Mga Pahina

Sabado, Pebrero 1, 2014

Mga talata na nagpapatunay na hindi Dios si Cristo

Bigyan natin ng diin at linaw upang mabigyan at malaman ng mga nagsusuri, kung talaga bang may tiyak at espisipiko talagang tinutukoy ang Bibla ukol sa kung sino lamang ba ang tunay at iisang Dios na dapat nating kikilalanin.

Mas mabuti na rin,simulan natin sa Bagong Tipan na,kung paanu ipinakilala sa Biblia at ng mga Apostol ang Tiyak na kinikilalang Dios.



Ang AMA lamang ang tunay na Dios



Para sa mga taga-Colosas
na hinirang ng Diyos at
mga tapat na kapatid kay
Cristo. Sumainyo nawa
ang pagpapala at
kapayapaang mula sa
Diyos na ating Ama.
Colosas 1:2




Tuwing ipapanalangin
namin kayo, lagi kaming
nagpapasalamat sa Diyos
na Ama
ng ating
Panginoong Jesu-Cristo.
Colosas 1:3




Sumainyo nawa ang
pagpapala at kapayapaang
mula sa Diyos na ating
Ama
at sa Panginoong
Jesu-Cristo.
Filemon 1:3




Purihin ang Diyos at Ama
ng ating Panginoong Jesu-
Cristo! Pinagkalooban niya
tayo ng lahat ng
pagpapalang espirituwal at
makalangit dahil sa ating
pakikipag-isa kay Cristo.
Efeso 1:3




Hinihiling ko sa Diyos ng
ating Panginoong Jesu-
Cristo, ang maluwalhating
Ama
, na ipagkaloob niya
sa inyo ang Espiritu na
nagbibigay ng karunungan
at nagpapahayag tungkol
sa Diyos upang lubos
ninyo siyang makilala.
Efeso 1:17




iisang Diyos at Ama
nating lahat. Siya ay higit
sa lahat, kumikilos sa
lahat, at nananatili sa
lahat. Efeso 4:6




Sumainyo nawa ang
pagpapala at kapayapaan
ng Diyos na ating Ama at
ng Panginoong Jesu-Cristo.
Filipos 1:2




Purihin ang ating Diyos at
Ama
magpakailanman!
Amen. Filipos 4:20



Sumainyo nawa ang
pagpapala at kapayapaan
mula sa Diyos na ating
Ama
at mula sa
Panginoong Jesu-Cristo.
ICor. 1:3




subalit para sa atin ay iisa
lamang ang Diyos, ang
Ama
na lumikha ng lahat
ng bagay, at tayo'y
nabubuhay para sa kanya.
Iisa ang Panginoon, si
Jesu-Cristo, at sa
pamamagitan niya'y
nilikha ang lahat ng
bagay, at sa pamamagitan
din niya'y nabubuhay
tayo. I Cor. 8:6




Sumainyo nawa ang
pagpapala at ang
kapayapaang mula sa
Diyos na ating Ama at sa
Panginoong Jesu-Cristo.
IICor. 1:2




Purihin natin ang Diyos at
Ama
ng ating Panginoong
Jesu-Cristo, ang
mahabaging Ama at Diyos
na pinagmumulan ng
lahat ng kaaliwan.
II Cor.1:3




Hindi ako
nagsisinungaling. Iya'y
alam ng Diyos at Ama ng
Panginoong Jesus. Purihin
siya magpakailanman!
IICor. 11:31




Sa inyong lahat na nasa
Roma, mga minamahal ng
Diyos at tinawag upang
maging banal, sumainyo
nawa ang pagpapala at
kapayapaang mula sa
Diyos na ating Ama at sa
Panginoong Jesu-Cristo.
Roma 1:7




Binabanggit namin sa
harapan ng ating Diyos at
Ama
ang inyong mga
gawaing bunga ng inyong
pananampalataya, ang
inyong mga pagpapagal
dahil sa inyong pag-ibig,
at ang inyong pagtitiis
dahil sa inyong pag-asa sa
ating Panginoong Jesu-
Cristo. I Tess. 1:3




Patagin nawa ng Diyos na
ating Ama
, at ni Jesus na
ating Panginoon ang
aming daan tungo sa
inyo. I Tess. 3:11




Palalakasin niya ang
inyong loob upang kayo'y
manatiling banal at
walang kapintasan sa
harap ng ating Diyos at
Ama
hanggang sa muling
pagdating ng ating
Panginoong Jesus, kasama
ang kanyang mga
hinirang. I Tess. 3:13




At patagin din nawa kayo
ni Kristo Jesus na ating
Panginoon at ng Diyos na
ating Ama
. Minahal niya
tayo at sa kaniyang habag
ay binigyan tayo ng
walang hanggang
kaaliwan at mabuting pag-
asa; II tess. 2:16




upang sa gayon,
nagkakaisa kayong
magpupuri sa Diyos at
Ama
ng ating Panginoong
Jesu-Cristo.
Roma 15:6




Ibinigay nga niya ang
kaniyang sarili para sa
ating mga kasalanan
upang sagipin tayo mula
sa masasamang panahong
ito ayon sa kalooban ng
ating Diyos at Ama ;
Gal.1:4




Hindi ba't dinidisiplina
tayo ng ating mga
magulang, at dahil diyan
ay iginagalang natin sila?
Hindi ba't upang tayo'y
mabuhay, mas nararapat
na tayo'y pasakop sa
Diyos na ating Ama sa
espiritu? Heb. 12:9




"Pasalamatan natin ang
Diyos at Ama ng ating
Panginoong Jesu-Cristo.
Dahil sa laki ng habag
niya sa atin, tayo'y
binigyan niya ng isang
panibagong buhay sa
pamamagitan ng muling
pagkabuhay ni Jesu-Cristo
mula sa libingan at ito ang
nagbigay sa atin ng isang
buhay na pag-asa."
Ipedro 1:3




Ang pagiging relihiyoso na
dalisay at walang dungis
sa harap ng ating Diyos at
Ama
ay ang pagtulong sa
mga ulila at sa mga
biyuda sa kanilang
kahirapan, at pag-iingat sa
sarili upang huwag
mahawa sa kasamaan ng
mundong ito.
Santiago1:27




Sa atin pong Napansin, Malinaw pong inidetalye sa Atin na talagang tiyak na tiyak po ng Mga talata na nasa Itaas, na walang ibang binanggit na tunay at IISANG DIOS kundi ANG LAMANG AMA.

Tandaang Po natin ni Itoy ra Bagong Tipan na,Panu natin nasisiguro na talagang ang Dios ng Mga unang Tao o ng mga Ninuno ay siya rin namang Iisang Dios na ang AMA na siyang tinutukoy ngayun ?may patotoo po ba ?
narito po. :



"Ang Diyos ng ating mga
ninuno ang muling
bumuhay kay Jesus na
pinatay ninyo nang siya'y
inyong ipapako sa krus."
Gawa 5:30




Tiyak po muli ng Biblia,na kung Sinu yung Dios na siyang bumuhay kay Cristo, ito rin po ang Dios mula pa sa mga unang tao o ng mga ninuno. At ayun sa mga naunang mga talata, ito ay AMA lamang.

Bago natin puntahan ang kalagayan ni Cristo,atin munang suriin muli,anu ba ang kalagayan ng AMA na siyang Dios?



Malakias 3:6
“Sapagka't ako,
ang Panginoon, ay hindi
nababago
, kaya't kayo, Oh
mga anak na lalake ni
Jacob ay hindi
nangauubos.”


Santiago 1:17 “Ang bawa't
mabuting kaloob at ang
bawa't sakdal na kaloob
ay pawang buhat sa itaas,
na bumababa mula sa
Ama ng mga ilaw, na
walang pagbabago, ni
kahit anino man ng
pagiiba .”



Ang Dios, di po nagbabago ang kanyang kalagayan,walang pag iiba.Anu pala ang kalagayan ng Dios Bakit di siya ng iiba ?

mula naman sa Lumang Tipan ating tunghayan muli.



Hoseas 11:9
Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at hindi tao; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.




Bilang 23:19
"Ang Dios ay hindi tao na magsisinungaling, Ni anak ng tao na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa"?



Ang Dios po ay Hindi Tao, Ni ANAK ng TAO.Tiniyak ito ng mga talata,kung gayun,Anu pala itong kalagayan ng AMa na siyang Iisang Dios na walang pagbabago?
narito :




Juan 4:24
Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.




Kaya po pala sinabi ng Dios "Akoy Dios at hindi TAO"
sapagkat siya ay Espirito , at di ito nagbabago.Ngayun alam na natin at kilala na ang Tunay na Dios,atin namang titiyakin kung talagang TAO ANG KALAGAYAN NI CRISTO.May mga talata kayang magpapatunay ?ating tunghayan :




Tao ang kalagayan ni Cristo




"Ngunit ang taong ito, na
ipinagkanulo sa inyo ayon
sa pasya at kaalaman ng
Diyos sa mula't mula pa,
ay ipinapako ninyo at
ipinapatay sa mga taong
masasama." Gawa 2:24





"Dahil dito'y nagkaroon
ng mainitang pagtatalu-
talo ang mga Judio,
Paanong maibibigay sa
atin ng taong ito ang
kanyang laman upang
makain natin?"
Juan6:52





"Sumagot ang mga bantay:
"Kailanmay wala pang
taong nangusap gaya ng
pangungusap ng taong
ito
."" Juan 7:46





"Ang sabi ng ilang Pariseo,
Hindi maaaring mula sa
Diyos ang taong iyon,
sapagkat hindi niya
ipinapangilin ang Araw ng
Pamamahinga. Ngunit
sinabi naman ng iba,
Paanong makakagawa ng
ganitong mga himala ang
isang makasalanan? At
hindi sila magkaisa."
Juan9:16





"Nalalaman naming
nagsalita ang Diyos kay
Moises ngunit ang taong
iyon
, ni hindi namin alam
kung saan siya
nanggaling!"
Juan 9:29





"Si Pedro'y tinanong ng
dalaga, Hindi ba't isa ka
sa mga alagad ng taong
iyan
? Hindi, sagot ni
Pedro." Juan 18:17





"Nagsimula noong mag
isip isip ang mga guro ng
Batas at mga Pariseo:
"Talagang iniinsulto ng
taong ito ang Diyos. Sino
ba ang may
kapangyarihang
magpatawad ng mga
kasalanan? Di bat ang
Diyos lamang?""
Lucas5:21





"Nang ito'y makita ng
Pariseong nag-anyaya kay
Jesus, nasabi nito sa sarili,
"Kung talagang propeta
ang taong ito, dapat ay
alam niya na ang babaing
humahawak sa kanyang
paa ay isang
makasalanan."
Lucas 7:49





"At nagsimulang mag isip
ang mga nasa hapag: "At
nangangahas ang taong ito
na magpatawad ng mga
kasalanan!"" Lucas 7:49






"Nang marinig ito ni
Pilato, itinanong niya
kung taga Galilea nga ang
tao." Lucas 23:6





"At ni si Herodes, hayat
ipinabalik niya siya sa
akin. Maliwanag na
walang magagawa ang
taong ito para hatulan ng
kamatayan." Lucas 23:15





"Subalit sabay-sabay na
sumigaw ang mga tao,
"Patayin ang taong iyan!
Palayain si Barabbas!""
Lucas 23: 18





"Nang makita ng kapitan
ng mga kawal ang
nangyari, siya'y nagpuri
sa Diyos na sinasabi,
"Tunay ngang matuwid
ang taong ito!"
Lucas23:47






"Nakatayo sa harap ng
krus ang opisyal ng mga
kawal. Nang makita kung
paano namatay si Jesus,
sinabi niya, "Tunay ngang
Anak ng Diyos ang taong
ito
!"" Marcos 15:39





"Nooy inisip ng ilang guro
ng batas: "Iniinsulto ng
taong ito ang Diyos.""
Mateo 9:3





"Kaya ipinadala nila ang
kanilang mga alagad
kasama ng mga kampi kay
Herodes. Sinabi nila kay
Jesus: "Guro, nalalaman
namin na tapat kang tao
at tunay na nagtuturo ng
Daan ng Diyos;...""
Mateo22:16





Ayon kay Pilato:
"Kaya't si Pilato ay
lumabas sa palasyo at
tinanong sila, Ano ang
paratang ninyo laban sa
taong ito?" Juan 18:29





Kaya lumabas si Jesus,
suot ang tinikang korona
at ang kapang pulang pang
hari. Sinabi sa kanila ni
Pilato: "Hayan ang tao!"
Juan 19:5






Sinabi ni Pilato sa mga
punong pari at sa mga tao,
"Wala akong makitang
kasalanan sa taong ito."
Lucas 23:4





"Sinabi niya sa kanila,
"Isinakdal ninyo sa akin
ang taong ito sa
kasalanang panunulsol sa
mga taong bayan na
maghimagsik. Siniyasat ko
siya sa harap ninyo at
napatunayan kong walang
katotohanan ang mga
paratang ninyo sa kanya."
Lucas 23:14





Ayon sa mga alagad ni Kristo:
"Namangha silang lahat at
sinabi, "Ano kayang uri
ng tao ito? Maging ang
hangin at ang lawa ay
sumusunod sa kanya!"
Mateo 8:27





"At sinabi ni Pablo:
"Binyag ng pagsisisi
lamang ang binyag ni
Juan. Sinabihan din niya
ang bayan na
sumampalataya sa taong
darating na kasunod niya
at ito si Jesus."" Gawa 19:4

(Yung dumating na
kasunod pala ni Juan ay
TAO, hindi naman pala
Diyos!)






"Subalit magkaiba ang
dalawang ito dahil ang
libreng kaloob ng Diyos ay
hindi katulad ng
kasalanan ni Adan.
Totoong maraming tao ang
namatay dahil sa
kasalanan ng isang tao.
Ngunit ang kagandahang-
loob ng Diyos ay mas
dakila, gayundin ang
kanyang libreng kaloob sa
maraming tao sa
pamamagitan ng
kagandahang-loob ng
isang tao, si Jesu-Cristo."
Roma 5:15





"Ngunit ngayong si Cristo'y
muling binuhay, ito'y
katibayan na muling
bubuhayin ang mga patay.
Kung paanong dumating
ang kamatayan sa
pamamagitan ng isang tao,
gayundin naman,
dumating ang muling
pagkabuhay sa
pamamagitan din ng isang
tao." I Cor. 15:20-21





"Mamatay man ako,
talagang hindi ko
nakikilala ang taong
iyan
!" sagot ni Pedro."
Marcos 14:71




Muling nagkaila si Pedro,
"Isinusumpa ko, hindi ko
kakilala ang taong iyon!"
Mateo 26: 72




"Sumagot si Pedro,
"Mamatay man ako!
Talagang hindi ko
nakikilala ang taong
iyan
." Pagkasabing-
pagkasabi nito, tumilaok
ang manok." Mateo 26:74



"Ito ang naganap nang
ipanganak si Jesu-Cristo.
Si Maria na kanyang ina
at si Jose ay nakatakda
nang magpakasal. Ngunit
bago sila makasal,
nalaman ni Maria na
siya'y nagdadalang-tao sa
pamamagitan ng
kapangyarihan ng Espiritu
Santo." Mateo 1:18




At maging mismo si Cristo nagpapatunay sa kanyang Sarili



Juan 8:40
Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.




Tiyak po ang mga pagkakaiba sa Dios na Espirito ang kalagayan na walang pagbabago, at ni Cristo na siyang TAO. Tandaan po natin ,si Cristo ay ANAK ng Dios, at hindi Dios, at sa katiyakang ang Tunay na Dios na ang AMA ay walang kinikilalang Ibang Dios.



Isaias 44:8
Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba.



Isaias 46:9
Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko;




Tiniyak po na ang Dios,walang kagaya,walang kapantay,walang kagaya,walang kapareho. Siya lamang po talaga at wala ng Iba.
Paano ba ito ipinaliwanag ni Cristo?tanggap ba niya ito at ito din ba ang itinuro niya?




Sinabi ko na sa inyo,
Ako'y aalis, ngunit ako'y
babalik. Kung iniibig
ninyo ako, ikagagalak
ninyo ang pagpunta ko sa
Ama, sapagkat higit na
dakila ang Ama kaysa sa
akin. Juan 14:28



Malinaw po na mas mataas o higit pa ang AMA ni Cristo kay sa kanya.Bakit pala mas mataas parin ang AMA kaysa kay Cristo?magpapailalim ba si Cristo?
narito :



At kapag ang lahat ay
nasa ilalim na ng
kapangyarihan ni Cristo,
ang Anak naman ang
papailalim sa
kapangyarihan ng Diyos
na naglagay ng lahat ng
bagay sa ilalim ng
kapangyarihan niya. Sa
gayon, lubusang
maghahari ang Diyos sa
lahat. I Cor. 15:28




Malinaw po.Binanggit sa talata na Si Cristo ay magpapasailalim parin sa Dios, at Ang Dios ang sa LAHAT SA LAHAT.
Tiyak ba na ang AMA ito?
sipiin natin muli ang talata sa taas.



Efeso 4:6
Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.




Malinaw at tiyak na tiyak po mula sa ating pag aaral,kung paanung malalaman natin ang tunay at Iisang Dios. Sanay patuloy pong maging bukas ang puso at isipan ng lahat , lalo na po sa mga patuloy na nagsusuri , Tandaan po natin,
"Buhay na walang hanggang"
Ang katumbas ng pagkilala sa tunay na Dios na gaya ng sinabi ni Cristo sa talata ng juan 17:3 ating Sipiin :


"At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay"



Kaya po patuloy parin naming hinihikayat ang ilan na di pa nakarating sa katotohanan na patuloy na magsuri at makinig ng mga Aral at Doktrina sa loob ng Iglesia Ni Cristo







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento