Mga Pahina

Miyerkules, Abril 30, 2014

Bagong Langit at Bagong Lupa

" Ang Maliwalhating tahanan na mamanahin ng tao "







Maraming tao sa daigdig ang umaasam sa isang perpektong pamumuhay na malayo sa anomang alalahanin, sakit at suliranin.  Subalit ang gayong uri ng pamumuhay ay hindi matatagpuan saan man sa daigdig,  dahil sa patuloy na paglala at pagsama ng kalagayan ng  pamumuhay ng tao, ay kitang-kita natin na natutupad ang sinabing ito ng Biblia:





Ecclesiastes 2:22-23
 “Nagpapakapagod at nagpapakahirap nang husto sa mundong ito ang isang tao, ngunit para saan ba ang pagpapagod na ito?  Anumang gawin ng tao'y nagdudulot sa kanya ng balisa at hinanakit. May mga gabi pang hindi siya makatulog sa pag-iisip. Ito man ay walang kabuluhan.” [Magandang Balita, Biblia]




Napakalinaw na sinabi ng Biblia na anoman ang gawin ng tao’y hindi niya masusolusyonan ang lumalalang kalagayan ng kaniyang pamumuhay, patuloy siyang makakaranas ng kalumbayan, pagkabalisa, at kahapisan. Sa kabila ng paglago ng kaalaman ng tao, at pagunlad ng teknolohiya, ay wala siyang magawa para maiwasan ang bagay na ito.

Kailan man ay hindi matatagpuan sa mundong ito ang isang  perpektong pamumuhay, dahil ang mundo man na ating kinalalagyan ay papunta sa pagkawasak, gaya ng sinasabi rin ng Biblia:




Isaias 24:19-20 
“Ang daigdig ay tuluyang mawawasak, sa lakas ng uga ito'y mabibiyak. Ang lupa'y tulad ng lasenggong pasuray-suray at kubong maliit na hahapay-hapay, sa bigat ng kasalanang kanyang tinataglay, tiyak na babagsak ang sandaigdigan at hindi na babangon magpakailanman.” [MB]




Kaya atin ngayong natitiyak na hindi sa daigdig na ito matatamo ng tao ang inaasam niyang maluwalhati at perpektong pamumuhay, sapagkat ang mundong ito ay nakatakda na sa kaniyang pagkawasak na ito nga ay ang araw ng Paghuhukom:



2 Pedro 3:7
  “Nguni't ang sang-kalangitan ngayon, at ang lupa, sa pamamagitan ng gayon ding salita ay iningatang talaga sa apoy, na itinataan sa araw ng paghuhukom at ng paglipol sa mga taong masama.”




Saan nga ba matatagpuan ang perpektong pamumuhay?  Paano ba ito matatamo ng tao?  At gaano kapalad ang mga tao na makararating doon?



 Si Apostol Juan sa pulo ng Patmos
 habang isinusulat ang aklat ng Apocalypsis
 na ipinakikita sa kaniya ang Bayang Banal, ang Bagong Jerusalem



Saan nga ba matatagpuan ang perpektong pamumuhay?Ating basahin ang sagot:



Hebreo 11:16
  “Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng Dios na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda sila ng isang bayan.”



 Ang sabi ng Biblia, ang lalong magaling na lupain ay matatagpuan sa langit. Doon lamang malalasap ng tao ang isang uri ng pamumuhay na hindi pa niya nararanasan kailan man sa mundong ito. Sino ang maghahanda ng dakong iyon? Ang Panginoong Jesus ang maghahada, gaya ng kaniyang sinabi:



Juan 14:2-3
 “Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid. Kung hindi ito totoo, sasabihin ko ba sa inyong pupunta ako roon upang ipaghanda ko kayo ng inyong matitirhan?  At kapag naipaghanda ko na kayo ng matitirhan, ako'y babalik at isasama ko kayo upang kayo'y makapiling ko kung saan ako naroroon” [MB]



Ang isa sa misyon ng pag-alis ng Panginoong Jesucristo, ay upang ipaghanda ang mga ililigtas niya ng dakong kalalagyan, at ito’y ang bahay ng Ama na maraming silid. At kapag naihanda na niya ito ay siya’y muling magbabalik upang kunin at isama roon ang kaniyang mga hinirang. Anong uring pamumuhay ang tatamuhin ng tao sa dakong iyon? Isang perpektong pamumuhay na malayo sa anomang alalahanin, sakit, kalumbayan, at maging kamatayan:




Apocalypsis 21:1-4
     “At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.”
     “At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.”
     “At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:”
     “At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na. “




Ang tahanan ng Diyos na maraming silid na siyang ihahanda ng Panginoong Jesus, ay isang maluwalhating tahanan, Isang bagong langit at isang bagong lupa, na ito ay ang BAYANG BANAL, ang Bagong Jerusalem, na mananaog mula sa Langit.

Sa bayang ito, makakapiling na ng tao ang Diyos at hindi na siya makakaranas ng kalumbayan, kahapisan, sakit, at maging ng kamatayan, lahat ng bagay ng una ay lilipas na.  Dito magawawakas ang paghihirap ng taong maliligtas, dito niya matitikman ang isang uri ng pamumuhay na kailan man ay hindi niya mararanasan sa diagdig.


Ano ba iyong Bagong Langit?



Alam natin na ang unang langit ay ang lahat ng bagay ngayon na nasa itaas na ating natatanaw.  Ang araw,  ang buwan at mga bituin.  Ang langit na iyan ay mapaparam o mawawala sabi ni Apostol Pedro:



2 Pedro 3:10 
 “Datapuwa't darating ang araw ng Panginoon na gaya ng magnanakaw; na ang sangkalangitan sa araw na iyan ay mapaparam na kasabay ng malaking ugong, at ang mga bagay sa langit ay mapupugnaw sa matinding init, at ang lupa at ang mga gawang nasa lupa ay pawang masusunog.”



Mawawala ang lahat ng bagay na nasa Langit dahil sa ito ay masusunog.  Kaya ang tao na maninirahan sa bayang banal ay hindi na makakaranas ng liwanag ng araw, at hindi na rin magkakaroon ng gabi:



Apocalypsis 22:5
  “At hindi na mag-kakaroon pa ng gabi, at sila'y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka't liliwanagan sila ng Panginoong Dios: at sila'y maghahari magpakailan kailan man.”



Sa bagong langit ay wala nang araw, kundi ang Panginoong Diyos ang magbibigay ng liwanag doon.  Hindi na mararanasan ng tao ang mabilad sa init ng araw:



Apocalypsis 7:16
  “Sila'y hindi na magugutom pa, ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init:”


Ano naman iyong Bagong Lupa?



 Alam din natin na ang unang lupa ay kung ano iyong tinutungtungan natin ngayon -  yari sa bato, buhangin, lupa, at putik.  Ngunit ang Bagong Lupa ay dalisay na ginto:



Apocalypsis 21:21
  “…ang lansangan ng bayan ay dalisay na ginto, na gaya ng nanganganinag na bubog.”



Saan sa daigdig tayo makakakita ng lansangan na purong ginto na kumikinang na parang bubog o salamin?  Tama po, ang lalakaran ng tao doon ay ginto, at hindi na lupa.  At hindi lamang ang lansangan ang ginto kundi ang mismong bayan ay ginto rin:



Apocalypsis 21:18
  “At ang malaking bahagi ng kuta niya ay jaspe: at ang bayan ay dalisay na ginto, na katulad ng malinis na bubog.”



Ang mga pintuan ng bayan ay yari sa mamahaling perlas:


Apocalypsis 21:21 
 “At ang labingdala-wang pintuan ay labingdalawang perlas; at bawa't pinto ay isang perlas..”




Doon lamang tayo makakakita ng napakalaking perlas dahil ang bawat isang pintuan ng bayan ay isang perlas.  Maging ang kaniyang kinasasaligan ay yari sa mga mamahaling bato:



Apocalysis 21:19
  “Ang mga pinag-sasaligan ng kuta ng bayan ay may pamuting sarisaring mahahalagang bato. Ang unang pinagsasaligan ay jaspe; ang ikalawa ay zafiro; ang ikatlo ay calcedonia; ang ikaapat ay esmeralda;  Ang ikalima ay sardonica; ang ikaanim ay sardio; ang ikapito ay crisolito; ang ikawalo ay berilo; ang ikasiyam ay topacio; ang ikasangpu ay crisopasio; ang ikalabingisa ay jacinto; ang ikalabingdalawa ay amatista ".



Wala pang sinomang tao sa daigdig ang mayroong ganitong klase ng bahay, kahit gaano pa siya kayaman, o siya man ang itinuturing na pinakamayamang tao sa buong mundo. Sa gitna ng bayan ay mayroong isang ilog na may tubig ng buhay, at ang punongkahoy ng buhay na inalis sa halamanan ng Eden noon ay doon din matatagpuan:



 Apocalypsis 22:1-2
  “At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero, Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namu-munga ng labingdalawang iba't ibang bunga, na namumunga sa bawa't buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa ".




Sa Bayang Banal, doon lamang malalasap ng taong maliligtas ang tunay na kapahingahan ng kaniyang kaluluwa, ang walang hanggang buhay sa piling ng Diyos at ng Panginoong Jesucristo. Gaano ba kalaki ang Bayang Banal? Ang sukat ng bayang banal ay ibinigay din ng Biblia, ating basahin:




Apocalypsis 21:15-16
  “At ang nakiki-pag-usap sa akin ay may panukat na tambong ginto upang sukatin ang bayan, at ang mga pintuan nito, at ang kuta nito.  At ang pagkatayo ng bayan ay parisukat, at ang kaniyang haba ay gaya ng kaniyang luwang: at sinukat niya ng tambo ang bayan, ay labingdalawang libong estadio: ang haba at ang luwang at ang taas nito ay magkakasukat.”





Sabi ng Biblia, ang bayan ay parisukat [square] kung ano ang haba siya rin ang kaniyang luwang, ganun din ang kaniyang taas.  Ang sukat nito ay labingdalawang libong estadio.  Ano ang katumbas ng sukat nito?  Ating basahin sa Bibliang Ingles:



Revelations 21:16
  “The city was perfectly square, as wide as it was long. The angel measured the city with his measuring stick: it was fifteen hundred miles long and was as wide and as high as it was long.” [Good News Bible]



Ang sukat ng haba at luwang niya ayon sa Bibliang Ingles ay 1,500 miles na katumbas na sa kilometro ay: 2,414 kms, kaya ang kabuoang area ng bayang banal ay 5.83 Million Square Kilometers.



Napakaliit na sukat kung ikukumpara sa ating daigdig na may 148.4 Million Square Kilometers, at mas maliit pa ang bayang banal sa pinakamaliit na kontinente ng mundo na ito ang Australia na may 7.68 Million sq.km. At Malaki lamang siya ng kaunti sa bansang India na may 3.29 Million sq.km.

Kaya nga maliwanag na maliwanag na sa maliit na sukat na iyan ay tunay na ating mababatid na talagang hindi maliligtas ang lahat ng tao sa daigdig. Dahil kulang na kulang ang sukat na iyan upang magkasiya ang lahat ng tao.

 Maaari pa bang mag-asawa ang tao sa dakong iyon? Sasagutin tayo ng Panginoong Jesus:



Marcos 12:18-25
     “May ilang Saduseo na lumapit kay Jesus upang magtanong. Ang mga ito ay nagtuturo na hindi muling mabubuhay ang mga patay. Sinabi nila,  "Guro, isinulat po ni Moises para sa atin, 'Kung mamatay ang kuya ng isang lalaki at ang asawa nito'y maiwang walang anak, siya ay dapat pakasal sa biyuda upang magkaanak sila para sa namatay.'  Mayroon pong pitong magkakapatid na lalaki. Nag-asawa ang panganay, subalit siya'y namatay na walang anak.  Pinakasalan ng pangalawang kapatid ang biyuda subalit ito ay namatay ring walang anak. Ganoon din ang nangyari sa pangatlo.  Isa-isang napangasawa ng babae ang pitong magkakapatid at silang lahat ay namatay na walang anak. Sa kahuli-huliha'y ang babae naman ang namatay.  Kapag binuhay na muli ang mga patay  sa araw ng muling pagkabuhay, sino po ba sa pitong magkakapatid ang kikilalaning asawa ng babaing iyon, sapagkat silang lahat ay napangasawa niya?"
     “Sumagot si Jesus, "Maling-mali ang paniniwala ninyo, dahil hindi ninyo nauunawaan ang itinuturo ng Kasulatan at ang kapangyarihan ng Diyos.  Sa muling pagkabuhay, ang mga tao'y hindi na mag-aasawa; sila'y magiging katulad na ng mga anghel sa langit.” [MB]




Hindi na kailangan pa ng paliwanag hindi po ba? Sapat na ang malinaw na sagot ng Panginoong Jesus. Kung hindi makapapasok ang lahat ng tao, sino lamang ba ang makapapasok sa Bayang Banal? Ang makapapasok lamang doon ay yung mga tao na ang kanilang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero:



Apocalypsis 21:25-27
  “At ang mga pintuan niyaon ay hindi ilalapat kailan man sa araw (sapagka't hindi magkakaroon doon ng gabi): At dadalhin nila sa loob niyaon ang karangalan at kapurihan ng mga bansa: At hindi papasok doon sa anomang paraan ang anomang bagay na karumaldumal, o siyang gumagawa ng kasuklamsuklam at ng kasinungalingan: kundi yaon lamang na mga nakasulat sa aklat ng buhay ng Cordero.”



Makakapasok lamang doon ang isang tao kung ang kaniyang pangalan ay maisusulat sa aklat ng buhay sa langit. Kung wala roon ang pangalan ng isang tao siya ay ibubulid sa dagat-dagatang apoy:



Apocalypsis 20:15
  “At kung ang sino-man ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagat-dagatang apoy.”



Kaya dapat matiyak ng isang tao kung ang kaniyang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay, dahil kung hindi makikita doon ang kaniyang pangalan ito ay mangangahulugan ng walang hanggang kapahamakan para sa kaniya.

May halimbawa ba sa Biblia ng mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay?
Kahit dito pa lamang sa buhay na ito ay maaari nang malaman at ang Biblia ay may ipinakilalang halimbawa:



Filipos 4:1,3 
 “Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking katuwaan at putong, magsitibay nga kayo sa Panginoon, mga minamahal ko… Oo, ipinamamanhik ko rin naman sa iyo, tapat na kasama sa pagtulong, na iyong tulungan ang mga babaing ito, sapagka't sila'y nangagpagal na kasama ko sa evangelio, at kasama rin naman ni Clemente, at ng ibang aking mga kamanggagawa, na ang kanilang pangalan ay nangasa aklat ng buhay.”



Saan ba kabilang ang sinasabi ni Apostol Pablong ito na mga taong ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay?



Roma 12:5
  “Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa.”





Ang mga sangkap o kaanib ng katawan ni Cristo na siyang Iglesia [Colosas 1:18],  ay ang mga tao na ang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay sa Langit. Maliwanag na kinakailangan na tayo ay maging sangkap o kaanib ng tunay na iglesia na ito nga ang Iglesia ni Cristo na tinubos niya ng kaniyang dugo:



Gawa 20:28
  “Ingatan ninyo ang inyong sarili at ang buong kawan, na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.” [Lamsa Version]



Kaya nga kung ating natitiyak na ang ating pangalan ay nakasulat na sa aklat ng buhay dahil sa pagiging kaanib natin sa tunay na iglesia, ay dapat natin itong ikagalak:



Lucas 10:20
  “Gayon ma'y huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit.”



Kaya kung nais nating masiguro na tunay tayong makararating sa Bayang Banal, hinding-hindi natin maiiwasan ang isang napakahalagang gampanin, na tayo ay kailangang mapabilang o maging kaanib ng tunay na Iglesia na siyang katawan ng ating Panginoong Jesucristo, sapagkat dito kabilang ang mga taong maliligtas sapagkat siyang tinubos ng dugo ni Cristo:



Acts 2:47 
“Praising God, and having favour with all the people. And the Lord added to the church daily such as should be saved.” [King James Version]


Sa Filipino:

Gawa 2:47 
“Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag ng Panginoon sa Iglesia araw-araw yaong mga maliligtas.”



Kabilang sa Iglesia ni Cristo ang mga taong maliligtas pagdating ng araw ng paghuhukom…At ang nga nakitityak na magmamana ng Bagong Lupa at Bagong Langit na inihanda .


    

Ang Mapalad na Kamatayan





MASARAP MABUHAY KAHIT may mga suliranin at bagabag. Kaya’t walang sinumang may malinaw na pag-iisip ang nagnanais mamatay. Ang totoo, marami ang natatakot sa pagdating ng kanilang kamatayan. Kaya nga, ginagawa ng tao ang lahat ng pag-iingat upang huwag mapahamak o kaya’y magkasakit; at kung magkakasakit ma’y sinisikap niyang gumaling. Ngunit sa kabila ng kaniyang pag-iingat, alam niya na walang makapipigil sa kamatayan. Bata man o matanda, marunong man o mangmang, mahirap man o mayaman ay namamatay.




May mga naniniwala na ang kamatayan ng tao ay isang malaking kasawiang-palad sapagkat kasabay nito ay natatapos na ang lahat para sa kaniya. Iniisip naman ng iba na mabuti pang sila’y kumain na lamang at uminom habang nabubuhay sapagkat nakatakda naman silang mamatay. Mabuti pang sila’y kumain na lamang at uminim habang nabubuhay sapagkat nakatakda naming silang mamatay. Mabuti raw na magpakaligaya habang nabubuhay dahil di na raw ito magagawa ng tao kung patay na. Sa kabilang dako, may mga tao naming dahil sa bigat ng suliranin ay napapatiwakal upang mawakasan na ang kanilang paghihirap.




Mapalad na kamatayan




Bagaman ang kamatayan ay kasawiang-palad, gayunman, mayroong ipinakikilala ang biblia na mapalad na kamatayan. Ganito ang sinasabi ng Banal na Kasulatan:




Apocalypsis 14:13
" At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo, Mapapalad ang mga patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon: oo, sinasabi ng Espiritu, upang sila'y mangagpahinga sa kanilang mga gawa; sapagka't ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila."


Itinuturo ng Biblia na mapalad ang mga taong nangamatay sa Panginoon sapagkat pagpapahingahin na sila sa kanilang mga gawa. Sino ang Panginoon na tinutukoy na kung namatay ang tao na nasa Kaniya ay mapalad? Sa Gawa 2:36 ay ganito ang paglilinaw ng Biblia:




" Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus."



Si Cristo ang tinutukoy na Panginoon . Sino naming ang sa Panginoong na may mapalad na kamatayan? Ayon mismo kay Cristo, ang sa kaniya ay ang Kaniyang Iglesia:





Mateo 16:18 (Magandang Balita Biblia)
“ At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at hindi makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng kamatayan. "




Ang pinatotohanan ng Biblia na sa Panginoon ay ang mga kaanib sa Kaniyang Iglesia. Sila ang mga tao na kung mamatay man ay mapalad. Ayon sa Biblia, ang Iglesiang kay Cristo ay ang Iglesia ni Cristo:




Gawa 20:28 (Lamsa Translation, isinalin mula sa Ingles)

" Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito'y hinirang kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristo na binili niya ng Kaniyang dugo."




Kaya, ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ang may mapalad na kamatayan. Sa Pagkabuhay na mag-uli.
Bakit mapalad ang kamatayan ng kay Cristo o ng nasa Iglesia ni Cristo? Sa 1 Tesalonica 4:16-17 ay ganito ang paliwanag:




" Sapagka't ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng arkanghel, at may pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay unang mangabubuhay na maguli; Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito'y sasa Panginoon tayo magpakailan man."




Sa muling pagparito ng Panginoong Jesucristo o sa araw ng Paghuhukom,ang mga namatay na kay Cristo ang unang bubuhaying muli upang, kasama ng mga daratnang buhay sa Kaniyang pangalan, sumalubong sa Kaniya. Ang mga taong ito ay tunay na mapalad:





Apocalypsis 20:6
" Mapalad at banal ang makalakip sa unang pagkabuhay na maguli: sa mga ito'y walang kapangyarihan ang ikalawang kamatayan; kundi sila'y magiging mga saserdote ng Dios at ni Cristo, at mangaghaharing kasama niya sa loob ng isang libong taon."



Ang ikalawang kamatayan na wala nang kapangyarihan sa mga nakalakip sa unang pagkabuhay na mag-uli ay ang kamatayan sa dagat-dagatang apoy:




Apocalypsis 20:14
" At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy."



Ang tahanan ng mapalad



Saan tatahan ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na muling binuhay at mga daratnang buhay na hindi na makararanas ng kamatayan? Sa 2 Pedro 3:13 ay ganito ang mababasa:





"Sa bagong Lupa na may bagong langit tatahan ang mga maliligtas."


 Ito ang bayang banal:



Apocalypsis 21:1-4
" At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na. At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na."





Sa bagong langit-sa bayang banal o bagong Jerusalem-ay wala nang kamatayan. Wala nang pagluha ni panimbitan man sapagkat ang mga dating bagay ay wala na. Gayundin, ang mga makararating dito ay ligtas na mula sa kaparusahan sa dagat-dagatang apoy. Ito ang napakadakilang kapalaran na naghihintay sa mga nasa loob ng Iglesia ni Cristo. Para sa kanila, ang kamatayan ng kanilang katawang-laman o pagkalagot ng hininga ay pagpapahinga lamang. Hindi nila kailanman ito kinatatakutan sa pagkat mayroong nakalaan sa kanila na buhay na walang hanggan sa bayang banal na ipinangako ng Panginoong. Ano ang itinuturo ng Biblia sa mga kaanib sa Iglesia ni Cristo upang maingatan nila ang kanilang dakilang kapalaran?




Awit 1:1-3
" Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni nauupo man sa upuan ng mga manglilibak.
Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi. "

" At siya'y magiging parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig, na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan, ang kaniyang dahon nama'y hindi malalanta; at anumang kaniyang gawin ay giginhawa."




Mapalad ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo na hindi lumalakad sa daan ng mga makasalanan bagkus ay sumusunod sa mga kautusan ng Panginoon. Sila ay tiyak na magtatamo ng mga pagpapala ng Diyos ditto pa lamang sa buhay na ito. At kung sila man ay abutin ng kamatayan o ng pagkalagot ng hininga, tiyak na sila ay bubuhaying muli upang tamuhin ang pangakong bayang banal at buhay na walang hanggan. .






Source :


Pasugo Issue: August 1998
Volume 50, Number 8
ISSN number: 0116-1636 Page, 14-15

Martes, Abril 29, 2014

II Perdro 1:1 Tinawag bang Diyos si Cristo?







Maraming nangangaral na patuloy sa pangangaral ukol umano sa pagka Dios ni Cristo. Isa na naman sa talata na kanilang ginagamit upang gawing tama ang mali. Subalit, Kahit anung pilit na pag iba ng katotohanan, mailabas parin ang katotohanan ng tunay na Aral. Ganito ang nilalaman ng talatana kanilang ginagamit. Ating suriin .




“Si Simon Pedro, na alipin at apostol ni Jesucristo, sa nagsipagkamit na kasama namin ng mahalagang pananampalataya sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo.” (II Pedro 1:1)



Dito raw tinawag na Dios si Cristo, Ngunit may malaking Suliranin kung Tatatanggapin na Tinawag ni Apostol Pedro si Cristo na Diyos. Aalamin natin.



Bakit hindi maaaring tawagin ni Apostol Pedro si Cristo na Diyos sa II Pedro 1:1?


Una , Sapagkat ang tinutukoy ni Apostol Pedro na DIYOS AY ANG AMA NG ATING PANGINOONG JESUSCRISTO. Matitiyak ba natin? Opo . .Ganito ang patotoo :





“Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo sa mga patay.” (I Pedro 1:3)





Pansinin na magkakaroon ng malaking problem sila kung pipilitin at tatanggapin na tinawag ni Apostol Pedro si Cristo na Diyos, samantalang sinabi rin niya na ang Diyos ay ang Ama ni Cristo:


"Ang maging Resulta, Si Cristo ay ang Ama na Dios, at si Cristo na may AMA na Dios. Magiging dalawa ang Cristo Ngayun. "





Anu pa ang ating dapat na mapansin?


" IPINAKILALA NI APOSTOL PEDRO SI CRISTO NA “ANAK NG DIYOS NA BUHAY”




“At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay.” (Mateo 16:16)





Pansinin pa ang magiging suliranin kung tatanggapin natin na si Cristo ay tinawag ni Pedro na Diyos, samantlang sinabi ni Pedro na si Cristo ay ang “Anak ng Diyos na buhay”:




Kung tinawag ni Pedro si Cristo na Diyos at tinawag din niya si Cristo na :


“ANAK NG DIYOS NA BUHAY,”


Lalabas na ang Diyos (NA SI CRISTO RAW) ay ang “ANAK NG DIYOS NA BUHAY.”
Magiging dalawa na naman ANG DIYOS .




Anu pa ang dapat nating mapansin at matitiyak? Ipinakilala ni Apostol Pedro si Cristo na


1. “SINUGO NG DIYOS”

2. “BINUHAY NA MAG-ULI NG DIYOS”; AT ANG “TAONG IBINIGAY AYON SA PASIYA AT PAGKAALAM NG DIYOS”


Ganito ang mababasa sa Biblia :



“Mga Israelita, pakinggan ninyo ito!  Si Jesus na taga-Nazaret ay sinugo ng Diyos.Pinatutunayan ito ng mga himala, mga kababalaghan, at mga tandang ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya.Alam ninyo ito sapagkat lahat ay naganap sa gitna ninyo. Ngunit ang taong ito na ibinigay sa inyo ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos sa mula't mula pa, ay ipinapako ninyo at ipinapatay sa mga makasalanan.Subalit siya'y muling binuhay ng Diyos at pinalaya sa kapangyarihan ng kamatayan. Hindi ito maaaring mamayani sa kanya.”
(Gawa2:22-24 MB)




Dito Sinabi mismo ni Apostol Pedro na si Cristo ay “sinugo ng Diyos” – KUNG TINAWAG NI APOSTOL PEDRO SI CRISTO NA DIYOS, LALABAS NA ANG DIYOS (NA SI CRISTO DAW) AY ISINUGO NG DIYOS.



Samantalang si Cristo mismo ang nagpatotoo na ang nagsugo ay higit na dakila kaysa sa isinugo:



“Sinasabi ko sa inyo ang katotohanan, walang aliping dakila kaysa kanyang panginoon; ang
sinugo ay hindi dakila kaysa nagsugo sa kanya.” (Juan 13:16 NPV)





Sinabi rin ni Apostol Pedro na si Cristo ay “binuhay na mag-uli ng Diyos” – KUNG TINAWAG NI APOSTOL PEDRO SI CRISTO NA DIYOS AY LALABAS NA ANG DIYOS (NA SI CRISTO DAW) AY BINUHAY NA MAG-ULI NG DIYOS.




Ang pagkabuhay na mag-uli ay nagpapatunay na namatay, samantalang maliwanag sa Biblia na ang Diyos ay walang kamatayan:


“Ngayon sa Haring walang hanggan, WALANG KAMATAYAN, DI NAKIKITA, SA IISANG DIOS, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man.  Siya nawa.” (I Timoteo 1:17)





Ipinahayag pa ni Apostol Pedro na si Cristo ay “ang taong ibinigay ayon sa pasiya at pagkaalam ng Diyos” – KUNG TINAWAG NI APOSTOL PEDRO SI CRISTO NA DIYOS, LALABAS NA ANG DIYOS NA SI CRISTO AY ANG “TAONG IBINIGAY AYON SA PASIYA AT PAGKAALAM NG DIYOS.




” Samantalang, ipinahayag mismo ng Diyos na Siya ay hindi tao” Ganito ang patotoo :



“Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: SAPAGKA'T AKO'Y DIOS, AT HINDI TAO; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit.” (Oseas 11:9)





Ang totoo ay marami pang ipinahayag si Apotol Pedro na sasalungat sa pagsasabing tinawag niya si Cristo na Diyos. Subalit, sapat na ang mga nabanggit sa unahan upang ipakita na hindi maaaring tawagin ni Apostol Pedro si Cristo na Diyos.



Ang Tunay na Tintutukoy ni Apostol Pedro sa II Pedro 1:1





Ang maaaring  itanong ng mga naniniwalang si Cristo ay Diyos ay “Kung hindi maaari na tawagin ni Apostol Pedro si Cristo na Diyos sa II Pedro 1:1 ay bakit maliwanag na nakasulat dito na sinabi ni Pedro na



“sa katuwiran ng ating Dios at Tagapagligtas na si Cristo Jesus”?



ANG TINUTUTUKOY NG BANGGIT NI APOSTOL PEDRO NA “ATING DIYOS” AT “TAGAPAGLIGTAS” AY HINDI IISA, KUNDI MAGKAIBA.




Pinatutunayan ito ng kasunod lamang na talata, Ganito po :




“Biyaya at kapayapaan ang sa inyo'y dumami sa pagkakilala SA DIOS AT KAY JESUS NA PANGINOON natin.” (II Pedro 1:2)





Napansin ba ninyo ang kasunod lamang na talata ng II Pedro 1:1. Ang banggit sa talatang 2 ay “sa pagkakilala sa Dios at kay Jesus na Panginoon natin.” Dito ay malinaw na hindi tinawag ni Apostol Pedro na Diyos ang ating Panginoong Jesucristo, bagkus ay ipinakikitang magkabukod ang “Diyos” at ang Panginoong Jesus.




Kapansin-pansin na ang mga salin ng II Pedro 1:1 na bumabanggit na



“our God and Saviour Jesus Christ”



Ay malinaw na isinasaad din sa talatang 2 na magkaiba ang Diyos at si Cristo. Pansinin ang mga sumusunod na halimbawa:





II Peter 1:1-2 NKJV
“Simon Peter, a bondservant and apostle of Jesus Christ, To those who have obtained like precious faith with us by the righteousness OF OUR GOD AND SAVIOR JESUS CHRIST: Grace and peace be multiplied to you in the knowledge OF GOD AND OF JESUS OUR LORD.”





II Peter 1:1-2 NIV
“Simon Peter, a servant and apostle of Jesus Christ, To those who through the righteousness of OUR GOD AND SAVIOR JESUS CHRIST have received a faith as precious as ours: Grace and peace be yours in abundance through the knowledge OF GOD AND OF JESUS OUR LORD.”





Kaya may mga salin ng II PEDRO 1:1 na malinaw naipinakitang hindi tinawag ni APOSTOL PEDRO si Cristo na Diyos at bagkus ay magkabukod o magkahiwalay ang kantang tinutukoy o binanggit. Ito ang mga sumusunod:





Complete Jewish Bible

“From: Shim‘on Kefa, a slave and emissary of Yeshua the Messiah “To: Those who, through the righteousness OF OUR GOD AND OF OUR DELIVERER YESHUA THE
MESSIAH, have been given the same kind of trust as ours.” 
    



King James Version

“Simon Peter, a servant and an apostle of Jesus Christ, to them that have obtained like precious faith with us through the righteousness OF GOD AND OUR SAVIOUR JESUS CHRIST.”





Samakatuwid, maling “rendering” ng talata ang nagsasabing “our God and Savior Jesus Christ” sapagkat magbubunga ng pagsalungat sa iba pang pahayag ni Apostol Pedro at ng marami pang mga suliranin. Ang tamang “rendering” ay “of God and our Saviour Jesus Christ” o “of our God and of our Saviour Jesus Christ.”


Kaya isang maling aral at paniniwala na naman ang ating na bigyan linaw. Sa mg nagsususri, patuloy na sumunud sa tamang ar aral at iwan na ang dating maling kinagisnan nang maling paniniwala at paglilingkod.

Ang tunay na tumanggap kay Cristo



MARAMING TAGAPANGARAL ngayon ang nagtuturo na sapat nang tanggapin ng tao si Cristo bilang tagapagligtas upang siya ay maligtas. Sumampalataya lamang daw sa Kaniya ay maliligtas na at hindi na raw kailangan pang umanib sa Iglesia ni Cristo. Totoong mahalaga na tanggapin ng tao ang Panginoong Jesucristo sapagkat ayon kay Apostol Juan, ang mga tumatanggap sa Panginoong Jesus ay pinagkalooban ng karapatan na maging anak ng Diyos:




Juan 1:12
" Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan."


Itinuturo ng Panginoong Jesucristo kung paano Siya matatanggap ng tao kahit na ngayong Siya ay nasa langit na. Sa Juan 13:20 , ganito ang sinabi Niya:



Juan 13:20
" Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang tumatanggap sa sinoman sinusugo ko ay ako ang tinatanggap; at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin."


Kung gayon, upang matanggap ng tao ang Panginoong Jesucristo ay kailangang tanggapin ang Kaniyang sinugo. Ayon din sa Panginoong Jesucristo. Masamang itakuwil ang sinugo. Sa Lucas 10:16 ay Kaniyang sinabi ang dahilan:



Lucas 10:16 
" Ang nakikinig sa inyo, ay sa akin nakikinig; at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil; at ang nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki'y nagsugo."



Napakasamang itakuwil ng tao ang sinugo ng Panginoong dahil hindi lamang ang sinugo ang naitatakuwil kundi maging ang Panginoong Jesucristo at ang Diyos na nagsugo. Kaya ang pagtanggap ng tao sa Panginoong Jesucristo ay tunay niyang magagawa hindi lamang sa pamamagitan ng pagsambit lamang niya ng gayon, kundi sa pamamagitan ng pagtanggap sa tunay na sinugo.



Ang makalalapit kay Cristo


May binabanggit ang Panginoong Jesucristo na mga taong kumikilala at tumatawag sa Kaniya ng Panginoon o “Lord” ngunit itataboy Niya sa araw ng Paghuhukom. Sino ang mga taong ito? Sa Mateo 7:21-23 ay ganito ang pahayag ng Panginoong Jesus:





Mateo 7:21-23
" Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo'y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo'y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo'y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma'y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan."


Maliwanag na sa araw ng Paghuhukom ay may mga taong itataboy ng Panginoong Jesucristo kahit pa nakapanghula sila, nakapagpalayas ng mga demonyo, at nakagawa ng mga gawang makapangyarihan sa Kaniyang Pangalan. Maaring kinikilala nila ang Panginoong Jesus subalit hindi naman Niya sila kinikilala. Kaya, hindi mapanghahawakan ninuman na dahil sa nakagawa siya ng mga milagro sa pangalan ni Cristo ay papapasukin na siya sa kaharian ng langit. Ang papapasukin ng Panginoong Jesucristo sa kaharian ng langit ay yaong kumikilala sa Kaniya na kinikilala sa Kaniya na kinikilala rin naman Niya.


Ipinahahayag ng Tagapagligtas kung paanong ang tao ay makalalapit sa Kaniya upang kilalanin Niya. Sa Juan 6:44 ay sinasabi Niya:



Juan 6:44
" Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin; at siya'y aking ibabangon sa huling araw."



Ang Panginoong Diyos ang Siyang nagdadala sa tao upang ilapit kay Cristo. Kung paano dinadala ng Diyos ang tao kay Cristoay ipinaliwanag ni Apostol Pablo sa 1 Corinto 1:9:




1 Corinto 1:9
" Ang Dios ay tapat, na sa pamamagitan niya ay tinawag kayo sa pakikisama ng kaniyang anak na si Jesucristo na Panginoon natin."



Samatuwid, tinatawag ng Diyos ang tao upang ipakisama sa Kaniyang Anak na si Jesucristo. Paano naman tinatawag ng Diyos ang tao upang ipakisama sa Kaniyang Anak? Sa 2 Tesalonica 2:14 ay ganito ang itinuro ni Apostol Pablo:



2 Tesalonica 2:14 
" Sa kalagayang ito'y tinawag niya kayo sa pamamagitan ng aming evangelio, upang magkamit ng kaluwalhatian ng ating Panginoong Jesucristo."



Tinatawag ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga ebanghelyo na ipinangangaral ng Kaniyang sinugo gaya ni Apostol Pablo. Saan ba tinawag ng Diyos ang mga tao na ipinakikisama Niya sa Kaniyang Anak na si Cristo? Sa Colosas 3:15 ay sinabi ni Apostol Pablo:


 Colosas 3:15
" At maghari sa inyong puso ang kapayapaan ni Cristo, na diya'y tinawag din naman kayo sa isang katawan; at kayo'y maging mapagpasalamat."



Ang mga taong tinawag ng Diyos upang ipakisama sa Kaniyang Anak na si Jesucristo-na siyang mga napangaralan ng Kaniyang sinugo-ay nasa isang katawan. Ang katawang ito ay ang Iglesia:



Colosas 1:18
" At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia."


Ang tinawag ng Diyos ay nasa katawan o Iglesia-sa Iglesia ni Cristo:



Roma 16:16 (New Pilipino Version)
“ Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng iglesia ni Cristo ay bumabati sa inyo.”


Kaya, ang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo ang tunay na tumanggap kay Cristo sa pagsampalataya sa Kaniyang pangalan. Sila ang mga tunay na anak ng Diyos. Ang tunay na tumanggap kay Cristo sa pagsampalataya sa Kaniyang pangalan sapagkat tanging ang pangalan lamang ni Cristo ang ibinigay ng Diyos sa ikaliligtas ng tao.




Gawa 4:12 (Magandang Balita Biblia)
" Sa kanya [Cristo] lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan ng sinumang tao sa buong mundo na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas."


Marapat magbagong buhay


Ngunit hindi sapat na ang tao ay nagging kaanib lang sa Iglesia ni Cristo, kundi, dapat niyang linisin ang ka-niyang kaluluwa gaya ng sinabi ni Apostol Pablo:




1 Pedro 1:22
" Yamang nilinis ninyo ang mga kaluluwa sa inyong pagtalima sa katotohanan, sa pagibig na hindi pakunwari sa mga kapatid, ay mangagibigan kayo ng buong ningas ng inyong puso sa isa't isa."



Ang paglilinis ng kaluluwa sa pamamagitan ng pagtalima sa katotohanan o sa mga salita ng Diyos. Ayon kay Apostol Pablo, paano makikilala ang kaanib sa Iglesia ni Cristo na tumatalima sa katotohanan? Sa Efeso 4:21-24 ay sinabi niya:



Efeso 4:21-24
" Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus. At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya; At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip, At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan."



Kung gayon, ang tunay na tumanggap kay Cristo ay hindi lamang tinatawag sa pangalan ni Cristo-hindi lamang kaanib sa Iglesia ni Cristo-kundi lubos na nagbabagong-buhay. Iniwan na niyang ganap ang kasalanan at iniaangkop niyang mabuti ang kaniyang sarili bilang isang anak ng Diyos na makaaasa sa pagliligtas ng Panginoong Jesus sa araw ng paghuhukom. Ang ganito ang tunay na tumanggap sa Panginoong Jesucristo. .





Source :


Pasugo Issue: October 1998
Volume 50, Number 10
ISSN number: 0116-1636, Page 15-16

Lunes, Abril 28, 2014

Pagrorosaryo

“Saan nagmula ang rosaryo ng mga Katoliko?’’ "Ang rosaryo ay mula pa sa kauna-unahang panahon at halos laganap na matatagpuan sa mga bansang pagano."

.





Maraming katoliko ang taintim na nagdarasal ng rosaryo ito man ay isinasagawa nang mag-isa, o di kaya ay samantalang kasama ang kaniyang sambahayan. Kaugnay nito, itinuturing ng Iglesia Katolika ang unang Linggo ng buwan ng Oktubre bilang kapistahan ng Rosaryo. Saan ba nagmula ang rosaryo at ano ang kahulugan nito sa harap ng Dios?




Ang mga unang gumamit ng rosaryo


Matagal na, bago pa man umiral ang Iglesia Katolika ay may mga gumagawa na ng paulit-ulit na pananalangin na ginagamitan ng mga magkakarugtong na mga butyl o rosaryo:


“ Ang mga Budista ng Malayong Silangan, ang mga Brahman ng India, ang mga Lama ng Tibet, ang matatandang pagano ng Roma, at ang mga mamamayan ng Efeso sa kanilang pagsamba kay Diana (Mga gawa 19:28), pawang umiiral na bago pa ang Iglesia Katolika Romana, ay palagiang gumagamit ng mga butil sa kanilang mga pagdarasal ".
(Roman Catholicism in the Light of the Scripture, page 137)


Natala rin sa kasaysayan ang ganito:


"... Ang rosaryo, gayon pa man, ay mula sa kauna-unahang panahon, at halos laganap na matatagpuan sa mga bansang pagano. Ang rosaryo ay ginamit bilang isang banal na kasangkapan ng mga unang Mehikano. "
(The Two Babylons or the Papal Worship, page 187)



Bago pa man nagkaroon ng Katolisismo ay ginagamit na ng mga Budista, Brahman, Lama, at ng mga pagano ang rosary sa pagdarasal sa kanilang pagsamba sa mga Diyus-Diyusan. Paano at kailan nagsimula ang paggamit ng rosaryo ng Iglesia Katolika?




“… Ang dakilang pamimintakasi kay Maria, ang rosaryo, ay walang linaw na pinasimulan noong ikalabing-isang siglo at nang malaunan ay mapamaraang pinaunlad ni Sto. Dominic at nagkaroon ng anyong kilala natin ngayon na binubuo ng pagbigkas ng dalangin at pagbubulay-bulay ng labinlimang misteryo noong mga panahong isandaang Taong Digmaan. Kaya sa maikling pagbabalik-aral, ay ang mga tanda ng kamangha-mangha pagdaluyong ng pamimintakasi na kapuwa nakasapat upang mailaan sa Birhen ang kaniyang mataas na katayuan sa pagsambang Kristyano na pumapangalawa siya kay Cristo mismo. "
(The book of Mary,page 81)





Ang rosaryo ng mga pagano ay ipinalalagay na pinasimulan sa loob ng Iglesia Katolika noong lamang mga ika 11 siglo. Nang malaunan ay pinaunlad ito ni Dominic at nagkaroon ng anyong kilala ngayon na binubuo ng 15 misteryo. Ito ay ginagawa nilang pamimintakasi o pagdalangin kay Maria.Diumano,bilangpagsambang Cristiano.Hindi maikakaila,ganunpaman, na ang Rosaryo ng Iglesia Katolika ay nagmula sa mga pagano.



Ang Pagrorosaryo




Ang pagdarasal ng rosary ay 150 beses na inuulit ang dasal na patungkol kay Maria:



“… Ang buong panata sa Rosaryo ay binubuo ng labinlimang pangkat ng Aba ginoong Maria, sampu sa bawat pangkat na karaniwang tinatawag na dekada… Ang mga dasalay binibigkas sa bawat butil at krusipiho, ngunit yaong dinarasal sa Krusipiho at sa limang butyl na binabanggit mong palawit ay panimula lamang sa kaniyang sarili at hindi kailangan sa Rosaryo…
“.. Ibig mo bang sabihin, na kapag dinarasal ang buong Rosaryo, ang ‘aba Ginoong Maria’ ay sinasabing 150 ulit? …Mangyari pa,…
(Father Smith Instructs Jackson, page 269-270)




Bukod pa sa 150 ulit na dsal kay Maria ay kasama pa rin sa pagrorosaryo ang 15 ulit na dasal na “ Ama namin” :


" Sa Iglesia ng Kanluran “ Ang Rosaryo,’’ ayon sa roman Breviary,’ ay isang uri ng panalangin na doo’y sinasambitla ang labinlima na tigsasampung Aba Ginoong Maria kasama ng isang Ama naming sa pagitan ng bawat sampu…” 
(The Catholic Encyclopedia, Volume 13, page 184)



Kaya sa kabuuang bilang, ang pagrorosaryo ay binubuo ng 165 na paulit-ulit na dasal sa isang pagkakataon lamang.  Ang 165 ulit na dasal na ito ay ipinag-utos ng mga Papa na  usalin ng mga Katoliko araw-araw sa buwan ng Oktubre:




“.. Si Papa Clemente XI, ay nag-utos na unang Linggo ng Oktubre ang kapistahan ng Rosaryo (naval) ay dapat ipagdiwang sa buong Iglesia. Noong taong 1885, ipinag-utos ni Papa Leo XIII na ang Rosaryo ay usalin araw-araw sa buwan ng Oktubre sa simbahan ng bawat parokya sa buong mundo at nagtagubilin na lahat ng hindi makadadalo sa pananalangin ng Rosaryo sa simbahan ay nararapat na umusal nito na kasama ang kanilang mga sambahayan sa tahanan, o sa pansarili." . (Amigo del Pueblo, page 275).



Mahigpit na tagubilin



Mahalaga ang pananalangin dahil ito ay pakikipag-usap  sa Dios. Subalit dapat itong isagawa nang naayon sa  itinuturo ng Biblia. Kaugnay nito ay may mahigpit na  ipinagbabawal ang Dios sa mga Cristiano. Ayon kay  Apostol Pablo:



Efeso 4:17-18 
“.. Kaya’t ito ang masasabi ko, sa pangalan ng Panginoon: Huwag na kayong mamuhay na gaya ng mga paganong walang kabuluhan ang mga iniisip at nadirimlan ang kaisipan. Dahil wala silang pagkaunawa at matigas ang kanilang puso, hiwalay sila sa Buhay na mula sa Dios.”(salita ng Buhay)



Ipinagbabawal din ng Panginoong Jesucristo sa kaniyang mga Alagad ang panalanging paulit-ulit gaya ng  ginagawa ng mga pagano:



 Mateo 6:7-8 (Ibid)
“.. Huwag kayong manalangin nang paulit-ulit, na gay ang ginagawa ng mga pagano. Akala nila’y diringgin sila dahil sa marami nilang salita. Huwag ninyo silang gayahin, sapagkat bago pa man kayo himingi ay alam na ng inyong Ama kung ano ang inyong kailangan.’’




Nangangahulugan ba ito na ipinagbabawal na ni cristo  ang paulit-ulit na panalangin? Hindi po.. Bagkus ipinag- uutos pa nga ni Cristo na manalangin sa lahat ng oras, o maging mapanalanginin. Anung uri ng panalangin na paulit-ulit ang ipinagbabawal ni Cristo? Ayon sa nasabing talata ang paulit ulit na panalangin sa pamamagitan ng  maraming salita! Samakatuwid ang inuulit sa panalangin ay yaon maraming salita. Sa madaling sabi, ito yung mga  panalangin na kinakabisado at inuulit ng maraming beses! Iyan ang panalanging ipinagbabawal ni Cristo…Ang  panalanging itinuturo ng biblia ay ang panalanging nagmumula sa ating mga puso at hindi bunga lamang ng  pagkakabisado o paulit-ulit na panalangin!.


Bukod sa maling gawing paulit-ulit ang dasal, wala ring mababasa sa Biblia na si Maria ay ginawa ng Dios na tagapamagitan. Hindi rin itinuturo ng Biblia na siya ay dapat dalanginan. Iisa lamang ang Tagapamagitan ng tao sa Dios na ipinag-uutos na dalanginan—ang Panginoong Jesucristo.



1 Timoteo 2:5
" Sapagka't may isang Dios at may isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus, "


Filipos 2:10
" Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,"


Hebreo 4:16
" Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan."




Gayun din, ang panalangin ng mga katoliko kay Maria ng 150 ulit ay nangangahulugan ng 150 ulit na pakikipag usap at pagdalangin sa isang taong malaon nang patay. Ito ay malinaw na labag sa utos ng Dios.



Deutronomio 18:10-11
" At ako'y nalabi sa bundok, gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; at ako'y dininig din noon ng Panginoon; hindi ka lilipulin ng Panginoon. At sinabi ng Panginoon sa akin, Tumindig ka, lumakad ka na manguna sa bayan; at sila'y papasok at kanilang aariin ang lupain, na aking isinumpa sa kanilang mga magulang upang ibigay sa kanila."



Dahil sa mga katotohanang ito. Hindi mapasususbalian na ang rosaryo ng Iglesia Katolika ay hindi batay sa mga aral  ng Biblia. Dapat na malamn na ang panalangin sa rosaryo  ay tahasang pagsalansang sa utos ng Dios at ng  Panginoong Jesucristo.





Pasugo Issue: June 2002
Volume 54, Number 6
ISSN number: 0116-1636, Page 13-15

Biyernes, Abril 25, 2014

Juan 5:21 Dios ba si Cristo?





Mula sa talata na ito, ay isa sa ginagamit na dahilan ng mga kaibayo at naniniwala sa pagka Diyos umano ni Cristo sapagkat sa dahilang may kakayahan sa isang bagay upang gawin, ang BUMUHAY NG PATAY. Marami ang nabulag sa katotohan upang makilala ang tunay na katangian lalo na sa taglay ni Cristo. Ganito ang nilalaman ng talata :


Juan 5:21
" Sapagka't kung paanong ibinabangon ng Ama ang mga patay at sila'y binubuhay, gayon din naman binubuhay ng Anak ang kaniyang mga ibigin. "




Malinaw raw na nakasulat na may kakayahan ang Anak na gaya ng ginawa ng AMA,kaya Diyos na rin daw. Atin itong suriin at tiyakin kung Dios na ba ang bumubuhay ng patay. Paano ba naisagawa ng Anak ang ganitong bagay ? Ganito po mula sa taas ng talata :



Juan 5:19
" Sumagot nga si Jesus at sinabi sa kanila, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi makagagawa ang Anak ng anoman sa kaniyang sarili kundi ang makita niyang gawin ng Ama; sapagka't ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa, ay ang mga ito rin naman ang ginagawa ng Anak sa gayon ding paraan. "




Ang ginawa ni Cristo ay siya ring Gawain ng kanyang AMA . Sariling kakayahan ba ni Cristo ang dahilan kung bakit ito naisagawa ?



Juan 5:20
" Sapagka't sinisinta ng Ama ang Anak, at sa kaniya'y ipinakikita ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginagawa: at lalong dakilang mga gawa kay sa mga ito ang sa kaniya'y ipakikita niya, upang kayo'y magsipanggilalas. "




Ang lahat ng mga bagay na ginawa ng ANAK, ito ay mula sa AMA. Sa gayung paraan maisasagawa ng AMA ang kanyang gawain sa pamamagitan ng kanyang anak at hindi mismo ang anak ang may sariling kakayahan upang gawin ang mga ito. Ganito ang katiyakan ng Biblia :



Juan 6:38
" Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin. "



Juan 6:39-40
" At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw.
Sapagka't ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa't nakakakita sa Anak, at sa kaniya'y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw. "



Juan 12:49
" Sapagka't ako'y hindi nagsasalita na mula sa aking sarili; kundi ang Ama na sa akin ay nagsugo, ay siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong salitain. "




Lahat po ng Ginawa ni Cristo, ito'y Pag tupad sa gawain ng Dios na pagsusugo sa kanya at hindi ang kanyang sariling kalooban para gawin ang sariling kakayahan, kundi kakayahan Mismo at kagustuhan ng Dios ang kanyang ginawa at tinupad. Ayun sa Biblia, May mga Halimbawa ba na mga tao na bumuhay ng mga patay? kung ipipilit nila kung bakit si Cristo raw ay Dios dahil sa katanging ito. Sa Biblia may halimbawa ba? Ganito naman ang mga halimbawa :




MGA BUMUHAY NG PATAY



Pablo




Gawa 20:7-12
" At nang unang araw ng sanglinggo, nang kami'y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi.
At may maraming mga ilaw sa silid sa itaas na pangkatipunan namin.
At may nakaupo sa durungawan na isang binatang nagngangalang Eutico, na mahimbing sa pagtulog; at samantalang si Pablo ay nangangaral ng mahaba, palibhasa'y natutulog ay nahulog buhat sa ikatlong grado, at siya'y binuhat na patay.
At nanaog si Pablo, at dumapa sa ibabaw niya, at siya'y niyakap na sinabi, Huwag kayong magkagulo; sapagka't nasa kaniya ang kaniyang buhay.
At nang siya'y makapanhik na, at mapagputolputol na ang tinapay, at makakain na, at makapagsalita sa kanila ng mahaba, hanggang sa sumikat ang araw, kaya't siya'y umalis.
At kanilang dinalang buhay ang binata, at hindi kakaunti ang kanilang pagkaaliw. "



PEDRO



Gawa 9:37-41
" At nangyari nang mga araw na yaon, na siya'y nagkasakit, at namatay: at nang siya'y mahugasan na nila, ay kanilang ibinurol siya sa isang silid sa itaas.
At sapagka't malapit ang Lidda sa Joppe, pagkabalita ng mga alagad na si Pedro ay naroroon, ay nangagsugo sa kaniya ng dalawa katao, na ipinamamanhik sa kaniya, Huwag kang magluwat ng pagparito sa amin.
At nagtindig si Pedro at sumama sa kanila. At pagdating niya, ay inihatid nila sa silid sa itaas: at siya'y niligid ng lahat ng mga babaing bao, na nagsisitangis, at ipinakikita ang mga tunika at ang mga damit na ginawa ni Dorcas, nang ito'y kasama pa nila.
Datapuwa't pinalabas silang lahat ni Pedro, at lumuhod, at nanalangin; at pagbaling sa bangkay ay kaniyang sinabi, Tabita, magbangon ka. At iminulat niya ang kaniyang mga mata, at nang makita niya si Pedro, ay naupo siya.
At iniabot ni Pedro sa kaniya ang kaniyang kamay, at siya'y itinindig; at tinawag ang mga banal at ang mga babaing bao, at siya'y iniharap niyang buhay. "



ELIAS



1 Hari 17:20-22
" At siya'y dumaing sa Panginoon, at nagsabi, Oh Panginoon kong Dios, dinalhan mo rin ba ng kasamaan ang bao na aking kinatutuluyan, sa pagpatay sa kaniyang anak?
At siya'y umunat sa bata na makaitlo, at dumaing sa Panginoon, at nagsabi, Oh Panginoon kong Dios, idinadalangin ko sa iyo na iyong pabalikin sa kaniya ang kaluluwa ng batang ito.
At dininig ng Panginoon ang tinig ni Elias; at ang kaluluwa ng bata ay bumalik sa kaniya, at siya'y muling nabuhay. "




ELISEO




2 Hari 4:32-35
" At nang si Eliseo ay dumating sa bahay, narito, ang bata'y patay, at nakahiga sa kaniyang higaan.
Siya'y pumasok nga at sinarhan ang pintuan sa kanilang dalawa, at dumalangin sa Panginoon.
At siya'y sumampa, at dumapa sa ibabaw ng bata, at idinikit ang kaniyang bibig sa bibig niya, at ang kaniyang mga mata sa mga mata niya, at ang kaniyang mga kamay sa mga kamay niya: at siya'y dumapa sa kaniya; at ang laman ng bata ay uminit.
Nang magkagayo'y bumalik siya, at lumakad sa bahay na paroo't parito na minsan; at sumampa, at dumapa sa ibabaw niya: at ang bata'y nagbahing makapito, at idinilat ng bata ang kaniyang mga mata. "




Iilan sa mga Halimbawa ng Biblia na nakapagsagawa ng mga bagay na bumuhay ng patay. Subalit di natin dapat ituring na sariling kakayahan, kundi ang kapangyarihan ng pinagmulan nito . Gaya ng Panginoong JesuCristo na ang bagay na bumuhay ng patay ay kalooban ng Dios at hindi sa kanyang sarili.



Paano ba magkakaroon ng buhay na WALANG HANGGAN na ipagkakaloob ni Cristo ? Ganito po ang ating mababasa :




Juan 5:24
" Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang dumirinig ng aking salita, at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin, ay may buhay na walang hanggan, at hindi mapapasok sa paghatol, kundi lumipat na sa kabuhayan mula sa kamatayan. "




Taandaan po natin . Upang makamit ang. BUHAY NA WALANG HANGAN ay ang sumampalataya doon sa Nagsuso kay Cristo. Anung uri na pagsampalataya? Ganito ating basahin :



Juan 17:1, 3 MBB

" Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya. Ito ang BUHAY NA WALANG HANGGAN: ang makilala KA NILA, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo. "



Tandaan po natin, bubuhayin ng Dios sa pamamagitan ni Cristo ang mga patay, at bigyan ng buhay na walang hanggan. Subalit may paraan :


Kilalanin ang dalawang bagay



1. Ang AMA na iisang Dios na tunay

2. Ang pagkasugo ni Cristo




Ganito ipinakilala ni Cristo. At hindi ang ituring na pagka Dios ang kanyang nagawa. Kaya kung sino man ang pinaka una nating sampalatayanan, walang iba kundi ang Dios. Na ito naman ang itinuro ni Cristo na tunay na Dios na dapat sampalatayanan ng Lahat. . ang AMA sa lahat lahat.



Efeso 4:6
" Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat. "