Mga Pahina

Sabado, Disyembre 21, 2013

Mali ba ang manalangin na patayo?

Minsan ating napapansin,na ginagamit ng mga nang maraming nang uusig na mali nga raw ang ginagawa ng mga Iglesia Ni Cristo na nakatayong nananalangin. suriin natin ang mga talata na kanilang ginagamit.:


Mateo 6:5
"At pagka kayo ay nagsisidalangin, ay huwag kayong gaya ng mga mapagpaimbabaw: sapagka't iniibig nila ang magsidalangin ng patayo sa mga sinagoga at sa mga likuang daan, upang sila'y mangakita ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Tinanggap na nila ang sa kanila'y ganti.

Atin pong pansinin. .ang tinutokoy na KANILA ay yung
"MAPAGIMBABAW"
sinu po ba ang mga yan? mga halimbawa po ng mga pagtuturo ni Cristo  mula sa talata ng    MATEO 23:1-30

- tinutokoy ni Cristo na huwag sundin ang mga sinalita ng guro at pariseo na mpa mapagimbabaw.tulad sa  kanilang mga katangian na sinabi ni Cristo,
-nagpapakitang tao lamang
-iniibig ang mga Dako at sinagoga
-ngpapatawag na guro at ama na hindi pinahintulutan
-at lalo na sa talatang 14 na nagkukunwaring mananalangin ng mahaba.


Ito po ay Kabilang sa mga halimbawa na mga mapagpaimbabaw. . Sa Biblia,  may itinuro kayang Dapat na Posisyung gagawin ? Wala poNg partikural na binanggit kung sa anung posisyon diringgin ang ating mga pananalangin, mga halimbawa



I Mga Hari 8:22

"At si Salomon ay tumayo sa harap ng dambana ng Panginoon, sa harapan ng buong kapisanan ng Israel, at iginawad ang kaniyang mga kamay sa dakong langit"


Nehemias 8:6

"At si Ezra ay pumuri sa Panginoon, na dakilang Dios. At ang buong bayan ay sumagot: Siya nawa, Siya nawa, na may pagtataas ng kanilang mga kamay: at kanilang iniyukod ang kanilang mga ulo, at nagsisamba sa Panginoon na ang kanilang mga mukha'y nakatungo sa lupa."


Lucas 22:41

" At siya naman ay lumayo sa kanila sa layong isang pukol ng bato, at iniluhod ang kaniyang mga tuhod at nagsimulang manalangin, "


Marcos 11:25

" At kailan man kayo'y nangakatayong nagsisipanalangin, mangagpatawad kayo, kung mayroon kayong anomang laban sa kanino man; upang ang inyong Ama naman na nasa langit ay patawarin kayo ng inyong mga kasalanan. "


, anO ang Dapat maging ugali natin Bilang mga tagasunud? .Mapanalanginin at may paggalang


Efeso 6:5,18
5 "Mga alipin, sundin ninyo ang inyong mga amo dito sa lupa nang may buong paggalang, takot at katapatan, na parang si Cristo ang siya ninyong pinaglilingkuran. 18 Ang lahat ng ito'y gawin ninyo na may panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos. "
Taos pusong mananalangin



Joel 2:12-13
"Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan: At papagdalamhatiin ninyo ang inyong puso, at hindi ang mga damit ang inyong hapakin, at kayo'y magsipanumbalik sa Panginoon ninyong Dios; sapagka't siya'y maawain at puspos ng kahabagan, banayad sa pagkagalit, at sagana sa kagandahang-loob, at nagsisisi siya sa kasamaan."


At syempre ayun sa angkop na pagkakataon at kalooban ng Dios


1juan 5:14
"At ito ang pagtitiwala na taglay natin sa kaniya,na, anumang bagay ang hingin natin ayon sa kaniyang kalooban, tayo ay pinakikinggan niya."


kaya po. maling mali ang mag isip na ang mananalangin ay sa isang partikular na posisyon lamang.
at ang payo sa lahat ng mga hinirang. .ay manalangin sa lahat ng panahon.


Efeso 6:18
"Ang lahat ng ito'y gawin ninyo na may panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos."


kaya depende na po sa angkop na pagkakataon. .ang pangunahing tagubilin po sa lahat. .ito ay gawin na may kaayusan


1 Corinto 14:40
Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.”


Ang kailangan po ay yaong marapat at may kaayusan. Pero ang dapat tandaan. hindi po lahat ng nananalangin at tumatawag sa panginOon ay tinatanggap at ililigtas.



Mateo 7:21
"Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit."



yun lamang gumanap ng mga kalooban ng panginoon. . sinO yun ?
Sa Juan 1:12 ay ganito ang mababasa :


"Datapuwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban niya sila ng karapatang maging mga anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa kaniyang pangalan:"


Ang mga may karapatang maging anak ng Dios. .yun lamang sumunud kay ang mga diringgin.At sila ang may marapat na paraan ng pananalangin sapagkat sila ang diringgin ng Dios.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento