Mga Pahina

Sabado, Enero 11, 2014

ANG PINAGPAKUAN KAY CRISTO

Isa po sa mga aral ng mahal nating mga kaibigan na mga JW o Saksi Ni Jehova, ay tungkol dito sa kanilang aral po at paniniwala na Sa pagkapako ni Cristo sa krus ay Isang Pahirapang tulos lamang at hindi dalawang kahoy na ginawa bilang Krus gaya ng nasa larawan : Ito po ay bilang kanilang aral.Kaya atin nga itong susuriin.


Bago tayo maglatag ng mga talata mula sa Biblia, ay atin munang puntahan ang kanilang mga aklat ng may mga aral uko dito.At ating tingnan kung may pagbago ba sa kanilang aral.


Mula po noong una ay naniniwala po sila dito. At may dahilan sila kung bakit binago nila ang aral at paniniwalang ito.
Atin pong tunghayan mula po sa kanilang aklat

1975
Yearbook of Jehovah’s
Witnesses, sa pahina 148.

I CLICK ANG PHOTO PARA MA ZOOM


Maliwanag nating mababasa sa
Yearbook ang dahilan kung
bakit binago ng mga Saksi ni
Jehova ang kanilang paniniwala
sa krus at pinalitan ng tulos ay
dahil sa hindi na ito
ipinahintulot na gamitin ni
Rutherford ng mga kapatid,
dahil sa ito raw ay maka-
Babilonia. Samakatuwid
tahasang kinontra ni
Rutherford ang simulain ng
kanilang founder na si Charles
Taze Russel .


Malinaw din po sa atin na talagang mula sa umpisa palang naniwala na ang mga Saksi ni Jehova dito.
At nawala na ang dating Aral mula sa kanilan. Founder na si Charles Taze Russel.


Katunayang pa nga nitong mula sa kanyang Libingan ay nandun na ang nakaukit na krus.


ating e Zoom. .

Kitang kita po natin na talagang nakaukit ang mismong krus sa kanyang puntod.Katotohanang talagang mismu silay naniniwala sa panahun pa na buhay pa si Charles.


Anu pang ilang patunay na talagang naniniwala sila?mula parin
Sa kanilang aklat na

Harp of God, sa page 112, na inilathala
noong 1921



Makikita ang larawan ni Cristo na nakapako sa isang krus at hindi sa
pahirapang tulos. Isang
matibay na ebidensiya na
dating naniniwala ang mga
Saksi sa krus, narito pa ang isa:

Ang dating logo ng
Watchtower Publication ay
isang Krus na May Korona,
hindi katulad ngayon na isa
nang torre.

Eto pa ang isa, mula naman sa
kanilang aklat na

"Creation", na
inalathala noong 1927 , sa
pahina 336
ay ganito ang ating
makikitang larawan:

Hayag na hayag at kitang kita po natin ang kanilang pag amin at pag tanggap nuoN ukol sa aral na ito. Nang dahilan lamang ng Isang disisyun ng isang tao ay biglang nagbago ang Aral tungkol dito.


Puntahan naman natin ang kanila mismong Lathala na Biblia. Kanilang salin po ito. Baka po ang nagsalin lang ang naka basa at hindi pinabasa sa mga myembro nito.Ang
"New World Translation"ang Biblia
ng mga Saksi ni Jehova :

narito po:juan 20:25


Kita ninyo ang banggit “ NAILS”
o " MGA PAKO
" rin oh, sa
kanila mismong Biblia
nakalagay iyan, ang
nakapagtataka lang bakit hindi
nila iyan napansin.
Oh heto pa ang isang
ebidensiya:



Matthew 27:37
ABOVE HIS
HEAD
they put the written
notice of the accusation
against him: "This is Jesus,
the King of the Jews." [Good
News Bible]




Sa Filipino:



Mateo 27:37
SA IBABAW NG
KANIYANG ULO
, ay inilagay
nila ang isang karatula ng
akusasiyon laban sa kaniya:
“Ito si Jesus, ang Hari ng mga
Hudiyo.”




Napakaliwanag ng sinabi ng
Biblia na ang karatula na kung
saan mababasa ang mga
katagang “Ito si Jesus, ang
Hari ng mga Hudiyo.” ay
inilagay sa

IBABAW NG
KANIYANG ULO


at hindi
sinabing sa


IBABAW NG
KANIYANG MGA KAMAY


Kasi kung sa tulos siya ipinako,
hindi ba dapat ang karatula ay
nasa ibabaw ng kaniyang mga
kamay?



At gaya ng dati nakasulat din ito sa kanilang Biblia, at hindi na naman nila ito napansin seguro :

Maliwanag na hindi totoo na si Cristo ay ipinako sa isang Pahirapang Tulos,makakaya bang salagin ng kahit na sinong Saksi ni Jehova ang katotohanang ito, na
maging ang kanilang sariling
Biblia ay kanilang kinontra?


Masasabi ba nating relihiyong
sa Diyos ang Nagpapapalit-
palit at nagpapabago-bago ng
aral na itinuturo?


Ano ba sabi ng Panginoong
Diyos tungkol sa ganitong
gawain?


Kawikaan 24:21-22
“ Anak ko,
sa PANGINOON at sa hari ay
matakot ka, sa mga PABAGU-
BAGO ay huwag kang
makisama. Sapagkat biglang
dumarating mula sa kanila
ang kapahamakan, at ang
pagkawasak na nagmumula sa
kanila ay sinong
nakakaalam?” [ Ang Bagong
Ang Biblia ]



Talagang hindi po katanggap tanggap ang ganitong uri ng Aral. .malinaw na ito ay labag sa Dios. Sapagkat Aral lamang ito na tao.

Colosas 2:22-23
"Ang lahat ng alituntuning
ito ay masisira sa paggamit,
palibhasa'y mga utos at mga
aral lamang ng tao. Ang mga
bagay na ito'y mayroong
anyo ng karunungan sa
pagsambang ayon sa sariling
kagustuhan, sa
pagpapakababa, at sa
pagpapahirap sa katawan,
ngunit wala silang kabuluhan
laban sa kalayawan ng
laman" (Ang Bagong Biblia ).




Kaninung gawain ang ganitong mga aral ng tao

Tito 1:14 “Na huwag
mangakinig sa mga katha
ng mga Judio, at sa mga
utos ng mga tao na
nangagsisisinsay sa
katotohanan.”



Sanay may naliwanagan at nakatulong salamat.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento