Mga Pahina

Lunes, Disyembre 23, 2013

ANO ANG SABBATH ?

Anu ba talaga ang Sabbath? at kanino lamang ito iniutos na ipangilin.?
Ang sabbath. .ay ito ang palagiang ginagawa lalo na ng mga SDA o "Seventh Day Adventest" na ito raw ay tanda ng pagsunod sa kaloOban ng Dios. kung ating pag aaralan.Ang Sabbath ay may Dalawang tinutokoy ayun sa Banal na kasulatan,ang PANGINGILIN AT KAPAHINGAHAN ..Atin itong pag Aralan.unahin natin ang PANGINGILIN.

ANG PANGINGILIN. Kailan lamang ba ito iniutos na gawin?



“Ito nga ang aking sinasabi: Ang isang pakikipagtipang pinagtibay
 na nang una ng Dios, ay hindi  mapawawalang kabuluhan ng kautusan,
 na sumipot nang makaraan  ang
apat na raan at tatlongpung taon,
 ano pa't upang pawalang  kabuluhan ang pangako.” (Gal.3:17)



Anu itong tipang pinagtibay ng una ng Dios?

“ Hindi pinagtibay ng Panginoon  ang tipang ito sa ating mga magulang,
 kundi sa atin, sa atin ngang  nangariritong lahat  na buhay sa araw na ito.” (Deut. 5:3)


Ayon sa talatang ating sinipi, ang tipan ay hindi pinagtibay ng Diyos sa mga magulang. Aling tipan ang tinutukoy dito? Ito ang tipan ng Diyos sa mga Israelita na dapat nilang ipangilin ang ikapitong araw:

“Iyong ipagdiwang ang araw ng sabbath, upang ipangilin, gaya ng iniuutos sa  iyo ng Panginoon mong Dios. “Anim na araw na gagawa ka, at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain:  “Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath
 sa Panginoon mong Dios:  sa araw na iyan ay huwag kang
 gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae,
 ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong asno,
 ni anoman sa iyong hayop, ni ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan; upang ang iyong aliping lalake at babae ay
makapagpahingang gaya mo.” (Deut. 5:12-14)


Maliwanag na ang kautusan, kasama na ang pangingilin ng Sabbath, ay ibinigay ng Diyos makaraan ang 430 taon . Ito ang mga taon mula nang makipamayan ang mga Israelita sa Egipto hanggang sa sila’y ilabas mula sa pagkaalipin dito ( Exo.12:40-41)

Nang makalabas na ang Israel sa Egipto ay saka pa lamang ibinigay ng Diyos sa kanila ang Sampung Utos, kasama na roon ang pangingilin ng ikapitong araw. Ang pangingilin ng Sabbath ay ibinigay ng Diyos sa mga Israelita upang alalahanin nilang sila’y naging alipin sa Egipto at sila’y inilabas ng Panginoon sa pamamagitan ng Kaniyang kapangyarihan:



“ At iyong aalalahanin na ikaw ay naging alipin sa lupain ng Egipto,
 at ikaw ay inilabas ng Panginoon mong Dios doon sa pamamagitan
 ng isang makapangyarihang kamay
 at unat na bisig: kaya't iniutos sa iyo

 ng Panginoon mong Dios, na ipangilin mo ang araw ng sabbath.”
 (Deut. 5:15)


Tinupad ba ng Diyos ang Kaniyang pangako sa mga Israelita na bibigyan sila ng kapahingahan?


 “ At ngayo'y binigyan ng kapahingahan ng Panginoon ninyong Dios ang inyong mga kapatid, gaya ng sinalita niya sa kanila: kaya't ngayo'y pumihit kayo at yumaon kayo sa inyong mga tolda sa lupain na inyong ari, na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ng Panginoon sa dako roon ng Jordan.
"At binigyan sila ng kapahingahan ng Panginoon sa palibot, ayon sa
 lahat ng kaniyang isinumpa sa kanilang mga magulang:
 at walang tumayong isang lalake sa lahat ng kanilang mga kaaway
 sa harap nila; ibinigay ng Panginoon ang lahat nilang mga
kaaway sa kanilang kamay. “Walang nagkulang na isang
 mabuting bagay na sinalita ng Panginoon sa sangbahayan ng Israel,
 lahat ay nangyari.” (Jos. 22:4; 21:44-45)


Tinupad ng Diyos sa Israel ang Kaniyang pangako.Binigyan ng Diyos ng kapahingahan ang mga Israelita nang sila’y makarating sa lupaing ipinangako sa kanila.Napansin ninyu na magkaiba ang utos na "Ipangilin" at pangako ng Dios na "Kapahingahan". . Kaya kautusan ukol sa Sabbath ay winakasan na ng Panginoong Diyos. Ganito ang sinasabi ng Biblia:



“Wawakasan ko na ang lahat ng kanyang kasayahan, mga kapistahan,
 mga araw ng pangilin at lahat ng itinakda niyang pagdiriwang.”
 (Ose.2:11,Magandang Balita Biblia)


Ayon sa Biblia, wawakasan na ng Diyos ang pangingilin ng mga araw. Aling mga araw ng pangingilin ang wawakasan ng Diyos?


“Akin din namang papaglilikatin ang kaniyang mga kalayawan,
 ang kaniyang mga kapistahan, ang kaniyang mga bagong buwan,
at ang kaniyang mga sabbath, at lahat ng kaniyang takdang kapulungan.”
  (Ose. 2:11)


SA PANAHONG CRISTIYANO UTOS PARIN KAYA?


“Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at
 nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.” (Mateo12:1)



Ito ang katunayan na si Cristo at ang Kaniyang mga alagad ay hindi nangingilin ng Sabbath . Araw ng Sabbath noon nan gang mga alagad ni Jesus ay magutom sa kanilang paglalakad. Sila’y nagsikitil ng mga uhay na yaon ay hindi nararapat gawin sa araw ng Sabbath .

Anu pa ang patunay sa Biblia?


“ At narito, may isang tao na tuyo ang isang kamay. At sa kaniya'y
itinanong nila, na sinasabi, Matuwid bagang magpagaling sa araw ng sabbath? upang siya'y kanilang maisumbong. At sinabi niya sa kanila, Sino kaya sa inyo, na kung mayroong isang tupa, na kung mahulog ito sa isang hukay sa araw ng sabbath, ay hindi baga niya aabutin, at hahanguin? Gaano pa nga ang isang tao na may halaga kay sa isang tupa! Kaya't matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng sabbath.”
  (Mateo 12:10-12)


Maliwanag kung gayon na si Cristo at kahit ang Kaniyang mga alagad ay hindi tagapagtaguyod ng pangingilin ng Sabbath . Tahasang sinabi ni Cristo,

“matuwid na gumawa ng mabuti sa araw ng Sabbath”

anu pala ang pakaiba ng sinabi ng Dios? ganito naman ang pahayag ng Dios

”sa araw na iyan ay huwag kayong gagawa ng anomang gawa”.


Malinaw na malinaw.magkaiba ang pahayag ng Dios at ni Cristo. Atin munang Balikan. anu pala ang mga tuntunin ng pangingilin?



“ Anim na araw na gagawa, datapuwa't ang ikapitong araw ay
 ipangingilin ninyo, isang sabbath na takdang kapahingahan sa Panginoon:
sinomang gumawa ng anomanggawa sa araw na iyan aypapatayin.”
  (Exo. 35:2)


matindi pala ang kahihinatnan ng mga lumabag nuoN kung ito ay iniutos pa,kaya nagkasala ba si Cristo? Sa Banal na Kasulatan ay nakasaad na ang mga pariseo na siyang kaaway ni Cristo sa Kaniyang kapanahunan ay siyang masugid na tagapagtaguyod ng pangingilin ng Sabbath . Ganito po ang tala ng mga pangyayari sa Banal na Kasulatan, tunghayan po natin:



“Ang ilan nga sa mga Fariseo ay nangagsabi, Ang taong ito'y hindi
 galing sa Dios, sapagka't hindi nangingilin sa sabbath.
 Datapuwa't sinasabi ng mga iba, Paano bagang makagagawa
 ng gayong mga tanda ang isang taong makasalanan?
 At nagkaroon ng pagkakabahabahagi sa gitna nila.” (Juan 9:16)


Sa araw din ng Sabbath nang pagalingin naman ni Cristo ang isang taong malaon nang maysakit. Ganito naman ang nakatala sa Juan 5:8-9, tunghayan po natin muli:



“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka. At pagdaka'y gumaling ang lalake, at binuhat ang kaniyang higaan at lumakad. Noon nga'y araw ng sabbath.”


Dahil dito, lalong pinag-uusig ng mga Judio an gating Panginoong Jesus sa Kaniyang ginawang pagpapagaling ng maysakit sa araw ng Sabbath . Tunghayan nating muli ang tala sa biblia:


 "At dahil dito'y pinagusig ng mga Judio si Jesus, sapagka't ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabbath.” ( Juan 5:16)



Kaya pala pinang uusig nOon si Cristo. dahil Di na niya tinupad ang mga pangingilin,na ito naman ang palaging sinasabi ng Mga sabadista sa panahon ngayun. .Bakit daw di kami nangingilin. Anu naman ang turo at payo ni apostol pablo tungkul dito?


“Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom,
 o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath:” (Colosas 2:16)


Bakit naituro ito ni apostol pablo anu ang Dahilan nya ?


  “ Datapuwa't ngayon yamang nakikilala na ninyo ang Dios, o ang lalong mabuting sabihin, kayo'y nangakikilala ng Dios, bakit muling nangagbabalik kayo doon sa mahihina at walang bisang mga pasimulang aral, na sa mga yao'y ninanasa ninyong magbalik sa pagkaalipin? Ipinangingilin ninyo ang mga araw, at mga buwan, at mga panahon,
 at mga taon. Ako'y natatakot tungkol sa inyo, baka sa anomang paraan ay nagpagal ako sa inyo ng walang kabuluhan” (Gal.4:9-11)


makatuwiran lamang ang sinabi ni apostol pablo na huwag na tayong pasakop pa sa anu mang tuntunin gaya ng pangingilin.

Angpangingilin ng Sabbath ay ibinigayng Dios sa mga Israelita bilangisang tanda na sila’y pinalaya sapagkaalipin doon sa Egipto. Tunghayan po natin ang nakatala sa biblia:




“ Bukod dito'y ibinigay ko rin naman sa kanila ang aking mga sabbath,
upang maging tanda sa akin at sa kanila, upang kanilang makilala
 na ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila.” (Ezek.20:12)


Kaya ang pangingilin ay hindi para sa mga Cristiano. kundi ito ay para lamang sa mga Israelita. Puntahan natin ang mga nalabag ng mga SDA o mga sabista.may mga nangalabag kaya sila kung patuloy parin ang kanilang pangingilin?



“ Huwag kayong magpapaningas ng apoy sa inyong buong tahanan sa araw ng sabbath.” (Exo.35:3)

nakita natin, bawal magpaningas ng apoy. pero halos silang lahat nagluluto naman.labag na naman. .

anu pa?

“Tingnan ninyo, na sapagka't ibinigay ng Panginoon sa inyo ang sabbath,
 kung kaya't kaniyang ibinibigay sa inyo sa ikaanim na araw ang pagkain
ng sa dalawang araw; matira ang bawa't tao sa kaniyang kinaroroonan,
 huwag umalis angdddma sinoman sa kaniyang kinaroroonan, sa ikapitong araw. .”  (Exo.16:29)




Huwag umalis.Pero kitang kita sa kanila ang iba nagpapasyal pa.Hindi makatiis. .

anu pa?

“ Kapag ang mga tao sa aming paligid ay nagtitinda ng kanilang kalakal o
 pagkain kung araw ng Sabbath,hindi kami bibili sa kanila.
Tuwing ikapitong taon, hindi naming bubungkalin an gaming bukirin,
at kalilimutan na ang lahat ng aming pautang” (Neh.10:31 NPV)


Bawal ang mamili at magtinda.pero tiyak na tiyak na ito ay palagi nilang nalalabag. . at itong panghuli ang pinakamatindi.

“Anim na araw na gagawa, datapuwa't ang ikapitong araw
 ay ipangingilin ninyo, isang sabbath na takdang kapahingahan sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na iyan ay papatayin. ” (Exo.35:2)




magagawa kaya nilang gawin yan sa lahat ng tao. maging sa kasama nila.ang ginagawa nuoN ay Binabato hanggang sa mamatay. kita po natin mismo ang kanilang sariling aral ay nilabag mismu nila kaya ang payo sa Biblia ay ganito:



“ Sapagkat ang sinumang tumutupad sa buong kautusan ngunit lumabag
 kahit sa isang punto lamang nito ay lumalabagsa buong kautusan”
  (Sant.2:10,NPV)


Kaya po. kaming mga Iglesia ni Cristo ay wala na sa ganyang aral.Sapgkat nakatuon lamang kami sa natitirang sabbath na laan para sa tunay na hinirang ng Dios. .ganito ang pahayag:



Hebreo4:1 . “Mangatakot nga tayo, yamang may iniwang pangako ng pagpasok sa kaniyang kapahingahan, baka sakaling sinoman sa inyo
 ay maging tulad sa di nakaabot niyaon.”


Ito ang bayang banal na pangako.Ito ang tunay na kapahingahan na sanay pagsikapan ng lahat upang ito ay maabot at makamtan

15 komento:

  1. https://www.youtube.com/watch?v=JMt397tMXMo

    TumugonBurahin
  2. https://www.youtube.com/watch?v=s22GhRYbrKs

    TumugonBurahin
  3. Isa 56:6 Gayon din ang mga taga ibang lupa, na nakikilakip sa Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang magsipangasiwa sa kaniya, at magsiibig sa pangalan ng Panginoon, upang maging kaniyang mga lingkod, bawa't nangingilin ng sabbath upang huwag lapastangin, at nagiingat ng aking tipan;

    hindi lamang sa israel ibinigay ang kautusan ukol sa sabbath maging sa mga taga ibang lupa . .

    TumugonBurahin
  4. ANG SABBATH AY HNDI LANG PARA SA ISAELITA IPINAGTIBAY

    ISAIAH 56:6
    gay0n din ang MGA TAGA IBANG LUPA NA NAKIKILAKIP SA PANGINO0N, upang magsisipangasiwa sa kanya, at magsisiibig sa pangalan ng pangino0n, upang maging kanyang lingkod, BAWAT NANGINGILIN NG SABBATH UPANG HUWAG LAPASTANGANIN AT NAG,IINGAT NG AKING TIPAN"

    pati pala ang taga ibang lupa na NAKIKILAPKIP SA PANGINO0N, ikw lahing tapat
    nakikilakip ka ba sa pangino0n?

    TumugonBurahin
  5. wla po tay0ng pr0blima sa kapahingahan ng kaluluwa ky hesus, hndi pho lahat ng kapahingahan ay sabbath, , , ang sabbath pho ay BANAL NA ARAW BILANG kapahingahan ng GAWA,

    SEE MAY NATIRA PANG KAPAHINGAHAN SA GAWA, ,HEB.4:10 GAWA PHO GAWA, HNDI KALULUWA,

    TumugonBurahin
  6. kng an0h pho ang aral no0n sa mga israel sa ilang ay ibinigay dn pho sa mga kristyano ngay0n

    gawa 7:38 "itoy ya0ng naro0n sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kanya sa bund0k ng sinai, at kasama ang ating mga magulang; na naagsitanggap ng mga aral na buhay UPANG IBIGAY SA ATIN"

    see ibinigay dn pala sa atin ang aral na para sa mga israel, kaya nga dapat nating tanggapin ang kautusan ng Dios, kc hndi lng para sa kanila yan, para dn yan sa atin

    TumugonBurahin
  7. Simple po lamang ang mga step sa pagsunod. Sa panahong Cristiano na po tayo. Ano ang dapat sundin?

    Galacia 6:2
    "Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at TUPARIN NINYONG gayon ang KAUTUSAN NI CRISTO."


    Kautusan ni Cristo po tayo. Walang UTOS SI CRISTO na ipangilin ang SABATH... Ayun po sa Article, ito po ay ukol lamang sa Israel at HINDI na sa PANAHON natin. :)

    TumugonBurahin
  8. ISAIAH 56:6
    gay0n din ang MGA TAGA IBANG LUPA NA NAKIKILAKIP SA PANGINO0N, upang magsisipangasiwa sa kanya, at magsisiibig sa pangalan ng pangino0n, upang maging kanyang lingkod, BAWAT NANGINGILIN NG SABBATH UPANG HUWAG LAPASTANGANIN AT NAG,IINGAT NG AKING TIPAN"

    Bro kahit taga ibang lupa inutusan mangilin ng sabbath hindi lang sa israel

    TumugonBurahin
  9. Ang tinutuk0y jan yung mga nakipamayan. halimbawa c Rahab hindi naman sya kabilang sa bayang israel pero inaring taga israel.

    Nasa panahong Cristianismo po tayo At wala pong itinuro si Jesus na balikan ang gayong aral. Sabi pa nga Ng Dios :


    Marcos 9:7 At dumating ang isang alapaap na sa kanila'y lumilim: at may isang tinig na nanggaling sa alapaap, Ito ang sinisinta kong Anak; siya ang inyong pakinggan.


    Pakinggan mo si Jesus...KUNG GAYON, sa sinabi ko na po. Mga kautusan ni Cristo ang ating ganapin..

    TumugonBurahin
  10. Hindi-nagpakilala2/23/2015 3:03 PM

    ISAIAH 1:13

    TAMA NA ANG WALANG KUWENTANG NINYONG PAG AALAY; KINASUSUKLAMAN KO ANG INYONG INSENSO, SOBRA NA ANG SAMA NG INYONG BANAL NA PAGTITIPON, MGA BAGONG BUWAN AT MGA ARAW NG PAHINGA..

    TumugonBurahin
  11. Ako ho ay isang Adventist. Mali po isipin na itinuturo ng Mga Adventist na ikaliligtas ng isang tao ang pagsunod sa sampung utos o ang pag pangilin ng araw ng Sabado. Hindi ho ito ang daan upang maligtas ang sino man. Ang tanging daan lang po ng kaligtasan ay ang pananampalataya kay Cristo lamang (Romans 3:25) ngunit binaggit din ni Apostol Pablo - Romans 3:31 Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi pinagtitibay pa nga natin ang kautusan.

    TumugonBurahin
  12. kung babasahin natin sa english version ang sinasabing tagaibang lupa ay "Foreigners o stranger" ...

    kaya paaano ka matatawag na Foreigner o stranger kung andito ka sa pinas habang andoon sila sa esrael..??

    TumugonBurahin
  13. Kahit taga ibangbayan o nakipamayan o taga Israel ka pa... Ay pinatitigil na po ng Diyos Ang Pangingilin o Sabbath..
    Pag sinabeng pinatitigil,
    Ipagpapatuloy nyo pa ba?
    Mga kasuklamsuklam kayo Kung
    ipagpapatuloy nyo pa Ito!

    Hanggang Kailan ba may bisa Ang
    Kautusan katulad nang Pangingilin o Sabbath?


    Lucas 16:16
    Magandang Balita Biblia (MBBTAG)

    “Ang Kautusan ni Moises at ang sinulat ng mga propeta ay "MAY BISA" hanggang sa pagdating ni Juan na Tagapagbautismo. Buhat noon ay ipinapangaral na ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos, at ang lahat ay nagpupumilit na makapasok dito.

    TumugonBurahin
  14. May tanong lang po ako... Sino po sa mga kababayan naming SDA ang lubusan o100% na nakakasunod sa tuntunin ukol sa sabbath? Kindly correct me if I am wrong...may exemption na po ba sa pagsunod sa tuntunin ng pangingilin ng sabbath sa panahong Cristiano?

    TumugonBurahin
  15. Sang ayon ako kay "UNKNOWN" Si Kristo ang dapat nating sundin at hindi ang dating kautusan na para sa mga Israelita.
    Si Kristo ang Panginoon ng Sabbath!
    Samakatuwid, kahit araw pa ng Sabbath kung may nangangailangan ng tulong o may nagugutom at kailangan niyang kumayod o magtrabaho maaari niyang gawin iyon. Sapagkat habag ang nais ng Dios at hindi handog.

    TumugonBurahin