Ito ang isa sa tanong na minsan na ay naitanong, at paulit-ulit pang itinatanong ng marami ang ukol dito. Bakit raw magiging SUGO si kapatid na Felix Manalo gayong hindi naman makikita at mababasa kahit ang kanyang pangalan?
Ating bigyan ng sagot ang kaukulang tanong. .
Mula man sa Lumang Tipan ay nakasulat na ang mga maagang mga tao o Sugo ng Diyos, samakatuwid ito ay Inaasahan na ang mga pangalan ng Sugo ng Diyos tulad nila Moses, David , at Elias ay nabanggit doon. Subalit, may mga iba pang mga Sugo na may karapatan na mangaral ay may katuparan rin ng propesiya tungkol sa kanila.Kasama ng mga ito ay Juan Bautista , Ang Panginoong Jesucristo , ang apostol, at ang sugo ng Diyos sa mga huling araw.
Dapat nating malaman na ang mga tao na may katuparan sa Bagong Tipan ay hindi binanggit ang pangalan ng mga hinulaan, gaya ng sinabi na patungkol kay Cristo:
Isaias 61:1-2
" Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;
Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis "
Makikita pi natin na hindi binanggit ang Pangalan ni Cristo, subalit sa kanyang kapanahunan ay ito ay nahayag ang hinulaan
Lucas 4:16-21
" At siya'y napasa Nazaret na kaniyang nilakhan: at ayon sa kaniyang kaugalian, siya'y pumasok sa sinagoga nang araw ng sabbath, at nagtindig upang bumasa. At ibinigay sa kaniya ang aklat ng propeta Isaias. At binuklat niya ang aklat, na nasumpungan niya ang dakong kinasusulatan, Sumasa akin ang Espiritu ng Panginoon, Sapagka't ako'y pinahiran niya upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga dukha: Ako'y sinugo niya upang itanyag sa mga bihag ang pagkaligtas, At sa mga bulag ang pagkakita, Upang bigyan ng kalayaan ang nangaaapi, Upang itanyag ang kaayaayang taon ng Panginoon. At binalumbon niya ang aklat, at isinauli sa naglilingkod, at naupo: at ang mga mata ng lahat ng nangasa sinagoga ay nangakatitig sa kaniya. At siya'y nagpasimulang magsabi sa kanila, Ngayo'y naganap ang kasulatang ito sa inyong mga pakinig. "
Maging si Juan Bautista ay hinulaan rin naman mula sa Lumang Tipan subalit hindi rin binanggit ang pangalan:
Isaias 40:3
" Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios. "
Hindi rin binanggit ang pangalan ni Juan Bautista, subalit sa kanyang kapanahunan ay nahayag ang hula:
Juan 1:19-23
" At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga?
At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako ang Cristo.
At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi.
Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? Upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili?
Sinabi niya, Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias. "
Katulad rin kay Apostol Pablo na hinulaan din subalit hindi rin binanggit ang pangalan mula sa aklat ni isaias upang maging "ilaw sa mga Gentil".
Isaias 49:6
" Oo, kaniyang sinasabi, Totoong magaan ang bagay na ikaw ay naging aking lingkod upang ibangon ang mga lipi ng Jacob, at isauli ang iningatan ng Israel, ikaw ay aking ibibigay na pinakailaw sa mga Gentil upang ikaw ay maging aking kaligtasan hanggang sa wakas ng lupa. "
At gayon din nahayag at natupad sa kanyang kapanahunan:
Gawa 13:46-47
" At nagsipagsalita ng buong katapangan si Pablo at si Bernabe, at nagsipagsabi, Kinakailangang salitain muna ang salita ng Dios sa inyo. Yamang inyong itinatakuwil, at hinahatulan ninyong hindi kayo karapatdapat sa walang hanggang buhay, narito, kami ay pasasa mga Gentil.
Sapagka't ganito ang ipinagutos sa amin ng Panginoon, na sinasabi, Inilagay kitang isang ilaw ng mga Gentil, Upang ikaw ay maging sa ikaliligtas hanggang sa kahulihulihang hangganan ng lupa. "
Maaring itanong ng ilan kung bakit ang mga naging halimbawa natin ay mula sa Lumang Tipan ay hindi binanggit ang mga pangalan subalit sa Bagong Tipan ay binanggit na, Dahil pagkatapos ng hula doon sa Lumang Tipan ay naganap na sa kanila ang hula sa kanilang kapanahunan bago pa man natapos maisulat ang aklat ng Bagong Tipan. Kaya, hindi posible na may mababasa na tayo sapagkat ang mismong hinulaan ang makapagpaliwanag ng hula na kinatuparan sa kaniya.
Ang Gawain at katuparan sa kapatid na Felix Manalo ay walang pagkakaiba sa paraan mula sa Lumang Tipan na hindi binanggit ang Pangalan, at maging sa mga hula sa Bagong Tipan sapagkat ang katuparan ng HULA sa kaniya ay sa panahong MGA WAKAS NG LUPA kung saan matagal ng tapos ang Luma at Bagong Tipan, kaya, walang mababasa na pangalan sapagkat tanging ang hinulaang sugo lamang ang makapagpahayag at makapagpaliwanag ng HULA na kinatuparan sa kaniya.
Sa pamamagitan ni Propeta Isaias ay hinulaan ang paghirang at pagtawag ng Dios sa Kaniyang Sugo na inihalintulad sa Ibong Mandaragit na magmumula sa MALAYONG SILANGAN sa panahong MGA WAKAS NG LUPA upang matupad at ganapin ang kaniyang payo at mga aral.
Isaias 41:9-10
" Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil;
Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran. "
Isaias 46:11
" Na tumatawag ng ibong mandaragit mula sa silanganan, ng taong gumagawa ng aking payo mula sa malayong lupain; oo, aking sinalita, akin namang papangyayarihin; aking, pinanukala, akin namang gagawin. "
“From the far east will I bring your offspring…” (Mula sa Malayong Silangan ay dadalhin ko ang iyong lahi…).[Isaias 44:5,moffats translation]
Na ang ang katuparan ay ang Pilipinas na nasa Malayong Silangan
Sa World History nina Boak, Slosson at Anderson, sa pahina 445, ay ganito ang sinasabi:
“The Philippines were Spain’s share of thefirst colonizing movement in the Far East.”
Sa Wikang Pilipino ay ganito ang ibig sabihin:
“Ang Pilipinas ay naging bahagi ng Espanya sa unang kilusan sa pananakop sa Malayong Silangan.”
At ganito rin ang paliwanag ng isang manalaysay at paring heswita na si Horacio dela Costa na sumulat sa kaniyang aklat na "Asia and the Philippines" :
"It cannot be without significance that the country which stands almost at the geographical center of the Far East, the Philippines, should also be that in which Christianity has taken the deepest root." (page.169)
At ang "mga wakas ng lupa" ay ang mga panahong malapit na ang pagoaritong muli ng panginoong Jesucristo, at ang unang palatandaan ay ang digmaang pansanlibutan.
Mateo 24:3
" At samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olivo, ay nagsilapit sa kaniya ng bukod ang mga alagad, na nagsisipagsabi, Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? at ano ang magiging tanda ng iyong pagparito, at ng katapusan ng sanglibutan? "
Mateo 24:33
" Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga. "
Mateo 24:6-7
" At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas.
Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. "
Ang kaalinsabay ng unang digmaang pandaigdig noong Hulyo 27, 1914 ay ang pagkarehistro ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas. Natupad ang mga hula mula sa Biblia na nagpapatunay ng tunay na pagka sugo ng Dios, ang kapatid na Felix Manalo.
Tinutuligsa po ng mga kaibayo natin ang pagkaka rehistro ng sugo bilang "FOUNDER" ng INC maari po b nting maipaglingkod s kanila kung bakit ang kapatid na Felix Y. Manalo ang isinulat na founder sa rehistro ng INC sa gobyerno salamat po
TumugonBurahinYan po ang ilalagay dahil kung si cristo ang ilalagay ay hindi papayagan ng pamahalaan na maeparehestro
Burahin