Mga Pahina

Linggo, Nobyembre 9, 2014

SABI NI POPE FRANCIS, MALILIGTAS DAW ANG ATHEIST ?





POPE FRANCIS SAYS :

"Maliligtas raw ang ATHEIST(hindi naniniwala sa Dios), basta gumawa lang ng mabuti"



ISANG kagimbal-gimbal at nakakagulat na PANINIWALA na mismong sa PINAKAMATAAS pa na NAMUMUNO sa Isang kinikilalang relihiyon, na KAHIT ANG WALANG DIOS ay may karapatan sa Kaligtasan.

Nakakagulat at nakakalungkot ang ganitong paniniwala kung pagbabasihan ang Biblia sapagkat totoong PINATUTUNAYAN ito ng Biblia na hindi lahat ng Tao ay maliligtas lalong lalo na ang hindi naniniwala sa Dios. Ganito ang patotoo ng Biblia :


2 Tesalonica 1:8
" NAGHIHIGANTI sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus "


2 Tesalonica 1:9
" Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan. "



Tiniyak ng BANAL NA KASULATAN na ang hindi kumilala at nagsitalima sa Dios at kay Jesus, ay tatanggap ng kaparusahang walang hanggan. Paano matitiyak ang hahatulan at hindi hahatulan?


Juan 3:18
" ANG SUMASAMPALATATA SA KANIYA AY HINDI HAHTULAN; ANG HINDI SUMAMPALATAYA AY HAHATULAN NA, sapagka't hindi siya sumampalataya sa pangalan ng bugtong na Anak ng Dios. "


Napakalinaw ng pagtuturo ng Biblia kung paano matitiyak ang uri ng tao na maliligtas. Hindi sa dahilang MABUTI SA GAWA kundi ang totoong mabuti na gumanap sa KALOOBAN at SALITA ng Dios at ang totoong kumikilala sa Kaniya. Kaya, ang hindi sumampalataya ay tiniyak na hahatulan sa WALANG HANGGANG KAPARUSAHAN :


Apocalyosis 21:8
" Nguni't sa mga duwag, at SA MGA HINDI MANANAMPALATAYA, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at SA LAHAT NG SINUNGALING, ang kanilang bahagi ay sa DAGATDAGATANG NAGNININGAS SA APOY at asupre; na siyang ikalawang kamatayan. "


Ang hindi MANANAMPALATAYA kasama na ang sinungaling na naghahatid ng maling ARAL ay hahatulan sa dagatdagatang apoy. Hindi lahat ang maliligtas kundi yaon lamang kabilang sa KATAWAN ni Cristo (Col.1:18), na ang Iglesia :


Colosas 1:24
" Ngayo'y nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking pinupunan sa akin ang kakulangan ng mga hirap ni Cristo sa aking laman dahil sa kaniyang katawan, na siyang iglesia "


Na ito ang IGLESIA ni CRISTO[Gawa 20:28,lamsa; Roma 16:16 NPV]… Sila ang bahagi o miyembro ng Katawan [1Cor.12:27]…

Kaya, hindi basta-basta lamang SASABIHIN NA LIGTAS na kahit wala nang IGLESIA o HINDI NANINIWALA SA DIOS BASTA GUMAWA NG MABUTI. Ano ang Utos ni Jesus?



Juan 10:9
" Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya'y maliligtas....."


Ang PUMASOK lamang kay Cristo o sa katawan ni Cristo ang may karapatang maligtas. At hindi sa kahit kanino lamang na nag-aakala na gumawa ng mabuti. Ang LAHAT ay naiilalim sa kautusang ito ni Cristo :


Roma 7:23
" Datapuwa't nakikita ko ang ibang kautusan sa aking mga sangkap na nakikipagbaka laban sa kautusan ng aking pagiisip, at dinadala akong bihag sa ilalim ng kautusan ng kasalanan na nasa aking mga sangkap. "


Tayo ay naiilalim sa kautusan ni Cristo, sapagkat ang lahat ng tao ay nagkasala. Kaya ang Sabi ng Biblia :

Roma 3:10
" Gaya ng nasusulat, Walang matuwid, wala, wala kahit isa;


Dahil sa Kasalanan, ang tao ay hindi naging matuwid sa harapan ng Dios. Paano ngayon sasabihin na maliligtas ang HINDI NANINIWALA SA DIOS? Ano ang Sabi ng Biblia ukol sa hindi naniniwala sa Dios?


Awit 14:1
" Ang mangmang ay nagsabi sa kaniyang puso, walang Dios: sila'y nangapapahamak, sila'y nagsigawa ng kasuklamsuklam na mga gawa; walang gumagawa ng mabuti "


Ang LAHAT ng ayaw maniwala sa Dios, ay itinuring na mangmang at WALANG MABUTI, at SILA'Y KASUKLAMSUKLAM sa harap ng Dios. Kaya, isang maling PAHAYAG ang Sinabi ni POPE FRANCIS ang ukol rito. Sapagkat, ang ikalulugod lamang ay ang gumaganap ng katuwiran ng Panginoon:


Colosas 1:10
" Upang kayo'y magsilakad ng nararapat sa Panginoon, sa buong ikalulugod niya, at magsipamunga sa bawa't gawang mabuti, at magsilago sa kaalaman ng Dios "


AT GAWIN ang mga iniuutos


Juan 15:14
" Kayo'y aking mga kaibigan, kung gawin ninyo ang mga bagay na aking iniuutos sa inyo. "


Napakahalaga na masunod ang KALOOBAN ng Dios at KALOOBAN ni Cristo. Ang kaligtasan ay hindi lamang sa kung kanino o basta basta na lamang maaangkin ng tao kahit hindi siya maniniwala kay Cristo at sa Dios. Sinasang-ayunan ba ng ilang kaanib ng katoliko ang pahayag ng kanilang pope, o mayroong nangyaring kontradiksyun? Ganito ang pahayag ng VATICAN SPOKESPERSON na si THOMAS ROSICA :




" This means that all salvation comes from Christ, the Head, through church which is his body.
" Hence they cannot be saved who, knowing the Church as founded by Christ and necessary for salvation, would refuse to enter her or remain in her ".


Malinaw ang kontradiksyun na ang KALIGTASAN umano sabi ni Thomas, ay sa pamamagitan lamang ng Iglesia, na siyang IGLESIA. Isang paniniwala at pangyayaring hindi maaaring makikita sa isang tunay na relihiyon. Ang ganitong mga pangyayari ay may PAALALA si Apostol Pablo kung ano ang dapat gawin lalo na ng mga kasapi rito?



Roma 16:17
" Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral na inyong nangapagaralan: at KAYO'Y MAGSILAYO SA KANILA. "


Marapat na magsilayo sa kanila, hindi isang mabuting ihimplo ng tunay na MANGANGARAL ang magkakaroon ng kontradiksyun sa mga aral at turo ni Cristo na mula naman sa Dios. Ang isang tunay na mga HINIRANG ay wala sa gawang pagkabaha-bahagi ng isipan o aral na gaya ng SINABI PA NI APOSTOL PABLO :


1 Corinto 1:10
" Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng ISA LAMANG BAGAY, at HUWAG MAGKAKAROON SA INYO NG MGA PAGKAKABAHABAHAGI; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol ".


Napakalinaw ng sabi ni Apostol Pablo. Hindi marapat na makita ang ganitong pangyayari lalo na sa nangunguna pa sa isang PANGKAT. Iba sa katotohanan na itinuturo ng Biblia ang kanilang itinuturo na may pagkakabahabahagi pa. Sa ano inihalintulad ni Santiago ang ganito?



Santiago 3:14
" Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at HUWAG MAGSINUNGALING LABAN SA KATOTOHANAN. "


Santiago 3:15
" Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, SA DIABLO ".


Santiago 3:16
" Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama ".


Ito'y gawang masama. At sabi ng Biblia, "hindi ang karunungang bumaba mula sa langit, kundi sa diablo".

Hindi isang madaling bagay ang pagbibigay ng kaligtasan sa kanino man, kundi ito ay may katumbas na gawang nauukol sa utos at kagustuhan ng Dios at ni Cristo. Kaya ang Iglesia Ni Cristo ay walang sawa sa pag-aanyaya sa lahat na subukang makinig at sundin ang aral na isinasabuhay at sinusunod sa Iglesia Ni Cristo. Ang tunay na relihiyon na totoong kay Cristo ay makikita at makikilala sa kaniyang tunay na uri at paniniwala :


Efeso 4:4
" May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo "


Efeso 4:5
" Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo "


Efeso 4:6
" Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. "


Ang Sabi ng Biblia, MAY ISANG KATAWAN. Hindi ito sekta sekta sapagkat iisa lamang ang Katawan o Iglesia, ang kaanib lang ang marami (Roma 12:5). At may iisa lamang na PANANAMPALATAYA o PANINIWALA at hindi nagkakabaha-bahagi na sapagkat ito'y kagustuhan ng Dios at ni Cristo (Juan 17:22). At ang DIOS na kinikilala nila ay ang AMA lamang sa lahat lahat, gaya ng sinabi ni Cristo (Juan 17:1,3) At ni Pablo (1Cor.8:6).


Kaya, isang napakahalagang malaman ng lahat ang isang tunay na aral na dapat malaman ng Tao, at hindi ang gaya ng Sinabi ng POPE na kahit hindi maniniwala sa Dios ay maliligtas ito. Sapagkat, gaya ng sinabi ni Cristo, ito ay isang Dakilang utos na dapat sundin. Ganito ang Kaniyang sinabi :


Mateo 22:37
" At sinabi sa kaniya, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo ".

Mateo 22:38
" Ito ang dakila at pangunang utos. "


IIBIGIN ang Dios ng BUONG PUSO. Ang pagibig sa Dios ay pagsunod at pagtiwala sa Dios upang matamo ang kaligtasan. Ito ang PANGUNAHING utos na iniutos sa mga alagad ni Cristo upang sa ikapagtatamo ng kaligtasan.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento