Mga Pahina

Lunes, Pebrero 24, 2014

Pagkain ng Baboy ipinagbawal ba?





Isa sa doktrina at paniniwala ng kinikilalang pangkat ng Relihiyun na tinatawag na "SDA o Seventh Day Adventist Church".


Mahigpit po sa kanilang Aral na ang pagkain ng Baboy ay isa raw na Aral na ipinatupad ng Dios.Kaya po atin ngang suriin kung talagang ito ay Angkop bilang totoong Cristiano.


Itanung po nating muli,ang pagkain po ba ng baboy ay pinagbawal ayun sa Biblia?




Levitico 11:3-7
" Alinmang may hati ang paa na baak at ngumunguya, sa mga hayop, ay inyong makakain.

Gayon ma'y huwag ninyong kakanin ang mga ito sa mga ngumunguya o doon sa mga may hati ang paa: ang kamelyo, sapagka't ngumunguya, nguni't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

At ang koneho, sapagka't ngumunguya, datapuwa't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

At ang liebre; sapagka't ngumunguya datapuwa't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

At ang baboy, sapagka't may hati ang paa at baak, datapuwa't hindi ngumunguya, karumaldumal nga sa inyo.



Malinaw nga raw po na may utos nga po na isa nga ang BABOY na nabanggit sa taas. Pero may dapat po ba tayong malaman kung kaylan ang panahung ito at kaninu po lamang na panahun ipinag utos ng panginoon?




Simulan po natin ang pagbasa mula sa pinakaunahan ng talata :




Levitico 11:1-2
"At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sa kanila'y sinasabi,"

"Inyong salitain sa mga anak ni Israel, na inyong sabihin, Ito ang mga bagay na may buhay na inyong makakain sa lahat ng mga hayop na nasa lupa."



Ito po pala ay isang utos ng panginoon na ipinatupad ni Moises sa panahun ng mga Israelita.Hanggang kaylan lamang ba ang bisa ng ganitong kautusan ?ating tunghayan :





Lucas 16:16
"Ang KAUTUSAN NI MOISES at ang sinulat ng mga propeta ay MAY BISA HANGGANG SA PAGDATING NI JUAN NA
TAGAPAGBAUTISMO. Buhat noon ay ipinapangaral na ang Magandang
Balita tungkol sa paghahari ng
Diyos, at ang lahat ay nagpipilit
na makapasok dito.”
[Ang Bagong MagandangBalita]




May Bisa lamang ang mga kaususang ito sa panahon
hanggang sa pagsilang kay JUAN
BAUTISTA, at pagkatapos noon ay
ang kautusan na ni Jesus na itinuro
niya sa mga Apostol ang sinusunod at tinutupad ng mga Cristiano.



Matitiyak po ba nating pwede na itong kainin ang baboy? kumuha po tayo ng isang pangyayari :



Gawa 10:9-15
“Kinabukasan, samantalang naglalakbay at malapit na sa Joppa ang mga inutusan ni Cornelio, si Pedro nama'y umakyat
sa bubungan upang
manalangin.

Bandang tanghali na noon. Siya'y nagutom at gusto na niyang kumain.
Ngunit habang
naghihintay siyang maihanda
ang pagkain, nagkaroon siya ng isang pangitain. Nabuksan ang langit at nakita niyang ibinababa
sa lupa ang isang parang malaking kumot na nakabitin sa apat na sulok.

NAROON SA KUMOT ANG LAHAT NG URI NG HAYOP, MGA LUMALAKAD, GUMAGAPANG, AT
LUMILIPAD. Narinig niya ang isang tinig, "PEDRO! TUMINDIG KA MAGKATAY KA AT KUMAIN." Ngunit sumagot si Pedro, "Hindi KO PO MAGAGAWA IYAN PANGINOON! KAILANMA'Y HINDI AKO KUMAIN NG ANUMANG MARUMI." Muli niyang narinig ang tinig, "HUWAG MONG ITURING NA MARUMI ANG NILINIS NA NG DIYOS."
[Ang Bagong Magandang Balita]




Ang lahat na itinuturing noon na
MARUMI sa panahon ni Moises
na mga Hayop na hindi maaaring
kainin ng tao kasama ng BABOY,
ay makakain na ngayon dahil nilinis
na ng Diyos.Ito din po ba ang itinuro ni Apostol Pablo? narito :



“Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath:”
Colosas 2:16


Bakit po naman nasabi ni Apostol pablo ito na huwag nang humatol?dahil po ba sa isa ito sa pinawala nang bisa?



Galacia 4:9, 11
" Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, bakit muling nangagbabalik kayo doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral, na sa mga yao'y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin? "

"Ako'y natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan. "





Ito po ay sapagkat isa sa mga Utos na pinawala nang bisa,at wala nang kabuluhan ang pagpapagal sa mga utos na pinawala nang bisa.




Malinaw po na ,Ipinangaral ng mga Apostol na huwag na humatol sa anu mang nilinis na ng Dios. Sapagkat ayun po sa Biblia ang lahat ay ipinagkaloob ng Dios na makakain sapagkat nilinis na ito :




Roma 14:20
"Huwag mong sirain ang gawa ng Dios dahil sa pagkain. Tunay na ang lahat ng mga bagay ay malilinis; gayon man ay masama sa tao ang kumakain ng laban sa kaniyang budhi."



Kaya po, ang mga kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay pinahintulutan po sa pagkain ng baboy, lamang may payo ang mga apostol ukol dito bilang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO,ay Ingat po ang mga sarili.Sipiin natin ang bahagi ng talata :




"Ingatan ninyo kung gayon
ang inyong mga sarili at ang
buong kawan"
Gawa 20:28 lamsa




Marapat parin ang pag ingat sa pagkain.Paano po makapag ingat?
Ang sobra pong pagkain nito. Sapagkat ayun na rin sa ating mga na balitaan. Ang sobrang pagkain ng taba ay makakapagdulot ng masama epekto sa Sarili. kaya po tayo ay pinag iingat.

may kasabihang

"Tayo ay kumain para mabuhay,at hindi nabuhay para kumain"



Kaya po Ingatan ang sarili.Anu ang payo ukol sa pagkain?



Juan 6:27
" Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios. "




Ito po ang pagkaing nararapat na pagbigyan ng halaga ng lahat,Ang ukol sa buhay na walang hanggan

Sabado, Pebrero 22, 2014

Bautismo, Pagbibinyag ba ang tamang paraan?







Kilala ang Pagbibinyag lalo na sa kilalang relihiyun na Katoliko. Ito daw isang pamamaraan na ng pagbabautismo.

Ating titiyakin kung ito ba talaga ay kanilang bahagi ng Doktrina nila?ating tunghayan sa kanilang aklat na pinamagatang :



“The Question Box”,

pahina 243-244 ay ganito
ang nakasulat:

Sa Pilipino na



“Si San Cipriano at ang mga
Obispo ng Ikatlong Konsilyo sa
Kartago (253) ay nagturo na ang mga sanggol ay dapat bautismuhan sa lalong madaling panahon matapos maipanganak.
Ang pagbabautismo sa kanila ay hindi dapat ipagpaliban hanggang sa ikawalong araw, gaya ng ginagawa ng iba. Ang Konsilyo ng Milevis (416) ay itinuro ang pangangailangan ng Bautismo ng Sanggol, at ang doktrinang ito ay inulit sa mga Konsilyo na Luterano, Vienne, Florencia at Trento.”




Malinaw nga po sa atin, mula nga sa kanila ang aral nang pagbibinyag,at ito ay sinimulan lamang ni SAN CIPRIANO KASAMA ANG MGA OBISPO.At malinaw na ito ay pinakalat mula sa ibat ibang konsilyo.Bakit po ba ito ay isa lamang bagay na pinagkasunduan ng mga pari at obispo?

tiyak ba sila dito na ito nga ay wala sa biblia ?



Isang pagtatapat
ng isang pari na kaanib sa
tinatawag na

“Paulist Fathers”

na si Rev. Bertrand Conway? Ganito ang kanyang sabi sa aklat na
pinamagatang

“The Question Box”, pahina 243:
Sa Pilipino na:




“Walang tiyak na banggit ukol
sa pagbibinyag ng sanggol sa
Bagong Tipan.”




Wala pong katiyakan. Aminado po silang wala nga itong katiyakan ang doktrinang kanilang pinapatupad.Malinaw po na talagang isa lamang itong haka haka o gawa gawa lamang. Ano ang payo mula sa Biblia ng ganitong uri ng doktrina na walang katiyakan. ?




1 Corinto 9:26
“Ako nga'y tumatakbo sa ganitong paraan, na hindi gaya ng nagsasapalaran; sa ganito rin AKO'Y SUMUSUNTOK, NA HINDI GAYA NG SUMUSUNTOK SA
HANGIN:”



Ganito ang payo ng mga apostol.Walang kasiguraduhan ay para lamang sumuntok sa hangin.Bakit po naman walang katiyakan? Alam din kaya nila kung anung tamang paraan ang itinuro sa bagong tipan?

Sa kanila paring aklat na may pamagat na

"Ang Pananampalataya ng Ating Mga Ninuno",

ni James Cardinal Gibbons, sa pahina 247 ay ganito ang ating mababasa:




“Sa loob ng ilang siglo
pagkatapos ng pagkatatag ng
Cristianismo, ang Bautismo ay
karaniwang iginagawad sa
pamamagitan ng lubog; ngunit
mula ng ikalabingdalawang siglo ang kaugaliang pagbibinyag sa pamamagitan ng buhos ay namayani sa loob ng Iglesia Katolika. Yayamang ang paraang ito ay walang gasinong sagabal na di gaya ng Bautismo sa pamamagitan ng lubog.”





Hayap po ang pag amin na,ang pamamaraan ng mga Cristiano ay sa pamamagitan nga ng paglubog.Ngunit sa ika 12century lamang binaluktot ang paraan ng pagbautismo sa kadahilanang "WALANG SAGABAL".


Dito po makikita na natin kung paanu pinairal ang sariling kagustuhan.Pero atin paring suriin. BUHOS ba agad ang paraan nila noong unang panahon ng mga katoliko? Ating tunghayan sa aklat parin nilang may pamagat na :



"Compedio Historico De La Religion" ,

sinulat at hinusay na parang tanungan ng wikang Kastila ni D. Josef Pinton sa Espanya, at tinagalog ni D.Antonio Florentino Puansen sa pahina 593-594 ay ganito ang nakasulat:



“T. Paano ang ugaling pagbinyag niyong unang panahon?

S. Macaitlong inilulubug
sa tubig ang catecumeno, at
sinasambit nang Saserdote ang ngalang nang isang Persona nang Santisima Trinidad sa baling isang paglulubug, at ito ang pagbinyag na pinanganganlang Bautismo por
immersiyon.”




Maliwanag po na makaitlong beses nga inilubog ang paraan nuon ng KATOLIKA . Sinupurtahan pa ito ng isang pa paring katoliko na si Aniceto dela Merced na siyang sumulat ng

"Pasyong Candaba"

Sa pahina 65 ay ganito an gating mababasa:




“Ang pagbibinyag ni San Juan
ay isisisid na minsan ang
boong-boong catauan doon sa
ilog nang Jordan parang
pinaliliguan.”




Maliwanag sa Pasyong Candaba na si Juan Bautista nang magbautismo ay minsan inilulubog sa tubig ang
binabautismuhan sa ilog ng
Jordan. Kita natin, Isa palang pa bago bago ng doktrina itong mga katoliko ukol dito sa kanilang aral. Dati'y naniniwala pala sa tamang paraan na PAGLUBOG.Ngunit dahil sa sariling kagustuhan ay BUHOS ang ipinalit..



Ano ba sabi ng Panginoong
Diyos tungkol sa ganitong
gawain?



Kawikaan 24:21-22
“ Anak ko, sa PANGINOON at sa hari ay matakot ka, sa mga PABAGU-BAGO ay huwag kang
makisama. Sapagkat biglang
dumarating mula sa kanila
ang kapahamakan, at ang
pagkawasak na nagmumula sa
kanila ay sinong nakakaalam?”
[ Ang Bagong Ang Biblia ]




Napakaliwanag ng pahayag ng
Diyos na hindi dapat pakisamahan ang mga tao na PABAGU-BAGO, dahil mapapahamak sila, at kung
patuloy tayong sasama sa mga
ganitong uri ng pananampalataya na nagpapapalit-palit ng aral,
natural makakasama tayo sa
mapaparushan.



Hindi maaaring magturo ang
Diyos ng paiba-ibang aral,
dahil ang Diyos ay hindi
nagbabago:



Santiago 1:17
“Ang bawa't
mabuting kaloob at ang
bawa't sakdal na kaloob ay
pawang buhat sa itaas, na
bumababa mula sa Ama ng
mga ilaw, na WALANG
PAGBABAGO, NI KAHIT ANINO
MAN NG PAGIIBA.”



Malinaw sa ating natunghayan sa taas na kung sa anung paraan nag iba at inimbento ang kanilang aral
.At dapat ang tamang paraan ay ang paglubo lamang sa tubig at hindi wisik o buhos lamang.

Ito ang ebidensya galing sa
mga salaysay ukol sa mga taong
nabautismuhan. Narito ang ilang mga halimbawa. Si Jesus ay binautismuhan ni Juan sa Ilog Jordan. Bakit kailangang sa
ilog pa kung magwiwisik lang naman? Pagkatapos niyang mabautismuhan, ayon sa
salaysay ni Markos,


“Pagkaahung-pagkaahon ni Jesus sa tubig…
(Markos 1:9-10).


Umahon si Jesus dahil siya ay
inilubog. Ngunit hindi lamang sa Jordan nagbabautismo si Juan.

“Si Juan ay nagbabautismo rin naman sa Enon, malapit
sa Salim, sapagkat maraming tubig doon” (Juan 3:23).




Kailangan ng maraming tubig upang magpautismo. Kung kaunti ay hindi mailulubog o mahihirapang ilubog ang isang tao.


Nang magpabautismo ang isang
pinunong taga-Etiopia na nabahaginan ni Felipe, ano ang nangyari?


“Lumusong silang dalawa sa tubig at binautismuhan siya ni Felipe. Pagkaahon nila sa tubig…”
(Gawa 8:38-39)
.



Ang kahalagahan ng bautismo ayun kay Apostol pablo

.
“tayo’y namatay na at
nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng
bautismo…” Roma 6:4

“Nang kayo’y bautismuhan, nalibing kayong kasama ni
Cristo at muling nabuhay na kasama niya” Colosas 2:12
.


Ito po ang ponto na dapat nating tandaan at hindi sa gawaing pagbuhos na ginagawa na parang nasa batya upang buhusan.


TAMANG PARAAN NG BAUTISMO




Itanung natin muli sa kanilang Mga pari at aklat. Bakit pala ang sanggol ay bininyagan agad nila?
ganito ang kanilang paliwanag mula sa aklat nila na pinamagatang :


"Pananampalataya ng Ating Mga Ninuno" ,

sinulat ni James Cardinal Gibbons, na isinalin sa wikang Tagalog ni
Rufino Alejandro, sa pahina 266:



“Ang mga Gawa ng mga
Apostoles at ang mga sulat ni San Pablo, bagaman naglalaman ng bahabahaging ulat ukol sa pagmiministro ng mga Apostoles, ay maliwanag na nagpapahiwatig na ang mga Apostoles ay
nagbinyag ng mga bata gaya rin naman ng mga matanda. Sinasabi sa atin, halimbawa, na si Lydia ay bininyagan at ang kanyang boong sambahayan, ni San Pablo; at ang bantay-bilangguan ay bininyagan at ang boo niyang angkan.”




Nasabi sa pahayag na nagbinyag nga raw ang mga apostol sa mga bata.Pero atin ngayung tunghayan sa mga karugtong parin na mga talata sa pareho paring pahina,ay may dapat tayong mapansin :



“Bagaman hindi tiyakang
tinutukoy na may mga bata sa
mga angkang yaon na bininyagan,
matibay ang mapagsasaligang
hinuha sa pagpapalagay
na mayroon.”




Nakatitiyak ba sila? Malinaw ang
kanilang sagot na


“hindi tiyakang tinutukoy na may mga bata sa mga angkang yaon na
bininyagan, matibay ang mapagsasaligang hinuha o pagpapalagay na mayroon”.




Saan nakasalig ang kanilang
isinasagawang pagbabautismo ng
sanggol? Sa hinuha o palagay po lamang. ito ay isa lamang HAKA HAKA. anu po ang payo ng Biblia sa ganitong paniniwala.



Roma 12:16
“ Mangagkaisa kayo ng
pagiisip. Huwag ninyong ilagak
ang inyong pagiisip sa mga bagay
na kapalaluan, kundi makiayon
kayo sa mga bagay na may
kapakumbabaan. Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga
haka. ”




Huwag po tayo maging pantas sa sarili lamang na Haka Haka.Hindi po ito katanggap tanggap sa harap ng Dios.


Atin namang suriin ang kanilang pinagbatayan sa kanilang aklat kanina na may sanggol nga daw na bininyagan.Ating tingnan ito kung anung talata .



Gawa 16:30-34, ganito ang nakasulat:


“At sila'y inilabas at sinabi,
Mga ginoo, ano ang kinakailangan
kong gawin upang maligtas? At
kanilang sinabi,
Manampalataya ka sa
Panginoong Jesus, at
maliligtas ka, ikaw at ang iyong
sangbahayan. At sa kaniya'y
sinalita nila ang salita ng
Panginoon, pati sa lahat ng
nangasa kaniyang bahay. At sila'y kaniyang kinuha nang oras ding yaon ng gabi, at hinugasan ang
kanilang mga latay; at pagdaka'y binautismuhan, siya at ang buong sangbahayan niya. At sila'y
kaniyang ipinanhik sa kaniyang
bahay, at hinainan sila ng
pagkain, at nagalak na totoo, pati ng buong sangbahayan niya, na nagsisampalataya sa Dios.”




Mayroon nga bang binanggit
na bata o kaya’y sanggol sa
binautismuhan sa sangbahayan ng
bantay-bilangguan?

Wala. Ano ngayon ang sinabi ni Apostol Pablo at ni Silas sa bantay-
bilangguan at sa sambahayan
niya?


“Manampalataya ka sa Panginoong Jesus.”


Samakatuwid,ang binautismuhan na sambahayan ng bantay bilangguan ay nagsisampalataya sa Diyos at sa ating Panginoong Jesus . Papaano ba nagkakaroon ng
pananampalataya ang tao ayon sa
Banal na Kasulatan?



Roma 10:17
“Kaya nga ang paniniwala'y
nanggagaling sa pakikinig,
at ang pakikinig ay sa
pamamagitan ng salita ni
Cristo.”


Mula po sa pakikinig ng pagtuturo.
Dapat bang bautismuhan ang
sanggol kung ang susundin ay ang
aral katoliko?


Ganito ang mababasa natin sa

"PasyongGenesis"


na sinulat ni Pari Mariano Pilapil sa pahina 183:



“Magmula sa Herusalem, lahat
ay inyong libutin, at turuan ng
magaling, ang taong nagugupiling,
nang ang sala’y di mahimbing.
Ang sinoma’t aling tao, aralan at binyagan ninyo. Ang tumanggap ng bautismo, at maniwalang totoo, aking magiging katoto.”





Ganito ba ang ginagawa sa mga
sanggol bago sila binyagan? Tiyak
na ang sagot natin ay hindi.
Sipiin naman natin ang Pasyon na
sinulat ni Pari Aniceto dela
Merced, sa pahina 194 na lalong
kilala sa tawag na


"Pasyong Candaba, ganito ang nakasulat:



“Hayo nga’t inyong calatan,
ang boong calupaan, ang
Evangelio’y iaral, sa boong
sangcatauohan, walang tauong
malilisan. Ang maniwala’t
tumanggap sa Evangeliong
pahayag, ay binyagan ninyo agad, sa ngalan ng Ama, Anac, at Espiritu Santong uagas.”





Maliwanag ang pagtuturo ng
dalawng paring Katoliko na
sumulat ng Pasyon na kailangang
aralan muna ang tao bago
binyagan. Kaya hindi naaayon
sa aral at turo ng kanilang mga
pari at lalo na ng Banal na
kasulatan ang pagbibinyag ng
bata o sanggol.



Lunes, Pebrero 17, 2014

Ang AMA lamang ang may Ari, at nagtatag ng IGLESIA, At hindi si Cristo


Atin pong pag Aralan ang isa paniniwala ng Mga mahal nating kaibigan na kilala sa tawag na
"Ang Dating Daan".



Ang kanila pong Aral ukol dito,ay wala raw pag aari si Cristo. Sapagkat ang AMA lamang ang nagtayo at may Ari ng Iglesia.Ayun po sa Biblia. Paano po matatamo ang kaligtasan ng tao, at sa anu at kaninong pangalan ito ibinigay.Narito po :




Gawa 4:10-12
" Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga
Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit. Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok. At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas."



Walang ibang pangalan po na ibinigay sa mga tao , kaninong pangalan naman ito at sinO ang nagbigay naman ?Tunghayan natin ang pahayag ni Apostol Pablo:




“Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng
pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng
nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa. At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.”  Filipos. 2:9-11



Ang Dios po ay ang nagbigay ng PANGALAN kay Jesus. Para magkaroOn ng karapatan sa lahat ng bagay upang ang lahat ng nilang ay magpasailalim at sumamba sa kanya.

Anung pangalan po naman itong ipinagkaloob kay Jesus na siyang ibinigay sa mga tao sa ikaliligtas? Ganito po ang pahayag ni Apostol Pedro :




“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at CRISTO itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.”  Gawa 2:36




Ang pangalang Cristo, ito po ang pangalan na ipinagkaloob ng Dios kay jesus sa ikaliligtas po ng tao.Malinaw na po sa Atin ngayun, May Karapatan at kapangyarihan ba sa Cristo na ibinigay naman sa Kanya. ? Narito po muli.



Efeso 1:20-22
" Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan,  Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating:  At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia, "



Ang Dios po ay nagkaloob kay Jesus ng karapatan,kapangyarihan, Sa lahat po ng bagay,at sa pamamagitan ng kanyang pangalang "Cristo" na ipinagkaloob, ay ang ikaliligtas ng tao.Sa ano naman pong paraan ang turo na paraan ni Cristo sa ikaliligtas ng tao.?




"I am the door, anyone who comes into the fold throuhg me shall be safe."
(john 10:9 , New English Bible)



sa filipino:



"Ako ang pintuan; ang sinumang pumasok sa KAWAN sa pamamagitan ko ay magiging ligtas" (juan 10:9)




Ang mga pumasok kay Jesus ay kabilang sa KAWAN ng mga tupa. Ang kawan n tinawag ni Apostol pablo na Iglesia Ni Cristo:





"Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito'y hinirang kayo ng Espirito Santo na mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo"  (Gawa 20:28,Lamsa Trans.)



Malinaw po kung gayun, ang ikaliligtas nga ng tao, ay sa pagpasok kay Cristo, na siyang IGLESIA NI CRISTO. Mula sa ating pag aaral kanina, Binigay kay Cristo ang karapatan sa kaligtasan ng tao sa kanyang pangalan, ang IGLESIA NI CRISTO ba ito ay kanyang itinayo?





Mateo 16:18
At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.



Atin pong pansinin ang Singular word na "Iglesia/Church" at ang Personal Pronoun na "Aking/my". Kaya po ang pagkasabi ni Cristo sa IGLESIA ay AKING IGLESIA o MY CHURCH. Siya din po ang ulo ng IGLESIA na kanyang itinayo.



"Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan. Siya ang pasimula, siya ang panganay na anak, ang unang binuhay mula sa mga patay, upang siya'y maging pangunahin sa lahat. " Col. 1:18


At tagapagligtas nito



"Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito ." Efeso 5:23



Kaya po Malinaw na isinunud nga sa pangalan ni CRISTO ang IGLESIA sapagkat sa ganito ang ikaliligtas ng tao. ( gawa 4:9-12 ). Tanung naman po nila. Bakit po maraming talata na mababasa sa Biblia na IGLESIA NG DIOS? at di po lahat sa pangalan ni Cristo? Sa mga sulat po ni Apostol pablo,pinantatawag ni Apostol Pablo ang iglesia ng Diyos sa mga hentil na miyembro ng Iglesia ni Cristo, ang mga hentil kasi ay hindi kabilang sa bayan ng Diyos, ang Israel, kaya sila ay WALANG DIYOS:





"Noong panahong iyon, hiwalay kayo kay Cristo, hindi kabilang sa bayang Israel, at hindi saklaw ng tipan na nababatay sa mga pangako ng Diyos. Noo'y nabubuhay kayo sa mundo na walang pag-asa at walang Diyos ." Efeso2:12



Wala silang Diyos dahil hindi sila bayan ng Diyos:





"Tayo ang mga taong iyon na tinawag niya hindi lamang mula sa mga Judio subalit mula rin sa mga Hentil. Ganito ang sinasabi niya sa aklat ni Oseas, "Ang dating hindi ko bayan ay tatawaging 'Bayan ko,' at ang dating hindi ko mahal ay tatawaging 'Mahal ko." Roma 9:24-25




Kaya hindi nila kilala ang Diyos:




"Hindi sa pita ng kahalayan, na gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios "
I tess. 4:5



Ito po ang dahilan kung bakit ipinantawag ni Apostol Pablo ang iglesia ng Diyos sa Iglesia
para malaman nila na ang Iglesiang iyon ay MAY DIYOS at ang mga natawag na mga HENTIL sila ngayoy sa DIYOS NA.


Ang iglesia ng Diyos ay kay Kristo, ang Iglesia ni Cristo ay sa Diyos:




"Ang lahat ng sa Ama ay sa akin , kaya ko sinabing tatanggapin ng Espiritu ang mula sa akin at ipahahayag niya ito sa inyo." Juan 16:15




"Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko, kundi ang lahat ng
ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo. Ang lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay sa akin ; at napaparangalan ako sa pamamagitan nila." Juan 17:9-10




Ang Iglesia ay itinatag ni Kristo, ITO AY SA DIYOS kaya walang problema kung tinawag ang Iglesia na "iglesia ng Diyospero hindi ito ang OPISYAL na PANGALAN ng Iglesia dahil ito ay isang adjective lamang, o dinedescribe lang na ang IGLESIA NI CRISTO ay sa DIYOS.



Kaya po,ang aral na ang Dios po lamang o ang AMA lamang ang may Ari o nagtayo ng IGLESIA,ay isang maling doktria . Kung ganyan din naman ang kanilang aral na pinaniwalaan na hindi iyun kay Cristo , ay sana ang kanilang pangalan ng Relihiyun ay ganito dapat :


MEMBERS CHURCH OF THE FATHER INT'L.


Bakit? e kasi Dios din sa kanila si Cristo. kaya ang ganitong mga paniniwala ay di naayun sa Biblia.

Linggo, Pebrero 16, 2014

Ang Iglesia Ni Cristo lamang ang Iglesiang Itinayo ni Cristo

Sa Maraming pagkakataon po ay laging maraming pangkat ng relihiyung Cristiano na sila nga raw ang tunay na Iglesiang tatag ni Cristo. Sa atin pong pag aaral ngayun, ang mga pangunahin paksa at katanungan ang ating pag aaralan.







1. Si Cristo ba ay nagtayo ng Isa lamang Iglesia? anO ang katangian nito?



2. Ano ang nangyari sa Iglesia pagkatapos pinagpahinga ang mga apostol?



3. Ang IGLESIA NI CRISTO ba ay bahagi ng itinayo ni Cristo?





Ang mga bahagi pong ito ang siya na ating pag Aaralan ngayun,
Karamihan po at sa ibang mga relihiyun, ang kanila pong paniniwala ukol sa Iglesia ang Importante nga daw lamang, ay ang


"Relasyon kay Cristo, Hindi relihiyun"



Ang pagkakaroon ng Relasyon kay Cristo ay isang lubhang mahalaga nga sapagkat ito ang paraan upang maging bahagi sa Ililigtas
(Efeso 5:25-32).

Subalit ang bagay po na dapat tandaan, ay hindi po lahat ng tumatawag ng "panginoon,panginoon" ay ililigtas.(mateo 7:21-23). Kung siya po lamang ay dadalhin ng Dios kay Cristo (juan 6:44). Sa pamamagitan po ng Iglesia( gawa 2:47 ).





SI CRISTO BA AY NAGTAYO NG IISA LAMANG NA IGLESIA?





Mateo 16:18

At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya. 



Atin pong pansinin ang Singular word na "Iglesia/Church"
at ang Personal Pronoun na

"Aking/my"

Kaya po ang pagkasabi ni Cristo sa IGLESIA ay AKING IGLESIA o MY CHURCH.


Paano naman po tinawag ng mga apostol ang Iglesiang ito? Ito po ay tinawag na "IGLESIA NI CRISTO"
( roma 16:16 NPV , Gawa 20:28 lamsa )




Tinawag ni Apostol Pablo ang IGLESIA NI CRISTO na mga IGLESIA NG DIOS ,Nang kanyang sulatan ang mga Gentil na sila na Bahagi na sa pagsasampalataya sa Dios.Sagkat silay dating hiwalay at walang Dios.


Ang Iglesia po ay tinawag din gaya ng mga sumusunud :





IGLESIA NG MGA GENTIL




Roma 16:4
Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil



IGLESIA NG MGA BANAL


1 Corinto 14:33
Sapagka't ang Dios ay hindi Dios ng kaguluhan, kundi ng kapayapaan. Gaya sa lahat ng mga iglesia ng mga banal, 



IGLESIA NG MGA PANGANAY




Hebreo 12:23
Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit, at sa Dios na Hukom ng lahat, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal, 



Ang mga lokal din po ng IGLESIA ay tinatawag sa kanyang local na pangalan kung saan ito nakatayo,tulad nalang sa lokal ng tesalonica.
(1tes. 1:1) etc. Ang Iglesia din naman ay inihalintulad din naman sa
KATAWAN (col. 1:18)
kAWAN
(gawa 20:28)
TUPA
(juan 10)
ASAWA NG CORDERO
(apoc.21:9)


Kahit po sa maraming bahagi na pinatungkulan ang IGLESIA, di parin mawawala na Iisa lamang ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Ito ang pangalang ibinigay sa atin Alang alang sa kaligtasan





Gawa 4:10-12

Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, na sa pangalan ni Jesucristo ng taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit. 
Siya ang bato na itinakuwil ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok. 
At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.



Tulad po ng pagbibigay ng Dios sa pangalang "Israel" kay jacob





Genesis 32:28

At sinabi niya, Hindi na tatawaging Jacob ang iyong pangalan, kundi Israel; sapagka't ikaw ay nakipagpunyagi sa Dios at sa mga tao, at ikaw ay nanaig.



At ang Dating bayan ng Dios ay tinawag na BAYANG ISRAEL. Kaya sa panahun ngayun, di rin limit na Ang IGLESIA NI CRISTO ay ang bayan ng Dios o ang IGLESIA NG DIOS sapagkat ang "CRISTO" ay ang pangalang ibinigay ng Dios kay Jesus .





Juan 17:11

At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila'y maging isa, na gaya naman natin. 



Mateo 16:16
At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay.




ANO ANG KATANGIAN NITONG IISANG IGLESIA NA ITO.




Efeso 4:4-6

May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; 
Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, 
Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. 



Ano ang mga grupo o bahagi ng tao na bumubuo sa IGLESIA? Ganito po ang sabi ni Apostol Pedro :



Gawa 2:39

Sapagka't sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.



Ito po ang tatlong groupo na bahagi na ipinakilala.



1. Sa inyo -hudyo


2. Sa inyong mga Anak- Mga gentil (1cor. 4:15 , roma 9:24)


3. Nangasa malayo - Ang ibang tupa ni Cristo ( juan 10:16 )






ANUNG NANGYARI SA IGLESIA NG MAWALA ANG MGA APOSTOL



Ganito po ang pauna ni apostol pablo bago sila ipinagpahinga :




Gawa 20:29

Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan



Tandaan po natin,ito po ay babala na mula pa noong una,Sino po itong lobo ? ganito po ang
sabi ni Cristo :




Mateo 7:15
Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila. 



Apostol pedro :



2 Pedro 2:1 
Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak. 



Apostol juan :


1 Juan 4:1
Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan. 



Ito po ang kani kanilang babala, anu po ang gagawin nitong mga bulaang mga propeta? upang makakapahamak (1ped.2:1).

Ano naman ang nangyari sa Iglesia? nawala ba lahat? ganito po ang propesiya ni Zacarias





Zacarias 13:8-9

At mangyayari, na sa buong lupain, sabi ng Panginoon, dalawang bahagi ay mahihiwalay at mamamatay; nguni't ang ikatlo ay maiiwan
At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila'y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila'y susubukin ko na parang pagsubok sa ginto. Sila'y magsisitawag sa aking pangalan, at akin silang didinggin: aking sasabihin, Siya'y bayan ko; at kanilang sasabihin, Ang Panginoon ay aking Dios.



Tandaan po natin,tatlo po ang grupo o bahagi na bumubuo sa IGLESIA, (gawa 2:39). Atin na pong tinalakay sa itaas kanina,
Ang dalawang bahagi po ay yung binubou ng:


1 bahagi - Hudyo
2 bahagi - Gentil
- ito ang dalawang bahagi na bumubuo sa Iglesia mula nuong unang Siglo,at ito ay nawala.
3 bahagi - mula sa malayo,ang matitira.




Samakatuwid, ang kabuuan ng IGLESIA NI CRISTO na siyang itinayo ni Cristo ay hindi naalis o nawala , Sapagkat ang binanggit na nawala,ay yung unang dalawang bahagi lamang.Kaya po sa ibang propesiya ng biblia gaya ng apocalipsis, ang Iglesia ay sumisimbolo sa Babae.(Apoc.21:9)





ANG IGLESIA NI CRISTO BA AY ANG IGLESIANG ITINAYO NI CRISTO?



Ang Dios ay nag hula, sa pamamagita ng sulat ni propeta Isaias, na ang ikatlong bahagi ng IGLESIA ,ay magmumula sa malayong lupain,at malayong panahon kung saan sila ay tatawagin.






Isaias 43:5-6

Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo: aking dadalhin ang iyong lahi mula sa silanganan, at pipisanin kita mula sa kalunuran; 
Aking sasabihin sa hilagaan, Bayaan mo, at sa timugan, Huwag mong pigilin; dalhin mo rito ang aking mga anak na lalake na mula sa malayo, at ang aking mga anak na babae na mula sa wakas ng lupa;



Ito po ay isang mahalagang Propesiya ng Dios na dapat malaman,Ang dako kung saan ito ay mula sa silanganan, na nasa malayo. Kung mula naman sa MOFFATT'S version, ay isinasaad na sa MALAYONG SILANGAN.Anu naman ang katangian ng dakong ito? Ito po ay binubuo ng mga pulo o pulo ng dagat ( Isa.42:10 ).



Ito ay ang mga panahun kung saan ang MGA WAKAS NG LUPA, na siya namang ipinapauna na ni Cristo sa ma talata ng mateo 24. Kung saan ang maraming palatandaan ay mangyayari.gaya ng pandaigdigang digmaan.


Sa atin nang pinag aralan sa itaas, sila yaong tatawagin ng Dios sa pamamagitan ng pangalang ibinigay , At ang IGLESIANG tinawag sa pangalang ipinagkaloob ng Dios kay Cristo. Kaya po masasabing, sila ay tatawagin sa pangalan ni Cristo,samakatuwid ay ang IGLESIA NI CRISTO.



Mayroon bang IGLESIANG lumitaw mula sa malayong silangan,kung saan ay maraming mga pulo ng dagat,at kaalinsabay ng unang digmaang pandaigdig?


Mayroon po, Ito ang IGLESIA NI CRISTO,kung saan kami po ay bahagi nito. Narehistro sa pamamahala sa pilipinas noong july 27,1914. Na binubuo ng 7,100 na mga pulo.


Ang IGLESIA NI CRISTO ay Siyang ipinakilala sa mga naunang pag aaral natin :






Efeso 4:4-6

May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; 
Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo, 
Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. 





Sa kabuuan, Ang IGLESIA NI CRISTO na nasa ikatlong bahagi ng Iglesiang itinayo ni Cristo ay ang siyang katuparan sa sinabi ni Cristo na ibang tupa ( juan 10:16 )
Na nakikinig sa kanyang tinig ( talatang 3) Kung saang doon idinaragdag ng Dios ang mga maliligtas. ( gawa 2:47)


Miyerkules, Pebrero 12, 2014

Ang paniniwala ng mga katoliko kay MARIA

Malamang di na po bago ang Paksang ito upang muling Suriin ang paniniwala ng ilang mga relihiyun tungkol sa tunay talagang katangian ni Maria.


Ang Pangalang Maria po ay maraming beses binanggit sa Biblia,subalit dapat nating pansinin na hindi lamang po iisang Maria ang tinutukoy.Kaya ating pag Aralan ang ukol sa Mariang pinaniwalaan nilang may kaugnayan diuamano sa Dios.




Ang mga paniniwala ukol kay Maria



Ating Suriin ang kanilang mga aklat :

1.“Mary Daughter of God the Father, Mother of God the Son,and Wife of God the Holy Spirit” (Compendio Historico de la Religion, p. 501)

sa filipino:

"Maria anak na babae ng Diyos na Ama, Ina ng Diyos na Anak, at Asawa ng Diyos ang Banal na espiritu"



Kung ating pansinin,lalabas po dalawa ang Asawa ni Maria, si Jose at ang banal na Espiritu. Ina ng Dios pa na anak. Di kaya sila naguguluhan sa Aral nilang yan?.At sa atin pong nabasa, "Ina ng Dios".


Sa Biblia po wala tayong ma babasa na ganyan.anu po lamang?ganito po :


Gawa 1:14  
Ang lahat ng mga ito'y nagsisipanatiling matibay na nangagkakaisa sa pananalangin na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pating mga kapatid niya. 


Lucas 1:43 
At ano't nangyari sa akin, na ang ina ng aking Panginoon ay pumarito sa akin? 



ina ni Cristo at ina ng panginoon.wala pong INA NG DIOS. Ang Asawa ni Maria Dios din kaya o si jose lamang?


Mateo 1:16
At naging anak ni Jacob si Jose asawa ni Maria, na siyang nanganak kay Jesus, na siyang tinatawag na Cristo.

Mateo 1:20 
Datapuwa't samantalang pinagiisip niya ito, narito, ang isang anghel ng Panginoon ay napakita sa kaniya sa panaginip, na nagsasabi: Jose, anak ni David, huwag kang mangamba sa pagtanggap kay Maria na iyong asawa: sapagka't ang kaniyang dinadalang-tao ay sa Espiritu Santo. 


Lucas 1:27 
Sa isang dalagang magaasawa sa isang lalake, na ang kaniyang ngala'y Jose, sa angkan ni David; at Maria ang pangalan ng dalaga.


Kahit po buong biblia ay susuriin,walang mababasang :

"Si Maria ina ng Dios" "si maria Asawa ng Dios"

Siya po ay nagdadalang tao sa pamamagitan ng Espirito santo at hindi Asawa ng Espirito santo.Ano pa ang kanilang paniniwala?



2.Mary- “Daughter,spouse,and mother of God” (Glories and Virtues of Mary, p. 143)

sa filipino :


Maria-" Anak na babae , asawa, at ina ng Diyos "



Parehong paniniwala din sa naunang aklat ni ating sinuri. Kita po niyu, Asawa na, ina pa ng Dios, isang pamumusung po ang ganitong Aral at paniniwala,Sa batas palang ng TAO di na katanggap tanggap sa Dios pa kaya?.Ano pa?


3.” ……Mary whom He has made sovereign of heaven and earth, general of His armies…… restorer of the human race, Mediatrix of men, the Exterminator of the enemies of God, and the faithful companion of His grandeurs and triumphs” (True Devotion to the Blesed Virgin Mary, pp.18-19)


sa filipino :

" ...... Maria Siya ay ginawang reyna ng langit at lupa , pangkalahatang ng Kanyang hukbo ...... tagapanumbalik ng ​​sangkatauhan , tagapamagitan ng mga tao , ang Tagapaglipol ng mga kaaway ng Diyos , at ang tapat na kasamahan ng Kanyang pananaig at tagumpay "




Wala po silang batayan na mula sa Biblia upang gumawa ng ganitong Kwento,nawalan na nang bahagi si Cristo kung gayun, sapagkat naibigay na kay Maria.Ayun po sa biblia kaninu lamang pinagkaloob ng Dios ang lahat ng bagay?

“Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya’y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa. At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.” Filip. 2:9-11


kanino lamang po? kay Cristo po lamang 1cor. 15:27.Ano pa ang paniniwala nila?



4.“ Mary, being altogether transformed into God…..that in heaven and on earth everything, even God Himself, is subject to the Blessed Virgin” (Ibid, p.17)

“ …. That the length of her power, which she exercises even over God Himself” ( Ibid, p.6

“ St. Bernaredine of Siena declares that all obey Mary’s commands, even God Himself” (Glories and Virtues of Mary,p.177

“ I will say plainly that I had rather believed(which is impossible) that there is no God at all, than that Mary is greater than God” ( The Book of Catholic Quotations, p.101)




Mas mataas pa pala si Maria ngayun kay Sa Dios, ang Dios na ang nagpapasailalim sa kay Maria.Malinaw po ang Doktrinang Kabaluktotan na paniniwalang ito.

Ayun sa Biblia, may magpapailalim pa ba sa Dios? ganito po ating suriin :

1 Corinto 15:28  
At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ang Anak rin ay pasusukuin naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, upang ang Dios ay maging lahat sa lahat.


Ang Dios po ang nasa ibabaw ng lahat, at hindi po ang Dios ang magpapailalim kay Maria .


5.“ Truly God has bestowed ‘Great Things’ upon us PRIEST which would be the envy of the ancient Jewish priesthood. We may justifiably ask the question: Upon whom has he bestowed more? Only on Mary. And as we know we are more blessed in many ways than she was, for we can call Christ down on the altar and absolve sinners. Mary,could not do these things” ( Mary And The Priest, p.58)

sa filipino :

" Tunay na ang Diyos ay nagkaloob ng Mahusayna mga bagay sa aming mga Pari kung saan magiging inggit ng sinaunang Jewish na mga pari .maaari naming sang-ayunan ng katwiran ang tanong: Sa kanino siya ay higit pang magkaloob? Tanging sa mga Maria lamang. At sa aming pagkakaalam kami ay higit pang mapalad sa maraming mga paraan kaysa kanya,dahil kami ay maaaring tumawag kay Cristo pababa sa altar at basbasan mga makasalanan.Si Maria, ay hindi magawa ang mga ganitong bagay "



Ito po ang nakakatawag pansin.
Anyari po, .Kanina po Mataas si Maria, Pero inamin po ng kanilang mga Pari na si Maria diumano ay mas mababa kay sa kanilang mga pari. Hindi po ito alam ng karamihan ang ganitong pananaw .


Nakakalungkot pong Isipin ang ganitong doktrina at paniniwala.

Ang pagsismula lamang ng pag imbento ng ganitong aral ay mula po lamang noong

609AD ni Cyril, bishop of Alexandria sa konsilyo nang Ephesus kung Saan idiniklara na si Maria ay "Ina ng Dios"


Malinaw po na isa lamang po itong gawa gawa na Aral ng tao upang makapanlinlang ng marami.pinapauna na po ito mula pa noong una.

Colosas 2:8  
Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali't saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo:


Aral lamang ng tao o Aral ng Sanlibutan.Dapat bang ipangaral ?

Galacia 1:11 
Sapagka't aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa evangelio na aking ipinangaral, na ito'y hindi ayon sa tao.


Ayun parin sa mga apostol,Aral parin po mula kay Cristo,at hindi sa Tao. .


May kabuluhan ba ang kanilang Pagsamba ?

Mateo 15:9,marcus 7:7 
Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ang mga utos ng mga tao.


Wala pong kabuluhan ang aral ng tao, o gawa gawa lamang ng Tao.


Narito po ang ilan sa mga aral ng Tao na kanilang Imbento lamang. tunghayan po natin :

500 A.D. - Priest commenced to dress differently.

600 A.D. - Worship in Latin started. 

600 A.D. - Saint worship was declared.

609 A.D. - Worship of Mary began.

788 A.D. - Worship of the Cross, images and relics.

905 A.D. - The mode of baptism changed, from immersion to sprinkling.

998 A.D. - Lent was imposed.

1079 A.D. - Obligatory celibacy was imposed. 

1090 A.D. - The use of prayer beads or rosary began.

1100 A.D. - Sacrifice of the mass was invented.

1160 A.D. - Invocation of the seven sacraments.


1190 A.D. - The sale of indulgences.

1215 A.D. - Transubstantiation was officially received.


1215 A.D. - Auricular confession was declared.

1438 A.D. - Purgatory was invented.

1854 A.D. - The Immaculate conception was proclaimed to be an article of faith.



Ilan lamang po yan sa mga naging imbento na Aral ng katoliko. Sana poy lumapit na po tayo sa katotohanan, iwan na po ang dating pamumuhay at paglilingkod.
Ganito po ang payo sa lahat mula po sa Biblia

Efeso 4:22-27 

At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;  At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,  At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan. Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin. Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit:  Ni bigyan daan man ang diablo. 

Huwag po nating bigyan ng daan ang Diablo upang makapandaya.