Mga Pahina

Huwebes, Disyembre 19, 2013

Jehova ba ang tamang tawag sa Dios?





Ang pagkilala sa isang Diyos, ay isang napakahalagang bahagi ng paglilingkod sapagkat, ito'y isang pagsunod sa Kaniyang kalooban, at higit sa lahat kung ang tao ay makasunod sa KALOOBAN NG DIYOS, ito ay ang ikapagtatamo o magmamana sa Kaniyang Kaharaian [Mat.7:21]. Kaya, upang matugunan ng buo, bahagi naman ang pagkilala kung sa panahong Cristiano, ano ang itinuturo ng mga Apostol ,higit sa lahat ang pagoapakilala ni Cristo sa dapat itawag sa Diyos. Ayon sa aral ng mga Saks ni JEHOVA ang dapat na itawag sa pangalan ng Dios Ay Jehova. Para po sa mga kapatid at mga nagsusuri, atin po itong alamin Ayun po sa Biblia kung mayroon ngang itinuro na ganito ang angkop, o ito ba ay gawa lamang ng tao.

Ayun naman sa Biblia, ang panahon ay nahati sa TATLONG DAKILANG HATI

Hebreo 1:1-2

"  Ang Dios, na nagsalita nang unang panahon sa ating mga magulang sa iba't ibang panahon at sa iba't ibang paraan sa pamamagitan ng mga propeta, 
Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan "


1) PANAHON NG MGA MAGULANG o PATRIARKA(Mula sa panahon ni Eva’t Adan hanggang sa panahon ni Moises)




2) PANAHON NG MGA PROPETA o PANAHON NG BAYANG ISRAEL
 (Mula sa panahon ni Moises hanggang sa paglitaw ni Juan Bautista)




3) PANAHON NI CRISTO o PANAHONG CRISTIANO(Mula sa paglitaw ni Juan Bautista hanggang sa Muling Pagparito ni Cristo sa Araw ng Paghuhukom)





Tapos na po ang dalawang yugto at nasa panahong Cristiano na tayo. Sa PANAHONG CRISTIANO kanino po ba tayo dapat makinig na aral at turo?  Sasagutin tayo ng Panginoong Diyos at ganito ang sabi:





Mateo 17:5

“Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, ITO ANG SINISINTA KONG ANAK, na siya kong kinalulugdan; SIYA ANG INYONG PAKINGGAN.”




Maliwanag po kung gayon na ang dapat na pakinggan natin sa PANAHONG ito, ay walang iba kundi ang ANAK ng Diyos, na walang iba kundi ang PANGINOONG JESUS. Kung gayon, ang pinakamainam na paraan ay kung ano ang PANGALANG IPINAKILALA NI JESUS, JEHOVA po ba kaya? Kung yun man e dapat sundin talaga natin subalit ano kaya? At Sapat na rin ba na makikinig lang tayo sa kaniya?





Lucas 6:46 “At bakit tinatawag ninyo ako, Panginoon, Panginoon, at DI NINYO GINAGAWA ANG MGA BAGAY NA AKING SINASABI?”





May paalala po ang na kaylangang sundin talaga sya. ngayun,anung pangalan lang ba ang ipinakilala ni Cristo? May sinabi din si Cristo na ganito. :





Juan 17:26

“AT IPINAKILALA KO SA KANILA ANG IYONG PANGALAN, at ipakikilala ko;  upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.”




May sinasabi si Cristo dito na:





“AT IPINAKILALA KO SA KANILA ANG IYONG PANGALAN”




Pero kahit na basahin mo ng paulit-ulit ang Bagong Tipan ay wala po tayong mababasa na may ipinakilala si JESUS na PANGALAN ang DIYOS na ang angkop na itawag ay Jehova Wala po tayong mababasa doon, ang madalas nating nababasa ang sinasabi niya ay:





  “AKING AMA, INYONG AMA” [ Juan 20:17,17:3 ]





AMA ang itinatawag ng mga APOSTOL [1Cor.8:6] tungkol sa iisa at tunay na Diyos. E kung gayon, dapat natin suriin kung wala sa Biblia e saan pala nagmula o nanggaling ang katawagan na "JEHOVA"? Ngayun,san po pala galing ang salitang Jehova?yan kaya ang Orihinal? Ating basahin.:







“…….Kung gayon ang lalong karaniwang pangalan para sa pagka-Dios, ay Dios, ang pagkakasalin ng orihinal na Elohim. Ang karaniwang salita para sa Maestro ay Panginoon, kumakatawan sa Adonai. Mayroon pang ibang pangalan natanging ukol lamang sa Dios, bilang tangi at angkop na pangalan, yaon ay ang apat na letrang YHWH. Tingnan ang Exodo 3 at Isaias 42:8. Ang pangalang ito ay hindi mabigkas ng mga hudyo dahil sa paggalang sa pagkasagrado ng banal na pangalan" . (New American Standard Bible, U.S.A. Collins World, p.ix).





Ayon sa mga dalubhasa sa biblia ang pangalan ng Dios na hindi mabigkas ng mga hudyo dahil sa labis na paggalang ay ang pangalan na nakasulat sa apat na letra –YHWH.




Sinasabi ng iba na ang bigkas sa apat na letrang ito ay Jehovah,kuro-kuro lamang at bunga ng imahinasyon. kaya mayroong tagapagturo na nagsasabing Jehovah ang opisyal na pangalan ng Dios. Totoo po kaya naman ang kanilang pagtuturo na ito? Totoo kaya ang sinasabi ng ibang tagapagturo na ang personal na pangalan ng Dios ay Jehovah? Mahalagang atin po’ng suriin, atin pong alamin kung sino ang unang gumamit ng at kung kalian unang ginamit ang salitang Jehovah.




Ang relihiyong na "saksi ni Jehova"   Sa kanilang opisyal na magasin,

“ Ang Bantayan” inilathala noong agosto 1, 1980, ay ganito ang sinasabi sa pahina 10, ating tunghayan:





“ Kapuna-puna nga, si Raymundus Martini, isang mongheng kastila ng Ordeng Dominicano ang unang nagsalin ng “Jahovah” sa banal na pangalan. Ang anyong ito ay lumitaw sa kanyang aklat na Pugeo Fidei, na nalathala noong 1270 C.E. Mahigit na 700 taon na ngayon”



Pansinin po natin na kinikilala ng mga “ Saksi ni Jehovah” na ang pagkakasalin ng pangalang “Jehovah” ay nagmula lamang sa isang mongheng kastila na si Raymundus Martini. Siya ang unang gumamit ng salitang “Jehovah” sa kaniyang aklat na Pugeo Fidei noong 1270 CE. Maging ang mga dalubhasa sa biblia ay nagpapatunay na ang pangalang Jehovah ay nagsimula lamang noong edad medya:





“ The form ‘Jehovah’ is of late medieval origin” (The Bible Revised Standard Version, New York, Thomas Nelson and Sons, 1952, p.v)



Maging ang bantog na mananalaysay na si Webster sa kaniyang Ancient History ay nagpapahayag:





“ This name Jehovah was never known to the Ancient Hebrew” Pinatutunayan maging ng kasaysayan na sa matandang Hebreo (o Israel) ay hindi kilala ang pangalang “Jehovah”.





Natural lamang na hindi kilala ng matandang Israel ang pangalang Jehovah sapagkat ito’y unang lumitaw noong edad medya. Bakt sa ibang salin ng biblia ay nakasulat ang pangalang “Jehovah”? Ang The Living Bible Encyclopedia in Story and Pictures vol.7,pp. 905-906 ay nagbigay liwanag sa ating katanungan:






“ Jehovah (je-ho’va) , ang salitang English ng Hebreong tetragram na YHWH isa sa pangalan ng Dios. (Exodo 17:15Ang original na bigkas nito ay hindi nababatid”



Samakatuwid, ang pangalang “Jehovah” ay hindi siyang original at hindi masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo, kundi isang salin lamang ng tetragram. Ang salitang tetragrammaton ay nagmula sa wikang griego na tetra na ang kahulugan ay apat at gramma na nangangahulugang letra Kaya ang kahulugan ng tetragrammaton ay ang apat na letra ng alpabetong Hebreo na Yod- He-Vau-He katumbas ng YHWH o JHVH. Pansinin natin na ang isa sa mga pangalan ng Dios na masusumpungan sa mga kasulatang Hebreo ay binubuo ng mga katining lamang at walang mga patinig kaya hindi matiyak ang tamang bigkas sa pangalang ito.



Pansinin din na ang mga nagsalin lamang ang naglagay ng mga patinig at dahil sa di pagkakaisa ay lumabas ang iba’t-ibang anyo ng pangalan ng Dios. Tunghayan natin sa Ellicott’s Commentary on the Bible, vol. I. . 177,  sa pagkakaliwat sa wikang Pilipino, ganito an gating matutunghayan:





“ Ang baybay ng salitang Jehovah amapagtatalunan dahil sa ang mga katinig lamang (J,H,V,Hang tiyak, ang mga patinig naman ay yaong nasa Adonai(Panginoonna siyang ipinapalit ng mga Hudyo kapag ito ay binabasa sa mga sinagoga, na ang unang patinig ay isa lamang mahinang pamalit sa isang tunog, at binibigkas ang alinsunod sa uri ng katinig na pinagkakapitan nito. Ito’y karaniwang kinakatawan ngayon sa pamamagitan ng isang mahinang paghinga kaya Y’hovah, ‘donaiTungkol naman sa baybay ang iginigiit nina Ewald; Gasenius , at iba pa ay Yaveh ;Si Fursh ay Yehveh, o Yeheveh; at sina Steir, Meyer at kanilang kasamahan ay Yehovah.”





Sa opisyal na magasin ng mga “Saksi ni Jehovah” , " Ang Bantayan " na inilathala noong Agosto 1, 1980, sa pahina 4-5 ganito naman ang kanilang patotoo:





“……. Ang pangalan ng Diyos sa mas matatandang manuskritong Hebreo ay nakasulat na YHWH o JHVH, at malimit na ang tawag sa mga titik na iyan ng mga komentarista sa Biblia ay ang Tetragrammaton” , na ang ibig sabihin “apat na letra”. Sa paglipas ng daan-daang taon, nawala ang tamang bigkas sa pangalan ng Diyos sa Hebreo. Kung gayon, hindi matiyak kung anong patinig ng dalawang salitang Hebreo na A.do.nay (Panginoon) at El.o.him (Diyos) ay isinama sa Tetragrammaton at ang lumabas na bigkas ay Ye.ho.wah. Sa wakas sa anyong Latin, ito’y nagging “Jehovah”. Subalit, maraming iskolar na Hebreo ang nagsasabi na mas tama raw ang “Yahweh”. Ngunit para kay Rudolf Kittel, editor ng Biblia Hebraica, ang pagkakapuwesto niya ng mga patinig sa Tetragram na Hebreo ay “Yehwah” sa lahat ng kaniyang edisyon”




Pansinin po natin na nagbunga ng kaguluhan ng singitan ng mga patinig ang YHWH o JHVH. Lumitaw ang sari-saring pangalan, gaya ng



 “Jehovah” “Yehovah” “Yeheveh” “Yahweh” “Yahveh” “Yehveh” at “Yehwah”





Alin man sa mga ito ay hindi mapapanghawakan sapagkat nakasalig lamang sa mga pala- palagay.




" Ngunit anong salita ang wastong kumakatawan sa banal na pangalan na Hebreo? Mas gusto ng iba ay “Yehwah” at ang iba ay Jeve at marami pang iba. Ang problema ay nasa pagsulat ng sinaunang Hebreo mga katinig lamang ang ginagamit at inaamin ng kahit na mga eksperto na mga pala- palagay lamang ang pinagbabatayan sa kung aling mga patinig ang bumubuo ng kumpletong banal na pangalan.” (Ibid., p.11)




Inaamin din ng mga “Saksi ni Jehovah” na alin man sa mga pangalang nabanggit ay hindi siyang binigkas ng Dios kay Moises. Sa kanilang aklat na



" Hayaang Maging Tapat ang Dios ", sa pahina 24 ay ganito po ang kanilang pahayag:




“ ………bagaman ang alin man sa mga ito ay hindi kaypala siyang pagbigkas ng Dios sa Kaniyang pangalan kay Moises”




Maging ang mga dalubhasa sa Biblia ay nagpapatotoo na ang pangalang “Jehovah” ay hindi tamang kumakatawan sa pangalan ng Dios sa Hebreo:





“…….. ang salitang “Jehovah” ay di wastong kumakatawan sa ano mang anyo ng Pangalan di ginamit sa Hebreo. (The Bible

Revised Standard Version, p. v)



Ayon sa mga dalubhasa sa Biblia ang pangalang “Jehovah” “Yahweh” “Yehweh” at “Yehwah” ay nasasalig lamang ito sa mga pala-palagay at hindi mapapanghawakan. Kaya nga kung binabanggit o inilalathala sa Pasugo ang “ Mga Saksi ni Jehovah” ay nilalagyan ng panipi upang di maipagkamali kami ay sumasang- ayon sa kanilang pagiging “saksi”, at sa pangalang “Jehovah” na ito’y maliwanag na di sinasang-ayunan ng mga dalubhasa sa Biblia at lalo nang Biblia mismo.



Kaya, upang matamo ang kaharian na Pangako, sundin ang kalooban ng Ama [Mat.7:21] at hindi ang katha o gawa lamang ng tao :



Tito 1:14  Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan. 



Huwag sumunod at maniwala sa katha lamang ng tao. Kung gayon ano ang gawin?




1 Timoteo 4:7  Datapuwa't itakuwil mo ang mga kathang masasama at walang kabuluhan. At magsanay ka sa kabanalan: 




1 Timoteo 1:4  Ni huwag makinig sa mga katha at sa mga kasaysayan ng mga lahi na walang katapusan, na pinanggagalingan ng pagtatalo, at hindi ng pagkakatiwalang mula sa Dios na nasa pananampalataya; ay gayon din ang ipinamamanhik ko ngayon. 




Ang sabi, ITAKWIL O HUWAG MAKINIG. Sundin ang tunay na kalooban na ayon sa Biblia.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento