Mga Pahina

Linggo, Enero 5, 2014

Sino ang totong Anti-Cristo at sa Diablo



Maraming nag aangkin sa panahun ngayun na sila raw ay talagang totoo na kay Cristo. Pero ito ang tandaan natin, Hindi lahat ng tumatawag kay Cristo ay kanya na, tulad ng Ating mababasa :



"Hindi lahat ng tumatawag sa akin, 'Panginoon,Panginoon,' ay papasok sa kaharian ng langit, kundi yaon lamang sumusunod sa kalooban ng aking Amang nasa langit."  (Mateo 7:21)


Malinaw ang pagkasabi ni Cristo na,  "Ayun lamang sa kalooban ng aking AMA"


May turo na nagmumula sa AMA ni Cristo na maging Aral sa lahat upang tanggapin ni Cristo na tumawag sa kanya.


Anong uri ba ng Salita o utos ng Dios?  na mula sa kanyang kalooban ? Narito po:


juan 17: 17
" Pabanalin mo sila sa katotohanan; ang salita mo ay katotohanan "


KATOTOHANAN ang salita ng Dios na siya namang itinuturo ni Cristo, itanung natin, Anu ba itong KATOTOHANAN na ituturo din naman ni Cristo na dapat malaman ng lahat?

Juan 8:40
"Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo'y nagsaysay ng KATOTOHANAN, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham."


Malinaw ang banggit ni Cristo kung ano itong KATOTOHANAN, Ito ang katangian niya na narinig nya mismo sa Dios ,na TAO sya na nagsaysay ng KATOTOHANAN.



Anu naman ang Sabi ni Cristo sa ayaw maniwala sa KATOTOHANANG ito ?



Juan 8:43-45 
"Bakit hindi ninyo napaguunawa ang aking pananalita? sapagka't hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita. "
"Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito. Nguni't dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan."


Napakasakit isipin. Ang lahat pala ng ayaw maniwala na Tao si Cristo. ito ay sa Diablo.Mga AYAW SA KATOTOHANAN na binanggit ni Cristo. .Sapagkat ito ang KATOTOHANAN NA NARING NI CRISTO MULA SA DIOS.

Anu ang patotoo na talagang Tao si Cristo.,at ang hindi nagtuturo na TAO siya ay ANTI-CRISTO nga ? ito ating basahin. .



‘’ Sapagakat nagkalat sa sanlibutan ang mga magdaraya —mga taong HINDI nagpapahayag na si Jesu- cristo’y NAGING TAO. Ang gayong mga tao ay magdaraya at anti-Cristo.’’(2 Juan 1:7, MBB)


Ito Ang mga hindi nagpapahayag na naging TAO si Cristo.Ating munang lilinawin, bakit sinabing "NAGING TAO"  ?   palusot kasi nila, malinaw naman daw na may pinagmulan nga.sa PagkaDios yan. Tama kaya?, anu ba ang kahulugan ng "NAGING TAO".  anu ang kalagayan ni Cristo bago nagkatawang tao?  narito :


1 Pedro 1:20
“Nasa isip na siya ng Diyos bago pa lalangin ang daigdig ngunit ipinakikilala Siya ngayong huling panahon dahil sa inyo.” (Salin ni Trinidad)


Malinaw na pinakauna sa lahat ng planu ng Dios itong si Cristo,simula pa nang lalangin ang sanlibutan,pinili na sya ng Dios. Kaylan lang pala nangyari itong "NAGING TAO"  si Cristo? narito :



"Ngunit nang sumapit ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan" Gal. 4:4


Ito ay naganap lamang nang sumapit na ang takdang panahun ng ipanganak na si Cristo,kaya NAGING TAO na sya,mula sa panukala o planu ng Dios. .


"this Jesus, delivered up according to the definite plan and foreknowledge of God , you crucified and killed by the hands of lawless men." Acts 2:23


Malinaw po ang tinutokoy ng mga talatang nauna.Imbis na sana'y TAO ang kalagayan ni Cristo na ituro,ang ginawa ng mga mandaraya, naging DIOS NA SI CRISTO. Tiyak na tiyak po natin ang aral ng mga hindi kay Cristo.


Ngayun suriin naman natin. Ang tunay na katangian ng Isang Dios. Hindi ba talaga ito tao? . Ano ba talaga ang pagpapakilala ng Dios sa kanyang Sarili? narito po :


Hoseas 11:9
"Hindi ko isasagawa ang kabangisan ng aking galit, hindi ako babalik upang ipahamak ang Ephraim: sapagka't ako'y Dios, at HINDI TAO; ang Banal sa gitna mo; at hindi ako paroroon na may galit."


Malinaw po at spisipiko ang pagbanggit ng Dios sa kanyang Sarili na talagang HINDI TAO ang kanyang kalagayan.

Palusot naman ng iba, yan naman daw ay yung hindi pa bumaba ang Dios dito sa lupa. at hindi pa ipinanganak. Di talaga sya tao. . Tama kaya ang palusot nila?i tanung natin.Ang Dios ba ipinapanganak o anak ng tao ? narito po :

Mga Bilang 23:19
"Ang Dios ay HINDI TAO na magsisinungaling, NI ANAK NG TAO na magsisisi; Sinabi ba niya, at hindi niya gagawin? O sinalita ba niya, at hindi niya isasagawa?"


Malinaw ulit ang katangian ng Isang Dios, hindi talaga TAO. . mas lalong HINDI ANAK NG TAO. Si Cristo maraming patunay sa Biblia na ANAK NG TAO talaga si sya. ito isang halimbawa :


Mateo 25:31
“ Datapuwa't pagparito ng ANAK NG TAO na nasa kaniyang kaluwalhatian, na kasama niya ang lahat ng mga anghel, kung magkagayo'y luluklok siya sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian"


Nilinaw po sa talata na talagang may pagkakaiba talaga si Cristo sa Dios. .  Ang Dios hindi ipinanganak. .at Hindi anak ng tao. Si Cristo malinaw na TAO,ANAK NG TAO Ngayun,Ano pala talaga ang tunay na kalagayan ng Isang Dios. .Bakit hindi tao? Anu ang KATOTOHANANG ITO? narito po basahin natin:


Juan 4:24
"Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa KATOTOHANAN. "


Malinaw na talagang ESPIRITO ANG KALAGAYAN ng Dios.Ito ang katotohanan na dapat sa mga pagsamba sa kanya. .

Ang katotohanan bang ito na kalagayan ng Dios ay di mababago? titiyakin po ng talata :


Malakias 3:6 
“Sapagka't ako, ang Panginoon, ay hindi
nababago, kaya't kayo, Oh mga anak na lalake ni Jacob ay hindi nangauubos.”


Santiago 1:17
 “Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba .”


Tiyak na tiyak ng mga talata na talagang walang pagbabago ang Isang Dios. .ito ay nananatili sa kanyang katangian.  Si Cristo naman.Anu ba ang kalagayan nya ngayun na nasa langit na. ESPIRITO NA KAYA? O tao parin?   narito ating basahin :



Awit 80:17
“ Mapatong nawa ang iyong kamay sa TAO na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.”



TAO parin ang kalagayan ni Cristo sa pag akyat sa langit,at nasa kanan ng Dios. .Sa kanyang pag balik,TAO parin kaya o nag iba na?


Mga Gawa 1:11
"Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit""



Tiniyak na naman ng talata na kung paanu si Cristo tinanggap at pumaroon sa langit , .ay ganun din ang kalagayan niya sa pagparitong muli. Kaya talagang seguradong tao si Cristo salahat ng pagkakataon at hindi Dios. .

Kaya nalaman natin kung Sinu ang talagang Totoong anti-Cristo. .TAO  ang kalagayang sana ni Cristo,pero ginawang Dios ng mga anti-Cristo,.Kalalabasan Dalawa na ang Dios ,ang AMA AT Si CRISTO.tama kaya ang ganitong paniniwala? Si Cristo mismu ang tatanungin, sinu lamang ang ipinakilala nya? Sarili ba nya o ang AMA lamang? narito po :


Juan 17:3, 5
"At ito ang buhay na walang hanggan, na IKAW ay makilala nila na IISANG DIOS NA TUNAY, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo. At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon."

Binanggit po ni Cristo

"IKAW,ANG IISANG DIOS NA TUNAY"


hindi nya sinabing

"TAYO,ANG DIOS NA TUNAY"

Kaya po,seguradong Mas tama ang patotoo ni Cristo.Ang mga apostol,ganito din kaya ang kanilang paninindgan? narito:



I Corinto 8:6
"Nguni't sa ganang atin ay may ISANG DIOS lamang, ANG AMA, na buhat sa kaniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa kaniya; at isa lamang Panginoon, si Jesucristo, na sa pamamagitanniya ang lahat ng mga bagay, at tayo'y sa pamamagitan niya."



Pareho din ang paniniwala ng mga apostol. Ang AMA lamang talaga ang IIsang Dios na tunay. .SA LAHAT ng bagay at pagkakataon kaya ay ang AMA lang ba talaga ang iisa at tunay na Dios? narito po. .



Efeso 4:6
"iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat."


Specific po ang pagkasabi.Na ang  AMA ang iisang Dios sa lahat na NANANATILI sa lahat.Kung may ibang Dios pa liban sa AMA kikilalanin nya ba ito?


Isaias 44:8
“Kayo'y huwag mangatakot, o magsipangilabot man: hindi ko baga ipinahayag sa iyo nang una, at ipinakilala? at kayo ang aking mga saksi. May Dios baga liban sa akin? oo, walang malaking Bato; ako'y walang nakikilalang iba. "


Sinabi po ng Dios,wala siyang nakikilala na iba,pero baka naman.may iba pang Dios. .wala nga syang nakikilala pero may kagaya niya. .Tama kaya? titiyakin ng Biblia :


Isaias 46:9
“ Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una: sapagka't ako'y Dios, at walang iba liban sa akin; ako'y Dios, at walang gaya ko; "


Walang iba. Walang kagaya.Ito ang tunay na Dios. Kaya ba ito baliin ng mga naniniwalang Dios si Cristo?  Kaya sigurado at Tiyak na tiyak po sa ating pag aaral kung sinu ang tinutokoy na mga ANTI-Cristo. .

Ang naniniwalang Dios si Cristo. Ang kanilang pangangaral ng pagkaDios ni Cristo ay pinapauna na po na Biblia. Ganito po ang mensahe ni Apostol Pablo :


‘’ Ngunit nangangamba ako. Baka mailayo kayo sa inyong tapat at dalisay na pananalig kay Cristo, tulad ni Eva na nalinlang ng ahas. Pagkat malugod ninyong tinatanggap ang sinumang dumating at mangaral ng Jesus na iba sa Jesus na ipinangaral naming sa inyo, at tinatanggap ang espiritung iba sa itinuturo naming sa inyo, at pinaniniwalaan ang
ebanghelyong iba sa iniaral naming sa inyo.’’ 2 Corinto 11:3-4 NPV


Natupad na po ang pauna ng Apostol.kaya marami ang nailigaw. Kaninong Aral ang pagtuturo ng Ibang Cristo na sanay TAO at naging Dios na? narito po. .


“Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio…” (I Tim. 4:1)


Talagang Aral ng Demonio. .na pinapauna na ni Cristo kanina sa ating pag aaral sa juan 8:44 na ang ayaw maniwala ,ito ay sa Diablo o aral ng Demonio".

Ito sagot ng Diablo Halimbawa tatanungin natin sila :

tanong : Ilan ang Dios?
sagot : ISA LAMANG
tanong : SINO ANG IISANG DIOS?
sagot : ANG AMA, ANAK AT E.S
tanong : Ilang lahat?
sagot : ISANG DIOS.


Kitams kung paano ang Aral ng Diablo, kaya tugma ang nakasulat sa Biblia na ganito :


Santiago 2:19
"Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa. "


Sanay maging bukas po ang isip ng ating mga kaibigan na patuloy na sumusunud sa maling Aral ,na ito ay taliwas sa katotohanan ng Aral ng Dios, na itinuro naman ni Cristo.Kaya po kami bilang mga Iglesia Ni Cristo, walang Sawa na namamahagi ng katotohanang Ito sapagkat ang Kaligtasan ay para lamang sa mga naniniwala sa katotohanan Sapagkat may nakalaan nang parusa sa mga kaaway ni Cristo at sa Dios.


"Kundi isang kakilakilabot na pahihintay sa paghuhukom,at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway" Heb.10:27 


Ito sanay maging bukas sa puso ng lahat at sanay nakatulong. Maraming Salamat.

14 (na) komento:

  1. 2 Juan 1:7 Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.

    TumugonBurahin
  2. 2 Juan 1:7 Sapagka't maraming magdaraya na nangagsilitaw sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang mga hindi nangagpapahayag na si Jesucristo ay napariritong nasa laman. Ito ang magdaraya at ang anticristo.

    TumugonBurahin
  3. 2 John 1:7
    For many deceivers are entered into the world, who confess not that Jesus Christ is come in the flesh. This is a deceiver and an antichrist.

    TumugonBurahin
  4. Ano poba ang ibig sabihin NG Cristo na hindi ginawa Ni Abraham??

    TumugonBurahin
  5. Itong Mga Turo at Aral ng Iglesia ni Manalo ay isang napaka-dilekadong aral..Ang sinomang tatanggap sa mga aral na ito ay malalagay sa tiyak na KAPAHAMAKAN!!!!

    TumugonBurahin
  6. Itong Mga Turo at Aral ng Iglesia ni Manalo ay isang napaka-dilekadong aral..Ang sinomang tatanggap sa mga aral na ito ay malalagay sa tiyak na KAPAHAMAKAN!!!!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tama. Ipinagkakalat nila yung malabong pagkakaintindi nila. Sa galing nilang magsalita at magpaikot ng detalye baka maniwala pa ako 'kung' di ako sigurado.

      Ang Diyos ay Diyos at hindi tao ngunit minsan ay naglakad dito sa lupa at nakisalamuha sa mga tao bilang isang TAO. Napakasimpleng bagay di nila maintindihan.
      Napakarami ng talata sa Banal na Aklat ang nagpapatunay na si Panginoong Hesus ay Diyos hahanapan pa nila ng butas para pasinungalingan- (sample binanggit mismo ni Panginoong Hesus na Siya at ang Ama at iisa. Sasabihin nila iisa lang daw sa aral. Lol. Wag naman Siya igaya sa taong hindi nag-iisip kasi alam Niya ang hinaharap at magiging source yan ng misunderstanding kung hindi literal meaning yan. Hindi sasabihin ng Panginoon yan para magkaroon lang ng misunderstanding sa hinaharap at iligaw ang kanyang mga tagasunod.)
      .
      .Iisa lamang ang Diyos, totoo yan, at nang nagkatawang lupa Siya hindi Niya ibinuhos o inilagay ang lahat o kabuuan ng Kanyang Espirito sa Katawang Tao Niya (na isinilanf ni Maria), at ang Kanyang Ama na Kanyang Pinanggalingan na nasa Langit parin habang Siya at naririto sa lupa.

      Nawa ay marami ang maliwanagan dito.
      Mapalad ang naniniwala kahit hindi Siya nakita.

      Burahin
    2. "Sapagkat nagkalat sa sanlibutan ang mga magdaraya —mga taong HINDI nagpapahayag na si Jesu- cristo’y NAGING TAO. Ang gayong mga tao ay magdaraya at anti-Cristo.’’
      .
      . para sa mga atheists at mga pagano, pero para din po iyan sa mga Hudyo na HANGGANG SA NGAYON ay nakapako sa lumang testamento ang kanilang paniniwala (Torah) at hindi kinikilala si Panginoong Hesus na NAGING TAO. Kahit search nyo pa yang mga Jews. Ayon sa na search at ilang nakasagutan na rin, marami sa kanila ay hinihintay parin nila ang pagdating ng Kristo (na hindi si Hesus) at direktang nananalangin sa Ama---(ngunit maaalala na walang direktang daan sa Ama na hindi dadaan sa Anak)


      Burahin
    3. Maaaring related yan sa nasusulat na- "maraming magsasabi na sila'y hudyo ngunit hindi".
      Sa ngayon ay dumarami sa mundo ang nagkakagalit sa mga hudyo dahil sa mga ganun. Iniuugnay ang maraming hindi kaaya ayang pangyayari sa mga hudyo.
      Si Z***y na isa umanong hudyo ay nauugnay sa maraming karahasan, grupong AZOV(terorists who became heroes dahil sa paglusob ng Russia) at NeoNazis sa Ukraine- yes ni follow ko both side of news Ukr at Ru dati, may basehan talaga ang Russia para i link sila sa NAZI (na nangmassacre din naman ng milyon milyong mga hudyo noong ww2).
      Ang point is--maraming mga nagpapakilalang hudyo na kung gumalaw ay parang antikristo-(hindi lahat dahil karamihan na nakausap ko din naman ako ay mabuti at makikitang may malasakit at kapatid ang turing sa iba kahit magkaiba ng paniniwala, yun nga lang di talaga nila accept si Panginoong Hesus bilang Kristo.)

      Burahin
    4. Juan 1:1
      " Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. "


      Ang Juan 1:1 ay isa sa mga talata ng Biblia na pangunahing ginagamit ng iba upang patunayan na Diyos si Cristo. Gayunman, ito ay TINUTULAN din bilang batayan sa gayong paniniwala ng mga nasa hanay mismo ng MGA NANINIWALAN SI CRISTO AY DIYOS:


      "(iii) Sa huli ay sinabi ni Juan na ang salita ay Diyos. Ito ay isang kasabihang mahirap nating mauunawaan, ito'y mahirap dahil ang wikang Griyego, na siyang ginagamit ni Juan sa pagsulat, ay may paraan ng pagsasabi ng mga bagay na iba sa paraan ng pagsasalita sa Ingles. Kapag ang Griyego ay gumagamit ng pangngalan (NOUN), halos lagi itong gumagamit ng pantukoy (ARTICLE) na kasama nito. Ang Diyos sa Griyego ay THEOS at ang pantukoy ay HO. Kapag ang Griyego ay nagsasalita tungkol sa Diyos hindi nito basta na lamang sinasabi na THEOS; sinasabi nito na HO THEOS. Ngayon, kapag hindi ginagamit sa Griyego ang tuwirang pantukoy kasama ng pangngalan, ang pangngalan na iyon ay mas nagiging pang-uri(ADJECTIVE). Hindi sinasabi ni Juan na ang salita (VERBO) ay HO THEOS; na waring ang salita ay ang Diyos mismo. Sinasabi niya na ang salita ay THEOS-wala ang tuwirang pantukoy... Nang sabihin ni Juan na ang SALITA AY DIYOS, hindi niya sinasabing si Jesus ay Siya mismong Diyos; sinasabi niyang si Jesus ay lubos na katulad ng Diyos sa pag-iisip, sa damdamin...." (The Daily Study Bible Series -- The Gospel of John, Vol. 1, p. 39)



      Pinatutunayan sa aklat na ito na ang salitang "Diyos" sa sugnay na "ang Verbo ay Diyos" ay hindi NOUN O PANGNGALAN kundi ADJECTIVE o pang-uri. Sa Griyego kapag, gumamit ng pangngalan tulad ng THEOS(Diyos), ito ay pangkaraniwang ginagamitan ng article o PANTUKOY na HO. Kapag ang Theos ay hindi ginamitan ng pantukoy na HO, ito raw ay "mas magiging" PANG-URI. Lumilitaw, kung gayon, na ang salitang " DIYOS" sa sugnay na "ANG VERBO AY DIYOS" ay PANG-URI---inuuri lamang nito ang Verbo at hindi pinatutunayan na ang Verbo ay ang Diyos. Kaya, ayon sa pagsusuri ng iba sa talatang ito, ang sugnay na, "ANG VERBO AY DIYOS" ay dapat isaling, "ANG VERBO AY BANAL". :

      Burahin
    5. ..Ipinapapansin ng mga iskolar ng Bagong Tipan na ang bantog na salin ng talata sa paunang salita,' ang Verbo ay sumasa Diyos, at ang Verbo ay Diyos' (Juan 1:1) ay mali ang pagkakasalin mula sa orihinal na Griyego. Ang THEOS na may pantukoy ay dapat isalin na Diyos, subalit ang tamang salin ng THEOS na walang pantukoy ay dapat na 'BANAL'. Sa ibang salita, ang salin ay dapat na ,' Ang Verbo ay sumasa Diyos at ang Verbo ay Banal'. Karamihan sa mga iskolar ng Bagong Tipan ay sumasang-ayon dito. " ( One ChristMany Religions, p. 123)


      Sapagkat ang sugnay na " Ang Verbo ay Diyos" ay paglalarawan o pag-uuri lamang sa Verbo, hindi nito pinatutunayan na si Cristo ay Diyos. Tunghayan naman natin ang pahayag ng iba pang mga nagsuri sa talatang ito:


      "... Bawat taong tapat ay dapat sumang-ayon na ang pagsasabi ni Juan na ang Salita[Verbo] o Logos ' ay Banal ' ay hindi pagsasabing siya ang Diyos na kasama nito. Sinasabi lamang nito ang isang katangian ng Salita o Logos, subalit hindi nito sinasabi na siya rin ang Diyos.
      " Ang dahilan kung kaya isinalin nila ang salitang Griyego na 'banal', at hindi 'Diyos', ay sapagkat ito ay ang pangngalang Griyego na the-os' na walang tuwirang pantukoy, kaya isang anarthrous the-os'. ... ang anarthrous na pagkakabalangkas ng pangungusap ay tumutukoy da katangian ng isang bagay ..." (New World Translation ot the Christian Greek Scriptures, p. 774)


      Maliwanag, kung gayon, na ayon mismo sa mga nagtataguyod ng aral na si Cristo ay Diyos, ang Juan 1:1 ay hindi katunayan na si Cristo ay Diyos.


      Ang mga pag-amin na ito ng mga iskolar at mga tagapagturo sa mga relihiyong naniniwala na Diyos si Cristo ay nagpapatunay na ang aral na kanilang itinataguyod ay wala talagang batayan sa Biblia. Huwad na pananampalataya ang maitataguyod ng isang tao kung paniniwalaan niyang Diyos si Cristo. Hindi tayo dapat na maipahamak ng maling paniniwala. Kaya nga ibinabala ng mga apostol:



      2 Corinto 11:3
      " Nguni't ako'y natatakot, baka sa anomang paraan, kung paanong si Eva ay nadaya ng ahas sa kaniyang katusuhan, ang inyong walang malay at malinis na mga pagiisip na kay Cristo ay pasamain. "

      2 Corinto 11:4
      " Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo. "

      Burahin