Mga Pahina

Huwebes, Marso 27, 2014

KARAPATAN SA KALIGTASAN






     KARAPATAN O KAHALALAN sa pagsasagawa ng tunay na paglilinkod sa Diyos at sa pagtatamo nito, ito ay totoong napakahalaga kung kaya hindi sila papayag na ito ay mapinsala at mawala pa sa kanila. Lubos nilang sinasampalatayanan ang ipinahayag ng Panginoong Jesucristo na :


Mateo 24:13 MBB
" Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas."



     Maaring sabihin ng iba na sila man ay naglilingkod din sa panginoon, kaya kinikilala Niya sila, at may karapatan din sa pagtatamo ng kaligtasan. Subalit, anO ba ang pagtuturo ng Biblia kapag ang pinag-uusapan ay paglilingkod sa Diyos? kahit sinO lang ba ang aangkin ng karapatan sa paglilingkod ay kinikilala ng Diyos na kanya at magtatamo ng kaligtasan ?

Ang sagot ng mga Apostol :



"Datapuwat kayo ay isang lahing hinirang, mga saserdote ng Hari, isang bansang nakatalaga sa Diyos. Pinili kayo ng Diyos upang maging kanya at mahayag ng mga kahanga-hangang gawa niya. Siya rin ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kanyang kagila-gilalas na kaliwanagan. Dati-rati , kayo'y hindi bayan ng Diyos, ngunit ngayon, kayo'y bayang hinirang nya. Noon, pinagkaitan kayo ng habag, ngunit ngayo'y sumasainyo ang kanyang awa"(I Ped. 2:9-10, Ibid.)



Sana ay napansin ninyo ang sinabi ni Apostol Pedro na

"Kayo ay isang lahing hinirang ".



     Samakatuwid, ang mga kausap niya rito ay mga taong may kahalalan o mga hinirang ng Diyos sapagkat sila ay tinawag at pinili niya.

     Ano kapalarang natamo ng mga binigyan ng kahalalan? Ayon sa Biblia, sila ay nasa kaliwanagan na, kinikilala na silang bayang hinirang ng Diyos na nagtamo ng kanyanp habag. Dati ay wala sa kanila ang mga biyayang ito dahil wala pa silang kahalalan. At ang lalong malaking kapalaran na tatamuhin ng mga taong may kahalalan ay maluwag silang papapasukin sa kaharian ng Panginoong Jesus (II Ped. 1:10-11, Ibid.) Ang katumbas nito ay nakakatiyak sila sa pagtatamo ng kaligtasan.


     Kung gayon, hindi totoo na basta ang tao ay maniwala, sumampalataya, at kumilaka lamang sa Diyos at kay Cristo ay sapat upang maging tunay sa kanila. Kailangan muna siyang HIRANGIN, TAWAGIN, at bigyan ng KAHALALAN para siya ay makapaglingkod sa Diyos. Paano ba pinatunayan ng mga apostol ang kanilang kahalalan ?

Ang sabi pa ni Apostol Pedro sa kanyang sulat ay mayron silang panatag na salita at hula :



2 Pedro 1:19
" At kami ay mayroong lalong panatag na salita ng hula; na mabuti ang inyong ginagawa kung ito'y inyong sinusundan, na gaya ng sa isang ilawang lumiliwanag sa isang dakong madilim, hanggang sa pagbubukang liwayway, at ang tala sa umaga ay sumilang sa inyong mga puso "




     Ang hula ay paunang pahayag ng Diyos sa kanyang magiging gawain. Kaya ang mga apostol at ang mga unang Cristiano ay di basta nag-aangkin lamang na sila ay sa Diyos at kay Cristo kundi ang Diyos mismo ang nagbigay ng patotoo na sila ay kaniyang PINILI,TINAWAG, AT HINIRANG.


     Hindi kaya sa panahong ito ay binago na ng Diyos ang paraang ito ng pagbibigay sa tao ng karapatan sa paglilingkod ? Hindi. Namamalagi ang pinagsasaligan ng Diyos sa pagkilala Niya ng mga sa kanya :



2 Timoteo 2:19
" Gayon ma'y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya: at, Lumayo sa kalikuan ang bawa't isa na sumasambitla ng pangalan ng Panginoon. "





     Ang layunin,proseso at kalooban ng Diyos ang dapat na sundin ng tao upang sila ay maligtas at hindi ang sariling gawa o pamamaraan ng tao (Roma 9:11 MB). Ang katunayan pa na kapag hindi kalooban o pamamaraan ng Diyos ang sinusunod ng tao sa kanyang paglilingkod na isinasagawa, kahit pa siya ay tumatawag sa pangalan ng Panginoong Jesus, kahit pa nagpapalayas na demonyo at gumagawa ng himala na gamit ang pangalan Niya ay hindi niya siya kikilalanin bagkus ay ituturing pang masama at hindi Niya ituturing na kabutihan ang kaniyang ginagawa (Mat.7:21-23, Bagong Magandang Balita Biblia).



SA MGA WAKAS NG LUPA


     Sa panahong ito na kung tatawagin ay "MGA WAKAS NG LUPA" , Ay mayroon bang ipinakilala ang Panginoong Diyos na mga tinawag Niya at binigyan ng kahalalan bilang bayan Niya ? Mayroon. Gaya ng
pinatutunayan sa Isaias 62:11-12(Lamsa Translation) Na mga tinawag ng Diyos sa :

"MGA WAKAS NG LUPA" o "ENDS OF THE EARTH"

At kinikilala Niyang bayan Niya, anak na babae ng Sion na tinubos ng Panginoon at may gantimpalang kaligtasan na tatamuhin.


     Ang "MGA WAKAS NG LUPA" gaya ng natalakay na sa mga nakaraan ay panahong malapit na ang wakas ng lupa. Ang wakas ng lupa ay ang Araw ng Paghuhukom. Kaya, kapag sinabing "MGA WAKAS NG LUPA" -- ito'y ang mga digmaan,paglindol,kagutom, at kahirapan :



Mateo 24:6-8
" At mangakakarinig kayo ng mga digmaan at mga alingawngaw ng mga digmaan; ingatan ninyo na huwag kayong magulumihanan: sapagka't kinakailangang ito'y mangyari datapuwa't hindi pa ang wakas. "
" Sapagka't magsisitindig ang bansa laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; at magkakagutom at lilindol sa iba't ibang dako. "
"Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pasimula ng kahirapan. "



     Ang digmaang tinutukoy rito ay ang Unang Digmaang Pangdaigdig na sumiklab kaalinsabay ng pagbangon ng IGLESIA NI CRISTO sa Pilipinas noong Hulyo 27, 1914.


     May binanggit na hula na "ANAK NA BABAE NG SION". Ang Sion na tinutukoy na may anak na babae ay ang IGLESIA (Heb.12:22-24, Living Bible). Iglesia o Sion na tinubos ng dugo Panginoong Jesucristo ay ang IGLESIA NI CRISTO :


Gawa 20:28
“Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan na rito’y hinirang kayo ng Espiritu Santo upang maging mga katiwala, upang pakanin ang IGLESIA NI CRISTO na binili niya ng kaniyang dugo.”(Lamsa Translation)




Tinawag na "ANAK NA BABAE NG SION" ang Iglesia Ni Cristo sa "mga wakas ng lupa" sapagkat ito ang nalalabing binhi :



Pahayag 12:17
" At nagalit ang dragon sa BABAE, at umalis upang bumaka sa NALABI sa kaniyang BINHI, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus "




     KAYA, hindi na ito ang unang Iglesia Ni Cristo sa panahon ng mga apostol na natalikod sa tunay na pananampalataya kundi ang Iglesia Ni Cristo sa ating panahon na lumitaw sa Pilipinas sa bisa ng mga hula na nakasulat sa Biblia.

Pwede nyu bisitahin kung paano naipatalikod ang unang Iglesia Ni Cristo :


PAGKATALIKOD SA PANANAMPALATAYA 



     At yayamang nalalapit na tayo sa Araw ng Paghuhukom, inaasahan ng Diyos sa mga binigyan Niya ng kahalalan at karapatan sa kaligtasan na tayo ay manatiling tapat sa pananampalataya dahil pinatutunayan din ng Biblia na sandaling panahon na lamang at ang Panginoong Jesucristo ay darating na at hindi na maaantala (Heb. 10:32,35,37, New Living Translation). Kahit makasagupa ang mga hinirang ng Diyos ng iba't ibang pagtitiis sa buhay na ito ay patuloy tayong magtitiyagoa, manatiling matatag hanggang wakas na sumusunod sa mga utos ng Panginoon, at nagtitiwala sa Kanya ( Apoc. 14:12, Ibid).



May ganito pang sinasabi ang Banal na Kasulatan tungkol sa mga sumusunud at naglilingkod sa Panginoon :


"At narinig ko mula sa langit ang isang tinig, na nagsasabi, Isulat mo, mula ngayon, mapalad ang naglilingkod sa Panginoon hanggang kamatayn! At sinabi ng Espiritu, 'totoo nga! Matatapos na ang kanilang paghihirap sapagkat ang kanilang ginagawa ang magpapatunay sa kanilang katapatan" (Apoc. 14:13,BMB)



     Ipinasulat upang mabasa sa ating panahon na mapalad ang mamalaging tapat na naglilingkod sa Panginoon hanggang kamatayan dahil matatapos na rin ang kanilang mga paghihirap pagdating ng araw ng Paghuhukom.

     Kaya laging nakahanda ang mga tunay na kaanib sa IGLESIA NI CRISTO sa pagbalik ng Panginoong Jesucristo sapgkat pinatutunawan sa Biblia na ito ay biglang darating tulad ng pagdating ng magnanakaw
(Lucas 12:39-40,35-38, NPV)


     Makakaya kaya ng mga hinirang ng Diyos na itaguyod ang kanilang mga paglilingkod sa kanya kahit na nga napakabigat, lalo na sa panahong ito, na pagdadala ng buhay ? May ganitong nakasulat na pahayag sa Isaias 43:2 na :



"Pag ikaw ay daraan, sa karagatan, sasamahan kita; Hindi ka madadaig ng mga suliranin. Dumaan ka man sa apoy, Di ka maaano, Hindi ka maibubuwal Ng mabibigat na pagsubok" (MB)



     Ganito ang pananalig ng mga hinirang ng Diyos  na may mabibigat na dalahin sa kanilang buhay, Kapag Siya ang kanilang kasama ay makakaya nila ang lahat ng pagsubok at suliranin na dumarating sa buhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento