Mga Pahina

Lunes, Pebrero 24, 2014

Pagkain ng Baboy ipinagbawal ba?





Isa sa doktrina at paniniwala ng kinikilalang pangkat ng Relihiyun na tinatawag na "SDA o Seventh Day Adventist Church".


Mahigpit po sa kanilang Aral na ang pagkain ng Baboy ay isa raw na Aral na ipinatupad ng Dios.Kaya po atin ngang suriin kung talagang ito ay Angkop bilang totoong Cristiano.


Itanung po nating muli,ang pagkain po ba ng baboy ay pinagbawal ayun sa Biblia?




Levitico 11:3-7
" Alinmang may hati ang paa na baak at ngumunguya, sa mga hayop, ay inyong makakain.

Gayon ma'y huwag ninyong kakanin ang mga ito sa mga ngumunguya o doon sa mga may hati ang paa: ang kamelyo, sapagka't ngumunguya, nguni't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

At ang koneho, sapagka't ngumunguya, datapuwa't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

At ang liebre; sapagka't ngumunguya datapuwa't walang hati ang paa, karumaldumal nga sa inyo.

At ang baboy, sapagka't may hati ang paa at baak, datapuwa't hindi ngumunguya, karumaldumal nga sa inyo.



Malinaw nga raw po na may utos nga po na isa nga ang BABOY na nabanggit sa taas. Pero may dapat po ba tayong malaman kung kaylan ang panahung ito at kaninu po lamang na panahun ipinag utos ng panginoon?




Simulan po natin ang pagbasa mula sa pinakaunahan ng talata :




Levitico 11:1-2
"At sinalita ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, na sa kanila'y sinasabi,"

"Inyong salitain sa mga anak ni Israel, na inyong sabihin, Ito ang mga bagay na may buhay na inyong makakain sa lahat ng mga hayop na nasa lupa."



Ito po pala ay isang utos ng panginoon na ipinatupad ni Moises sa panahun ng mga Israelita.Hanggang kaylan lamang ba ang bisa ng ganitong kautusan ?ating tunghayan :





Lucas 16:16
"Ang KAUTUSAN NI MOISES at ang sinulat ng mga propeta ay MAY BISA HANGGANG SA PAGDATING NI JUAN NA
TAGAPAGBAUTISMO. Buhat noon ay ipinapangaral na ang Magandang
Balita tungkol sa paghahari ng
Diyos, at ang lahat ay nagpipilit
na makapasok dito.”
[Ang Bagong MagandangBalita]




May Bisa lamang ang mga kaususang ito sa panahon
hanggang sa pagsilang kay JUAN
BAUTISTA, at pagkatapos noon ay
ang kautusan na ni Jesus na itinuro
niya sa mga Apostol ang sinusunod at tinutupad ng mga Cristiano.



Matitiyak po ba nating pwede na itong kainin ang baboy? kumuha po tayo ng isang pangyayari :



Gawa 10:9-15
“Kinabukasan, samantalang naglalakbay at malapit na sa Joppa ang mga inutusan ni Cornelio, si Pedro nama'y umakyat
sa bubungan upang
manalangin.

Bandang tanghali na noon. Siya'y nagutom at gusto na niyang kumain.
Ngunit habang
naghihintay siyang maihanda
ang pagkain, nagkaroon siya ng isang pangitain. Nabuksan ang langit at nakita niyang ibinababa
sa lupa ang isang parang malaking kumot na nakabitin sa apat na sulok.

NAROON SA KUMOT ANG LAHAT NG URI NG HAYOP, MGA LUMALAKAD, GUMAGAPANG, AT
LUMILIPAD. Narinig niya ang isang tinig, "PEDRO! TUMINDIG KA MAGKATAY KA AT KUMAIN." Ngunit sumagot si Pedro, "Hindi KO PO MAGAGAWA IYAN PANGINOON! KAILANMA'Y HINDI AKO KUMAIN NG ANUMANG MARUMI." Muli niyang narinig ang tinig, "HUWAG MONG ITURING NA MARUMI ANG NILINIS NA NG DIYOS."
[Ang Bagong Magandang Balita]




Ang lahat na itinuturing noon na
MARUMI sa panahon ni Moises
na mga Hayop na hindi maaaring
kainin ng tao kasama ng BABOY,
ay makakain na ngayon dahil nilinis
na ng Diyos.Ito din po ba ang itinuro ni Apostol Pablo? narito :



“Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath:”
Colosas 2:16


Bakit po naman nasabi ni Apostol pablo ito na huwag nang humatol?dahil po ba sa isa ito sa pinawala nang bisa?



Galacia 4:9, 11
" Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, bakit muling nangagbabalik kayo doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral, na sa mga yao'y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin? "

"Ako'y natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan. "





Ito po ay sapagkat isa sa mga Utos na pinawala nang bisa,at wala nang kabuluhan ang pagpapagal sa mga utos na pinawala nang bisa.




Malinaw po na ,Ipinangaral ng mga Apostol na huwag na humatol sa anu mang nilinis na ng Dios. Sapagkat ayun po sa Biblia ang lahat ay ipinagkaloob ng Dios na makakain sapagkat nilinis na ito :




Roma 14:20
"Huwag mong sirain ang gawa ng Dios dahil sa pagkain. Tunay na ang lahat ng mga bagay ay malilinis; gayon man ay masama sa tao ang kumakain ng laban sa kaniyang budhi."



Kaya po, ang mga kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay pinahintulutan po sa pagkain ng baboy, lamang may payo ang mga apostol ukol dito bilang mga kaanib sa IGLESIA NI CRISTO,ay Ingat po ang mga sarili.Sipiin natin ang bahagi ng talata :




"Ingatan ninyo kung gayon
ang inyong mga sarili at ang
buong kawan"
Gawa 20:28 lamsa




Marapat parin ang pag ingat sa pagkain.Paano po makapag ingat?
Ang sobra pong pagkain nito. Sapagkat ayun na rin sa ating mga na balitaan. Ang sobrang pagkain ng taba ay makakapagdulot ng masama epekto sa Sarili. kaya po tayo ay pinag iingat.

may kasabihang

"Tayo ay kumain para mabuhay,at hindi nabuhay para kumain"



Kaya po Ingatan ang sarili.Anu ang payo ukol sa pagkain?



Juan 6:27
" Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios. "




Ito po ang pagkaing nararapat na pagbigyan ng halaga ng lahat,Ang ukol sa buhay na walang hanggan

14 (na) komento:

  1. kumakain naman ang ibang SDA.

    TumugonBurahin
  2. Mayroon pang mga kasunod ang talatang nasa Gawa na patungkol sa pangitain ni Pedro. Kung talagang gusto nating malaman ang katotohanan, please let yourself know who Jesus is first and then we study carefully the Bible(individually). Do not just believe or depend on the teachings(interpretations) of your pastor, priest or mminister. If we truly know who Jesus is, He will be the One who will tell us the Biblical truth. God bless us all.

    TumugonBurahin
  3. Sa ibang bansa gaya ng America Kumakain sila ng Baboy SDA👍..dito Lang sa Philippines SDA ☺

    TumugonBurahin
  4. Angbtungkol sa pagbabawal sa pagkain sa baboy na paliwanag sa taas, na iyon ay utos mula sa Diyos kay moses sa kanyang panahon lamang at ipinahintulot ni pablo pagkalisan ni Kristo Hesus....

    E ang tanong ko po, who is your MASTER JESUS OR PAUL???!

    Sapakagkat si Kristo mismo nagsabi sa

    Mateo 5:17-19 TLAB
    Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin. Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hanggang sa mangawala ang langit at ang lupa, ang isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay. Kaya't ang sinomang sumuway sa isa sa kaliitliitang mga utos na ito, at ituro ang gayon sa mga tao, ay tatawaging kaliitliitan sa kaharian ng langit: datapuwa't ang sinomang gumanap at ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit.
    TLAB: Ang Biblia

    Ayon sa Matthew 5:17-19 ang batas ni Moses ay utus parin ng Diyos na ipinatutupad walang pagbabago, kaya ang pagbabawal sa babaoy ay ipinag-utos paarin!!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hehe makabasa ka lng ng kautusan sabat na agad?di mo alam ang tinutukoy dyan ng kautusan sa panahon nya..tignan natin bka may sinabi sabat

      Mateo 5:17: “Huwag ninyong isiping AKO’Y NAPARITO UPANG SIRAIN ANG KAUTUSAN o ang mga propeta: ako’y naparito hindi upang sirain, KUNDI UPANG GANAPIN.”

      Malinaw raw na nakasulat dito na hindi naparito ang Panginoong Jesucristo upang sirain ang kautusan kundi ito ay upang ganapin. Nguni’t may nais akong ipapansin sayo: ang kautusan ba na dapat ay gaganapin ni Jesus ay ang sabbath? Wala naman conclusion mo lng

      Burahin
  5. Pangitain po yun,hindi leteral

    TumugonBurahin
  6. Yes ang baboy apat nga ang paa,pero hind naman xa ngumunguya..kaya po hind xa kasama sa nilinis ng dios.ang cnav lang po eh apat ang paa katulad ng kamelyo kc ngumunguya naman po xa.kaya hind pa rin po kasama sa nilinis ang baboy..marumi pa rin xa at maraming sakit ang makukuha sa baboy.

    TumugonBurahin
  7. Kung talaga pong pinapakain po ang baboy bakit po marami po ang namamatay sa pagkain na ito hindi kagaya ng mga manok,baka,kambing, at sa doctor naman pag nagkasakit po ang tao lalo na kong may cancer bakit ang una na ipinagbabawal wag ka kumain ng baboy wag ka kumain ng hipon crab, dipo po ba marumi ang baboy bakit po nangyayari ito? Hindi po ba nagkatugma ang ipinagbabawal ayon sa bible?

    TumugonBurahin
  8. Hindi-nagpakilala2/05/2022 3:31 AM

    pag sure uy yan lang ba na bersikulo nalalaman mo sino nag utos diyan Dios ama ba o si moses .na opag bawal ng pag kain hindi sda nag babawal pag kain yan kung hindi dios ang nag babawal sa pagkain jan hindi si moses

    TumugonBurahin
  9. Hindi-nagpakilala2/05/2022 3:31 AM

    pag sure uy yan lang ba na bersikulo nalalaman mo sino nag utos diyan Dios ama ba o si moses .na opag bawal ng pag kain hindi sda nag babawal pag kain yan kung hindi dios ang nag babawal sa pagkain jan hindi si moses

    TumugonBurahin
  10. Sa inyo na din nanggaling na MAY BISA LAMANG ANG KAUTUSAN NG MGA PROPETA HANGGANG SA PAGDATING NI JUAN NA TAGAPAG BAUTISMO, bakit sa inyong mga INC1914 nagbabawal din kumain ng dugo? Inaamin niyo bang double standard kayo?

    TumugonBurahin