Mga Pahina

Lunes, Disyembre 29, 2014

PAGBABALIK-TANAW SA 2014





Ang taon ng 2014 ay tuluyan ng lilipas. Kung baga sabi pa ng marami, "NO REWIND" . Kung ang mga nangyari ay nangyari na, subalit, maraming pangyayaring tumatak sa marami na naging MAHAHALAGA, MASAYA , MASAKIT, at iba-ibang uri na naging bahagi ng kanilang buhay na hinding-hindi malilimutan.

Maraming pangyayari naman ang naranasan ng marami na naging bunga ng kabagabagan at mga kahapisan. Ang resesyon at halos pagbagsak ng ekonomiya, ang epidemya na dulot ng iba't ibang mga sakit at mga virus, mga suliraning pulitikal at diplomatiko, kaigaligang panlipunan, at malalgim na sakuna ang ilan sa maituturing na MAHAHALAGANG KAGANAPAN sa taong 2014. Anupa't ang mga pangyayaring nabanggit ay nagdulot sa marami ng matinding kahirapan, na lalo pang pinalubha ng iba't ibang kalamidad, gaya ng mga PAGLINDOL, PAGGUHO NG LUPA, mga BUHAWI AT MGA SUPER TYPHOONS na bunga ng Climate Change na isa na ngayong mabigat na suliraning pandaigdig. Marami ang mga biktima na hindi pa lubos na nakakaahon mula sa pinsalang idinulot ng mga sakunang ito. Ang paglaganap ng karahasan at kreminalidad na ibinunga ng mga kahirapang ito ay nakapagdudulot ng labis na panlulupaypay sa di-kakaunting mga tao, na ang karamihay minabuting huwag ng pag-usapan ito.


Batid na sa maraming isip na magtatapos nga ang taon na ito na hindi mapipigilan ng sinuman. Ang NAKAKALUNGKOT, ang pagtatapos ng taon ay hindi nangangahulugang magwawakas na rin ang mga suliraning pangkabuhayan at ang kasiphayuang dulot nito. NANGANGANIB naman na lumubha ang patuloy na alitan ng ilang BANSA LABAN SA BANSA. Ang kalagayan ng ekonomiya ay hindi bumubuti samantalang ang mga bansang labis na naaapektuhan ng resesyon ay matamang binabantayan ang tinatawag na " GREEN OFFSHOOTS OF RECOVERY" ,dahil sa pangambang bumalik sila sa resesyon, o ang lalong masama, ay mauwi sa tinatawag na depresyon..

Sa taon din ito ay nasaksihan naman ng marami ang pagyaon ng mga dakilang tao sa daigdig ng SINING, PULITIKA, at iba pang larangan. Sa panahong ito na lalo nang laganap ang makabagong pamamaraan ng pakikipagtalastasan, GAYA NG FACEBOOK, TWITTER at iba pang kauri nito, ay halos imposebleng malingid kaninuman ang ganitong mga pangyayari. At kahit pa sabihing tangkaing iwasan ng tao na makarinig ng masasamang balita , ang mga pang-araw-araw na suliraning kaniyang nasasagupa ay patuloy na nagdudulot sa kaniya ng pangamba at nagpapaalaala sa kaniya na ang kaiyang buhay ay MARUPOK, PUNO NG BAGABAG AT SULIRANIN, at ang magagwa niya'y may hangganan.


Ang mga KAANIB SA IGLESIA NI CRISTO ay nauunawaan na ang lahat ng malalagim na kaganapan sa mundo ay bunga ng parusa ng Panginoong Diyos sa tao, kaya, :


" Ang daigdig na ito ay magiging karumal-dumal Dahil sa mga taong may maruming pamumuhay; Mga taong lumalabag sa tuntunin ng Kautusan At ayaw tumalima sa walang hanggang tipan. Kaya't ang sumpa'y daranasin ng daigdig, At magdurusa ang mga nilikha dahil sa kanilang kasamaan, At ilan lamang ang matitira. " (Isaias 24:5-6, Magandang Balita Biblia)


Ang pagbagsak ng Moralidad ng tao sa ating panahon ay masusing inilarawan ni Apostol Pablo nang kaniyang ipagpauna na :


" mababatbat ng kahirapan ang mga huling araw. Ang mga tao'y maging makasarili, gahaman sa salapi, palalo, mayabang, mapang-alipusta, suwail sa magulang, walang utang na loob at lapastangan sa Diyos. Bukod dito, magiging malupit sila, walang habag, mapanirang puri, mapusok, marahas, at mamumuhi sa mabuti. Hindi lamang iyan, sila'y magiging taksil, walang taros, palalo, at mahilig sa kalayawan sa halip na sa mga bagay na ukol sa Diyos. Sila'y magkukunwang may pananampalataya ngunit hindi naman makikita sa buhay nila ang kapangyarihan nito. Iwasan mo ang mga ganitong mga tao." ( 2 Timoteo 3:1-5, Magandang Balita Biblia)


Ang buong sanlibutan ay nasa ilalim ng sumpa ng Diyos at ang katotohanang ito ang dapat magsilbing paalala sa lahat na nasa Kamay Niya ang kapalaran ng tao. Sa gitna ng mga kaguluhang a kaligaligang ito, patuloy ang IGLESIA NI CRISTO sa pagtataguyod ng mga gawain ng Diyos sa mga huling araw na ito. WALANG HUMPAY ang pagpapatayo ng mga gusaling-sambahan sa Pilipinas at sa maraming bansa sa ibayong dagat. Nakapagpatayo ng mga gusaling sambahan sa mga BARANGGAY. Hindi naglilikat sa masiglang pamamahagi ng ebanghelyo ukol sa kaharian ng Diyos " UPANG ITO AY MAKILALA SA LAHAT NG MGA BANSA " (Mat. 24:14, ibid.) sa pamamagitan ng mga ministro at mga manggagawa na ipinapadala sa iba't ibang panig ng daigdig at ng TRIMEDIA CHANNELS. Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga distrito, lokal at mga extensions na itinatatag sa mga dakong kinalalatagan ng gawain ng Iglesia sa anim na kontinente ng mundo. Libo-libong mga bagong kaanib ang natatawag mula sa iba't ibang lahi at antas ng lipunan. Alalaong baga'y sa gitna ng mga kaguluhan at kabagabagang nagaganap sa mundo, ang Iglesia ni Cristo naman sa kaniyang kabuuan ay pinuspos ng Diyos ng mga pagpapala at pagtatagumpay.


Isa rito na DINIG ng buong mundo ang pagpapala ng Diyos sa Kaniyang Iglesia, ang isa sa mahalagang pangyayari ang PAGBUKAS NG PHILIPPINE ARENA na ito ang pinakamalaking arena na naitala sa kasaysayan, at higit sa lahat kaalinsabay nito ang PAGDIRIWANG NG IKA ISANDAANG TAON NG IGLESIA NI CRISTO ng magsimula ito noong 1914 sa Pilipinas.

Hindi man makaiiwas sa mga pagsubok at kahirapan ng buhay ang mga indibidwal na kaanib ng Iglesia, gayunpaman ay namamalagi silang nagpapasalamat para sa mga biyayang espirituwal na masaganang ipinagkaloob ng Diyos tuwing sila ay sumamba. Pinagtatalagahan nila ang mga pag-awit ng mga pagpupuri sa Diyos alang-alang sa Kaniyang mga hinirang (Awit 138:1-2). Wala silang anumang agam-agam sa pagsalunga sa mga krisis at kalamidad , hindi sa wala silang kamalayan sa mga nagaganap sa daigdig, kundi sapagkat sumampalataya sila sa pangako ng Diyos na Siya ang " MANGUNGUNA SA IYO. SASAMAHAN KA NIYA. HINDI KA NIYA PABABAYAAN" (Deut. 31:8, MB). Ang mga sambahayang Iglesia ni Cristo ay nagtatalaga rin sa pananalangin, at buong pagtitiwalang sumampalataya na sa pamamagitan nito ay magkaroon sila ng "LAKAS UPANG MAKALIGTAS SA LAHAT NG MANGYAYARING ITO " (Lucas 21:36, MB) bago dumating ang paghuhukom.


Sa kabuuan, maituturing natin na ang taong 2014 ay puspos ng kaligaligan at matitinding kahirapan, subalit ang mga tunay na Cristiano ay nakakasumpong ng kaaliwan sa pananalita ng Panginoong Jesucristo :


" At kayo nga sa ngayon ay may kalumbayan: nguni't muli ko kayong makikita, at magagalak ang inyong puso, at walang makapagaalis sa inyo ng inyong kagalakan. " (Juan 16:22)

Sabado, Disyembre 27, 2014

SINO ANG TUNAY NA MANANAMBA SA DIOS?




Yayamang ang isa sa pinakamahalagang elemento ng relihiyon ay ang pagkilala at PAGSAMBA sa Diyos, dapat suriing mabuti ng bawat isa ang pagkilala at pagsamba sa Diyos ng kinaaaniban niyang relihiyon kung nais niyang makatiyak na siya'y kabilang sa mga tunay na mananamba at tunay ang relihiyong kaniyang kinabibilangan.

Ang tunay na MANANAMBA ay nasa loob ng tunay na relihiyon at SUMASAMBA SA TUNAY NA DIYOS. Itinuro ng ating Panginoong Jesucristo ang ganito:



" Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya. " (Juan 4:23)


Inuri Niya rito ang mga sumasamba sa Diyos. Mayroon Siyang tinutukoy sa talatang ito na mga TUNAY na mananamba. Ito'y nagpapahiwatig na may HINDI TUNAY rin na mananamba.

Mangyari pa, ang mga tunay na MANANAMBA ay ang mananamba sa tunay na Diyos. Labag sa katuwiran na ituring na tunay na mananamba ang sinumang tao na ang kinikilala at sinasamba ay HINDI ANG TUNAY NA DIYOS. Alin mang pagsamba na hindi ang tunay na Diyos ang pinag-uukulan ng pagpupuri, pagpapasalamat at pagluwalhati ay hindi tunay, walang katuturan at hindi nakakalugod sa Diyos. Kahit na sabihin pa na ang gayong mga pagsamba ay isinagawa na may kalakip na pagpapasakit at pagpapagal, yaon ay hindi bibigyang-halaga ng tunay na Diyos.


Kaya hindi mahirap tiyakin kung sino sa mga nagpapakilala ngayon na sila'y Cristiano ang mga tunay na mananamba. Aalamin lamang natin kung sino sa mga ito ang kumikilala at sumasamba sa tunay na Diyos. At upang hindi tayo madaya ng bulaang tagapangaral, si Cristo ang paniniwalaan natin kung sino ang ipinakilala Niyang Diyos, sapagkat ayon sa Kaniya, :


" Ang nagsugo sa akin ay tunay, na hindi ninyo nakikilala. Siya'y nakikilala ko; sapagka't ako'y mula sa kaniya, at siya ang nagsugo sa akin" (Juan 7:28-29)


Si Cristo ang inakala ng Iba na Diyos. Siya raw ay isa sa mga persona ng tinatawag na TRINIDAD, Bagaman maging ang mga nagtuturo ng gayong aral, ay nagsasabing wala sa Biblia ang Trinidad, ni ang sinasabing mga persona nito. Subalit kailanma'y hindi ipinakilala ni Cristo ang Kaniyang sarili bilang tunay na Diyos. Manapa'y ganito ang sabi Niya sa Kaniyang Panalangin:


" Ama, dumating na ang oras. Luwalhatiin Mo ang Iyong Anak, upang luwalhatiin Ka rin ng Iyong Anak, ... At ito ang Buhay na walang hanggan ang makilala Ka nila, IKAW NA KAISA-ISANG TUNAY NA DIOS, at si Jesus-Cristong sinugo Mo" (Juan 17:1-3, Salita ng Buhay)


Maliwanag na ang Ama ang kaisa-isang tunay na Diyos na kinikilala at ipinakilala ni Cristo. Sinumang nagsasabing siya'y tagasunod ni Cristo ay dapat maniwala at sumampalataya sa itinuro Niyang ito.

Maliwanag din Niyang itinuro rito ang dakilang kahalagahan ng pagkilala sa tunay na Diyos--ito ang ikapagtatamo ng BUHAY NA WALANG HANGGAN.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Apostol Pablo na walang hanggang kapahamakan ang nakalaan sa mga hindi nagsikilala sa Diyos:



" Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:
Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan. " (2 Tesalonica 1:8-9)


Kaya hindi mabuting maliitin o baliwalain ng sinuman ang pagsusuri tungo sa pagkilala sa tunay na Diyos sapagkat ang nakataya rito ay ang buhay na walang hanggan at ang sinumang mahuhulog sa di pagkilala sa iisang tunay na Diyos ay nanganganib naman sa walang hanggang kapahamakan.

Ipinakilala rin ng mga Apostol na ang Ama ang iisang tunay na Diyos. Pahayag ni Apostol Pablo:

" Bagamat marami ang natuturingang' dios ' sa langit daw at sa lupa (dahil maraming dini-dios at pinapanginoon ang mga tao), iisa lamang talaga ang Dios ang Ama na lumalang sa lahat" (1 Corinto 8:5-6, SNB)




Ang aral na nagsasabing wala nang iba pang dapat kilalaning Diyos maliban sa Ama na Manlalalang ay itinuro sa panahon pa ng mga propeta. Ganito ang sabi ni Propeta Malakias:


" Hindi ba iisa ang ating Ama at ito'y ang iisang Diyos na lumalang sa atin? " (Malakias 2:10, Magandang Balita Biblia)


Samakatuwid, ang pagiging isa ay mahalagang katangian ng tunay na Diyos. Kaya, ang sinumang hindi kumilala na ang Ama lamang ang iisang tunay na Diyos, wala nang iba pa, ay HINDI TUNAY NA MANANAMBA kahit sabihin pang siya ay may isinasagawang pagpupuri at paglilingkod sa kinikilala niyang "diyos". Bukod dito sinasalungat din niya ang itinuturo ng Panginoong Jesucristo, ng mga Apostol, at ng mga Propeta tungkol sa Diyos, na ang Diyos ay iisa ay Siya ang Manlalalang.

Itinuro rin ng Panginoong Jesucristo kung ano ang likas na kalagayan ng tunay na Diyos na sinasamba ng mga tunay na mananamba sa Kaniya. Ganito ang sabi Niya :


" Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.
Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan. "(Juan 4:23-24)


Ang Tunay na Diyos ay Espiritu. Nilinaw ng Panginoong Jesucristo kung ano ang kahulugan ng pagiging espiritu:


" Ang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin" (Luc. 24:39)


Ang pahayag na ito ni Jesus ay katumbas na rin ng pag sasabing hindi Siya ang Diyos, sapagkat nakikita na nasa Kaniya (Jesus) ang laman at mga buto na hindi taglay ng Espiritu o ng Diyos.

Kung gayon, hindi maituturing na tunay na MANANAMBA sa Diyos ang mga naniniwalang si Cristo ang Diyos at Siya ang sinasamba bilang Diyos. Si Cristo ay ipinag-utos ng Diyos na sambahin hindi dahil Siya ay Diyos kundi ito'y dapat gawin sa kaluwalhatian ng Diyos:


" Kung kaya't sa pangalan ni Jesus ay luluhod ang lahat sa langit at sa ibabaw ng lupa at sa ilalim ng lupa , at ipahahayag ng lahat ng dila na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama " (Filipos 2:10-11, SNB)


Hindi rin maituturing na Tunay na mananamba ang mga naniniwala sa Trinidad sapagkat hindi nila tinanggap ang aral na ang Ama lamang ang tunay na Diyos, wala nang iba liban sa Kaniya.


Ang sabi Ni Jesus na ang Ama, na iisang tunay na Diyos, ay walang laman at mga buto ay nagpapakilala sa isa pa sa mga katangian ng tunay na Diyos, HINDI SIYA NAKIKITA, Ganito ang sabi ni Apostol Pablo:



" Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, DI NAKIKITA, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa. " (1 Timoteo 1:17)


At sapagkat ang tunay na Diyos ay hindi nakikita, hindi Siya maaaring igawa ng representasyon sa anyo ng isang larawan o rebulto. At ito'y ipinagbabawal, gaya ng sinabi ni Apostol Pablo:


" Hindi natin dapat iparis ang Dios sa isang imahen na gawa ng mga tao at yari sa ginto, pilak o bato " (Gawa 17:39, SNB)

Mula pa nang mga unang panahon ay ipinagbawal na ng Diyos ang paggawa ng imahen o larawan sa layuning ito ay sambahin:




" Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:
Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin "
(Exodo 20:4-5)

Kung gayon, hindi maaaring ituring na tunay na mananamba sa Diyos ang mga taong gumagamit ng imahen sa kanilang pagsamba sa Kaniya, manapa'y lumalabag sila sa kalooban ng Diyos at ang relihiyong nagtututuro ng gayon ay tiyak na hindi tunay. Bagaman pinangangatwiranan ito ng iba at sinasabi nilang hindi raw ang larawan ang kanilang talagang pinupuri at sinasamba kundi ang Diyos na Siya raw ang pinag-uukulan nila ng lahat ng kanilang ginagawang paglilingkod sa harap ng larawan, subalit may pasya na ang Diyos sa gayong uri ng pagsamba. Ang sabi Niya'y, :


" Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan. " (Isaias 42:8)


SALAMAT SA DIYOS sapagkat sa pamamagitan ng Kaniyang pagsusugo sa mga huling araw ay nakilala natin na Siya lamang, ANG AMA NA LUMALANG SA ATIN , ang tunay na Diyos. Totoo na nakasaad sa Banal na Kasulatan na kung ibig ng sinuman na malaman ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, pati na ang Kaniyang mga katotohanan, ay dapat niya itong hanapin sa Kaniyang mga sugo:


" Tungkulin ng mga saserdote na ituro ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. S kanila dapat sumangguni ang mga tao tungkol sa aking kalooban, sapagkat sila ang mga sugo ng Makapangyarihang si Yahweh" (Mal. 2:7, MB)

Miyerkules, Disyembre 24, 2014

KAMATAYAN NG TAO






Naisip kong magpost ng artikulo ang ukol sa KAMATAYAN NG TAO. Sapagkat isang masakit sa isang tao na mamatayan ng MAHAL SA BUHAY. Isa na ako rito nitong nakaraan lang na araw, Dec.19, 2014. Nang mamatay ang aking kapatid. Para anyang tinupukan ka ng TINIK sa puso mo habang pinagmasdan ang yumaong mahal mo sa buhay, subalit gaya ng PAYO NG ILAN, " doon paroon o nakatakda ang lahat ng tao" kaya dapat tanggapin, which is tama naman ang sinabi nila sapagkat nakasulat nga:



Roma 5:12, MB
".....lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao sapagkat ang lahat ay nagkasala "


Lumaganap na ito sa lahat ng tao at LAHAT AY TINAKDAAN. Masakit man ang mamatayan subalit gaya ng sinabi, " Tanggapin ito, sapagkat ang BUHAY ay isang napakarupok. Tiniyak ng Biblia ang karupukan ng buhay ng tao at ganito ang sabi:


Santiago 4:14
" Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi. "


Ang buhay ng tao ay walang katiyakan o walang nakakaalam kung bukas ay babawiin ito ng Diyos sapagkat gaya ng sabi:


" Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi. "


Maging si apostol Pablo ay ipinaliwanag kung paanong ang kamatayan ay nagudulot ng panganib sa ating buhay:


"Araw-araw ay nabibingit ako sa kamatayan, mga kapatid ... At kami, bakit namin isinasapanganib pa ang buhay namin oras-oras? " 1 Cor.15:31, 30, NPV


Gusto man ng taong pigilin ang kamatayan, siya ay walang kapangyarihan dito ( Ecles. 8:8 ). Hindi maikakaila na walang pinipili ang kamatayan. Ito ay darating saanman at kailanman; madalas ay bigla, masakit at di-inaasahan. At bagaman marami at iba't iba ang paniniwala patungkol sa mangyayari sa tao kapag siya ay namatay, ganito naman ang sinasabi ng biblia:



Ecles. 10:14 MBB

" Ang mangmang ay walang tigil sa pagyayabang. Ngunit sinong makakapagsabi ng susunod na pangyayari at ng magaganap kapag siya ay patay na? "


Kaya ang Dios ang dapat nating paniwalaan tungkol sa mangyayari sa tao kapag siya ay namatay. May mga naniniwala na ang kamatayan ng tao ay isang malaking kasawiang-palad sapagkat kasabay nito ay natatapos na ang lahat para sa kaniya. Iniisip naman ng iba na mabuti pang sila’y kumain na lamang at uminom habang nabubuhay sapagkat nakatakda naman silang mamatay. Mabuti pang sila’y kumain na lamang at uminom habang nabubuhay sapagkat nakatakda naman silang mamatay. Mabuti raw na magpakaligaya habang nabubuhay dahil di na raw ito magagawa ng tao kung patay na. Sa kabilang dako, may mga tao naming dahil sa bigat ng suliranin ay napapatiwakal upang mawakasan na ang kanilang paghihirap.


Bagaman ang kamatayan ay kasawiang-palad, gayunman, mayroong ipinakikilala ang biblia na MAPALAD NA KAMATAYAN Ganito ang sinasabi ng Banal na Kasulatan:



Apocalypsis 14:13
" At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo, MAPAPALAD ANG MGA PATAY NA NANGAMAMATAY SA PANGINOON mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; SAPAGKA'T ANG KANILANG MGA GAWA AY SUMUSUNOD SA KANILA."


Itinuturo ng Biblia na mapalad ang mga taong nangamatay sa Panginoon sapagkat pagpapahingahin na sila sa kanilang mga gawa. Sino ang Panginoon na tinutukoy na kung namatay ang tao na nasa Kaniya ay mapalad? Sa Gawa 2:36 ay ganito ang paglilinaw ng Biblia:



" Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus."



Si Cristo ang tinutukoy na Panginoon . Sino namang ang sa Panginoong na may mapalad na kamatayan? Ayon mismo kay Cristo, ang sa kaniya ay ang Kaniyang Iglesia:




Mateo 16:18 (Magandang Balita Biblia)
“ At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. "



Ang pinatotohanan ng Biblia na sa Panginoon ay ang mga kaanib sa Kaniyang Iglesia. Sila ang mga tao na kung mamatay man ay mapalad. Ayon sa Biblia, ang Iglesiang kay Cristo ay ang Iglesia ni Cristo:



Gawa 20:28 (Lamsa Translation, isinalin mula sa Ingles)
" Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng Kaniyang dugo."



Kaya, ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ang may mapalad na kamatayan. Sa Pagkabuhay na mag-uli.Bakit mapalad ang kamatayan ng kay Cristo o ng nasa Iglesia ni Cristo? Sa 1 Tesalonica 4:16-17 ay ganito ang paliwanag:


" Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man."



Sa muling pagparito ng Panginoong Jesucristo o sa araw ng Paghuhukom,ang mga namatay na kay Cristo ang unang bubuhaying muli upang, kasama ng mga daratnang buhay sa Kaniyang pangalan, sumalubong sa Kaniya. Ang mga taong ito ay tunay na mapalad:




Apocalypsis 20:6
" Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon."


Ang ikalawang kamatayan na wala nang kapangyarihan sa mga nakalakip sa unang pagkabuhay na mag-uli ay ang kamatayan sa dagat-dagatang apoy:



Apocalypsis 20:14
" At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy."


Ang tahanan ng mapalad


Saan tatahan ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na muling binuhay at mga daratnang buhay na hindi na makararanas ng kamatayan? Sa 2 Pedro 3:13 ay ganito ang mababasa:




"Sa bagong Lupa na may bagong langit tatahan ang mga maliligtas."


Ito ang bayang banal:


Apocalypsis 21:1-4
" At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na. At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na."



Sa bagong langit-sa bayang banal o bagong Jerusalem-ay wala nang kamatayan. Wala nang pagluha ni panimbitan man sapagkat ang mga dating bagay ay wala na. Gayundin, ang mga makararating dito ay ligtas na mula sa kaparusahan sa dagat-dagatang apoy. Ito ang napakadakilang kapalaran na naghihintay sa mga nasa loob ng Iglesia ni Cristo. Para sa kanila, ang kamatayan ng kanilang katawang-laman o pagkalagot ng hininga ay pagpapahinga lamang. Hindi nila kailanman ito kinatatakutan sa pagkat mayroong nakalaan sa kanila na buhay na walang hanggan sa bayang banal na ipinangako ng Panginoong. Ano ang itinuturo ng Biblia sa mga kaanib sa Iglesia ni Cristo upang maingatan nila ang kanilang dakilang kapalaran?



Awit 1:1-3
" Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.
Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi. "
" At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; at anumang kaniyang gawin ay giginhawa."



Mapalad ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na hindi lumalakad sa daan ng mga makasalanan bagkus ay sumusunod sa mga kautusan ng Panginoon. Sila ay tiyak na magtatamo ng mga pagpapala ng Diyos dito pa lamang sa buhay na ito. At kung sila man ay abutin ng kamatayan o ng pagkalagot ng hininga, tiyak na sila ay bubuhaying muli upang tamuhin ang pangakong bayang banal at buhay na walang hanggan. .

Martes, Disyembre 16, 2014

BANAL NA KASUOTAN SA PAGSAMBA




Bakit nga ba ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ay nagpapatupad ng kaayusan sa pagsamba, LALO NA SA KASUOTAN SA PAGSAMBA SA DIOS?. Ganito ang tanong ng isang nagsusuri, tawagin nalang daw sa Pangalan na Junel:


"Bakit kung kayo'y sasamba ay kailangan naka polo at naka slacks at napaka PORMAL? Paano kung galing ka sa importanteng lakad at hind ka naka bihis at gusto mo sumamba? May pinipili pala ang Dios? "


SAGOT:


Sa pagsunod po sa Diyos, ay hindi ang naaayun sa sariling pamamaraan kundi may pinapatupad na naaayun sa Pamamaraan o kagustuhan ng Diyos (Roma 10:3, BMBB). Kung gayon malinaw na may sinusunod tayong lagi, na marapat ding alamin kung nalulugod ang Diyos sa pagtupad natin sa Kaniyang utos. Upang ating matiyak na ang pagsunod nga ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa pagpapatupad ng pagsuot ng angkop o BANAL NA KASUOTAN ay naaayun ba sa Biblia? Ganito po ang patotoo:


“Magsiawit kayo sa Panginoon ng isang panibagong awitin; magsiawit kayo, buong sangkalupaan. Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ang kanyang pangalan; ipamahayag ninyo araw-araw ang kaligtasang nanggagaling sa kanya. Isalaysay ninyo sa mga bansa ang kanyang kahanga-hangang gawa. “Maghandog sa Panginoon ng kaluwalhatiang ukol sa kanyang pangalan! Handugan siya ng mga alay at pumasok sa kanyang mga looban mga looban; ; Sambahin ang Panginoon nang may banal na kasuotan. Manginig kayo sa harap niya, sangkalupaan!” (Awit 96:1-3, Awit 8-9 Abriol)



(Abriol- Ang salin po na ito ay salin na ginawa ng isang paring Katoliko na si Jose Abriol.)

Ito Pa mula sa Salin na New English Translation:

1 Chronicles 16:29 Ascribe to the Lord the splendor he deserves! Bring an offering and enter his presence! Worship the Lord in holy attire!


Psalms 29:2, 10 Acknowledge the majesty of the Lord’s reputation! Worship the Lord in holy attire!

Psalms 96:9 Worship the Lord in holy attire! Tremble before him, all the earth!



Kabilang po sa utos ng Diyos ang “ SAMBAHIN ANG PANGINOON NANG MAY BANAL NA KASUOTAN”. May dapat din po tayo mapansin na ang “ BANAL NA KASUOTAN.” ay walang specific na uri ng damit kundi ang sabi ay "BANAL NA KASUOTAN". Kaya po may makikita kayo sa pagsamba sa loob ng Iglesia Ni Cristo na naka " BARONG, POLO, AMERIKANA o anuman na ANGKOP AT PORMAL na kasuotan sapagkat totoong nakasunod sa palatuntunan at nais ng Diyos na humarap sa Kaniya ang mga mananamba. Sinasang-ayunan ba ito ng mga Mananaliksik ng Biblia? Opo, ganito ang sabi :


“BANAL NA KASUOTAN…May pananalitang tinutukoy sa maayos (o marapat) na kasuotan’…” (The Interpreter’s Dictionary of the Bible, Vol. I, p. 231 )


Sinang-ayunan din ito maging sa pahayag ng Isang Pari na si Rev. T. G. Morrow:


WHAT DID GOD SAY ABOUT IT?

Does God really care what I wear to Mass? Well, He said He did. In the Scriptures we read: "Worship the Lord in holy attire" (1 Chr.16:29, Ps's 29:2, 96:9). And, the Catholic Catechism teaches that our gestures and our clothing "ought to convey the respect, solemnity, and joy of this moment when Christ becomes our guest" in Holy Communion (para. 1387). "

Source:

www.cfalive.com/articles/worship-the-lord-in-holy-attire/


Ganito pa ang pahayag ni Msgr. Charles Pope:


" Adore the Lord in Holy Attire – On Proper Dress for Mass "
By: Msgr. Charles Pope

Source:

blog.adw.org/2010/05/adore-the-lord-in-holy-attire-on-proper-dress-for-mass/



Ganito ang uri at marapat na pagsamba sa Diyos sapagkat ang Diyos ay totoong nalulugod sa mga tunay na mananamba sa Kaniya:



Juan 4:23 Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.


Hinahanap ng Diyos ang ganung mananamba sa Kaniya na may kaayusan. Dapat nating isaisip na sa pagsamba ay HUMAHARAP TAYO SA DIYOS, kailangan ang buong puso na pagrespeto. Kung sa MATA LANG NG TAO sa pagsunod, gaya halimbawa nalang ng HUMARAP ka sa isang PRESIDENTE, papayag kaba na hindi ka nakabihis ng MAAYOS? Hindi ba't hinahanap at pinipili mopa ang damit na makakalugod at angkop na ihaharap sa kanila? Mas lalo na kung HAHARAP KANA SA DIYOS, Sapagkat Sa Kaniya ka sumamba. Ano ang dapat taglayin na ugali ng mga tunay na sumusunod sa utos ng Diyos? Ano ang dapat tandaan? Ganito ang pagtuturo:


1 Juan 5:3
" Sapagka't ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat. "

Ang sabi sa atin, TUPARING ANG UTOS NG DIYOS SAPAGKAT ITO AY HINDI MABIGAT, Hindi nabibigatan ang tunay na tumutupad o sumusunod sa utos ng Diyos, Kaya sa napansin ninyo ay lubusang naturuan ang Iglesia Ni Cristo sa pagpapatupad ng ganitong kaayusan, sapagkat sa lahat ng pagkakataon ay iniutos na gawing may kaayusan:



1 Corinto 14:40 Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.

Hindi lang pana-panahon kundi sa LAHAT NG PANAHON. Tandaan po na ang pagsunod sa ganitong mga gawa ay hindi lamang nalulugod ang mga tao ba makikita ang mga sumasamba na maayos, kundi higit na makapagbigay lugod sa KALOOBAN NG DIYOS:



Efeso 6:6-7
" Hindi ang paglilingkod sa paningin, na gaya ng pagbibigay lugod sa mga tao; kundi bagkus gaya ng mga alipin ni Cristo, na ginagawa mula sa puso ang kalooban ng Dios;
Maglingkod na may mabuting kalooban, na gaya ng sa Panginoon, at hindi sa mga tao"


Ganito ang uri ng isang tunay na tagasunod kay Cristo at sa Diyos. Isang tunay na uri ng relihiyon na tunay na nakatutupad at NAGPAPATUPAD sa KALOOBAN ng Diyos. Sana ay marami pa ang patuloy na nakakasumpong at makabilang sa mga "TUNAY NA MANANAMBA SA DIYOS" .

Malugod po namin kayong inaanyayahan sa mga Pagsamba sa loob ng Iglesia Ni Cristo upang matunghayan ang tunay na kaayusan na isinasagawa at ipinapatupad. Bumisita sa pinakamalapit na Gusaling Sambahan na malapit sa inyo..

Biyernes, Disyembre 12, 2014

SAKIM BA SA KALIGTASAN ANG IGLESIA NI CRISTO?





Marami ang nagkaroon ng maling isipan at pag-aakala ng marami lalo na ng mga hindi pa kilala ang Iglesia ni Cristo. Sapagkat bunga ng maling isipan ay nagkaroon ng poot ang ilan dahil dito. Ganito ang sabi ng isang kapatid sa INC, na sinabi naman ng isang mang-uusig sa kaniya :

" Bakit kayong mga INC, ay laging nagsasabi na kayo lang ang maliligtas? Ang kaligtasan ay para sa lahat at hindi dapat angkinin ninyo, sakim kayo sa kaligtasan "


Totoo ba talagang sakim ang Iglesia ni Cristo sa kaligtasan? Totoo po na kami'y nagsasabi na ang Iglesia Ni Cristo lamang ang maliligtas. Katunayan nito, hindi LAHAT NG MAY RELIHIYON o Dumi-Dios ay may karapatan sa kaligtasan, Sapagkat sabi ni Jesus marami ang tumatawag na PANGINOON subalit may hindi MAKAKAPASOK SA KAHARIAN, kundi ang gumanap lamang ng kalooban ng Diyos o ng Ama :


Mateo 7:21
" Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit."

Samakatuwid may mga tao na SUMUNOD lamang sa Diyos, sila lamang ang makakapasok sa kaharian o maliligtas. Subalit ano ang pruweba? May patotoo ba sa Biblia na ang Iglesia ni Cristo lamang?


Kung ang kaligtasan ay para pala sa lahat kahit wala ng effort o gawa na ipupuhunan ng tao, e bakit nagtuturo pa ang maraming relihiyon at mangangaral sa mga pamamaraan kung paano maligtas ang tao?. Hindi maipagkaila na ang ISA SA mga pangkaraniwang paksa ba itinuturo ng iba't ibang tagapangaral ng relihiyon ay kung paano makapagtatamo ang tao ng kaligtasan sa araw ng paghuhukom. Upang maipalaganap ang kanilang aral ukol diumano sa kaligtasan, sila ay pangkaraniwan nqng gumagamit ng MEDIA tulad ng telebisyon, radyo, at mga babasahin.

Hindi masama na akitin ang mga tao at papaniwalain ukol sa ikapagtatamo nila ng kaligtasan. Subalit ang dapat munang malaman ng tao ay kung sino ba ang may awtoridad sa pagtuturo ukol sa pagtatamo ng kaligtasan na siyang dapat sampalatayanan, at sundin ng lahat ng nagsisipaghangad na makapagtatamo nito?. Sa Biblia may maliwanag na na itinuro ng mga Apostol kung sino ang itinalaga ng Diyos na maging Tagapagligtas ng tao:


"Itinaas ng Diyos sa sarili niyang kamay bilang Prinsipe at Tagapagligtas upang maibigay niya ang pagsisisi't kapatawaran sa mga kasalanan ng Israel" [Gawa 5:31, New Pilipino Version]

Ang tinutukoy ng talata ay ang ating Panginoong Jesuscristo. Kaya, si Cristo ang dapat pakinggan natin ,paniwalaan at sundin ng sinomang tao na ibig maligtas sa Araw ng Paghuhukom. Ang itinuro ni Cristo na pangunahing hakbang na dapat isagawa ng tao para maligtas ay ang PAGSUNOD SA UTOS NIYA na pumasok sa loob ng KAWAN sa pamamagitan niya :


Juan 10:14, 7, 9
" Ako ang mabuting pastor; Nakikilala ko ang sa ganang akin at ang mga sa ganang akin ay nakikilala ako. Kaya muling nagsalita si Jesus: Katotohanan-katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako ang pintuan ng Kawan ng mga tupa. ... Ako ang pintuan, sinumang pumasok sa KAWAN sa pamamagitan ko ay magiging ligtas " [ Revised English Bible]

Ang KAWAN na binabanggit ni Cristo ay ang Iglesia Ni Cristo na binili Niya ng Kaniyang dugo:


Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.” [Lamsa Translation]


Samakatuwid, ang tinitiyak ni Cristo na maliligtas ay ang mga taong pumasok o umanib sa Iglesia Ni Cristo. Ito ang dapat munang matiyak ng tao at pangunahing gawin niya para makatiyak ng kaligtasan pagdating ng Araw ng Paghuhukom. Ito ang dahilan bakit sinabi ng mga kaanib na ang IGLESIA NI CRISTO lamang ang maliligtas at laging nanghihikayat ng mga tao na umanib dito, dapat rin tandaan na HINDI KAMI SAKIM SAPAGKAT ang Iglesia Ni Cristo ay walang sawa na ipinaaabot at ipinakilala sa lahat ng tao na malaman din nila ang KATOTOHANANG ito ang Tunay na sakim ay ang itago ang KATOTOHANAN at hindi ibahagi sa iba ang tunay na PARAAN NG IKAPAGTATAMO ng Kaligtasan.


Ipinakilala rin at pinatunayan pa ng mga Apostol kung sino ang mga taong tiyak na maliligtas sa galit at poot ng Diyos sa araw ng Paghuhukom. Sila ang pinawalang sala sa pamamagitan ng dugo ni Cristo :

Roma 5:8-9
" Ngunit ipinadama ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo'y makasalanan pa. At ngayong napawalang- sala na tayo sa pamamagitan ng kaniyang dugo, lalo nang tiyak na maliligtas tayo sa poot ng Diyos sa pamamagitan niya " [Magandang Balita Biblia]


Kung gayon, hindi maaaring basta angkinin na lamang ng sinuman na kabilang siya sa mga maliligtas kung hindi naman siy kabilang sa napawalang-sala sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. Ang napawalang -sala ay ang Iglesia Ni Cristo, sapagkat ito ang ang tinubos o binili ni Cristo ng Kaniyang dugo (Gawa 20:28,Lamsa). Kaya ayon din sa mga Apostol, ang taong may bahagi sa mga pangako ng Diyos at kabilang sa mga maliligtas ay talagang nasa Iglesia:


Gawa 2:47
" ... na nangagpupuri sa Diyos, at nangagtamo ng paglingap ng buong bayan. At idinagdag ng Panginoon sa Iglesia araw-araw yaong mga dapat na maligtas " [King James Version]


Kaya, sa pamamagitan ng pagtuturo ng ating Panginoong Jesucristo at maging ng mga Apostol, nabatid natin na ang tiyak na maliligtas sa Araw ng Paghuhukom ay ang mga nasa loob ng Iglesia Ni Cristo at hindi gawa gawa lamang ng mga Ministro at Pamamahala.

Bukambibig ng maraming tao sa kasalukuyan na sila diumano ay Cristiano. Ano ang tawag ng mga Apostol sa mga NASA LABAS NG IGLESIA NI CRISTO kait magpakilala pa silang CRISTIANO? Ang sabi ni Apostol Juan, ang gayon ay sinungaling:

1 Juan 2:4
" Maaaring sabihin ng isang tao,'ako ay isang Cristiano, ako ay nasa daan patungo sa langit, ako ay na kay Cristo. 'Ngunit kung hindi naman niya ginagawa ang iniuutos sa Kaniya ni Cristo na gawin niya, siya'y isang SINUNGALING " [King James Version]


Kung sabihin ba ng isang tao na siya ay isang Cristiano, tunay naba siyang Kay Cristo? Hind!. Ano ang katunayan nito? Ang sabi ni Apostol Juan :


" Maaaring sabihin ng isang tao,'ako ay isang Cristiano, ako ay nasa daan patungo sa langit, ako ay na kay Cristo. 'Ngunit kung hindi naman niya ginagawa ang iniuutos sa Kaniya ni Cristo na gawin niya, siya'y isang SINUNGALING "


Tandaan natin na ang isa sa mga pangunahing ipinag-uutos ni Cristo na gawin ng Tao para siya ay kilalanin Niya at maligtas ay ang pagpasok o pag-anib sa Iglesia Ni Cristo.

Masama na ang tao ay nasa labas ng Iglesia Ni Cristo sapagkat ang gayon ay may hatol ng Diyos:


1 Corinto 5:12-13
" Ano ang karapatan kong humatol sa mga taga-labas ng Iglesya? Hindi ba kayo ang hahatol sa mga nasa loob? Ang Dios ang hahatol sa mga nasa labas. Itiwalag ninyo ang masama ninyong kasamahan' " [New Pilipino Version]


Kailan at ano ang hatol ng Diyos sa mga nasa labas ng Iglesia? Sa Araw ng Paghuhukom ay ibubulid sila sa Apoy:


2 Pedro 3:7
" Sa bisa rin ng salitang ito, nananatili ang langit at lupa upang tupukin sa apoy pagdating ng Araw ng Paghuhukom ag pagpaparusa sa masama " [Magandang Balita]

Apocalipsis 20:14-15
" At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinuman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. "


Kaya napakahalagang ang tao ay mapaloob sa Iglesia Ni Cristo. Napakadakilang kapalaran ang matatamo ng mga taong susunod sa ating Panginoong Jesucristo dahil tiyak silang maliligtas sa hatol ng Diyos.

Martes, Disyembre 9, 2014

BAKIT PARAMI NG PARAMI ANG UMAALIS SA KINAGISNANG RELIHIYON AT UMANIB SA INC?




KUNG Subaybayan lamang ng tao ang takbo ng bawat relihiyon ngayon, ay sadyang nakakatawag pansin nga ang kakaibang pagsulong ng IGLESIA NI CRISTO KUMPARA SA IBANG RELIHIYON NA NAGLIPANA ngayon sa buong mundo. Marahil naitanong na ng marami sa kanilang sarili kung bakit kaya ganito nalang ka bilis ang pag usbong ng INC, at marami ang umalis sa dating relihiyon ?



Ang paglaganap ng Iglesia Ni Cristo ay mabibilang na nasa uri ng matagumpay na gawain ng Diyos. Sa panahon ng mga unang taon nito , pari at maging ang mga CFD's kung tatawagin , pati na rin ang mga pastor ng protestante ay nakatuon ang pagtutol sa mga Ministro ng Iglesia Ni Cristo sa mga pampublikong talakayan sa doktrina , habang ang mga kasapi nila ay lubusang NAGSISIRAAN at NANG-UUSIG. Subalit ang ang Iglesia ay lubusang nakapanindigan. Ang mga manunuligsa ay sama-sama sa pagsisikap upang harangan ang pag-usad ng Iglesia ni Cristo subalit sila'y nabigo upang pigilan ito mula sa pagpapalaganap ng mga dalisay na mga Salita ng Diyos. Kaya ang Iglesia Ni Cristo ngayon ay laganap na sa BUONG MUNDO at PATULOY NA NAGBUBUNGA ng mga UMALIS SA KINAGISNANG RELIHIYON at Sa kasalukuyan nang nasa hindi bababa sa 98 Na Bansa at teretoryo.


Ang iba pa din na mga simbahan na ng ibang relihiyon ay literal na isinara dahil sa tuloy-tuloy na pagtanggi ng mga mananamba, Ang kabaliktaran naman nito sa kanilang pagpipigil ay totoong nangyari sa Iglesia ni Cristo sa katunayan ay naibenta na at nakuha nito ang kanilang pag-aari sa iba't-ibang bahagi ng mundo, na higit sa isang gusaling simbahan na dating pag-aari nila na ngayon ay pag aari na ng Iglesia ni Cristo at ni renovated o lubusang pinalitan ng bago at malalaking Gusaling Sambahan. Totoong naitatanong ng maraming tao ang takbo ng Iglesia sa kabila ng natatamasa ngayon ng ibang relihiyon ng Global Crisis, subalit hindi naging hadlang sa gawain ng Dios :


Isaias 54:2-3
" Linisin ang maraming lupain para sa iyong tolda! Gawin ang iyong mga tolda na malaki. Maikalat ! Magisip ng Malaki ! Gumamit din ng maraming mga lubid , gawing malalim ang tulos. Na kailangan mo ng maraming sikong kuwarto para sa iyong lumalaking pamilya. Na iyong pupuntahan upang sakupin buong bansa; Na iyong pupuntahan at isaayos ang inabandunang mga lungsod " [The Message]


Limang taon ng Siya'y inilagay, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ay nakapaghandog na sa Diyos ng maraming bilang ng mga gusaling Sambahan sa Pilipinas at sa labas ng Bansa. Sa parehong tala Maging sa mga nag aral sa pagka ministro sa College of Evangelical Ministry ay lumalaki naman ang bilang.

Ang mga Pangyayaring ito ay kahayagan ng patnubay ng Diyos sa kaniyang bayan. Ano ba ang Dahilan ng gawain ng Diyos sa napakabilis na gawaing ito? Ito ay sapagkat " ....GINAGAWA NA NG DIYOS ANG HULING GAWAIN SA PAGSASAAYOS NG KALIGTASAN..." [Roma 13:11-12, THE MESSAGE].

Sa napansin ng lahat, Ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay walang sawa na nagiimbita sa lahat upang makinig ng mga Aral na itinuturo nito, na sa kasalukuyan namang nagpapatayo pa ng maraming mga Gusaling Sambahan sa bawat baranggay at liblib na lugar upang sa gayon ay lubusang mailapit sa tao ang Dalisay at tunay na Aral na nais ng Diyos na malaman ng tao.

Sa mga naunang article natin ay ating naipaabot ang mga pamamaraan ng tao upang mas maipaghanda pa ang mas MALAKING NAKATAKDANG KAPAHAMAKAN na dapat mas maihanda ang sarili, kaya ganito nalang ka init ang pagsisikap ng mga Kaanib ng INC upang mahikayat pa ang maraming tao na malaman ang katotohanang ito. Oo totoong may hindi pa nakakaalam ng mga pangyayaring ito sa kanilang paligid dahil sa hindi MAHALAGA SA KANILA ang nangyayari subalit may mga nais silang malaman.


ANO ANG PANAWAGAN SA MGA HINDI PA NAG IGLESIA NI CRISTO? BAGO MAGING HULI ANG LAHAT , ANO ANG DAPAT GAWIN?




Ilang beses na ba kayong humarap sa isang sitwasyon kung saan, halos susuko na, at sinabi ninyong " HULI NA ANG LAHAT" ? Ilang beses nang naisip , " MAS MAGANDA SANA ANG NANGYARI KUNG GANITO O GAYON ANG GINAWA KO," o kaya'y , " KUNG MAIBABALIK KO LAMANG SANA ANG KAHAPON".

Kung nahaharap sa mga gayong sitwasyon, hindi ba madalas ninyong sinisisi ang inyong sarili o kung minsan ay ang Ibang tao dahil sa nasayang na oportunidad? Mabuti sana kung marami tayong pagkakataon mabawi pa ang nawalang panahon at maituwid ang ating mga naging kamalian.

Ngunit nakakalungkot na minsan lamang tayong makakakita ng gayong pagkakataon; at kahit pa magkaroon tayo ng pangalawang pagkakataon, hindi na rin maibabalik pa ang dati.

SA pagtatangkang MABAWI ang nawalang oportunidad, kung minsan ay nabibigkas na lamang natin, " BETTER LATE THAN NEVER"[mabuti ng huli kaysa wala]…Ngunit mag-ingat! Pagdating sa bagay ukol sa kaluluwa, hindi marapat ang ganitong isipan. Ayon sa Biblia:



2 Corinto 6:1-2, MBB
" Yamang kami'y mga katulong sa gawain ng Diyos, ipinamamanhik namin sa inyo na huwag ninyong sayangin ang PAGKAKATONG ibinibigay sa atin ng Diyos. Sapagkat sinasabi niya, “Sa kaukulang panahon ay pinakinggan kita, sa araw ng pagliligtas, sinaklolohan kita.” Tingnan ninyo! Ngayon na ang panahong nararapat! Ngayon ang araw ng pagliligtas! "


WALANG kasing halaga ang kaligtasan ng ating kaluluwa. Ngayon ang tamang panahon upang ito'y harapin. Huwag na natin itong ipagpabukas pa. HUWAG na natin sayangin ang pagkakataong minsan lamang ibinibigay sa atin. HABANG ang iba ay kumalas na sa kanilang kinagisnang relihiyon dahil sa tawag ng Diyos, Pag-isipan mo ito:


MARUPOK PO ANG BUHAY

Santiago 4:14, MBB05
" Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng bukas! Ang buhay ninyo'y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala."


Ang buhay ay marupok at maikli lamang. Gayunman ito ang pinakamahalaga sa ating mga TINATANGKILIK:



Marcos 8:36-37, MBB
" Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay? "


WALANG anumang bagay sa mundo na maitutumbas sa halaga ng buhay. Kaya nga ginagawa natin ang lahat upang ito ay mapantili. Hindi po nagkakamali ang ginawa ng maraming nag convert sa Iglesia Ni Cristo sapagkat napagtanto nila ang kahalagahan at karupukan ng buhay. KAYA HABANG MAY PANAHON PA, AY HUWAG NG SAYANGIN.


May tao na sa pagkakaalam na maikli lamang ngunit napakahalaga ng buhay ay sinusunod ang pilosopiya ng mga HEDONISTA: " kumain tayo, uminom, at magsaya sapagkat bukas tayo'y mamamatay." ITO ba ay tamang paraan ng paggugol at pag-iingat ng buhay?


Lucas 12:15 MBB
" At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”


Ang pagkakamal ng kayamanang panlupa ay hindi siyang buong kabuluhan at kahulugan ng buhay. Higit kaysa maging mayaman sa materyal na bagay, dapat nating hangarin na maging mayaman sa mata ng Diyos upang makamit ang kaligtasan ng ating kaluluwa:

Marcus 8:36
" Ano'ng pakinabang ng isang tao, makamtan man niya ang buong sanlibutan kung mapapahamak naman ang kaniyang kaluluwa?" [New Pilipino Version]


HANAPIN ANG KAHARIAN

Sa halip na mabalisa sa mga pangangailangan sa buhay na ito, dapat muna nating hanapin ang KAHARIAN ng Diyos:


Mateo 6:25,33
" Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin.....
" Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo. "


Ang nakahanap sa kaharian ng Diyos ay ang pumasok sa KAWAN NG PANGINOON sapagkat sa kawan ibinigay ang kaharian ang KAHARIAN :

Lucas 12:32, MB
" Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian."


Ang Kawan ay ang Iglesia Ni Cristo :


Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong KAWAN na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”[Lamsa Translation]


Huwag sayangin ang pagkakataong maligtas, umanib sa tunay na Iglesia Ni Cristo. Dito namulat ang marami sapagkat totoong dito idinaragdag ng Diyos ang mga dapat maligtas (Gawa 2:47,KJV).

Sabado, Disyembre 6, 2014

SI MARIA RAW HINDI NAGKASALA?




Isang kagimbal-gimbal at nakapanindig balahibong Aral na turo ng mga CFD. Ang larawan ay mula sa "Splendor of the Church" ng CATHOLIC. Ang sabi nila :


" Kung bumaba ang Espiriu Santo kay Maria ibig sabihin lang nito samakatuwid WALA SIYANG BAHID KASALANAN Dahil hindi lulukob si ang Espiritu Santo kay Maria kung itoy may Sala at gayundin kailangan pa nito ng isang SErrafin upang linisin ang kanyang bibig.. Tama ba ako? Ayan ang Immaculate Conception.."

Source :

SPLENDOROFTHECHURCH



Pansinin natin ang Sinabi, Kung may KASALANAN pa raw ay " hindi lulukob si ang Espiritu Santo kay Maria kung itoy may Sala "

Upang hindi tayo mailigaw nitong maling aral ay ating suriin ang mga katotohanan mula sa Biblia, sabi pa nga :


1 Juan 4:1 MBB
" Mga minamahal, huwag ninyong paniniwalaan kaagad ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin muna ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito. "


Totoong maraming nagpapakilala na tunay sila o tunay na mangangaral. Kaya, upang ating matiyak ang kanilang paniniwala ay talagang nakabatay sa Banal na Kasulatan ay suriin naman natin, sapagkat napakahalaga na malaman ito ng tao sapagkat ang Salita ng Dios ay KATOTOHANAN (Juan 17:17), at hindi kabulaanan.

Ngayon, ayun sa Biblia sino lamang ba ang ipinakilala na hindi nagkasala? Ganito ang pagtuturo:

1 Pedro 2:21-22
" Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya:
" Na siya'y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig."


Si Jesus lamang ang Siyang hindi nakakilala o nasumpungan man ng pagkakasala. Siya ba ay Tao?Opo, Totoo at tunay na TAO ayun mismo kay Cristo (Juan 8:40).


Kung gayon NAPAKALINAW na ang lahat pala ng Tao ay nagkasala nga liban lamang kay Cristo. Kaylan pa ang tao ay nagkasala?


Roma 5:12, MBB
" Ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan sa pamamagitan ng isang tao, at ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng kasalanan. Dahil dito, lumaganap ang kamatayan sa lahat ng tao dahil ang lahat ay nagkasala. "


Mula pa noong una mula sa sinaunang Tao, ang lahat ay NAGKASALA na. Bunga nito ang tao ay Hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Dios. Kaya ang sabi :


Roma 3:23
" Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios; "


Bago nagkasala sina Adan at Eva, wala pang kamatayan ang tao. Pumasok lamang ang kamatayan sa sangkatauhan nang sila ay sumuway sa utos ng Dios at nagkasala (1 Juan 3:4 ) Kaya Tinakdaan ng Dios ng kamatayan ang tao :



Roma 6:23
" Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan "


Kaya, upang ang tao ay makabalik sa Dios dahil sa nahiwalay ng kasalanan, ay dapat na mapabilang siya sa pagkalalang kay Cristo. Ito ang kalooban ng Dios :


Efeso 2:10
" Sapagka't tayo'y kaniyang gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Dios nang una upang siya nating lakaran".


Malalalang kay Cristo ang taong sa paraang ang " DALAWA AY LALANGIN SA KANIYANG SARILI ANG ISANG TAONG BAGO " (Efe.2:15 ), na binubuo ni Cristo bilang ulo at ang Iglesia bilang katawan Niya (Col.1:18 ). Si Cristo at ang Kaniyang Iglesia ay hindi na dalawa sa harap ng Dios kundi iisa lamang--ISANG TAONG BAGO.


Kaya, malalalang kay Cristo ang tao kung siya ay magiging bahagi ng isang TAONG BAGO na ang katumbas ay umanib sa Iglesia ni Cristo sapagkat Siya na ulo at ang Iglesia na katawan ay iisang tao lamang sa paningin ng Dios.

Maaaring Bisitahin ang Kabuuan ukol sa Topic na ito ukol sa ISANG TAONG BAGO:


ISANG TAONG BAGO

Hayag ang kanilang maling aral na itinuro sa mga tao upang ang tao ay mailigaw. Hindi isang sapat na dahilan upang pangatwiran na sa kadahilanang, Si Maria ay ginamit bilang Kasangkapan sa pamamagitan ng Espiritu Santo ay hindi na siya nagkasala, sapagkat ang katotohanan nito, KAPAG ANG DIOS ay may PANUKALA sa alinmang Kaniyang mahahalagang gawain ay totoong mangyayari ito sa iba't ibang paraan na may sapat na gabay at paraan. May mga halimbawa ba tayo na pinili ng Dios sa mga gawain Niya ? ito ang iilan :


Pagpili kay Moises


Exodo 4:12 Ngayon nga'y yumaon ka, at ako'y sasaiyong bibig, at ituturo ko sa iyo kung ano ang iyong sasalitain.


SI PROPETA JEREMIAS


Jeremias 1:5 Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita, at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal kitang propeta sa mga bansa.


SI JUAN BAUTISTA

Lucas 1:15 Sapagka't siya'y magiging dakila sa paningin ng Panginoon, at siya'y hindi iinom ng alak ni matapang na inumin; at siya'y mapupuspos ng Espiritu Santo, mula pa sa tiyan ng kaniyang ina.


AT ANG MGA APOSTOL AY PINUSPUS DIN NG ESPIRITU SANTO


Gawa 2:4 At silang lahat ay nangapuspos ng Espiritu Santo, at nangagpasimulang magsalita ng iba't ibang wika, ayon sa ipinagkakaloob ng Espiritu na kanilang salitain. "


IIlan lamang iyan na may panukala ng Dios na totoong may kinalaman sa Kaniyang gawain. Lalo na Kay Cristo na mula pa sa pasimula ay PANUKALA o NASAISIP na ng Dios bago paman likhain ang Sanlibutan


1 Peter 1:20
" FOREKNOWN, indeed, BEFORE THE FOUNDATION OF THE WORLD, he has been manifested in the times for your sakes." [Confraternity Version ]


At natupad ang panukalang ito ng ipanganak na ni Maria sa kapanahunan (Gal.4:4). Isang tunay na Patotoo na hindi isang kadahilanan nakapag pinuspus man ng Espiritu Santo ay Hindi na ito nagkasala. Isang mababaw na aral na maaaring mailigaw ang marami, Kaya dapat ang tao ay maging maingat sa kaniyang pagpili ng isang relihiyon na kaaaniban kung ang mga aral na itinuro ay totoong nakabatay sa Banal na Kasulatan. Hindi isang kuro-kuro lamang na bunga ng sariling pang-unawa. Sabi pa nga ng BIBLIA, " WALANG HINDI MAHAHAYAG "



Hebreo 4:12-13
" Sapagka't ang salita ng Dios ay buhay, at mabisa, at matalas kay sa alin mang tabak na may dalawang talim, at bumabaon hanggang sa paghihiwalay ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at ng utak, at madaling kumilala ng mga pagiisip at mga haka ng puso.
At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni't ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan. "


Kayo na po ang magpasya ... Subukan po ninyong dumalo at makinig sa mga doktrina sa loob ng Iglesia Ni Cristo at tiyak masusumpungan ninyo ang katutuhanan..