Mga Pahina

Huwebes, Oktubre 2, 2014

Colosas 2:9 si Cristo ba Dios?

Minsan din ginamit ang Talata sa Col.2:9 upang pagkamalan na Dios si Jesus. Ganito ang Laman ng Talata:

Colosas 2:9
" Sapagka't sa kaniya'y NANANAHAN ANG BUONG KAPUSPUSAN NG PAGKA DIOS sa kahayagan ayon sa laman "[ANG BIBLIA]

Ating Mapapansin na totoong sinabi na MAY NANANAHAN KAY CRISTO. Ang ikinakatuwiran nila ay ang pinanahanan ng buong kapuspusan ng pagka Diyos ay tunay na Diyos na. Tama ba ang kanilang konklusyong ito? Pinatutunayan nga ba ng talata na ito Dios na si Cristo?

Mga dapat nating Pansinin

1. Kung Dios si Cristo at Dios din ang Nananahan sa Kaniya, Magiging Dalawa ang Dios, sapagakat magkaiba Ang NANANAHAN(Dios), at ang PINANAHANAN(Cristo).

2. Walang mababasa na si Jesus ang TUNAY NA DIOS doon sa talata. Isang Sariling opinyon nalang Agad ang nasa isipan nila kung gayon.

3. Kung isiping DIOS AGAD si Jesus dahil sa Siya ay PINANAHAN NG KAPUSPUSAN, ay dadami ang Dios ng mga nag-aakala ng maling unawa, bakit? Dahil maging ang ang mga Cristiano man ay nanga PUSPOS ng KAPUSPUSAN NG DIOS :

Efeso 3:19
" At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang KAYO'Y MANGAPUSPOS HANGGANG SA BUONG KAPUSPUSAN NG DIOS. "

Kaya, mali ang bigyan agad ng Maling Kahulugan ang nasabing Talata, sapagkat ang Dios man ay hindi papayag na ang Kaniyang pinuspos ay na TAO , KAHIT ang puso niya ay gaya ng Dios, ay hindi Siya maaaring Maging Dios(Ezek.28:2), At lalong ayaw niyang May KAGAYA, KAPANTAY man sa Pagka-Dios Niya(Isa.46:9; 45:5; 44:8; 45:21-22).

6 (na) komento:

  1. Col. 2:9
    Sapagka't sa kaniya'y nananahan ang buong kapuspusan ng pagka Dios sa kahayagan ayon sa laman,

    Ang buong kalikasan ng Dios(Ama) ang tumatahan kay Cristo(Jesus).
    Narito ang iba pang mga salin at mga talata.
    Col. 2:9 CEV
    "God lives fully in Christ".
    Col. 1:19 CEV
    "God himself was pleased to live fully in his Son."
    John 10:38 KJV
    " ...that ye may know, and believe, that the Father is in me, and I in him."

    TumugonBurahin
  2. Col. 2:9

  3. Saan nakuha yung PINANAHANAN(CRISTO)
    Sa Colosas 2:9
    ???

    TumugonBurahin
  4. Hahaha nililigaw ng inc tlga

    TumugonBurahin

  5. Colosas 2:9
    " Sapagka't sa kaniya'y NANANAHAN ANG BUONG KAPUSPUSAN NG PAGKA DIOS sa kahayagan ayon sa laman "[ANG BIBLIA]
    vs

    Efeso 3:19
    " At makilala ang pagibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang KAYO'Y MANGAPUSPOS HANGGANG SA BUONG KAPUSPUSAN NG DIOS. "

    very deceiving kung ihahambing mo ang context ng colosas 2:9 vs Efeso 3:19

    sa colosas NANANAHAN ANG BUONG KAPUSPUSAN NG **PAGKA DIOS* (KAY CRISTO YAN)
    samanatanlang sa Efeso, MULA KAY CRISTO PATUNGO SA ATIN..

    PANLILINLANG YAN

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Di diyos marin tayo niyan kasi diyos niyo si cristo🤣

      Burahin