Mga Pahina

Lunes, Marso 2, 2015

Hindi ba kaya ng Dios ang magsinungaling?




Isang kagimbal-gimbal at kahindik-hindik na aral mula sa kinikilalang Ang Dating Daan kung saan nagkaroon ng LIMITASYON ang kakayahan ng isang Dios. Kung baga may "HINDI KAYANG GAWIN" Ang isang Makapangyarihan. Tama nga ba? Kapag ba sasabihing MAGAGAWA ang lahat ng bagay, may hindi pa kaya?

Ang paniniwala nila'y HINDI RAW KAYA ng Dios ang MAGSINUNGALING. Kaya naman siyempre gagamit din sila ng talata na iyong mula sa tito 1:2. Ganito ang sabi :


Tito 1: 2 "sa pag- asa sa buhay na walang hanggan . Bago pa nagsimula ang mga panahon , ito ay ipinangako ng Diyos na hindi nagsisinungaling"


Dahil sa ang banggit kasi sa pahayag ni Pablo na "Diyos na hindi nagsisiningaling" ay agad sumagi sa isip nila na TAMA NGA, HINDI KAYA NG DIOS ANG MAGSINUNGALING.

Tandaan po natin na may dahilan po si Pablo kung sa paanong paraan pinapatungkol ang pahayag na doon hindi magsisinungaling ang Dios. Ang sabi niya:


" sa pag- asa sa buhay na walang hanggan "


Ano ang paninindigan ng Diyos ukol doon?ayon parin sa talata ay sinabing:

"NA KANIYANG IPINANGAKO"

Samakatuwid, kapag ang Diyos nangangako, hindi iyan kaylan man mapapako na hinding hindi matutupad, kaya kung siya ay MANGAKO hindi ito isang PAGSISINUNGALING. Pinatutunayan pa ito ni Apostol Pablo sa ibang sulat niya na tunay at totoo na kapag ang Dios NANGAKO, ito'y hindi magababago :




Heb 6 :17 "Gayundin naman , sa pagnanais ng Diyos na maipakita sa mga tagapagmana ng PANGAKO NA HINDI MAAARING MAGBAGO ANG KANIYANG PASYA, pinagtibay niya ito sa pamamagitan ng isang SUMPA.


Heb 6 :18 "upang sa pamamagitan ng dalawang bagay na di mababago, na dito'y HINDI MAAARING MAGSINUNGALING ANG DIYOS, tayong nagtungo sa kanlungan ay magkaroon ng higit na katiyakang panghawakan ang pag-asang nakalagay sa harapan natin ."

Ang Diyos ay may "PANGAKO at SUMPA" doon sa Buhay na Walang Haggan alang-alang sa mga matuwid na sumusunod sapagkat:


Hebreo 6:10" Sapagka't ang Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan, sa inyong paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo'y nagsisipaglingkod kayo. "


Ang Diyos ay hindi liko upang LIMUTIN ang Kaniyang mga binitawan ukol sa Kaniyang PINANGAKO AT SUMPA na ibibigay sa tunay na mga hinirang. Kaya marapat lamang na iyon ay ipahayag ni Apostol Pablo sapagkat tapat ang Diyos.


E Hindi ba talaga kaya ng Diyos na MAGSINUNGALING? Ang sagot "KAYA" sapagkat ang tunay na Diyos ay Makapangyarihan sa lahat:


Genesis 17:1" At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram, at sa kaniya'y nagsabi, AKO ANG DIOS NA MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka. "



Ang Dios mismo ang may sabi na Siya ang Dios na Makapangyarihan sa Lahat. Kapag sinabing makapangyarihan sa lahat. Anong uri iyon? Di po bat walang imposeble at kayang gawin lahat? Ito naman ang pinagtibay at pinapatunayan ni Jesus :


Mateo 19:26" Tiningnan sila ni Jesus at sinabi,“Hindi ito magagawa ng tao,ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.


Lucas 1:37 "Ito ay sapagkat sa Diyos ay walang anumang bagay na hindi mapagyayari" [NIV]


Samakatuwid, ang TUNAY NA DIOS, WALANG BAGAY NA HINDI KAYANG GAWIN, WALANG HINDI MAPAGYAYARI. Kapag sinabing lahat ay "KAYA" Gaya ng sinabi ni Jesus, "WALANG IMPOSEBLE". Kaya ang Dios ng mga tunay na hinirang ay LAHAT MAGAGAWA AT LAHAT KAYANG KAYA GAWIN.

Subalit baka sabihing nilang, sinungaling ang Dios ng INC. Maling pang-unawa iyon. Sapagkat malaki ang pagkakaiba ng sumusunod:

1. "LAHAT KAYANG GAWIN, SUBALIT AYAW LANG GAWIN[magsinungaling]"

2 "HINDI KAYANG MAGSINUNGALING" [nagkaroon ng limitasyon na hindi kaya]

Napakalinaw nun hindi po ba?. Inuulit po namin, ang Tunay Na Dios ay MAGAGAWA ANG LAHAT NGA BAGAY SUBALIT "HINDI" LAMANG GAGAWIN ANG MAGIGING SINUNGALING sapagkat gaya ng pinagpauna natin, na kapag ang Dios ay magsasalita ay tunay at TAPAT sa Kaniyang mga Salita:


Deuteronomio 7:9" Talastasin mo nga, na ANG PANGINOON NINYONG DIYOS, AY SIYANG DIOS: ANG TAPAT NA DIOS, na nag-iingat ng tipan at naggagawad ng kagandahang-loob sa mga umiibig sa kaniya, at tumutupad ng kaniyang mga utos, hanggang sa isang libong salin ng lahi "



Ang Diyos ay tunay at TAPAT sa lahat ng Kaniyang Salita. Kaya, doon sa Kaniyang mga Pangako Siya 'y hindi magsisinungaling. Tandaan lahat ng bagay ay KAYANG kaya ng Dios. Simulat simula pa. Kaya ang mga nagpapahayag na may HINDI kaya ang Dios ay may pahayag si Job dito.




Job 42:2-3" Nalalaman ko na magagawa mo ang lahat ng mga bagay, at wala kang akala na mapipigil.
SINO ITONG NAGKUKUBLI NG PAYO NA WALANG KAALAMAN? Kaya't aking sinambit na hindi ko nauunawa, mga bagay na totoong kagilagilalas sa akin na hindi ko nalalaman. "


Kaya ang nagpapayo at nagtuturo na may hindi magagawa ang Dios gaya ng magsinungaling ay PAYO NG WALANG UNAWA o WALANG KAALAMAN. Tandaan ang Tunay na Dios ay:


"MAGAGAWA ANG LAHAT NG BAGAY AT WALANG IMPOSEBLE. HINDI LANG GAGAWIN ANG MAGING SINUNGALING SAPAGKAT SIYAY TAPAT."

" IBA ANG KAYANG GAWIN LAHAT, SA AYAW LANG GAWIN"

Sapagat ang ama ng kasinungalingan ay ang diablo [Juan 8:44], at siya ang dios nito na dumaya sa maraming pangunawa na siyang dios nila [ 2Cor.4:4]…

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento