay aking ihihiwalay ang larawang inanyuan at ang larawang binubo; aking gagawin ang iyong libingan; sapagka't ikaw ay hamak.


Masama po ang kahahantungan ng taong patuloy sa pagsunud sa mga larawang inanyuan lamang.Kaya may payo ba ang Biblia kung anu ang maaring gawin dito?
narito po :



Deuteronomio 7:5 Kundi ganito ang inyong gagawin sa kanila; inyong igigiba ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputolputulin ang kanilang mga haligi na pinakaalaala at inyong ibubuwal ang kanilang mga Asera, at inyong susunugin sa apoy ang kanilang mga larawang inanyuan.



Deuteronomio 7:25 Ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios ay iyong susunugin sa apoy: huwag mong iimbutin ang pilak o ang ginto na nasa mga yaon, ni huwag mong kukunin para sa iyo, baka sa iyo'y maging silo: sapagka't ito'y isang karumaldumal sa Panginoon mong Dios.



Deuteronomio 12:3 At iyong iwawasak ang kanilang mga dambana, at inyong pagpuputol-putulin ang kanilang mga haliging pinakaalaala, at susunugin ang kanilang mga Asera sa apoy; at inyong ibubuwal ang mga larawang inanyuan na kanilang mga dios; at inyong papawiin ang kanilang pangalan sa dakong yaon.



2 Cronica 34:7 At kaniyang ibinagsak ang mga dambana at pinukpok ang mga Asera at ang mga larawang inanyuan ay dinurog, at pinagputolputol ang lahat na larawang araw sa buong lupain ng Israel, at nagbalik sa Jerusalem.


Isaias 30:22 At inyong lalapastanganin ang mga panakip ng inyong mga larawang pilak na inanyuan at ang pangbalot sa inyong mga larawang ginto na binubo: iyong ipaghahagis na gaya ng maruming bagay: iyong sasabihin, Humayo ka.


Walang silbi po ang paglilingkod sa mga larawan,kaya ang sabi po ng mga talata.Layoan po natin ang mga ito.Galit na galit po ang Dios sa ganitong uri ng mga paglilingkod.Sanay sa Dios dapat maglingkod ,ay kanino na nila ginawa?narito po ng ilamdg halimbawa sa Biblia :


2 Cronica 33:21-22 Si Amon ay may dalawang pu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang taon sa Jerusalem.
At siya'y gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ni Manases na kaniyang ama: at si Amon ay naghain sa lahat ng larawang inanyuan na ginawa ni Manases na kaniyang ama, at naglingkod sa mga yaon.



Hoseas 11:2 Lalo silang tinawag ng mga propeta, ay lalo naman silang nagsihiwalay sa kanila: sila'y nangaghahain sa mga Baal, at nangagsusunug ng mga kamangyan sa mga larawang inanyuan.



Mula pa po pala nOon ay marami ng lumabag dito, sanay sa Dios mag alay ,ay dinaan ang kapurihan sa pamagitan ng mga larawang inanyuan.

Anu po ang Paningin at Uri sa mga ganoong tao?
narito po :





Isaias 40:20 Siyang napakadukha sa gayong alay ay pumipili ng isang punong kahoy na hindi malalapok; siya'y humahanap sa ganang kaniya ng isang bihasang manggagawa upang ihandang larawang inanyuan, na hindi makikilos.


Isaias 42:17 Sila'y mangapapaurong, sila'y mangapapahiyang mainam, na nagsisitiwala sa mga larawang inanyuan, na nangagsasabi sa mga larawang binubo, Kayo'y aming mga dios.


Isaias 44:9 Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila'y mangapahiya.





Isaias 44:15-17 Kung magkagayo'y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at pinagpapatirapaan.
Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya'y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya'y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako'y naiinitan, aking nakita ang apoy:
At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga'y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka't ikaw ay aking dios.


Isaias 45:20 Kayo'y mangagpipisan at magsiparito; magsilapit kayong magkakasama, kayong mga nakatanan sa mga bansa: sila'y walang kaalaman na nangagdadala ng kahoy ng kanilang larawang inanyuan, at nagsisidalangin sa dios na hindi makapagliligtas.



Jeremias 10:14 Bawa't tao ay naging tampalasan at walang kaalaman; bawa't panday ay nalagay sa kahihiyan sa kaniyang larawang inanyuan; sapagka't ang kaniyang larawang binubo ay kabulaanan, at hindi humihinga ang mga yaon.


Roma 1:21-23, 25 Sapagka't kahit kilala nila ang Dios, siya'y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim.
Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang,
At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.
Sapagka't pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila'y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.



Jeremias 50:38 Ang pagkatuyo ay nasa kaniyang tubig, at mangatutuyo; sapagka't lupain ng mga larawang inanyuan, at sila'y mga ulol dahil sa mga diosdiosan.



Masakit man po Isipin,ngunit yan po ay ang katotohanan, Salita po yan ng Dios at hindi gawa gawa lamang namin, Semple lang naman po ang Gusto ng Dios na ganito :

Isaias 42:8 Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.



Hinding hindi po maaaring mangyari na papayag po ang Dios na idaan ang pagpupuri sa mga larawang inanyuan para makapaglingkod sa kanya.Bakit kaya nila ginagawa ang ganito,maaanyuan ba ang Dios?




Isaias 44:10 Sino ang naganyo sa ISANG DIOS, o bumubo ng larawang inanyuan na di pakikinabangan sa anoman?



Di po maanyuan ang Dios,kaya wala talagang pakinabang o kabuluhan ang kanilang mga larawang inanyuan.na Gaya ng Ganitong Salita ng Dios



1 Corinto 10:19 Ano ang aking sinasabi? na ang hain baga sa mga diosdiosan ay may kabuluhan? o ang diosdiosan ay
may kabuluhan?


wala pala talagang kabuluhan.Kung gayon,Anung dahilan? kung hindi po ito sa Dios,kanino?
narito :



Pahayag 9:20 At ang nalabi sa mga tao, na hindi napatay sa mga salot na ito, ay hindi nagsipagsisi sa mga gawa ng kanilang mga kamay, upang huwag sumamba sa mga demonio, at sa mga diosdiosang ginto, at pilak, at tanso, at bato, at kahoy; na hindi nangakakakita, ni nangakaririnig man, ni nangakalalakad man.


Katumbas po, ito ay sa Demonyo.At ang mga sa Demonyo na sumasamba sa mga larawang inanyuan o diosdios saan po nakalaan?
narito :




Pahayag 21:8 Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.



Sa madaling Salita po. Walang kaligtasang mamamana.


ANG PAYO SA LAHAT



Ang tao po ay binibigyan ng Dios ng pagkakataon na magbago,kaya anu anu po ang payo sa mga tao na nananatili pa sa paglilingkod sa mga Larawang Inanyuan o diosdiosan?
narito po :



1 Corinto 10:14 Kaya, mga minamahal ko, magsitakas kayo sa pagsamba sa diosdiosan.


Efeso 5:5 Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios.


1 Tesalonica 1:9 Sapagka't sila rin ang nangagbalita tungkol sa amin kung paanong nangakapasok kami sa inyo; at kung paanong nangagbalik kayo sa Dios mula sa mga diosdiosan, upang mangaglingkod sa Dios na buhay at tunay,


1 Juan 5:21 Mga anak ko, mangagingat kayo sa mga diosdiosan.


Gawa 17:29 Yamang tayo nga'y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.


Deuteronomio 5:10 At pinagpapakitaan ko ng kaawaan ang libolibong umiibig sa akin at tumutupad ng aking mga utos.




Mabait po ang Dios, Gusto po ng Dios na marami po ang maliligtas,kaya po tayo ay pinapaiwas ,ang totoong umiibig po sa Dios ay ang siya sumusunud sa kanyang payo,tulad pnd ng paglayo at pag iwas sa mga larawang inanyuan upang maging bahagi sa paglilingkod sa Dios.


Sanay mabago po ang karamihan na patuloy Parin pong gumagawa n. ganitong mgawpagkakasala mula sa maling paniniwala, Salamat po.

1 komento:

  1. Just wanna share my thoughts about your opinion. Makapamatuod ko nga ang pagluhod sa mga larawan kay dili mao ang pagsimba sa mga dios-diosan.
    Ug naa koy mga Verses na makapamatuod niini:

    1. 2 Hari 18:22 (KJV Bible)
    "Sa pag-ampo, mag-atubang sa altar o halaran kay sa halaran atua ang larawan sa kerubin ug naa diha sa larawan ang presensiya sa Dios. (Hebreo 9:5, 1 Cronicas 13:6, Exodo 25:18-22)

    2. Josue 7:6
    "Ug si Josue, ug ang mga anciano sa Israel, gigisi ang ilang mga bisti ug mihapa sa atubangan sa arca nga naay larawan hangtud sa gabii; ug ilang gisabwag ang abug sa ilang mga ulo. Ang paghapa wala nagpasabot na gisimba ang larawan isip Dios kundili pagtahod lang niini.

    3. 1 Hari 6:23-29
    "Daghang kinulit nga larawan sulod sa templo."

    4. 2 Cronicas 3:7, 10-13
    "Ang templo sa Dios nalukop sa kinulit nga larawan."

    5. Salmo 74:4-6
    "Kaaway sa Dios ang nagdugmok sa larawan o kahoy nga dibuho."

    6. Sirac 44:1, 10, 15
    "Dayegon ang mga santos, busa kay si Santa Maria balaan man ug puno sa grasya, labi ng dayegon."

    Klaro na kaayo ang nakasaad sa Bibliya. Kung di ka motuo, gapasabot nga wala sad ka nagtuo sa Bibliya.

    Ang pag-ampo wala namo gitumong sa mga larawan, kondili sa gisimbolohan sa larawan. Wala namo isipa na ang mga larawan nga Dios sila kondili amo silang gitahod kay sila mga sagradong representasyon ni Kristo ug sa mga santos na atua sa langit.

    TumugonBurahin