Mga Pahina

Huwebes, Disyembre 19, 2013

Kawikaan 8: 12,22-30

Dios daw si Cristo sapagkat magkapero Binanggit na karunungan sa kawikaan
ang mga nangangaral sa pagka Dios ni Cristo,siya daw ay existido na sapagkat sya ang karunungan na tinutokoy sa kawikaan, Itong mga talata daw na ito sa bibliya ay katunayan na DIYOS si Kristo at may PRE- EXISTENCE si CRISTO. Pero ang isang matinding tanong, SI KRISTO BA ANG "KARUNUNGAN" na ito? Ayon kasi sa Kawikaan 8:12 :

"Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan, at aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita."



Sinasabi nila na ang KARUNUNGAN daw na ito ay si Kristo dahil sa I Cor. 1:24, ang sabi siya ay kapangyarihan at KARUNUNGAN ng Diyos:



"Nguni't sa kanila na mga tinawag, maging mga Judio at mga Griego, si Cristo ang kapangyarihan ng Dios, at ang karunungan ng Dios."



Mga dapat PAG-ISIPAN Una sa lahat, hindi kami against sa nilalaman ng bibliya sa Kaw. 8:12,ang against kami ay sa pagsasabing ang KARUNUNGAN daw na iyon ay si KRISTO. Ngayun, Kung si KRISTO ang "KARUNUNGAN" kung saan sa pamamagitan niya nalikha ang lupa ayon sa bibliya, sino naman si "KAUNAWAAN"?
Sa pareho pa ring Chapter, ganito ang sinasabi:


"Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan." Kawikaan 3:19




unang tanOng natin yan, Ngayun,gagamit natin ang sa wikang Inglis naman, ay may dapat mapansin tayo.




"Doth not wisdom cry?and understanding put forth her voice? She standeth in the top of high places, by the way in the places of the paths. She crieth at the gates, at the entry of the city, at the coming in at the doors."

Proverbs 8:1-3




Ngayun, kung tatanggapin nila na si Cristo ang karunungan. . ikalawang tanung: tanggap din kaya nila na si Cristo ay yung She ?


Dyan palang po.makikita na natin ang baluktot na aral nila. . .ang Dapat po nating isipin.hndi po basta sa lahat ng pagkakataoN pag nakasulat sa parehong salita ay pareho agad ang kahulugan. Anu pa ang malaking mali kung ipagpilitan parin na sa lahat ng nasabing Karunungan ay Cristo lahat?basahing natin



LUCAS 2:40 “At lumalaki ang BATA, at lumalakas, at NAPUPUSPOS NG KARUNUNGAN: at sumasa kaniya ang biyaya ng Dios.



Dito sa talatang ito na sinasabi na ang batang si CRISTO ay NAPUPUSPOS ng KARUNUNGAN, si CRISTO rin ba ang KARUNUNGAN na PUMUPUSPOS sa kaniyang sarili diyan? Hindi ba lalabas na DALAWA na ngayon ang CRISTO? Isang BATANG CRISTO na pinupuspos ng KARUNUNGANG CRISTO?


anu pa ?




1 HARI 4:29 “At binigyan ng Dios si SALOMON ng KARUNUNGAN, at di kawasang katalinuhan at kaluwagan ng puso, gaya ng buhanging nasa tabi ng dagat.”





kita nyu po. .kung talagang sa lahat ng nakasulat si Cristo parin. pati pala si Solomon ay si Cristo ang nasa karunungan nya. kaya kahit anung pilit nilang baluktotin ang aral. lilitaw parin ang katotohanan. Narito pa ang isang halimbawa



Ezra 7:25
  At ikaw, Ezra, ayon sa karunungan ng iyong Dios na nasa iyong kamay, maghalal ka ng mga magistrado, at mga hukom, na makakahatol sa buong bayan na nasa dako roon ng Ilog, niyaong lahat na nakatatalos ng mga kautusan ng iyong Dios; at turuan ninyo yaong hindi nakakaalam. 

Kung gagawin nilang literal agad ay lalabas na si Jesus nasa kamay ni Ezra. Kaninong karunungan ang ginamit ng Dios sa paglikha sa sanlibutan? 


Job 12:13  Nasa Dios ang karunungan at kakayahan; kaniya ang payo at pagkaunawa. 


Jeremias 10:12  Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa: 


Sa makatuwid. Sariling karunungan at pagkaunawa at kakayahan ang ginamit ng Dios upang maitatag ang sanlibutan. Siya lamang ang ang mag isa at wala ng kasama pa [Isa.44:24; Neh.9:6; Mal.2:10; Isa.64:8]

3 komento:

  1. salamat sa napakaliwanag na paliwanag.lagi po akong nagbabasa dito sa page mo po.Godbless po.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Maling conclusion po ang paliwanag ng inc .. palaging mali .. kakaiwas nila at kakatakwil sa anak ng Dios ang gnagawa nila

      Burahin
  2. Kakaiwas nio yan sa PJC. Kya indi nio matanggap, ngaun ta2nungin ko kau, sino ung karunungan jan sa kawikaan 8:22??? .. dpat my sagot kau jan ...


    Ang karunungan, kaunawaan at kapangyarihan ay sya ding verbo na ksma ng Dios nuong pasimula palamang,.. at cnabi din ni PJC na ksama na nia ang ama bago pa malilkha ang daigdig ... Pano nio ito mpalu2sutan??

    TumugonBurahin