Mga Pahina

Miyerkules, Pebrero 12, 2014

Ang paniniwala ng mga katoliko kay MARIA

Malamang di na po bago ang Paksang ito upang muling Suriin ang paniniwala ng ilang mga relihiyun tungkol sa tunay talagang katangian ni Maria.


Ang Pangalang Maria po ay maraming beses binanggit sa Biblia,subalit dapat nating pansinin na hindi lamang po iisang Maria ang tinutukoy.Kaya ating pag Aralan ang ukol sa Mariang pinaniwalaan nilang may kaugnayan diuamano sa Dios.




Ang mga paniniwala ukol kay Maria



Ating Suriin ang kanilang mga aklat :

1.“Mary Daughter of God the Father, Mother of God the Son,and Wife of God the Holy Spirit” (Compendio Historico de la Religion, p. 501)

sa filipino:

"Maria anak na babae ng Diyos na Ama, Ina ng Diyos na Anak, at Asawa ng Diyos ang Banal na espiritu"



Kung ating pansinin,lalabas po dalawa ang Asawa ni Maria, si Jose at ang banal na Espiritu. Ina ng Dios pa na anak. Di kaya sila naguguluhan sa Aral nilang yan?.At sa atin pong nabasa, "Ina ng Dios".


Sa Biblia po wala tayong ma babasa na ganyan.anu po lamang?ganito po :


Gawa 1:14  
Ang lahat ng mga ito'y nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pating mga kapatid niya. 


Lucas 1:43 
At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng aking Panginoon ay pumarito sa akin? 



ina ni Cristo at ina ng panginoon.wala pong INA NG DIOS. Ang Asawa ni Maria Dios din kaya o si jose lamang?


Mateo 1:16
At naging anak ni Jacob si Jose asawa ni Maria, na siyang nanganak kay Jesus, na siyang tinatawag na Cristo.

Mateo 1:20 
Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo. 


Lucas 1:27 
Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga.


Kahit po buong biblia ay susuriin,walang mababasang :

"Si Maria ina ng Dios" "si maria Asawa ng Dios"

Siya po ay nagdadalang tao sa pamamagitan ng Espirito santo at hindi Asawa ng Espirito santo.Ano pa ang kanilang paniniwala?



2.Mary- “Daughter,spouse,and mother of God” (Glories and Virtues of Mary, p. 143)

sa filipino :


Maria-" Anak na babae , asawa, at ina ng Diyos "



Parehong paniniwala din sa naunang aklat ni ating sinuri. Kita po niyu, Asawa na, ina pa ng Dios, isang pamumusung po ang ganitong Aral at paniniwala,Sa batas palang ng TAO di na katanggap tanggap sa Dios pa kaya?.Ano pa?


3.” ……Mary whom He has made sovereign of heaven and earth, general of His armies…… restorer of the human race, Mediatrix of men, the Exterminator of the enemies of God, and the faithful companion of His grandeurs and triumphs” (True Devotion to the Blesed Virgin Mary, pp.18-19)


sa filipino :

" ...... Maria Siya ay ginawang reyna ng langit at lupa , pangkalahatang ng Kanyang hukbo ...... tagapanumbalik ng ​​sangkatauhan , tagapamagitan ng mga tao , ang Tagapaglipol ng mga kaaway ng Diyos , at ang tapat na kasamahan ng Kanyang pananaig at tagumpay "




Wala po silang batayan na mula sa Biblia upang gumawa ng ganitong Kwento,nawalan na nang bahagi si Cristo kung gayun, sapagkat naibigay na kay Maria.Ayun po sa biblia kaninu lamang pinagkaloob ng Dios ang lahat ng bagay?

“Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa. At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.” Filip. 2:9-11


kanino lamang po? kay Cristo po lamang 1cor. 15:27.Ano pa ang paniniwala nila?



4.“ Mary, being altogether transformed into God…..that in heaven and on earth everything, even God Himself, is subject to the Blessed Virgin” (Ibid, p.17)

“ …. That the length of her power, which she exercises even over God Himself” ( Ibid, p.6

“ St. Bernaredine of Siena declares that all obey Mary’s commands, even God Himself” (Glories and Virtues of Mary,p.177

“ I will say plainly that I had rather believed(which is impossible) that there is no God at all, than that Mary is greater than God” ( The Book of Catholic Quotations, p.101)




Mas mataas pa pala si Maria ngayun kay Sa Dios, ang Dios na ang nagpapasailalim sa kay Maria.Malinaw po ang Doktrinang Kabaluktotan na paniniwalang ito.

Ayun sa Biblia, may magpapailalim pa ba sa Dios? ganito po ating suriin :

1 Corinto 15:28  
At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.


Ang Dios po ang nasa ibabaw ng lahat, at hindi po ang Dios ang magpapailalim kay Maria .


5.“ Truly God has bestowed ‘Great Things’ upon us PRIEST which would be the envy of the ancient Jewish priesthood. We may justifiably ask the question: Upon whom has he bestowed more? Only on Mary. And as we know we are more blessed in many ways than she was, for we can call Christ down on the altar and absolve sinners. Mary,could not do these things” ( Mary And The Priest, p.58)

sa filipino :

" Tunay na ang Diyos ay nagkaloob ng Mahusayna mga bagay sa aming mga Pari kung saan magiging inggit ng sinaunang Jewish na mga pari .maaari naming sang-ayunan ng katwiran ang tanong: Sa kanino siya ay higit pang magkaloob? Tanging sa mga Maria lamang. At sa aming pagkakaalam kami ay higit pang mapalad sa maraming mga paraan kaysa kanya,dahil kami ay maaaring tumawag kay Cristo pababa sa altar at basbasan mga makasalanan.Si Maria, ay hindi magawa ang mga ganitong bagay "



Ito po ang nakakatawag pansin.
Anyari po, .Kanina po Mataas si Maria, Pero inamin po ng kanilang mga Pari na si Maria diumano ay mas mababa kay sa kanilang mga pari. Hindi po ito alam ng karamihan ang ganitong pananaw .


Nakakalungkot pong Isipin ang ganitong doktrina at paniniwala.

Ang pagsismula lamang ng pag imbento ng ganitong aral ay mula po lamang noong

609AD ni Cyril, bishop of Alexandria sa konsilyo nang Ephesus kung Saan idiniklara na si Maria ay "Ina ng Dios"


Malinaw po na isa lamang po itong gawa gawa na Aral ng tao upang makapanlinlang ng marami.pinapauna na po ito mula pa noong una.

Colosas 2:8  
Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali't saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo:


Aral lamang ng tao o Aral ng Sanlibutan.Dapat bang ipangaral ?

Galacia 1:11 
Sapagka't aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa evangelio na aking ipinangaral, na ito'y hindi ayon sa tao.


Ayun parin sa mga apostol,Aral parin po mula kay Cristo,at hindi sa Tao. .


May kabuluhan ba ang kanilang Pagsamba ?

Mateo 15:9,marcus 7:7 
Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.


Wala pong kabuluhan ang aral ng tao, o gawa gawa lamang ng Tao.


Narito po ang ilan sa mga aral ng Tao na kanilang Imbento lamang. tunghayan po natin :

500 A.D. - Priest commenced to dress differently.

600 A.D. - Worship in Latin started. 

600 A.D. - Saint worship was declared.

609 A.D. - Worship of Mary began.

788 A.D. - Worship of the Cross, images and relics.

905 A.D. - The mode of baptism changed, from immersion to sprinkling.

998 A.D. - Lent was imposed.

1079 A.D. - Obligatory celibacy was imposed. 

1090 A.D. - The use of prayer beads or rosary began.

1100 A.D. - Sacrifice of the mass was invented.

1160 A.D. - Invocation of the seven sacraments.


1190 A.D. - The sale of indulgences.

1215 A.D. - Transubstantiation was officially received.


1215 A.D. - Auricular confession was declared.

1438 A.D. - Purgatory was invented.

1854 A.D. - The Immaculate conception was proclaimed to be an article of faith.



Ilan lamang po yan sa mga naging imbento na Aral ng katoliko. Sana poy lumapit na po tayo sa katotohanan, iwan na po ang dating pamumuhay at paglilingkod.
Ganito po ang payo sa lahat mula po sa Biblia

Efeso 4:22-27 

At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;  At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,  At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan. Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin. Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit:  Ni bigyan daan man ang diablo. 

Huwag po nating bigyan ng daan ang Diablo upang makapandaya.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento