Mga Pahina

Huwebes, Setyembre 25, 2014

Lord of Lords, King of Kings, Alpha and Omega





Bakit nga ba si Cristo ay tinawag na LORD OF LORDS, KING OF KINGS, at ang laging naririnig natin na Alpha at Omega? Dios na ba si Cristo dahil ito ay itinawag sa Kaniya?



Si Cristo na tinawag nito gaya ng sa AMA ay sa katunayan ginamit ng ilang teologo, LALO NA NG MGA TRINITARIANS, upang patunayan na Dios umano si Cristo. Subalit, ang nakapagtataka lamang ay HINDI ISINALI ang ESPIRITU SANTO sa bahagi ito, na sa KATUNAYAN ay naniniwala naman Sila na ang AMA,ANAK, at ang ESPIRITU SANTO ay TOTALLY EQUAL. Ganito ang Sabi ng AKLAT KATOLIKO na pinamagatang, "Richard of saint Victor on the trinity" na isinulat ni Ruben Angelici sa Pahina 134:






" Then, since all [three person] need to be EQUALLY PERFECT, all of them need to be harmonized in a supreme equality,thus all of them will have equal wisdom, equal power, glory with no disparity,equivalent goodness, [and] internal hapiness. "


Kung Gayon, dapat taglay din ito ng Espiritu Santo kung yun ang katangian ng Isang Dios. Dagdag pa rito ,kung sasakyan natin ang kanilang LOHIKA na kung itatawag sa pamamagitan parehong TITULO sa dalawa o higit pang mga taong nagbabahagi ng parehong estado ng kalagayan gaya doon kay CRISTO at sa AMA, si Pedro din ay kwalipikado na MAGING DIYOS sa parehong paraan KUNG PAANO si Cristo na sinasabi nilang Diyos, sapagkat si Pedro ay may parehong titulo na " CEPHAS" o "BATO" (Juan 1:35-42KJV) gaya ni Cristo (Gawa 4:10-11). Hindi lang iyan, maging lahat ng mga Cristiano ay Dios narin sapagkat tinatawag sila ng Biblia na "BATONG BUHAY" (1Pedro 2:4-5).


Maaring ito ay kanilang sasagutin at sasabihin na si Cristo ay "BATO" subalit iba kay Pedro at maging sa mga Cristiano. TAMA IYON, At iyon ang katotohan at malaking punto kung bakit hindi pwedeng maging Dios agad si Cristo sa DAHILAN LAMANG ng PAGTAWAG sa PAREHONG TITULO ng DIOS, ang " ALPHA OMEGA," "LORD OF LORDS, " KING OF KINGS".

Ating pag-aralan ang TITULONG ito na taglay ni Cristo.



ALPHA AT OMEGA


"Alpha at Omega", Ang una at huling mga titik ng alpabetong Griyego , Sumisimbolo sa " UNA AT HULI" .Ang nasabing pamagat ay ginagamit na pareho ng Diyos at ni Jesus , sa natatangi at magkaibang pandama na sila ay tinatawag na pareho.

Ang Panginoong Dios ay "ALPHA" sapagkat sa Kaniya nagmula ang lahat ng bagay(1Cor.8:6). Siya naman ay "OMEGA" mula ng magtakda Siya ng araw ng paghuhukom( Gawa 17:31; 1Cor.15:28) o ang "KATAPUSAN NG SANLIBUTAN"(Mat.24:3).

Si Cristo naman ay "ALPHA" dahil Siya ang "PANGANAY NG LAHAT NG NILALANG" (Col.1:15,kjv), ng Siya ay nasa ISIP"foreknown" AT PINILI ng Dios bago paman naitatag ang sanlibutan (1Ped.1:20, Douay-Confraternity version). Siya naman ay "OMEGA" dahil sa pamamagitan Niya at Siya ang GAGANAP ng PAGHUHUKOM NG DIOS sa sanlibutan sa Araw ng Paghuhukom (2Cor.5:10).


LORD OF LORDS,KING OF KINGS


Bakit naman tinawag si Cristo na Lord of Lords at King of Kings? Ang Biblia ang nagpapaliwanag na sa pagdating ng panahon, Si CRISTO AY MAGHAHARI ng Kaniyang tatapusin at lilipulin ang lahat ng PAGHAHARI, KAPAMAHALAAN at KAPANGYARIHAN:


1 Corinto 15:24-25
" Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios, sa makatuwid baga'y sa Ama; PAGKA LILIPULIN NA NIYA ANG LAHAT NG PAGHAHARI, at LAHAT NG KAPAMAHALAAN at KAPANGYARIHAN. Hanggang mailagay niya sa ilalim ng kaniyang mga talampakan ang lahat niyang mga kaaway. "[NKJV]


Kung ilarawan ang LORDSHIP at KINGSHIP ni Cristo ay mga pagganap sa gawain ng Dios at sa gayo'y hindi katulad na ng Dios na ang Ama. Ganito ang Sabi ng Biblia sa kasunod na talata:


1 Corinto 15:27-28
" Sapagka't kaniyang pinasuko ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kaniyang paa. Datapuwa't kung sinasabi, ang lahat ng mga bagay ay pinasuko, ay maliwanag na itinangi yaong nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya.
At kung ang lahat ng mga bagay ay mapasuko na sa kaniya, kung magkagayo'y ANG ANAK RIN AY PASUSUKUIN naman sa nagpasuko ng lahat ng mga bagay sa kaniya, UOANG ANG DIOS AY MAGING LAHAT SA LAHAT. "



Samakatuwid, ang paggamit ng TERMINONG "Alpha at Omega, Lord of Lords ,King Of Kings", kay Cristo at sa Dios ay may magkaibang pakahulugan, ang pagtuturo na Dios si Cristo dahil humahak Siya ng gayong titulo ay ang pagpapahayag ng Isang maling aral at argumento na kung tatawagin ay " maling paraan ng pagdadahilan o FALLACY OF EQUIVOCATION.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento