Mga Pahina

Sabado, Enero 11, 2014

Ang paraiso na pinaniwalaan ng mga Saksi ni Jehova

Minsan lamang napag usapan ang ukol sa ganitong aral ng mga Saksi Ni Jehova. Ano ba ang ilan sa paniniwala ng Mga kaibigan nating mga Saksi ni jehova? Makikita po natin sa kanilang mga lathala na mga magazine, tulad nalang po ng "BANTAYAN at GUMISIN"

Itong lupa o mundo na kinatatayuan natin ay ito din daw ang nakatakdang paraiso para sa mg matatapat na tao ( mga di kabilang sa 144,000 na aakyat sa langit)



Tama kaya ang kanilang mga doktrinang pinaniwalaan?.Atin itong Isa isahin kung tama nga sila.



Bakit nasabi ng ating mga kaibigang saksi na ito daw ang lupang ito na kinatatayuan natin ay ito ang gagawin ni Jehova na bagong Paraiso?Narito ang kanilang pinang hahawakan :


Ecclesiastes 1:4
“Isang salin
ng lahi ay yumayaon, at ibang
salin ng lahi ay dumarating;
NGUNI'T ANG LUPA AY
NANANATILI MAGPAKAILAN
MAN.”



Dalawang uri at lahi. .Yung nananatili dito sa lupa na matapat na di kabilang sa 140,000 na aakyat sa langit ang magmamana daw nito, kaya isusunud ang talatang ito :


Mateo 5:5
“Mapapalad ang
maaamo: sapagka't
MAMANAHIN NILA ANG LUPA"



At pagkatapos, ay kunklod na Agad Agad na ganito :


Awit 37:29 “MAMANAHIN NG
MATUWID ANG LUPAIN, at
tatahan doon magpakailan
man.”




Ngayun. ating susundan ang kanilang pahayag mula sa unang talata na kanilang ginamit.

"Ngunit ang lupa ay mananatili magpakaylan man"


Wala kayang mangyayaring Kontradiksyun ng talata?anu ba talaga ang kuhulugan ng mga talatang yan at anu ang lupang mananatili magpakailan man?

Atin mismung suriin ang pahayag ni Cristo :

Mateo 24:35
“ANG LANGIT AT
ANG LUPA AY LILIPAS,
datapuwa't ang aking mga
salita ay hindi lilipas.”



Mas lalong maguguluhan ngayun ang ating mga mahal na kaibigan.Pero dapat ang biblia walang kontradiksyun. Bakit nasabing ang langing at lupa ay Lilipas, anu pala ang kahulugan ng mga ito ?


mateo 24:3
"Noon, si Jesus ay nasa
Bundok ng mga Olibo. Habang
siya'y nakaupo roon, palihim siyang
tinanong ng kanyang mga alagad,
"Kailan po ba mangyayari ang mga
sinabi ninyo? Ano po ang magiging
palatandaan ng inyong muling
pagparito at ng katapusan ng
mundo?"



Ito pala maliwanag,Pinapauna at tinanung na ng mga alagad ni Cristo na may katapusan ng mundo na mangyayari. Anu naman ang mga pangyayari sa araw ng katapusan ng mundo o pagparito ng panginoon ?


2 Pedro 3:10
“Datapuwa't
darating ang araw ng
Panginoon na gaya ng
magnanakaw; na ang
sangkalangitan sa araw na
iyan ay mapaparam na
kasabay ng malaking ugong,
at ang mga bagay sa langit ay
mapupugnaw sa matinding
init, AT ANG LUPA AT ANG
MGA GAWANG NASA LUPA AY
PAWANG MASUSUNOG.”





2 Pedro 3:7
“Nguni't ang
sangkalangitan ngayon, at
ANG LUPA, sa pamamagitan
ng gayon ding salita ay
ININGATANG TALAGA SA
APOY, NA ITINATAAN SA
ARAW NG PAGHUHUKOM AT
NG PAGLIPOL SA MGA TAONG
MASAMA.”



kung gayun,malinaw po sa atin ngayun, kung anu yung lupa at langit na lilipas. At yung katapusan ng mundo na tinanung ng mga alagad ni Cristo na mangyayari. Ito ay ng araw ng PAGHUHUKOM kung saan itong mundo at lupa ay nakalaan na sa apoy at susunugin.


Baka naman ilang parte lang ng lupa ang masusunug, Lahat kaya ng lupain ? narito po :



Zefanias 1:18
“Kahit ang
kanilang pilak o ang kanilang
ginto man ay hindi
makapagliligtas sa kanila sa
kaarawan ng kapootan ng
Panginoon; kundi ANG BUONG
LUPAIN AY MASUSUPOK
SA
PAMAMAGITAN NG APOY NG
KANIYANG PANINIBUGHO:
SAPAGKA'T WAWAKASAN
NIYA, OO, ISANG
KAKILAKILABOT NA WAKAS,
NILANG LAHAT NA
NAGSISITAHAN SA LUPAIN.”




Binanggit pong muli na buong lupain.At kakilakilabot pa na wakas. tanung na naman ng ilan. Baka babangOnin pang muli ni JEHOVA para tirhan ng nalalabing matatapat. Ating sasagotin narito po :



Isaias 24:19-20
“Ang
daigdig ay tuluyang
mawawasak
, sa lakas ng uga
ito'y mabibiyak. Ang lupa'y
tulad ng lasenggong pasuray-
suray at kubong maliit na
hahapay-hapay, sa bigat ng
kasalanang kanyang
tinataglay, tiyak na babagsak
ang sandaigdigan at hindi na
babangon
magpakailanman.” [ MB]


Tiniyak na po mula sa mga hula na talagang ang mangyayaring katapusan ay talagang di na babangong muli.Mali po na isipin bilang tunay na alagad ang ganitong isipan, bakit anu ba ang datat nasain ng mga matuwid na alagad tungkol dito? narito :



Hebreo 11:16
“NGUNI'T
NGAYON AY NAGNANASA
SILA NG LALONG MAGALING
NA LUPAIN, SA MAKATUWID
BAGA'Y ANG SA LANGIT: kaya
hindi sila ikinahihiya ng Dios
na tawaging Dios nila;
sapagka't kaniyang
ipinaghanda sila ng isang
bayan.”



Ipaghahanda na Sila ng bagong bayan. . Lalong magaling na lupain. Anu pala ang talagang dahilan bakit magkakarun ng bagong Langit at lupa ? narito :



Apocalypsis 21:1-4
“At nakita ko ang isang bagong
langit at ang isang bagong
lupa : sapagka't ang unang
langit at ang unang lupa ay
naparam; at ang dagat ay wala
na.”


“At nakita ko ang bayang banal ,
ang bagong Jerusalem, na
nananaog mula sa langit buhat
sa Dios, na nahahandang gaya
ng isang babaing kasintahan
na nagagayakang talaga sa
kaniyang asawa.”

“At narinig ko ang isang
malakas na tinig na mula sa
luklukan, na nagsasabi,
Narito, ang tabernakulo ng
Dios ay nasa mga tao,
at siya'y mananahan sa
kanila, at sila'y magiging mga
bayan niya, at ang Dios din
ay sasa kanila, at magiging
Dios nila:”

“At papahirin niya ang
bawa't luha sa kanilang mga
mata; at hindi na
magkakaroon ng kamatayan;
hindi na magkakaroon pa ng
dalamhati, o ng
pananambitan man, o ng
hirap pa man : ang mga bagay
nang una ay naparam na. “




May magandang planu po ang Dios sa sa tunay at tapat na alipin nya. Kaya po nakakalungkot isipin sa ating mga mahal na kaibigang mga Saksi ni Jehova na patuloy sa ganitong paniniwala. Sana naman po ay ma buksan ang ating mga Isipan at puso sa tamang Aral.

Sa mga pinapauna na po ni Cristo di to lahat ng tumawag na panginoon ay maliligtas.Yun lamang may karapatang tawaging mga anak ng Dios.


Sana po ay nakatulong sa mga nagsusuri.Salamat po.

17 komento:

  1. Hindi-nagpakilala8/29/2014 9:44 PM

    Bakit kaya laging pinupunterya ng mga Iglesia ni Kristo ang mga Saksi ni Jehova ? Inaano po ba namin kayo? Kung totoo man ang inyong paniniwala panatiliin niyo. Wala namang humahadlang sa inyo. Hanggang wala kayong tinatapakang relihiyon. Ano po bang ipinaglalaban niyo? Nakakawalang respeto lang kasi na magname kayo o magmention ng isang sec. lalo na public blog iyan .
    II Tim. 3:5- Na may anyo ng makadiyos na debosyon ngunit nagbubulaan sa kapangyarihan nito; at layuan mo ang mga ito.
    Respect din po para irespeto rin kayo ng ibang tao :) . Salamat

    TumugonBurahin
  2. Hindi-nagpakilala9/01/2014 2:41 PM

    Ang sabi ng mga nagbabahaybahay na saksi, Mali daw ang pagkaunawa ng INC sa 2 Pedro 3. dahil daw ganito:

    1.Yung Lupa daw jan ay hindi tumutukoy sa daigdig (earth) kundi sa mga tao.

    2. Yung Langit naman ay hindi literal na langit kundi lumalarawan daw sa Masamang sistema ng pamahalaan.

    3. Kung totoong literal na mawawasak, ang tanong nila ay kung nawasak ba ang daigdig sa panahon ni noe?


    Hihintayin namin ang inyong sagot.

    TumugonBurahin
  3. SALamat po sa kaibigan namin na JW na nakabasa sa nahaging ito na ARAL, ipag paumanhin po ninyo kung naisip ninyo na ito po ay sa akala ninyo'y paninira lamang. Minsan po kasi kapag makitaan ng Mali at naituwid ay AYAW AGAD TANGGAPIN ng tao. Ang amin pong ibinahagi ay ang katotohanang Aral na dapat sampalatayanan ng Tao upang maging GANAP sa harap ng DIOS.


    Mahalaga po na malaman ng Tao, lalo na ang TUNAY na lupa at langit na BAGO na ipapamana sa maliligtas, sapagkat, TOTOO po na ang LUPANG ito ay nakatalaga na sa APOY:

    2 Pedro 3:7 Nguni't ang sangkalangitan NGAYON, at ang LUPA, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay ININGATANG TALAGA SA APOY, na itinataan SA ARAW NG PAGHUHUKOM at ng paglipol sa mga taong masama.


    Malinaw po na ANG LAHAT ay nakatalaga na sa Apoy, sa araw ng Paghuhukom. HINIHIKAYAT po namin kayo na magsuri pa at makinig sa aral na itinuro sa IGLESIA NI CRISTO

    TumugonBurahin
  4. MALAKI po ang kaibahan sa PAGHUHUKOM ng Dios sa panahon ni Noe..Ang Dios ay LUMIPOL sa lahat ng LAMAN AT BUHAY sa buong lupa, at hindi ang pagwasak sa buong Daigdig, sapagkat, TUBIG o BAHA ang ginamit upang hukuman lipolin lahat sa sangkalupaan:


    Genesis 6:7, 17 At sinabi ng Panginoon, Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa; ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; sapagka't pinagsisisihan ko na aking nilalang sila.
    At ako, narito, ako'y magpapadagsa ng isang baha ng tubig sa ibabaw ng lupa, upang lipulin sa silong ng langit ang lahat ng laman na may hininga ng buhay; ang lahat na nasa lupa ay mangamamatay.


    Subalit, ang PAGHUHUKOM po na itinalaga sa HULING paglipol ay hindi na muling banangon pa angdaigdig, sapagkat, TULUYAN na itong wawakasan, o mawawasak


    Isaias 24:19-20
    “Ang daigdig ay tuluyang mawawasak, sa lakas ng uga ito'y mabibiyak. Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray-
    suray at kubong maliit na hahapay-hapay, sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay, tiyak na babagsak
    ang sandaigdigan at hindi na
    babangon magpakailanman.” [ MB]

    TumugonBurahin
  5. Hindi-nagpakilala9/15/2014 11:29 PM

    Ang sabi sa 2 pedro 3:7 ay ganito:


    2 Pedro 3:7 Nguni't ang sangkalangitan NGAYON, at ang LUPA, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay ININGATANG TALAGA SA APOY, na itinataan SA ARAW NG PAGHUHUKOM at ng paglipol sa mga taong masama.


    Anu po ang kahulugan ng sinasabi jan na at sa ganun ding Salita?

    TumugonBurahin
  6. Hindi-nagpakilala9/15/2014 11:32 PM

    Aling lupa po ang tinutukoy sa Ecc 1:4?

    Paki explain naman mga taga INC.

    TumugonBurahin
  7. Ang Tunutukoy po ng SA GAYON DING SALITA, ay SALITA NA ANG DIOS na Siya ay gagawa ng PAGLIPOL o PAGHUHUKOM.(Gen.6:7:17)Pansinin ang naunang talata:


    2 Pedro 3:6
    " Na sa pamamagitan din nito ang sanglibutan noon, na inapawan ng tubig, ay napahamak"


    Sa darating ng PAGHUHUKOM ng Sanlibutan ay PAGLILIPOL din ang mangyayari, SUBALIT may kaibahan ang uri nito sapagkat ITO AY ANG KATAPUSAN NG LAHAT ng bagay. Kaya ang Sabi,

    "Sa gayon ding salita ay iniatang talaga sa APOY"

    Ito ang SALITA na ipinapauna ng DIOS na KANIYANG ITINAKDA

    "Sapagkat siya'y nagtakda ng ISANG ARAW na kaniyang IPAGHUHUKOM sa
    sanlibutan..." Gawa 17:31

    TumugonBurahin
  8. Ang Lupa na tinutukoy sa Ecc.1:4, Ay ang LUPA na mananatili magpakailanman...ITO ANG LUPA NA MAMANANAHIN ng mga MALILIGTAS(Heb.11:16)



    Kaya hindi maaring ITO ANG LUPA NGAYON na ating tinitirhan, sapagkat , si Cristo na mismo may sabi

    "Ang lupa ay lilipas"(Mat24:35)


    Nasa taas napo ang kabuuan...^__^

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pakikumpleto nadin ng mateo 24:35 sinabi doon na "ang langit at lupa ay maglalaho, ngunit ang salita ko ay hindi maglalaho." wag po kayo magputol ng verse sa bible magbabago po talaga meaning nyan. kagaya ng ginamit po nyo sa ang lupa ay mawawasak sa isaias 24:19,20 nag search ako sa lahat ng bible binago nyo po ung term, masisira lang nakalagay duon ang termino na mawawasak ay mas matindi sa pagkasira

      Burahin
  9. Hindi-nagpakilala9/27/2014 3:35 PM

    Ecclesiastes 1:4
    “Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; NGUNI'T ANG LUPA AY NANANATILI MAGPAKAILAN MAN.”-------ano po ang lupa na mananatili magpakailanman at ayun sa mateo 5:5 at awit 37:27 na sinipi po ninyo-ano ang lupa na mamanahin ng mga tao. at sa apoc 5:10-mamamahala sila sa ibabaw ng lupa, ano pong lupa ang pamamahalaan. sa mat 6:10 gawin nawa ang iyong kalooban kung paano sa langit gayundin sa lupa--ano po ang kalooban ng Dios dito sa lupa na katulad ng kalooban niya sa langit? sa apoc21:4-hindi na magkakaroon ng kamatayan,hindi po iyan matutupad sa langit dito po yan matutupad sa lupa. kaya kailangan nyo po yan ipaliwanag para hindi magkaroon ng kontrahan sa biblia.

    TumugonBurahin
  10. sana po ay gawan ninyo ng magandang paksa ang tungkol sa ISAIAS 65:21-23 na isa sa mga pinagbabatayan ng mga kaibigan nating saksi ni jehova kasunod ng mga talatang ito: mateo5:5 awit37:27 apocalypsis5:10 at apoc.21:4 salamat po aantayin ko ang post nyo salamat

    TumugonBurahin
  11. Anonymous Post:


    Ecclesiastes 1:4
    “Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; NGUNI'T ANG LUPA AY NANANATILI MAGPAKAILAN MAN.”-------ano po ang lupa na mananatili magpakailanman at ayun sa mateo 5:5 at awit 37:27 na sinipi po ninyo-ano ang lupa na mamanahin ng mga tao."


    A. Ang lupa Po na HINDI LILIPAS ay ang BAGONG LUPA na ipagkakaloob sa mga malikigtas. Ang LUPA na ito na ating tinitirha ay nakalaan na sa Apoy(Zefanias 1:14-15, 18 ;2 Pedro 3:10,7)


    At paano tayo makakatiyak na totoong LILIPAS TALAGA ito? Sabi po ng BIBLIA, hindi na babangon pa muli

    Isaias 24:19-20
    “Ang daigdig ay tuluyang mawawasak, sa lakas ng uga ito'y mabibiyak. Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray- suray at kubong maliit na hahapay hapay, sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay, tiyak na babagsak ang sandaigdigan at hindi na babangon magpakailanman.” [ MB ]


    Malinaw po diba..Ang Dalawang talata naman po na nagsasabi na MAMANAHIN NG MATUWID ayun sa Mat.5:5; Awit 37:27, ITO ay ang sa DAKO ng KAHARIAN ng Dios....ITO PO ATING LILINAWIN....


    ANG PAGDATING NI JESUS ay INIHALINTULAD ang Tao SA TUPA AT KAMBING :

    Mateo 25:33 At ilalagay niya ang mga tupa sa kaniyang kanan, datapuwa't sa kaliwa ang mga kambing.



    Ano ang MAMANAHIN ng mga MATUWID o TUPA?


    Mateo 25:34 Kung magkagayo'y sasabihin ng Hari sa nangasa kaniyang kanan, Magsiparito kayo, mga pinagpala ng aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanglibutan:

    Ang Malinaw po, na ang mamanahin ay ang KAHARIAN, doon po ang BAGONG LANGIT AT LUPA...At ang Mga KAMBING ay mamanahin ang DAGATDAGATANG APOY

    Mateo 25:41 Kung magkagayo'y sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Magsilayo kayo sa akin, kayong mga sinumpa, at pasa apoy na walang hanggan na inihanda sa diablo at sa kaniyang mga anghel:



    Ang Apoc 21:4, "HINDI NA MAGKAKAROON NG KAMATAYAN"

    Ito'y sapagkat, ang lahat ng katawang pang lupa na mamamatay at nasisira ay PAPALITAN NG KATAWANG WALANG KASIRAAN AT HINDI NAMAMATAY(1Cor.15:53-54)...Yun ang uri ng mamanahin ng Tao Kaya ayun sa Apoc. 21:4, "WALA NG DALAMHATI PA".


    TumugonBurahin
  12. Jason Parscio

    Ang Tinutukoy po doon sa Isa.65:21-23 y ukol Parin po sa BAGONG LUPA at LANGIT.....Hindi ang lupa na ito..Simulan po natin sa mga talata na sa unahan nito:

    Isaias 65:17 Sapagka't narito, ako'y lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.


    Na sa talatang Mga Kasunod ay Ito ang JERUSALEM....BAGONG JERUSALEM na tinatawag na BAYANG BANAL....


    APOC. 21:1-4

    At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay NAPARAM; at ang dagat ay wala na.
    At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.
    At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:
    At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.


    AYUN SA TALATANG 1, Ang unang langit at LUPA ay NAPARAM....TULUYANG MAWAWAL sapagkat susunugin sa Apoy,


    Na ito po ang LUPA NA HINDI LILIPAS na ayun sa Mat.5:5; awit 37:7

    TumugonBurahin
  13. 1) Bakit kaya laging pinupunterya ng mga Iglesia ni Kristo ang mga Saksi ni Jehova, Inaano po ba namin kayo?

    Kaibigan Namin JW, bakit ba kailagan namin gawin itong mga bagay na ito?

    TANONG:
    Bakit namin itinutuwid ang MALIng Paniniwala?

    Katulad ng winika ng Panginoong Jesus ay ganito:

    MARCOS 12:24
    24 Sinabi sa kanila ni Jesus, "Hindi kaya nangagkakamali kayo dahil diyan?," na hindi ninyo nalalaman ang mga kasulatan, ni ang kapangyarihan ng Dios?

    SAgot: dahil Mali ang Paniniwala, at hindi nila nalalaman ang KASULATAN ni ang KAPANGYARIHAN ng DIOS...

    Minsan Itinama NI Cristo ang mga Saduceo tungkol sa Maling Paniniwala, At tahasan din naman niyang sinasabi ang mga bagay na ito sa kaniyang mga tinuruan,

    2) Kung totoo man ang inyong paniniwala panatiliin niyo. Wala namang humahadlang sa inyo. Hanggang wala kayong tinatapakang relihiyon, Ano po bang ipinaglalaban niyo?

    TANUNG:
    Anu po ba itong nag papakilos sa amin mga Iglesia Ni Cristo na kung bakit inihahayag ang mga maling Paniniwala na katulad ng Ginawa ng Panginoog Jesus?

    sa TADEO
    22 At ang ibang nagaalinlangan ay "inyong kahabagan;"
    23 At ang iba'y inyong iligtas, na ""agawin ninyo sa apoy;"" at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman

    SAGOT:
    Sapagkat ang ibang nangangailangan ay dapat na kahabagan, Pagibig sa kapwa ang Umiiral saamin lapag kami ay nangangaral ng Katotohanan, sapagkat ang WIKA pa nga inyong ay AGAWIN sa APOY...

    3) Nakakawalang respeto lang kasi na magname kayo o magmention ng isang sec.

    Paxnxa kana kung yan ang Pakiramdam mo, hindi namin nais na Pasakitan kayu o anu paman, kung kayo ay nangangaral ng Sinasabi ninyong katotohanan sa Iba? hindi ba kayo nakakasakit din ng damdamin ng IBA? oh bakit kung kayo ang tinuturuan ay bakit nagagalit kayo?

    Why dont you take it as an Opportunity to learn more about the Bible? or the Truth About the Doctrines of the Bible? hindi po ba ang gustong gusto natin ay ang Katotohanan? ikaw na rin po ang Nagsabi "kung katotohanan man ang aming itinuturo"

    Ito naman ay sangayon sa Kautusan :
    MGA AWIT 100:3
    3 "Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios""; siya ang lumalang sa atin, at
    tayo'y kaniya: tayo'y kaniyang bayan, at mga tupa ng kaniyang pastulan.

    Anu daw ang ipinagagawa sa atin bilang mga TAO ng DIOS? may Obligasyon din naman tayo na hanapin at alamin ang katotohanan, kung kaya't maari nman po kayong mag kumpara ng mga aral, huwag po nating isara ang ating mga PUSO at ISIPAN,

    MARCOS 4:17
    17 Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya.

    kung kayat ipinakakalat namin ang Aral ay sapagkat alam namin na ito ang Mabuti ang pangangaral ng salita ng DIOS sa lahat ng Paraan Maging sa paggamit man ng Teknolohiya, upang ang mga ito'y huwag ibilang sa amin na kasalanan ng DIOS AMA.

    Tungkol naman sa Talatang Ginamit mo:

    II Tim. 3:5- Na may anyo ng makadiyos na debosyon ngunit nagbubulaan sa kapangyarihan nito; at layuan mo ang mga ito.

    Sa anung Aspeto po kami nagbulaan?
    samantalang Ikaw na rin ang nagsasabi, "KUNG KATOTOHANAN MAN, ang sinsabi ninyo"
    ang ibigsabihin kaibigan ay nakahanap ka ng LIWANAG at KATOTOHANAN sa aming iniaral sa iyo... Ang Aming Hamon sa Iyo ay ipagpatuloy mo lang ang pagsusuri sa Doctrina ng mga Banal na Kasulatan na AMing ipinangangaral... sana ay magkausap pa ulit tayo.

    TumugonBurahin
  14. Tanong ko lang po sinabi po sa apocalipsis 21: 1-4 na sinipi nyo nadin po isang bagong langit at isang bagong lupa. winasak din po ba ng Diyos ang langit tapos gumawa ng bagong langit? sa nabasa ko po kasi nakipag digma si Miguel kay satanas tapos pinalayas sa langit. kaya nalinis na ang langit. ibigsabihin po ba nun hindi nila kayang linisin ang lupa sa ganung paraan? kaylangan pa bang mawasak ang daigdig na tinatag nila?

    TumugonBurahin
  15. saka po yung tinutukoy nyo po sa ecleciastes 1:4 na bagong lupa na po iyon, na hindi mawawasak ang lupa. diba po puro mabubuti na ang mga tao nun sa lupa? bakit sasabihin pa po na hindi na ito mawawasak. kung wala naman na pong masasamang tao na pwedeng sumira nito. ibig sabihin po yung present na lupa ang tinutukoy dyan dahil ang tao po sa ngayon halos sirain na yung daigdig pero hindi pala hahayaan un ng Diyos.

    TumugonBurahin