Maraming mga talata na nakasulat na siyang patotoo at makapagpapatunay na ang Diyos ay isa o iisa lamang. Hindi ito nauunawaan maraming mga tao. Gaya ng mga naniniwala na Diyos si Cristo, at may mga naniniwala ring Tatlo sa iisa o trinity. Mula pa lang sa mga pagpapahayag ng uri nga mga SALITA AT PAGPAPAHAYAG na ginamit ay malalaman na talaga na ang Diyos ay iisa lamang,at isa lamang ang may ari at wala nang bumubuo nito.
Ang mga halimbawa ng mga talata na totoong ISA LANG ANG DIOS ay ang patotoo na sinabi mismo ng Diyos na "AKO, AKO'Y DIOS, AKO ANG DIOS". . Ang mga linya at papgpapahayag na ito ay tuwirang tumutukoy sa pagiging isa(SINGULAR) ng nagsasalita. At seguradong alam na ito ng karamihan kapag marinig ang salitang "Ako" Ay isa lamang ang nagsasalita .May mga nakasulat ba sa Biblia na ang Diyos ay nag sabi na "AKO", hindi kami? Opo. ito ang mga talata na makapagpapatunay :
AKO, AKO'Y DIYOS
Genesis 17:7; 26:24; 46:3
Exodo 6:3; 6:7 ;10:3; 29:45-46
Levitico. 11:44-45; 22:33; 25:38; 26:12,45
Deut. 32:39
Awit 46:10; 50:7
Isaias 41:10; 43:12; 44:8; 45:22; 46:9
Jeremias 7:23; 11:4; 19:15; 24:7; 28:14; 30:22; 31:33; 32:38
Ezekiel 5:8; 11:20; 12:25; 13:8; 14:11; 36:28; 37:23,27; 34:31;26:3; 23:46; 28:9
Hoseas 1:9; 11:9
2Corinto 6:16
Hebreo 8:10
Apocalipsis 21:7
Ito po ang iilan lamang sa mga halimbawa ng talata na matibay na nagpapatotoo na ang Dios mismo ang nag sabi ng salitang "AKO" ay tiyak na tumutukoy lamang ito sa iisang nagsasalita at Siya lamang.
Sa Biblia parin, ano ang katumbas ng pagsasabi ng Diyos ng "Ako" ?
Deuteronomio 32:4
" Siya ang Bato, ang kaniyang gawa ay sakdal; Sapagka't lahat niyang daan ay kahatulan: ISANG DIOS na tapat at walang kasamaan, matuwid at banal siya. "
Awit 89:7
" ISANG DIOS na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal, at kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya? "
Daniel 2:28
" Nguni't may ISANG DIOS sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito "
Kung gayon, ang katumbas ng Salitang AKO'Y DIOS, tumutukoy lamang ito sa Isang Dios, at hindi dalawa o tatlong Diyos.E baka sabihin naman ng ilan, at kanilang sabihin:
"Ito ay binubuo ng Tatlong Persona,ang Dios Ama, Dios anak, Dios Espiritu Santo at sa kabubuuan, Iisang Dios"
Kung ang Dios kaya ang tatanungin, sasang ayunan kaya ang kanilang Lohika? Ang Dios na mismo ang sasagot:
Isaias 45:21-22
" Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at walang Dios liban sa akin: isang ganap na Dios at Tagapagligtas; walang iba liban sa akin.
Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin. "
Samakatuwid, bagsak ang lohika nila. Ang sabi ng Dios "Walang iba liban sa Akin". Wala na siyang kikilalanin pang Dios na bubuo sapagkat ang sabi "Ganap na Dios". .Anu ang katumbas nito?
Deuteronomio 32:39
" Tingnan ninyo ngayon, na ako, sa makatuwid baga'y ako nga, At walang dios sa akin: Ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; Ako'y ang sumusugat, at ako'y ang nagpapagaling: At walang makaliligtas sa aking kamay. "
Ang sabi ng Dios. "Walang dios sa akin". ,Nagpapatunay lamang na walang iba pang Dios na bumubuo sa Kaniyang pagkaganap na Dios. totoong simula pa noong unang panahon ay pinapauna na ito ng Dios sapagkat may mga tao na hindi nakakakilala sa Kaniya. Ganito ang isang pangyayari sa panahong Cristiano na sinabi ni Pablo :
Gawa 17:23-24
" Sapagka't sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba, ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakilala, siya ang sa inyo'y ibinabalita ko.
Ang Dios na GUMAWA ng sanglibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya, palibhasa'y Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumatahan sa mga templong ginawa ng mga kamay "
Ang Dios na hindi nila kilala ay ipinakilala ni Pablo sa kanila. Ito ang Dios na lumalang at gumawa ng lahat ng bagay. Sino ang Iisang Diyos na Siyang lumikha ng tao at ng lahat ng bagay?
Malakias 2:10
" Hindi ba iisa ang ating Ama? Hindi ba't iisang Diyos ang lumalang sa atin? Kung gayo'y bakit nagtataksil tayo sa isa't isa at nilalapastangan ang tipan ng ating mga ninuno? " [MBB]
Ang itinuro pala ni Pablo na Dios na lumikha ay walang iba kundi ang AMA. Ganito pa ang paglilinaw sa ibang talata na pahayag ni Apostol Pablo :
1 Corinto 8:6
" subalit para sa atin ay IISA LAMANG ANG DIYOS, ANG AMA na LUMIKHA ng lahat ng bagay, at tayo'y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya'y nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya'y nabubuhay tayo." [MBB]
Malinaw ang mga aral at paniwala ng mga Apostol. Ang Ama lamang ang tinutukoy na "IISANG DIOS" na dapat kilalanin na ito ang Dios na gumawa ng lahat ng bagay na siyang itinuro parin ng mga apostol (1Cor.12:6).
Ano pa ang patotoo na ang iisa at tunay na Diyos ay ang AMA?
Roma 16:26
" Datapuwa't nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Dios na WALANG HANGGAN, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya "
Ayun sa Biblia , ang Diyos ay walang hanggan. Ano ang katumbas nito?
1 Timoteo 1:17
" Ngayon sa Haring walang hanggan, WALANG KAMATAYAN, DI NAKIKITA, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa. "
Hindi nakaranas ng kamatayan.At ayun sa talata, ito ang iisang Diyos na hindi nakikita. May tiyak kaya na ang iisang Diyos na tinutukoy na di nakikita ay ang Ama? Opo. narito :
Juan 5:37
" At ang Ama na nagsugo sa akin, ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailan ma'y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang ANYO. "
Ayun kay Cristo, Ang hindi nakikita ito ay ang AMA. Kaya, tiyak parin na ang Iisang Diyos na walang kamatayan at di nakikita ay ang AMA.Ano pa Ang patotoo ng Biblia na talagang ang AMA lamang ang iisang Dios? Narito :
1 Timoteo 2:5
" Sapagkat iisa ang Diyos, at tanging si Jesu-Cristo lamang ang taong tagapamagitan sa atin at sa Diyos." [MBB]
Ayun sa talata, "May iisang Dios", ito ang Dios kung saan si Cristo ay nasa gitna o tagapamagitan sa tao at sa iisang Dios na binangit. Tiniyak parin ba mula sa Biblia na ang Iisang Dios na nakasulat ay ito parin ang AMA ? Opo. narito ang patotoo :
1 Juan 2:1
" Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay may TAGAPAMAGITAN TAYO SA AMA, si Jesucristo ang matuwid "
Kung gayon. Tiyak na tiyak ang mga talata na totoong totoo na ang AMA lamang ang iisang tunay na Diyos na si Cristo ang namagitan patungo sa mga tao. Ito ang Ama kung saan Ang Isang Dios na kinikilala ni Cristo :
1 Pedro 1:3
" Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay "
Roma 15:6
" Upang kayo na may isang pagiisip sa pamamagitan ng isang bibig ay luwalhatiin ninyo ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo. "
Tiniyak parin ni Cristo, na ang Iisang Diyos na kaniyang Kinikilalang Diyos ay walang iba kundi ang Ama. Ito ang Dios na naging Dios ng Kaniyang mga alagad at ang totoong Kinikilalang Diyos mula pa sa mga unang naging alagad na Kaniyang ipinahayag bago Siya umakyat sa langit :
Juan 20:17
" Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios. "
Samakatuwid,malinaw na po ngayon ang detalye mula sa Biblia na ating natunghayan na ang DIOS NA NAGSASALI NG "AKO AY DIOS, AKO ANG DIOS" ay walang iba kundi ang AMA lamang at hindi ang trinitiy. Kaya, ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay walang sawa sa paghikayat sa maraming tao na makilala ang tunay na Dios. Napakahalaga na makilala natin ang tunay na Dios sapagkat ayun pa mismo kay Cristo ito ay katumbas ng karapatan sa pagtanggap sa buhay na walang hanggan :
Juan 17:3
" Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo. [MBB]
Kausap po rito nito Cristo ang Ama(mula talatang 1). Mahalaga ang makilala ang tunay na Dios na walang iba kundi ang AMA sapagkat, ito ang ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan. Kaya, sanana naman sa mga nagsusuri at patuloy na nagsusuri. Ito nawa ay maging bukas sa puso na tanggapin ang katotohanan. Mabuti at mabait po ang Diyos sapagkat pinahiram parin ang tao ng buhay sa mundong ito kahit hindi sila kumilala sa Kaniya at doon sa ibang dios na hindi totoo naglingkod. Subalit, tandaan po natin ito ay may hangganan parin.
Josue 24:20
" Kung inyong pabayaan ang Panginoon, at maglingkod sa ibang mga dios: ay hihiwalay nga siya at gagawan kayo ng kasamaan at lilipulin kayo pagkatapos na kaniyang nagawan kayo ng mabuti. "
Kailan man ayy wala pang ni sinumang nakaka kita NG Dios jesus is not dios jesus or kristo anak ni virgin Maria virgin Maria ay isang tao c kristo tao din na may position cxa lamang ang pinadala satin NG dios para Gabayan tau sa tamang landas
TumugonBurahinAT hindi para isamba cxa jesus or kristo ay hindi dios bagkos cxa ayy isang propeta cxa ang guro natin cxa ang daan or way para malaman natin ang tama but sad to say dahil sa mga himalang nagawa ni kristo ayy akala NG mga tao or mga sina unang tao ay cxa ang dios