Mga Pahina

Martes, Enero 20, 2015

144000 lang ba ang may karapatan sa langit? (Part 3)




Sa mga naunang paksa ay naituwid natin ang maling paniniwala mula sa mga Saksi ni Jehova, na ang 144000 ay ang MUNTING KAWAN raw na may karapatan lamang umano sa kaharian sa langit at ang matitirang hindi kabilang ay dito raw maghahari sa lupa. Napatunayan nating mali ang paniniwalang iyon. At sa bahaging ito naman, ay titiyakin natin kung totoo ba na ang LUPA naito o ang daigdig na ito ay MANANATILI at hindi susunugin ng Diyos at gagawing kaharian upang tirhan ng tao? Mababasa at makikita pa minsan ito mula sa kanilang mga MAGAZINE gaya ng "BANTAYAN at GUMISING" na tunay na pinanghaawakan nila ang ganitong paniniwala. At siyempre gagamit din sila ng TALATA upang patunayan ito. Subalit, tama ba o mali ang ganitong aral?

Itong lupa o mundo na kinatatayuan natin ay ito din daw ang nakatakdang paraiso para sa mg matatapat na tao ( mga di kabilang sa 144,000 na aakyat sa langit). Gaya ng sabi natin, gagamit din sila ng Biblia, at ganito ang nakasaad:


Ecclesiastes 1:4
“Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating; NGUNI'T ANG LUPA AY NANANATILI MAGPAKAILAN MAN.”


Ang sabi kasi ay " Isang salin ng lahi ay yumayaon, at ibang salin ng lahi ay dumarating ". Kaya, sumagi agad sila sa Konclusyon na dalawang BAHAGI nga raw ang pinatutungkulan. Subalit dapat po nating tandaan na wala pong binanggit dyan na yung "YUMAYAON o ang DUMARATING" ay iyon ang 144000, maling konklusyon agad. At ang ukol naman sa LUPANG MANANATILI raw at hindi susunugin ay dahil sa nakasulat na "NGUNI'T ANG LUPA AY NANANATILI MAGPAKAILAN MAN.”. Dahil sa binanggit na May lupa na mananatili ay ito raw iyon. Kaya, upang mas kapanipaniwala ang pagtuturo nila ay iniugnay ito :

Mateo 5:5
“Mapapalad ang maaamo:sapagka't MAMANAHIN NILA ANG LUPA"


Ang lupa na mananatili [ang daigdig na ito raw] ay iyon raw ang lupa na mamanahin ng mga mapalad. Kaya, bilang konklusyon nila ay iniugnay na naman dito.


Awit 37:29
“MAMANAHIN NG MATUWID ANG LUPAIN, at tatahan doon magpakailan man.”


Ngayun. ating susundan ang kanilang pahayag mula sa unang talata na kanilang ginamit at pinanghahawakan na:


"Ngunit ang lupa ay mananatili magpakaylan man"


Wala kayang mangyayaring Kontradiksyun ng talata?anu ba talaga ang kuhulugan ng mga talatang iyan at ANO ang lupang mananatili magpakailan man? At siyempre hindi tayo gagawa ng sariling paliwanag kundi mula kay Cristo :


Mateo 24:35
“ANG LANGIT AT ANG LUPA AY LILIPAS, datapuwa't ang aking mga salita ay hindi lilipas.”



Tiyak maguguluhan dito ang ating mga kaibigan na mga Saksi ni Jehova. Bakit? E malinaw na sa kanila, WALANG LUPA NA LILIPAS O MAWAWALA, Sapagkat gaya rito sa daigdig e gagawin anyang KAHARIAN. Subalit bakit may binanggit si Cristo dito na may "LUPA NA LILIPAS"? Bago ang tagpung iyon ay may itinanong ang mga alagad ni Cristo sa Kaniya na ganito:


Mateo 24:3
"Noon, si Jesus ay nasa Bundok ng mga Olibo. Habang siya'y nakaupo roon, palihim siyang tinanong ng kanyang mga alaga,
"Kailan po ba mangyayari ang mga sinabi ninyo? Ano po ng magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng KATAPUSAN NG MUNDO?"


Pansinin ang katanungan ng mga alagad ni Jesus. Sila'y nagtatanong ukol sa palatandaan ng Kaniyang muling pagpariti. Na ano raw ang magaganap? Ang Sabi :

" Ano po ng magiging palatandaan ng inyong muling pagparito at ng KATAPUSAN NG MUNDO?

Napakalinaw na sa muling pagparito ni Jesus ay siya namang KATAPUSAN NG MUNDO. Napakalinaw hindi po ba. Kaya, kung ang isang BAGAY kung sa sempleng pang-unawa, kung ito'y may katapusan siyempre mawawala ito at LILIPAS. Subalit, bakit ang MUNDO ay matatapos? Ano ang kaganapan o magyayari dito?


2 Pedro 3:10
" Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, AT ANG LUPA AT ANG MGA GAWANG NASA LUPA AY PAWANG MASUSUNOG. "


2 Pedro 3:7
" Nguni't ANG SANGKALANGITAN ngayon, AT ANG LUPA, sa pamamagitan ng GAYON DING SALITA AY ININGATANG TALAGA SA APOY, NA ITINATAAN SA ARAW NG PAGHUHUKOM at ng paglipol sa mga taong masama. "


Kung gayun, malinaw pala kung anu yung lupa at langit na LILIPAS na ang sabi sa GAYONG SALITA[na ipinapauna ni Cristo], AY MAWAWALA sapagkat nakatakda na ito sa araw ng Paghuhukom o sa Kaniyang muling pagparito ay itinataan na sa apoy at susunugin kasama ng lahat ng bagay na nandito. Isang napakalaking kontradiksyun kung gayon ang kanilang aral na ang lupa ay hindi mawawala sapagkat gagawing tahanan ng hindi kasama sa 144000.

Baka naman ilang parte lang ng lupa ang masusunog, Baka maisipan nilang itanong kaya unahan na natin. Lahat kaya ng lupa o iilang bahagi lang ? Ganito ang sagot:


Zefanias 1:18
" Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang BUONG LUPAIN AY MASUSUPOK SA PAMAMAGITAN NG APOY ng kaniyang paninibugho: sapagka't WAWAKASAN NIYA, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain. "

Iilang bahagi lang ba ng lupa ang mawawala o susunugin? Hindi po sapagkat napakalinaw ng sinabi:

" BUONG LUPAIN AY MASUSUPOK SA PAMAMAGITAN NG APOY "

At ang sabi "WAWAKASAN NIYA" . Kaya tiyak na tiyak po na lilipas ang daigdig o ang lupa na ito. Baka itatanong na naman nila ulit, Baka babangunin pang muli ni JEHOVA para tirhan ng nalalabing matatapat.pagkatapos lilipulin ay ibabangun muli? Tayo po ay sasagutin muli ng Biblia at hindi sariling kuro-kuro :


Isaias 24:19-20
ANG DAIGDIG AY TULUYANG MAWAWASAK, sa lakas ng uga ito'y MABIBIYAK. Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray- suray at kubong maliit na hahapay-hapay, sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay, TIYAK NA BABAGSAK ANG SANDAIGDIGAN AT HINDI NA BABANGON MAGPAKAILANMAN.” [ MB]



Malinaw ang sabi na " ANG DAIGDIG AY TULUYANG MAWAWASAK, MABIBIYAK, at TIYAK NA BABAGSAK ANG SANDAIGDIGAN AT HINDI NA BABANGON MAGPAKAILANMAN.”


Talagang nilinaw na isang KAWAKASAN na hindi na muling babangon o babalik pa upang gawing kaharian. Kung gayon ano nalang pala ang AASAHAN NG MGA SAKSI NI JEHOVA kung inaakala nilang may lupa pang mananatili? Nag-hihintay nalang sa wala kaya kawawa po ang mga kaanib na hanggang ngayon ay nasa isip at puso pa nila ang maling aral na ito.Mali po na isipin bilang tunay na alagad ang ganitong isipan, bakit anu ba ang dapat nasain ng mga matuwid na alagad tungkol sa TUNAY AT TOTOONG tirahan?



Hebreo 11:16
NGUNI'T NGAYON AY NAGNANASA SILA NG LALONG MAGALING NA LUPAIN, SA MAKATUWID BAGA'Y ANG SA LANGIT: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.”


Ipaghahanda na Sila ng bagong bayan. . Lalong magaling na lupain na nandoon sa langit. Ano ang LUPAIN na ito na NASA LANGIT na ito ang marapat na NASAIN ng mga tunay na hinirang?



Apocalypsis 21:1-4
“At nakita ko ang ISANG BAGONG LANGIT AT ISANG BAGONG LUPA : SAPAGKA'T ANG UNANG LANGIT AT ANG UNANG LUPA AY NAPARAM; at ang dagat ay wala na.”
“At nakita ko ang bayang banal , ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.”
“At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:”
“At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man : ang mga bagay nang una ay naparam na.“



May magandang planu po ang Dios sa tunay at tapat na alipin nya. Ang magaling na lupain na nasa langit ang sabi:

" ISANG BAGONG LANGIT AT ISANG BAGONG LUPA : SAPAGKA'T ANG UNANG LANGIT AT ANG UNANG LUPA AY NAPARAM"

Kaya po nakakalungkot isipin sa ating mga mahal na kaibigang mga Saksi ni Jehova na patuloy sa ganitong paniniwala. Sana naman po ay ma buksan ang ating mga Isipan at puso sa tamang Aral.

Sa mga pinapauna na po ni Cristo, HINDI LAHAT ng tumawag na Panginoon ay maliligtas kundi yun lamang gumanap sa kaooban ng AMA [Mat.7:21], sila ang may karapatan na magmamana ng tunay na KAHARIA o ang BAGONG LANGIT at LUPA at hindi ang 144000 lamang na isang maling pag-unawa. Kaya ang Iglesia ni Cristo ag walang sawa sa pagpapaabot ng katotohanan upang marami pa ang tao na makaabot sa katotohanan at magkaroon ng karapatan sa pagtanggap ng GANTIMPALA o ang Kaharian na bigay sa mga TAPAT na hinirang.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento