Mga Pahina

Sabado, Disyembre 6, 2014

SI MARIA RAW HINDI NAGKASALA?




Isang kagimbal-gimbal at nakapanindig balahibong Aral na turo ng mga CFD. Ang larawan ay mula sa "Splendor of the Church" ng CATHOLIC. Ang sabi nila :


" Kung bumaba ang Espiriu Santo kay Maria ibig sabihin lang nito samakatuwid WALA SIYANG BAHID KASALANAN Dahil hindi lulukob si ang Espiritu Santo kay Maria kung itoy may Sala at gayundin kailangan pa nito ng isang SErrafin upang linisin ang kanyang bibig.. Tama ba ako? Ayan ang Immaculate Conception.."

Source :

SPLENDOROFTHECHURCH



Pansinin natin ang Sinabi, Kung may KASALANAN pa raw ay " hindi lulukob si ang Espiritu Santo kay Maria kung itoy may Sala "

Upang hindi tayo mailigaw nitong maling aral ay ating suriin ang mga katotohanan mula sa Biblia, sabi pa nga :


1 Juan 4:1 MBB
" Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin muna ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito. "


Totoong maraming nagpapakilala na tunay sila o tunay na mangangaral. Kaya, upang ating matiyak ang kanilang paniniwala ay talagang nakabatay sa Banal na Kasulatan ay suriin naman natin, sapagkat napakahalaga na malaman ito ng tao sapagkat ang Salita ng Dios ay KATOTOHANAN (Juan 17:17), at hindi kabulaanan.

Ngayon, ayun sa Biblia sino lamang ba ang ipinakilala na hindi nagkasala? Ganito ang pagtuturo:

1 Pedro 2:21-22
" Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya:
" Na siya'y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig."


Si Jesus lamang ang Siyang hindi nakakilala o nasumpungan man ng pagkakasala. Siya ba ay Tao?Opo, Totoo at tunay na TAO ayun mismo kay Cristo (Juan 8:40).


Kung gayon NAPAKALINAW na ang lahat pala ng Tao ay nagkasala nga liban lamang kay Cristo. Kaylan pa ang tao ay nagkasala?


Roma 5:12, MBB
" Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala. "


Mula pa noong una mula sa sinaunang Tao, ang lahat ay NAGKASALA na. Bunga nito ang tao ay Hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Dios. Kaya ang sabi :


Roma 3:23
" Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios; "


Bago nagkasala sina Adan at Eva, wala pang kamatayan ang tao. Pumasok lamang ang kamatayan sa sangkatauhan nang sila ay sumuway sa utos ng Dios at nagkasala (1 Juan 3:4 ) Kaya Tinakdaan ng Dios ng kamatayan ang tao :



Roma 6:23
" Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan "


Kaya, upang ang tao ay makabalik sa Dios dahil sa nahiwalay ng kasalanan, ay dapat na mapabilang siya sa pagkalalang kay Cristo. Ito ang kalooban ng Dios :


Efeso 2:10
" Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran".


Malalalang kay Cristo ang taong sa paraang ang " DALAWA AY LALANGIN SA KANIYANG SARILI ANG ISANG TAONG BAGO " (Efe.2:15 ), na binubuo ni Cristo bilang ulo at ang Iglesia bilang katawan Niya (Col.1:18 ). Si Cristo at ang Kaniyang Iglesia ay hindi na dalawa sa harap ng Dios kundi iisa lamang--ISANG TAONG BAGO.


Kaya, malalalang kay Cristo ang tao kung siya ay magiging bahagi ng isang TAONG BAGO na ang katumbas ay umanib sa Iglesia ni Cristo sapagkat Siya na ulo at ang Iglesia na katawan ay iisang tao lamang sa paningin ng Dios.

Maaaring Bisitahin ang Kabuuan ukol sa Topic na ito ukol sa ISANG TAONG BAGO:


ISANG TAONG BAGO

Hayag ang kanilang maling aral na itinuro sa mga tao upang ang tao ay mailigaw. Hindi isang sapat na dahilan upang pangatwiran na sa kadahilanang, Si Maria ay ginamit bilang Kasangkapan sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay hindi na siya nagkasala, sapagkat ang katotohanan nito, KAPAG ANG DIOS ay may PANUKALA sa alinmang Kaniyang mahahalagang gawain ay totoong mangyayari ito sa iba't ibang paraan na may sapat na gabay at paraan. May mga halimbawa ba tayo na pinili ng Dios sa mga gawain Niya ? ito ang iilan :


Pagpili kay Moises


Exodo 4:12 Ngayon nga'y yumaon ka, at ako'y sasaiyong bibig, at ituturo ko sa iyo kung ano ang iyong sasalitain.


SI PROPETA JEREMIAS


Jeremias 1:5 Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa.


SI JUAN BAUTISTA

Lucas 1:15 Sapagka't siya'y magiging dakila sa paningin ng Panginoon, at siya'y hindi iinom ng alak ni matapang na inumin; at siya'y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina.


AT ANG MGA APOSTOL AY PINUSPUS DIN NG ESPIRITU SANTO


Gawa 2:4 At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain. "


IIlan lamang iyan na may panukala ng Dios na totoong may kinalaman sa Kaniyang gawain. Lalo na Kay Cristo na mula pa sa pasimula ay PANUKALA o NASAISIP na ng Dios bago paman likhain ang Sanlibutan


1 Peter 1:20
" FOREKNOWN, indeed, BEFORE THE FOUNDATION OF THE WORLD, he has been manifested in the times for your sakes." [Confraternity Version ]


At natupad ang panukalang ito ng ipanganak na ni Maria sa kapanahunan (Gal.4:4). Isang tunay na Patotoo na hindi isang kadahilanan nakapag pinuspus man ng Espiritu Santo ay Hindi na ito nagkasala. Isang mababaw na aral na maaaring mailigaw ang marami, Kaya dapat ang tao ay maging maingat sa kaniyang pagpili ng isang relihiyon na kaaaniban kung ang mga aral na itinuro ay totoong nakabatay sa Banal na Kasulatan. Hindi isang kuro-kuro lamang na bunga ng sariling pang-unawa. Sabi pa nga ng BIBLIA, " WALANG HINDI MAHAHAYAG "



Hebreo 4:12-13
" Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.
At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan. "


Kayo na po ang magpasya ... Subukan po ninyong dumalo at makinig sa mga doktrina sa loob ng Iglesia Ni Cristo at tiyak masusumpungan ninyo ang katutuhanan..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento