Mga Pahina

Biyernes, Mayo 30, 2014

Ang Diyos Ng Mga Cristiano


Ang mga tunay na Cristiano,ay ang mga hinirang at pinili ng Diyos na silang tunay na nakakikila sa Tunay na Diyos. Ang kaalamang ito ay ang kaligtasan at ikapagtatamo ng buhay na walang hanggan na siyang pinakilala ng tagapagligtas na si Jesucristo:


Juan 17:3, MBB
" Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo.
SINONG DIYOS ANG TUNAY NA DIYOS?



-Siya ay ang Diyos ni Abraham,Isaac, at Jacob (Exo. 3:6)


- ang Diyos ng Israel (II Cron. 33:16)


- Siya ang Diyos ni Cristo at ng kaniyang mga alagad (Mar. 15:34; Mat.27:46; Juan 20:17)


- Siya ang Diyos ng mga tao na magmamana ng Bagong Jerusalem (Apoc. 21:2-3)


- Siya ay hindi ang "Dios ng Dios". at Walang nauna at walang Dios pa na susunod, Walang iba kundi siya lamang (Isa. 43:10)


-At hindi ang Diyos ng mga patay kundi ng buhay (luc. 20:38).Ang patay na tinutukoy ay ang mga patay dahil sa pagkakasala (Efe.2:1), at yaong mga mamamatay sa ikalawang kamatay sa Dagat-dagatang Apoy (Apoc. 20:14).


- Siya ay hindi ang Diyos ng mga nasa labas ng Iglesia ni Cristo dahil wala silang Diyos sa sanglibutan ( Efe. 2:12).


- Samakatuwid, siya ay hindi Diyos ng hindi Cristiano o hindi kabilang sa Iglesia ni Cristo.



NATATANGI AT PAGKAKAISA NG DIYOS



- Ang Diyos ng mga Cristiano ay isa lamang -- hindi isa sa tatlo o tatlo na iisa, walang persona.


-Walang iba liban sa kanya (Isa. 45:5).


-Walang kasamang iba pang Diyos (Deut.32:39)


- Walang Diyos na katulad (Isa.46:9)


-Nag iisa lamang (Awit 86:10)


-Walang Diyos na una,at wala nang susunod (Isa. 43:10) na gayun din ang sinabi Niya sa kanyang mga hinirang (Isa. 48:12).


-Bakit ang Biblia ay may sinabing ibang mga diyos? mayroon mang binanggit na mga dios,subalit walang isa sa kanila na kagaya at katulad ng Tunay na Diyos(Awit 86:8).Gaya ng sinalita ni Cristo (Juan 10:34-35), maging ni Apostol Pablo (1Cor.8:5).


Samakatuwid, ang Diyos ay ang nakakataas sa tinawag na mga diyos(Awit 95:3),na kinatatakutan  higit kay sa lahat ng mga diyos(Awit 96:4).


Ano ngayun itong ibang mga diyos? Sila itong mga maling diyos dahil sila'y walang diyos(Jer. 2:11) at ang mga diyos na binanggit ni Cristo sa Juan 10:34-35 ay talagang sa wala (Isa. 41:23-24). At ang pinuno ng mga maling diyos ay ang diyos ng sanglibutang ito na siyang bumulag sa isipan ng hindi mananampalataya (IICor.4:3-4).Itong diyos ay ang satanas. Ang pagsamba sa maling diyos ay pagsamba sa demonyo (Deut.32:17).


Kaya, ang pagkilala o kumilala na may kapantay at kapareho ng Ama ay maling diyos dahil ang Diyos kaylan ma'y walang kapantay.


- Ang Diyos ng mga Cristiano ay lumikha ng langit at lupa at ng lahat (Neh.9:6).

-Ginawa niya itong mag-isa (Isa.64:8).


- Nang sinabi Niyang : "lalanganin natin ang tao", Siya'y nagsasalita sa mga anghel kung saan palaging nasa palibot ng ng Kaniyang trono (Apoc. 7:11)

-subalit nagpatuloy at ginawa niya ang paglalang na mag-isa (Gen.1:26-27;2:7).


-At ang Manlilikha na ito ay mag-isa lamang at walang iba kundi ang Ama (Mal. 2:10; Deut.32:56).


Ang Diyos samakatuwid, ay ang Ama, at habang ang Ama lamang itong manlilikha na mag-isa, ay wala nang magiging Diyos anak o Diyos Espiritu Santo.Kaya, ang pagkilala ng dios anak at dios espiritu santo liban sa tunay na Diyos na ang Ama, ay pagkilala sa maling diyos.


KAALAMAN AT KAPANGYARIHAN NG DIYOS


Ang Diyos ng mga Cristiano ay Makapangyarihan(Gen.17:1),Kaniyang ginawa ang lupa sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, kaniyang itinatag ang sanglibutan sa pamamagitan ng kaniyang karunungan, at kaniyang iniladlad ang langit sa pamamagitan ng kaniyang pagkaunawa(Jer. 10:12). Walang imposible sa Diyos (Luc.1:37) na gayon din ang sinabi ni Cristo tungkol sa Diyos (Mat.19:26).



Bilang makapangyarihan, ay walang nagbigay o walang pinagmulan ang Kaniyang kapangyarihan. Ngunit Si Cristo, na Siyang kinilala ng maraming tao na kanilang Diyos, ay ibinigay lamang ang lahat ng kapangyarihan ng langit at lupa(Mat.28:18), Ang kapangyarihan na Kaniyang isusuko rin sa Makapangyarihang Diyos pagdating ng wakas (I Cor.15:22-28). Ang sabihin at paniwalaang si Cristo ang Diyos ay isang malaking pagkakamali sapagkat hindi Siya ang Makapangyarihan sa lahat.


Ang Diyos ng mga Cristiano ay Alam ang lahat ng bagay. Alam Niya ang nakaraan at ang hindi pa nangyayari( Isa.46:9-10) at lahat ng sekreto(Ecc.12:14).Ito ay wala kay Cristo na pagkakaroon ng karunungan sa lahat ng bagay, gaya ng hindi nya alam ang araw at oras ng ikalawang pagparitong muli(Mar.13:32).


Kaya, sa mga gumawa kay Cristo bilang kanilang Diyos ay gumawa sa kanilang sarili ng maling Diyos.




ANG KATANGIAN NG DIYOS


- Ang Diyos ng mga Cristiano ay Espiritu(Juan 4:24), walang laman at buto(Luc.24:39).

- Siya ay walang katapusan,walang kamatayan, at di nakikita(I Tim. 1:17;Juan 5:37), na hindi nagbabago ang kalagayan (Mal.3:6;Sant.1:17).


- At dahil ganun, Siya ay hindi tao(Hosea 11:9) at hindi anak ng tao(Bilang 23:19). Hindi pinapayagan na ang tao ay magiging Diyos (Ezek. 28:2; Gawa 12:21-23) ; Samakatuwid, Siya'y hindi naging tao o Diyos-tao.


Kaya, ang Diyos na nagiging tao o isang Diyos-tao ay isang maling diyos at hindi ang Diyos ng mga Cristiano. Kaya, kung ang ibang diyos ay walang diyos, at yung may mga diyos na iba sa Diyos ng mga Cristiano ay walang Diyos sa kanilang lahat.


PAGKILALA SA TUNAY NA DIYOS


Ang pagkaroon ng kulang sa kaalaman at pagkilala sa tunay na Diyos ay hindi ikaliligtas ng tao. At hindi lamang sapat ang pananalig kung ano ang katangian nito kundi ang pagkakaroon ng takot at pagkilala :



Kawikaan 9:10
" Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan. "


Kaya , pagkatapos na malaman ang katotohanan tungkol sa katangian ng Diyos, dapat unawain at gawin kung ano ang kalooban ng Diyos (Efe.5:17) at pag-alam na ang buong katungkulan ng tao ay magkaroon ng takot at pagsunod sa utos ng Diyos(Ecc.12:13)

Huwebes, Mayo 29, 2014

Ang Tunay na Bautismo


Maaaring kayo ay nabautismuhan na sa relihiyong inyong kinaaniban. Ngunit sinuri na ba ninyo ang bautismong inyong tinanggap, kung iyan nga tunay na bautismong itinuro ng Biblia?



Sa aming malaking pagnanasa na ang tao ay magkaroon na kabatiran tungkol sa tunay na bautismong itinuro ng Biblia at sa kahalagahan nito, minarapat naming talakayin ang paksang ito.


KAHALAGAHAN NG BAUTISMO


Bago umakyat si Jesus sa langit, inutusan Niya ang Kaniyang mga Apostol na gawing alagad ang lahat ng mga bansag Kaugnay nito ay ipinag-utos din Niya na sila'y bautismuhan upang maging Kaniyang mga alagad :



Mateo 28:19
" Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo "



Samakatuwid, ipinag-utos ni Cristo ang bautismo upang sa pamamagitan nito ang mga tao ay gawing mga alagad Niya. Ang ibig sabihin ng "GAWING ALAGAD" ay gawing tagasunod ni Cristo gaya na rin ng Kaniyang ipinahayag :



"....Kung patuloy kayong susunod sa aking aral, tunay ngang kayo'y mga alagad ko,...." (Juan 8:31, Magandang Balita)



Ang mga binautismuhan o ginawang mga alagad ni Cristo ang tinawag na Cristiano ayon sa Biblia :



Gawa 11:26
" At nang siya'y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa Antioquia. At nangyari, na sa buong isang taon sila'y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga Cristiano, sa Antioquia. "




Kung gayon, mahalaga na ang tao ay mabautismuhan upang siya ay maging alagad ni Cristo o maging tunay na Cristiano.


Batid natin na halos lahat ng relihiyon sa kasalukuyan, tulad ng Iglesia Katolika, ng iba't ibang sekta ng Protestante, at ng marami pang iba, ay nagsasagawa rin ng pagbabautismo. Nangangahulugan ba na dahil sa nabautismuhan ang isang tao saan man siyang relihiyon napaanib ay naging tunay na siyang Cristiano o alagad ni Cristo? Tunghayan natin ang sinasabi ng Biblia :



" Tayong lahat, maging Judio o Griego, alipin man o malaya, ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan.... " (1 Cor. 12:13,MB)



Maliwanag sa talatang ating sinipi, na ang mga binautismuhan ay nasa isang KATAWAN. Alin ang isang katawan na doon napaanib ang binautismuhan? Sa colosas 1:18 ay ganito ang ating mababasa :


"Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan...."
(Ibid.)



Sa talatang ito ay tiniyak na Iglesia ang katawan ni Cristo. Kaya ang binautismuhan ay ginagawang sangkap ng katawan ni Cristo o kaanib sa Iglesia. Alin ba ang Iglesia na katawan ni Cristo? Ganito ang pahayag ng Biblia :



" Magbatian kayo bilang magkakatatid kay Cristo. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo. "
(Roma 16:16, Ibid.)



Samakatuwid, ang mga naging tunay na Cristiano ay ang mga nabautismuhan na naging Iglesia ni Cristo. Kaya, kahit nabautismuhan na ngunit hindi naman sa Iglesia ni Cristo napaanib ay hindi pa rin tunay na Cristiano at hindi tunay na bautismo.



SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN



Tangi sa ang mga binautismuhan ay naging Iglesia ni Cristo o tunay na Cristiano, ano pa ang kahalagahan ng tunay na bautismo na itinuro ng Biblia? Basahin namn natin ang sinasabi ni Apostol Pedro:




" At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. " Gawa 2:38




Dalawang bagay ang tatamuhin ng mga binautismuhan ayon kay Apostol Pedro. Una, ang kapatawaran ng kasalanan at ikalawa, ang kaloob ng Espiritu Santo. Ayon kay Apostol Pedro, upang mapatawad ang tao sa kaniyang mga kasalanan ay dapat siyang mabautismuhan. Samakatuwid, hindi tatanggapin ng tao ang kapatawaran ng kaniyang mga kasalanan kung siya ay tangging mabautismuhan.


Aling kasalanan ang ipinatatawad sa mga binautismuhan? Yaon ang mga kasalanang nagawa nila mula nang sila'y magkaisip hanggang sa sandali ng kanilang pagpabautismo. Upang ang mga babautismuhan ay mapatawad sa kanilang mga kasalanan at tumanggap ng kaloob ng Espiritu Santo, Sila'y inuutusan na magsisi sa kanilang mga kasalanan. Sa pagsisisi ay dapat talikdan ng tao ang kaniyang mga kasalanan gaya ng itinuturo ng Biblia:




"Ang mga gawain ng taong masama'y Dapat nang talikdan, at ang mga liko'y Dapat magbago na ng maling isipan;Sila'y manumbalik, Lumapit kay Yahweh upang kahabagan, At mula sa Diyos, Matatamo nila ang kapatawaran. " (Isa. 55:7, MB)



Hindi natin dapat makaligtaan na sa tunay na bautismo, ang mga binautismuhan ay tatanggap ng kaloob ng Espiritu Santo. Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang kayo ay bautismuhan? Kung wala kayong malay ukol sa Espiritu Santo na dapat tanggapin ng mga binautismuhan, ang inyong tinanggap ay hindi ang tunay na bautismo.


Bakit mahalaga na tanggapin ng mga binautismuhae ang Espiritu Santo? Ganitnd ang pahayag sa atin ng Biblia:



"Kayo ma'y naging bayan ng Diyos nang kayo'y manalig sa kanya matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan -- ang Mabuting Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Kaya't ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu Santong ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo. " (Efeso 1:13, Ibid.)



Ang Espiritu Santo ay siyang patotoo sa mga binautismuhan na sila ay hinirang ng Panginoong Diyos. Kaya ang mga binautismuhan ay dapat tumanggap ng Espiritu Santo. Kung wala ito, hindi tunay ng bautismo na natanggap ng tao at hindi siya mapapabilang sa mga hinirang ng Diyos.



PAGLUBOG ANG TUNAY NA BAUTISMO



Sa ibat-ibang relihiyon ay maroong tatlong paraan na karaniwang ginagamit sa pagbautismo :


1. Paglubog (immersion)
2. Pagbubuhos (infusion o pouring)
3. Pagwisik (aspersion o springkling)


Alin sa tatlong paraang ito ang tunay na bautismo na itinuturo ng Biblia? Upang makatiyak tayo sa kasagtuan ay alamin natin ang kahulugan at pinagmulan ng salitang BAUTISMO. Ang salitang BAUTISMO ay nagmula sa wikang Griego na BAPTISMA na ang kahulugan ay paglulubog. Maging ang New Catholic Encyclopedia ay nagsasabi ng ganito :



"Terminology. The name baptism came from the greek noun Baptisma, 'the dipping, washing,'..." (Vol. II, p. 54)


Sa Pilipino:


"Mga katawagan. Ang katawagang bautismo ay nagbuhat sa pangngalang Griego na Baptirma, 'ang paglubdng, paghuhugas,'..."



Ang wastong paraan ng pagbautismo ay paglulubog gaya ng ibinigay na kahulugan ng salitang ito. Bagama't ang wastong paraan ng pagbabautismo ay paglulubog (immersion), ito ay pinalitan ng Iglesia Katolika ng PAGBUBUHOS (infusion o pouring) noong ika-12 siglo. Ito ay pinatunayan ng isang kardinal na katoliko :



" Sa loob ng ilang siglo pagkatapos ng pagkakatatag ng Cristianismo ang bautismo ay karaniwang iginagawad sa pamamagitan ng lubog;nguni't mula ng ikalabingdalawang siglo ang kaugaliang pagbibinyag sa pamamagitan ng buhos ay namayani sa loob ng Iglesia Katolika, yayamang ang paraang ito ay walang gasinong sagabal na di gaya ng Bautismo sa pamamagitan ng lubog. " (James Cardinal Gibbons, Ang Pananampalataya Ng Ating Mga Ninuno, p. 274)



Ayon sa aklat na sinulat ni James Cardinal Gibbons ang bautismo sa pamamagitan ng buhos (infusion o pouring) ay noon lamang ika-12 siglo namayani sa Iglesia Katolika. Kung gayon, hindi ito ang paraan ng pagbabautismo na ipinag-utos ni Cristo at isinagawa ng mga Apostol. Ang pagbabautismo sa pamamagitan ng paglulubog(immersion) ang siyang tinupad ng Iglesia noong unang siglo. Ito ay sinasang-ayunan ng paring si James Finley:




" In the early Church, Baptism was administered in rivers, in lakes, and even in the sea.... In those days Baptism was given by immersion." (James Finley and Michael Pennock, Your Faith and You: A Synthesis Of Catholic Belief, p. 5)



Samakatuwid, kung kayo ay binautismuhan ngunit ang bautismo na tinanggap ninyo ay buhos(infusion) o wisik(aspersion), ang bautismo na tinanggap ninyo ay hindi tunay na bautismo, sapagkat ang tunay na bautismo ay sa pamamagitan ng paglulubog.


Maramihang pagbabautismo na isinagawa
 sa Swan Resort, Bagong Calzada, Calamba, noong Hulyo 23,1988



ANG DAPAT MATUPAD SA TUMANGGAP NG BAUTISMO



Ano ang dapat matupad sa tumanggap ng tunay na bautismo? Tunghayan natin ang pahayag ng Apostol Pablo:



" Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan:..." (Roma 6:4)



Itinulad ni Apostol Pablo ang bautismo sa paglilibing. Kung paanong inilibing ay dapat matabunan ng lupa, gayon din ang babautismuhan ay dapat "matabunan" ng tubig. Ito ay nagpapatunay na ang tunay na bautismo ay paglubog. Bakit itinulad sa paglilibing ang bautismo at alin ang dapat ilibing ng mga babautismuhan? Ganito ang paliwanag ni Apostol Pablo:




" Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama niya upang mamatay ang makasalanang katawan at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. " (Roma 6:6, MB)


Ayon kay Apostol Pablo, ang dating pagkatao ng mga babautismuhan ay kasama ni Cristo na napakuan sa krus. Kaya, nang si Cristo ay namatay sa krus, kasama ring namatay ang dating pagkatao ng mga nabautismuhan. Ito ang dahilan kaya ang bautismo ay itinulad sa paglilibing sapagkat dapat ilibing ng mga babautismuhan ang kanilang dating pagkatao. Alin ang tinatawag ng Biblia na "dating pagkatao" na siyang dapat ilibing ng mga babautismuhan? Ang Biblia ay nagsasabi:




"Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao, na napapahamak dahil sa masasamang pita. " (Efe. 4:22,Ibid.)



Ang dating pagkatao na tinutukoy ng Biblia ay ang dating masamang pamumuhay. Ang dating pamumuhay na masama at labag sa kalooban ng Diyos ang dapat ilibing ng mga babautismuhan. Paano inililibing sa bautismo ang dating pamumuhay na masama at labag sa kalooban ng Diyos? Tiyak ang sagot ng Apostol Pablo, "Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao...."


Samakatuwid, sa tunay na bautismo ay hindi sapat na mailubog lamang sa tubig ang pisikal na katawan ng mga babautismuhan. Ang paglulubog ay sumasagisag sa paglilibing, kaya ang babautismuhan ay dapat na pumayag na mailibing ang kaniyang dating pagkatao sa paraang iwan na niya ang kaniyang nakaraang masamang pamumuhayg Ang kaniyang pag-ahon sa tubig ay sagisag ng kaniyang paglakad sa panibagong buhay.


Pagkatapos ninyong matunghayan ang artikulong itog. inaasahan namin na hahangarin ninyo ang tunay na bautismo upang kayo ay mapabilang sa mga tunay na hinirang ng Diyos, magkamit ng kapatawaran ng kasalanan at tumanggap ng pangakong Espiritu Santo.

Martes, Mayo 27, 2014

How to be Born Again? (Paano Naipanganganak Na Muli Ang Tao?)





Bukambibig ng mga Protestante na sila ay mga Cristianong ipinanganak na muli o mga "BORN AGAIN CHRISTIANS ". Sila raw ang mga taong nagkaroon ng tinatawag na "RENEWAL". Mga dati raw silang Cristiano na nagsipagbago ng ugali mula sa masamang likas o nagsipagbagong-buhay mula nang diumano ay matanggap nila ang bautismo sa Espiritu Santo at si Cristo. Kaya sila raw ay naging mga "BORN AGAIN CHRISTIANS".


Ang Biblia ay nagtuturo ng aral tungkol sa pagkapanganak na muli. Ito ay kailangan sa pagtatamo ng kaligtasan at buhay na walang hanggan. Subalit ang mga tao na ngayon ay nagsasabing sila'y ipinanganak na muli o "BORN AGAIN CHRISTIAN" Ay tunay nga kaya o mga nagsisipagpanggap lamang? Sino ba ang mga tunay na ipinangak na muli?


ANG PAGKAPANGANAK NA MULI


Sino ba ang nagtuturo ng pagkapanganak na muli? Sa juan 3:3 ay ganito ang nakasulat :


Juan 3:3
" Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak na muli, ay hindi siya makakakita ng kaharian ng Dios. "



Maliwanag na ang doktrina tungkol sa pagkapanganak na muli ay aral ng Biblia. Ito ay itinuro ng Panginoong Jesucristo. Ayon sa Kaniya, bago makapasok sa kaharian ng langit ang sinumang tao, kailangan mumang siya'y ipanganak na muli. Subalit papaano maipapanganak na muli ang tao? At ito bang sinabing ito ni Cristo ay nauunawaan agad ng Kaniyang kausap? Ang kasagutan nito ay nasa kasunod na talata :



" Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak? " Juan 3:4



Hindi agad nauunawaan ni Nicodemo, isang pinuno ng mga Judio ang sinabi Niyang, " NG TAO'Y KAILANGAN IPANGANAK NA MULI" .Hindi siya naniniwala na ang isang tao at matanda na ay makakapasok bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina. Subalit papaano ito ipinaliwanag sa kaniya ni Cristo? Ganito ang sinasaad sa Mateo 19:28 :



" At sinabi ni Jesus sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayong nagsisunod sa akin, sa PAGBABAGONG LAHI pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian, kayo nama'y magsisiupo sa labingdalawang luklukan,...."



Ayon Kay Cristo, makakarating lamang ang tao sa kaharian ng langit kung sila ay susunod sa Kaniya sa pagbabagong-lahi. Ito ang kahulugan ng sinabi ni Cristo na kailangan munang ipanganak na muli ang tao upang makarating sa kaharian ng langit.

Ano ang dahilan ng tao, bagama't naipanganak na, ay kailangan pang ipanganak na muli? Ano ba ang nangyari sa tao ayon sa pagtuturo ni Apostol Pablo? Sa Roma 8:21 ay sinasabi :



" Na ang buong nilalang naman ay magiging laya mula sa pagkaalipin ng kabulukan sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Dios " Roma 8:21



Ayon sa talatang ito ang tao ay naaalipin ng kabulukan. Kaya upang siya ay lumaya sa pagkaaliping ito, kailangan siyang ipanganak na muli para makasama sa kalayaang maluwalhati ng mga anak ng Diyos.

Ano ang ibng tawag sa naaalipin ng kabulukan? Sa Roma 8:20 ay Ganito ang mababasa :


" Sapagka't ang buong nilalang ay nasakop ng kawalang kabuluhan, hindi sa kaniyang kalooban, kundi dahil doon sa sumakop sa kaniya, sa pagasa " Roma 8:20


Ang ibang tawag sa naalipin ng kabulukan, ayon kay Apostol Pablo, ay " NASASAKOP NG KAWALANG KABULUKAN ". Kailangan ngayon ng tao na siya ay ipanganak na muli o sumunod sa PAGBABAGONG-LAHI na itinuro ni Cristo upang makalaya siya sa pagkaalipin ng kabulukan.


NASAKOP NG KAWALANG KABULUHAN ANG UNANG PAGLALANG


Bakit sinasabi ng Biblia na ang tao ay nasakop ng kawalan ng kabuluhan? Kailan pa nangyari ito at ano ang dahilan? Ganito ang sinasabi sa Roma 5:12 :



" Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala " Roma 5:12


Naunawaan natin na mula pa ng magkasala ang unang tao ay hinatulan na ang tao ng kamatayan. At sapagkat, mula noon hanggang ngayon, ang lahat ng tao ay patuloy na nagkakasala, ang kamatayan ay nararanasan ng lahat ng mga tao.

Kaya ang taong patay dahil sa kasalanan ay walang kabuluhan, dahil sa ang patay ay patungo sa kabulukan.

Ano ang masamang ibubunga ng kasalanan ng tao tangi sa siya'y tinakdaan ng kamatayan?



" Sinasabi ko nga ito, mga kapatid, na ang laman at ang dugo ay hindi makapagmamana ng kaharian ng Dios; ni ang kasiraan ay magmamana ng walang kasiraan. " 1 Corinto 15:50


Inakala ng iba na ang taong papasok sa kaharian ng Diyos ay espiritu,walang laman at mga buto. Maling pagkaunawa ito sa talata. Ang laman at dugo ay may kasiraan ang di magmamana ng kaharian. Kaya kailangang maipanganak na muli sapagkat ang unang pagkapanganak ay patungo sa kabulukan dahil sa kasalananan ng tao.

Kaya, napakahalaga na malaman natin kung paano maipanganganak muli ang tao, sapagkat ito lamang ang kaparaanan upang ang tao ay makapasok sa kaharian ng langit at magmamana ng mga pangako ng Diyos. Ito ang sinasabi ng Biblia :


Juan 3:4-6
" Sinabi sa kaniya ni Nicodemo, Paanong maipanganganak ang tao kung siya'y matanda na? makapapasok baga siyang bilang ikalawa sa tiyan ng kaniyang ina, at ipanganak?
" Sumagot si Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Maliban na ang tao'y ipanganak ng tubig at ng Espiritu, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng Dios.
" Ang ipinanganak ng laman ay laman nga; at ang ipinanganak ng Espiritu ay espiritu nga. "




Tiniyak ni Cristo, maipanganganak na muli ang tao sa pamamagitan ng TUBIG AT ESPIRITU. Ang salitang ito ni Cristo ay inakala ng iba na nangangahulugang kapag ipinanganak ng espiritiu ay wala na ang kalagayang pisikal o laman. Ang paniniwalang ito ay may kaunting katotohanan at higit na malaki ang kasinungalingan. Ano ang kaunting katotohanan sa kanilang paniniwala? Ang katawang tataglayin ay hindi na katulad ng sa kasalukuyan. Ano naman ang malaking kamalian ng kanilang paniniwala ? Akala nila'y walang katawan ang tao kundi espiritu na lamang.

Kaya ating alamin kung ano ang ibig sabihin ni Cristo sa ipinahayag Niya na ang ipinanganak ng espiritu ay espiritu nga. Kumuha tayo ng nakakatulad nito. Sa I Corinto 15:45-16 ay mababasa ang ganito :



1 Corinto 15:45-46

" Gayon din naman nasusulat, Ang unang taong si Adam ay naging kaluluwang buhay. Ang huling Adam ay naging espiritung nagbibigay buhay.
" Bagaman ang ukol sa espiritu ay hindi siyang una, kundi ang ukol sa lupa: pagkatapos ang ukol sa espiritu. "




Si Adan ay ukol sa laman sapagkat nagkasala. Ang ikalawang Adan na si Cristo ay ukol sa Espiritu o sa Diyos. Ito ang nakakahalintulad ng sinabi ni Cristo na ang ipinanganak ng espiritu ay espiritu nga. Sa madaling sabi'y naging ukol sa Espiritu o naging ukol sa Diyos at naalis sa pagiging ukol sa laman.


Ano ang katangian ng tao na nakatugon sa pagiging ukol sa Espiritu? Ganito ang sinasabi sa ICorinto 15:48:


" Kung ano ang ukol sa lupa, ay gayon din naman silang mga taga lupa: at kung ano ang ukol sa langit ay gayon din naman silang taga langit. "



Ang nakatugon sa pagiging ukol sa espiritu ay nagkaroon na ng katangian na maging ukol sa langit at hindi na siya ukol sa lupa. Makakapasok na siya, kung gayon sa kaharian ng langit. Kaya mahalaga na ang tao'y maipanganak na muli sa Espiritu. Gaya ng sinabi ni Cristo, maliban. ang tao'y maipanganak na muli, ay hindi siya makapapasok sa kaharian ng langit.

Ano naman ang kalagayan ng mga papasok sa kaharian ng langit? Wala na ba silang katawan? Ganito ang sinasabi sa I Corinto 15:40,42-44 :


" May mga katawang panlangit at mayroon namang panlupa; iba ang kariktang panlupa at iba ang kariktang panlangit.
" Ganyan din sa muling pagkabuhay. Ang katawang inilibing ay mabubulok,ngunit di mabubulok kailanman ang katawang muling binuhay.
" Pangit at walang kaya ang ilibing, maganda't malakas nang muling buhayin.
" Inilibing na katawang panlupa,muling mabubuhay na katawang panlangit. kung may katawang panlupa mayroon ding katawang panlangit. "
(Magandang Balita)



Maliwanag, kung gayon, na ang papasok sa kaharian ng langit ay ang katawang panlangit. Ang sabi ng Biblia : " Ang katawang panlupa ay pangit at inililibing. Ngunit ang katawang panlangit ay maganda at malakas sa pagkabuhay na muli " . May katawan rin na papasok sa langit. Ang tawag doon ay katawang walang kamatayan. Kaya, kailangan ang pagkapanganak na muli.


SA PAMAMAGITAN NG SALITA



Mayroon nga bang itinuturo ng Biblia na ipinanganak ng Espiritu o ng Diyos? Sa Juan 1:13, Ganito ang nasusulat :


"Sila nga'y naging anak ng Diyos, hindi dahil sa isinilang sila ayon sa kalikasan, ni sa pita ng laman o sa kagagawan ng tao. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos " (Ibid.)



Sa talatang ito ay malinaw na pinatutunayang mayroon ngang mga taong ipinanganganak ng Espiritu o ng Diyos, ngunit niliwanag dito na yaon ay hindi katulad ng karaniwang panganganak ng tao, kundi sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos. Ang pagiging anak nila ay buhat sa Diyos.

Papaano sila naipanganak o naging mga anak na buhat sa Diyos? Ayon din sa Biblia sa 1 Pedro 1:23 :


" Sapagkat muli kayong isinilang,hindi sa pamamagitan ng tao kundi sa bisa ng buhay at walang kamatayang salita ng Diyos". (Ibid.)



Samakatuwid, naipanganganak na muli ang tao sa pamamagitan ng bisa ng buhay at walang kamatayang salita ng Diyos.

Kung maipanganak nang muli ang tao, ano nao ang nangyayari sa dati niyang pagkatao? Sa Roma 6:3-5 ay ganito ang nakasulat :



" hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan?
" Samakatuwid, tayo'y namatay at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng bautismo upang kung paanong binuhay na muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama'y mabuhay sa isang bagong buhay .
" Sapagka't kung nakaisa tayo ni Cristo sa isang kamatayang tulad ng kanyang kamatayan, tiyak na makakaisa niya tayo sa isang muling pagkabuhay tulad ng kanyang pagkabuhay. "
(Ibid.)




Kapag ang tao ay naipanganak na muli, ang dating pagkatao ay namamatay. Yaon ang inilibing sa bautismo. Siya ngayon ay patungo na sa pagbabagong buhay.

Alin ang dating pagkatao na namatay at inilibing na sa pamamagitan ng bautismo? Sa Roma 6:6 ay ganito :


" Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama niya upang mamatay ang makasalanang katawan at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan " (Ibid.)



Ang dating pagkatao ay ang makasalanang katawan. Ito ang pagkataong pinakuan sa krus na kasama ni Cristo na naganap nang tanggapin ang tunay na bautismo. Ang mga taong ito ang siyang ipinakikilala ng Biblia na mga ipinanganak na muli o mga tunay na "BORN-AGAIN CHRISTIANS".

Dahil dito, ano ngayon ang kinalaman ng Iglesia ni Cristo sa pagiging "Born-again Christian" ng isang tao? Sa Efeso 2:15 ay ganito :


Efeso 2:15
" Na inalis ang pagkakaalit sa pamamagitan ng kaniyang laman, kahit kautusan na may mga batas at ang palatuntunan; upang sa dalawa ay lalangin sa kaniyang sarili ang isang taong bago, sa ganito'y ginagawa ang kapayapaan "



Malinawanag sa talatang ito na mula sa dalawa ay lumalang si Cristo sa Kaniyang sarili ng isang taong bago. Ito ang tinutukoy Niya na pagsunod sa pagbabagong-lahi. Ang binanggit dito na isang taong bago ay binubuo ni Cristo(Ulo) at ng Iglesia(katawan) (Col.1:18). Ang pangalan nito ay Iglesia ni Cristo (Roma 16:16).

Sa karagdagang aral ukol sa Taong Bago, e Click : Isang taong Bago

Samakatuwid, hindi maiiwasang lumakip o sumangkap sa katawan ni Cristo ang sinumang nagnanais na maipanganak na muli o maging tunay na "Born Again Christian"


WALANG KABANALAN SA LABAS


May kabuluhan ba ang diumanoy pagiging "Born-again" o anumang "kabanalan" na hiwalay sa Iglesia ni Cristo ? Sa Juan 15:4-5, ay ganito ang nakasulat :


Juan 15:4-5
" Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa akin.
" Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa. "





Maliwanag sa talatang ito na ang sinumang hiwalay kay Cristo ay walang magagawa gaya rin ng isang sanga na malibang nakakabit sa puno ay hindi makapagbubunga sa kaniyang sarili. Sa ganito itinulad ni Cristo ang mga taong hiwalay sa Kaniya o hiwalay sa Iglesia ni Cristo. Anuman ang gawin ng tao ay hindi siya makapagbunga sa kaniyang sarili.

Alin ang pagbubunga na hindi magagawa ng hiwalay kay Cristo o ng hindi Iglesia ni Cristo? Ganito ang sinabi :



Filipos 1:11
" Na mangapuspos ng bunga ng kabanalan, na ito'y sa pamamagitan ni Jesucristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Dios. "



Ang hindi magagawa ng hiwalay sa Iglesia ni Cristo ay ang pagbubunga ng KABANALAN sapagkat ito'y magagawa lamang ng umania sa Iglesia ni Cristn.

Ano ang dahilan at hindi magagawa ang pagbubunga ng kabanalan kung nasa labas ng Iglesia ni Cristo? Sa Hebreo 9:22 ay sinasabi :


Hebreo 9:22
" At ayon sa kautusan, ay halos masasabi kong lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran. "



Tiniyak ng Biblia na hindi magagawa ng tao ang kabanalan sa labas ng Iglesia sapagkat maliban na sa pagkabuhos ng dugo ay walang kapatawaran.

Sino lamang ang mga tao na nakinabang sa paglilinis ng dugo ni Cristo? sa Gawa 20:28, ay ganito ang mababasa :


"Take heed therefore to yourselves and to all flock over which the holy Spirit has appointed you overseers, to feed the Church of Christ which he has purchased with his blood. " (Lamsa)


Sa Pilipino :

"Ingatan ninyo kung gayon ang inyong sarili at ang buong kawan na dito'y itinalaga kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang iglesia ni Cristm na binili niya ng kaniyang dugo"




Samakatuwid, ayon sa Biblia, ang Iglesia ni Cristo lamang ang tanging Iglesia na binili ng dugo ni Cristo. Ito lamang ang makagagawa ng kabanalan sa harap ng Diyos. Nasa loob ng Iglesia ni Cristo ang mga tunay na "BORN-AGAIN CHRISTIANS" sapagkat ito lamang ang kaparaanan upang ang tao'y maipanganak na muli o makasunod kay Cristo sa pagbabagong-lahi at makapasok sa kaharian ng langit. Ang lahat ng hindi Iglesia ni Cristo ay nagpapanggap lamang na mga "Born-again Christians"

Sabado, Mayo 24, 2014

Sino Ang Nagbabatay Sa Aral Ng Tao sa Pagsamba?



Inaakala ng maraming tao na anumang uri ng pagsamba ang iukol sa Diyos ay pahahalagahan at tatanggapin Niya. Ito ang dahilan kaya ayaw ng iba na umanib sa relihiyon. Naniniwala silang nagagawa nila ang pagtawag at pagsamba sa Diyos kahit wala silang kinaaaniban. Ang iba naman ay nasisiyahan na sa kinabibilangan nilang relihiyon nang walang anumang pagsusuring ginagawa kung sila'y nasa mali o nasa tama.


WALANG KABULUHAN ANG NAKASALIG SA UTOS NG TAO


Wasto ba ang paniniwalang ang lahat ng uri at paraan ng pagsamba sa Diyos ay pinahahalagahan at tinatanggap Niya? Ganito ang sabi ng Diyos:


" 'Walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin; Ang kanilang itinuturo ay utos ng tao' . " (Mateo 15:9, New Pilipino Version)


Maraming nagsasabi na sila ay sumasamba sa Diyos. Ang Diyos daw ang kanilang taimtim na sinasamba. Subalit gaano man karangya at kaganda ang paraan ng kanilang pagsamba ay pinawawalang-kabuluhan ng Diyos kapag ang kanilang itinuturo at sinusunod bilang saligan ng kanilang pagsamba ay ang aral at utos ng tao. Sinabi pa ni Apostol Pablo na:



" Ang mga bagay na iya'y katotohanang mayroong anyo ng karunungan sa pagsambang kusa, at sa pagpapakababa, at sa pagpapakahirap sa katawan; nguni't walang anomang kabuluhan laban sa ikalalayaw ng laman. " Colosas 2:23



Alin ang sinasabi rito ni Apostol Pablo na pagsambang kusa, may anyo ng karunungan, pagpapakababa, at pagpapakahirap sa katawan ngunit walang anumang kabuluhan? Doon din sa talatang ating sinipi ay idinugtong niyang,



" (Ang lahat ng mga bagay na ito ay mangasisira sa paggamit), ayon sa mga utos at mga aral ng mga tao? " Colosas 2:22



Anumang paglilingkod na may kalakip na pagpapakahirap sa katawan, na ipinatutungkol pa sa Diyos ngunit ang sinusunod ng nagsasagawa noon ay utos ng tao ay waleg ibubungan kabanalan.

Dahil dito, ano ang kabawal-bawalan ni Apostol Pablo? Buong giting na sinabi niya :



" Na huwag mangakinig sa mga katha ng mga Judio, at sa mga utos ng mga tao na nangagsisisinsay sa katotohanan. " Tito 1:14



Lubhang mapanganib na isalig sa aral at utos ng mga tao ang paglilingkod sa Diyos. Yaon ay ikasisinsay sa katotohanan at ikaliligaw ng landas. Ikahuhulog ito sa pagtataglay ng maling pananampalataya at kung magkagayon ay hindi ikapagmamana ng kaharian ng Diyos (Gal. 5:19-21).


Ang Pinagmumulan Ng Mga Aral At Utos Ng Tao


May pinagmumulan ang mga aral at utos ng tao. Maaaring ito'y ginawa o nilikha ng lider ng isang relihiyon at pagkatapos ay siyang ipinapatutupad sa kaniyang mga nasasakupan bilang batayan ng kanilang pananampalataya. Maaari namang ang gayong aral ay pinag-usapan at pinagtibay ng isang kapulungan o konsilyo ng matataas na lider ng isang relihiyon at buong higpit na ipinatutupad sa kanilang mga kaanib. Anumang aral na nilikha ng sinumang tao o ng anumang kapulungan o konsilyo na wala sa Biblia o salungat sa mga aral ng Diyos na nakasulat sa Biblia, ay tinatawag na ARAL AT UTOS NG MGA TAO.


May pagkakataon naman na ang Banal na kasulatan ay isinisinsay ng isang tagapangaral. Ang nilalaman ng mga talata nito ay binibigyan niya ng sariling pakahulugan na salungat sa kahulugang itinuturo ng ibang talata. Ang gayong pagtuturo ay mali at sinsay sa katotohanan; nauuwh sa haka, opinyon, at pala-palagay -- hindi na mula sa Diyos at kay Cristo. Ang gayon ay Tinatawag rin na ARAL AT UTOS NG TAO.


Sa gayong uri ng aral at tagapangaral ay may sinabi si Apostol Pedro na ganito:



" Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo'y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo'y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila. " 2 Pedro 3:16



May mga tao naman na hindi man lider ng relihiyon o kaya'y wala namang kinaaanibang Iglesia gayunman ay may sariling pilosopiya. Nanghahawak sila sa kanilang sariling karunungan at kaalaman. Kung minsan, ibinabatay nila ang kanilang pananalig sa mga sali't saling sabi. ng mga tao. Hindi sila nanghahawak sa Biblia. Pagka ganito ang uri ng tao, ang lahat ng kanilang sasabihin at itinuro ay pawang ARAL AT UTOS NG TAO. kaya,may babala si Apostol Pablo:



" Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali't saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo . " Colosas 2:8



MGA RELIHIYONG NAGBABATAY SA ARAL NG TAO



Mayroon bang lider o puno ng relihiyon na gumagawa ng batas o aral para sa kaniyang mga nasasakupan? Mayroon. Ito ay mababasa natin sa aklat na pinamagatang. " The Visible Church" na sinulat ni Rt. Rev. John Sullivan. Ganito ang sinasabi sa pahina 2 :



" The Pope. The supreme ruler of the church on earth is the Pope, who is the Bishop of Rome, ... He has authority over all Catholics. He may make laws for the whole Church and for any part of it ."


Sa Pilipino :


" Ang Papa. Ang pinakamataas na pinuno ng Iglesia sa lupa ay ang Papa, na siyang Obispo ng Roma, ... May kapangyarihan siya sa lahat ng mga katoliko. Makagagawa siya ng mga batas para sa buong Iglesia at sa alinmang bahagi nito. "


Tangi sa Papa ng Iglesia Katolika, sinu-sino pa ang gumagawa ng aral na sinusunod ng mga katoliko? Sa "The Catholic Encyclopedia, Vol. IV, p. 423 " Ay ganito ang nakasulat:


"1. Definition - Councils are legally convened assemblies of ecclesiastical dignitaries and theological experts for the purpose of discussing and regulating matters of church doctrine and discipline. The terms council and synod ar synonymous ... The constituent elements of ecclesiastical council are the following: --

"a) A legally convened meeting of
"b) members of the hierarchy, for
"c) the purpose of carrying out their judicial and doctrinal functions,
"d) by means of deliberations in common,
"e) resulting in regulations and decrees invested with the authority of the whole assembly. "


Sa Pilipino :


"1. Kahulugan - Ang mga konsilyo ay legal na tinipong mga kapulungan ng matataas na pinuno ng Iglesia (Katolika) at ng mga dalubhasang teologo upang pag-usapan at isaayos ang mga bagay na ukol sa doktrina at pamamalakad ng iglesia. Ang mga salitang konsilyo at synod ay may iisang kahulugan... Ang mga bagay na bumubuo sa isang konsilyo ng iglesia ay ang mga sumusunod:

"a) Isang legal na tinipong kapulungan ng
"b) mga kaanib ng pamunuan ng iglesia, ukol
"c) sa layuning pagpapatupad ng kanilang mga tungkuling ukol sa batas at doktrina,
"d) sa pamamagitan ng masusing pag-aaral na sama-sama,
"e) na ang nagiging bunga ay ang mga alituntunin at mga kautusang pinagkalooban ng kapangyarihan ng buong kapulungan. "




Sa nabanggit na aklat-katoliko, sinasabi na ang konsilyo ng Iglesia Katolika ay gumagawa rin ng aral o doktrina para sa kanilang Iglesia. Ang mga matataas na pinuno na nagkakatipon sa kanilang konsilyo ang nag-uusap at nagsasaayos ng mga bagay na ukol sa doktrina at pamamalakad ng kanilang Iglesia.

Dahil sa ang mga aral ng Iglesia katolika ay nilikha lamang ng Papa at ng matataas na pinuno nito, sino, kung gayon, ang sinusunod ng mga Katoliko? Sa kanilang munting aklat na pinamagatang "Maikling Katesismo Ng Aral Na Kristiano ", sa Pahina 50, ay ganito ang sinabi:


"178. Ano ang tawag sa mga taong sumusunod sa Santo Papa at sa mga obispo?
" Ang mga sumusunod sa Santo Papa at sa mga Obispo na parang kanilang pinuno at ama ng kaluluwa ay tinatawag na mga katoliko at sila ang mga kaanib na bumubuo ng Santa Iglesya Katolika. "



Sa harap ng katotohanang ito, hindi makaiiwas ang Iglesia Katolika na tanggaping aral at utos ng mga tao lamang ang sinusunod ng kanilang mga kaanib. At kung magkagayon, mapipilitan silang tanggapin na hindi sa Diyos at kay Cristo sila naglilingkod, kundi sa gumawa ng mga aral na kanilang sinasabing pagkilala nila sa Diyos ay nauuwi lamang sa pagpapanggap. Ito ang sinabi ni Apostol Pablo na:


" Sila'y nangagpapanggap na nakikilala nila ang Dios; nguni't ikinakaila sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. . . " (Tito 1:16)


Mayroon din ba namang nagtuturo ng mga aral at utos ng mga tao sa pamamagitan ng pagsinsay na ginagawa sa mga talata ng Banal na Kasulatan? Mayroon. Isang halimbawa nito ay ang mga tagapangaral na nagtuturo na hindi raw kailangan ang Iglesia sa kaligtasan. Ang kailangan laman daw ay tanggapin si Cristo bilang pansariling tagapagligtas at yaon daw ay sapat na.



Ito ang itinuro ng mga Protestante. Sa ganang kanilag, hindi na kailangan ang Iglesia. Si Cristo lamang daw ang kailangan nila. Sa hindi nila pagtuturo ng buong katotohanan ay pinapaghiwalay nila si Cristo at ang Iglesia. Ganito ba ang kabuuan ng katotohanang itinuro ng Biblia? Hindi. Sapagkat sinasabi sa Biblia na :


" At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia...." (Colosas 1:18)


Si Cristo at ang Iglesia ay "Isang taong bago" sa kabuuan, ayon kay Apostol Pablo(Efeso 2:15). Gaano kahalaga ang Iglesiang katawan ni Cristo? Sa Efeso 5:23 ay ganito ang nakasulat:



Efeso 5:23
" Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang tagapagligtas nito. " (Magandang Balita)


Kaya papaanong paghihiwalayin si Cristo at ang Iglesia? Ang Iglesia ang ililigtas ni Cristo, kaya, kailangan ng tao si Cristo at kailangan din niya ang Iglesia.

Samakatuwid, nasisinsay ang ibang tagapagturo sa paggamit ng mga talata ng Banal na Kasulatan dahik pinangahasan nilang bigyan ang mga ito ng sariling pakahulugan. Nauuwi sila sa mga haka,palagay, at opinyon. Sa kabuuan ay ARAL AT UTOS NG TAO ang kanilang itinuturo.

Maaaring ang kanilang naituro ay kulang sa kabuuan ng katotohanang dapat malaman ng tinuturuan. Maaari din namang labis sa nararapat o kaya'y salungat sa mga aral ng Diyos na nakasulat sa Banal na Kasulatan. Tungkol dito,sinabi ng Diyos:



" Kung anong bagay ang iniuutos ko sa iyo, ay siya mong isasagawa: huwag mong dadagdagan, ni babawasan. " Deuteronomio 12:32


Mahigpit din ang tagubilin ni Apostol Pablo na : "Huwag magsihit sa mga bagay na nangasusulat... "(1Cor.4:6). Ang dapat na maging saligan ng tao sa pagsamba at paglilingkod ay ang mga utos at salita ng Diyos. :


" Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay " Kawikaan 6:23


Mayroon nang mga utos at aral ang Diyos. Kaya, bakit gagawa pa ng aral at utos ang tao? Makahihigit pa ba ang aral ng tao sa aral ng Diyos?Kailangan bang palitan ang aral ng Diyos ng aral at utos ng tao? Dapat malaman ng lahat na ang mga aral at utos ng Diyos ay nakasulat sa Biblia, na "siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya...." (Roma 1:16)



Kaya, iwan ang maling aral na utos lamang ng tao.


Biyernes, Mayo 23, 2014

Ang Ikakikilala Sa Bulaang Tagapangaral




Maraming Bilang ng relihiyon na nakatatag ngayon sa daigdig. Higit na marami kaysa rito ang bilang ng mga tagapangaral. Lahat ay nag-aangkin na sa Diyos ngunit hindi maaaring lahat ay sa Diyos sapagkat ang kanilang mga aral ay magkasalungat. Samakatuwid, maraming tagapangaral ay tiyak na mga bulaan.


Ito ang dapat matiyak ng karamihan kung paano makikilala at sino ang tunay na mangangaral at kung sino ang bulaan. Nakataya sa wastong pagkilala sa kanila ang kaligtasan ng marami sa hatol ng Diyos.

Ayon kay Apostol Pedro,paano makikilala ang tunay na tagapangaral, tulad nila, sa kalipunan ng mga bulaan? Ganito ang kanyang sagot :


" Ang ipinahayag namin sa inyo tungkol sa muling pagparito ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na puspos ng kapangyarihan, ay hindi sa mga alamat na katha lamang ng tao. Nasaksihan namin ang kaniyang kadakilaan nang ipagkaloob sa kaniya ng Diyos Ama ang karangalan at kapurihan...." (II Ped. 1:16-17,Magandang Balita)


Ang tunay na tagapangaral ay nagtuturo ng dalisay na aral ng Diyos at hindi nagsasalig sa mga "ALAMAT NA KATHA LAMANG NG TAO". Samantala, ang bulaang tagapangaral ay nagsasalig sa katha at sila'y mapanlinlang sapagkat nanghuhula sila sa kabulaanan. Ganito ang pahayag ni Ezekiel na propeta ukol sa mga tagapangaral na bulaan :



Ezekiel 22:28
" At itinapal ng mga propeta niyaon ang masamang argamasa para sa kanila, na nakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kabulaanan sa kanila, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, dangang hindi sinalita ng Panginoon. "


ANG MGA KINATUPARAN


Ang isa sa mga relihiyon na kinatuparan ng hula tungkol sa lilitaw na magtuturo ng kabulaanam ay ang ADVENTISTA. Hinulaan ni GUILLERMO MILLER, isa sa mga naging leader ng kilusang Adventista sa America, ang petsa ng pagdating ni Jesucristo ngunit hindi nagkatotoo ang kaniyang hula .Ganito ang sinabi sa aklat na "Ang Malaking Tunggalian" :



" Si Guillermo Miller, isang masipag at tapat na mag-aaral ng mga Banal na kasulatan, ay siyang nanguna sa malaking kilusang Adventista sa Estador Unidos ng Amerika. Ang mga nangungulo sa kilusang ito ay nagkamali sa kanilang paniniwala na si Kristo'y paririto sa lupa noong Octubre 22, 1844. "(pp. 301-302)


Gaya ng mga Adventistj noong ika-19 na siglo, ang mga tagapangaral ng mga Saksi ni Jehovah, ay nabigo sa kanilangp pag-asa nang sila ay manghula ng kabulaanan :


" So, there were great expectations concerning 1914 on the part of many of the Bible Students. Yet, they also had received sound admonition in pages of The Watch Tower. Indeed, some Christians thought they were' going home' to heaven in the autumn of the year. 'But,' says C.J. Woodworth,'October 1st,1914, came and went -- and years accumulated after the date -- and the anointed were still here on earth. Some grew sour and fell away from the truth. Those who put their trust in Jehovah saw 1914 as truly a marked time -- the 'beginning of the end'--but they also realized their previous concept was wrong concerning the 'glorification of the saints,' as it was stated'. " (1975 Yearbook of Jehovah's Witnesses, p.74)


Sa Pilipino :


"Kaya, nagkaroon ng malaking pag-asam ukol sa taong 1914 sa panig ng marami sa mga nagsisipag-aral ng Biblia. Ngunit nakatanggap rin sila ng mabuting pagpapayo mula sa Watch Tower. Tunay, inakala ng ilang mga Cristiano na sila'y 'tutungo' na sa langit sa taglagas ng taong yaon. 'Ngunit,' sabi ni C.J. Woodworth,' ang Oktubre 1, 1914 ay dumating at umalis -- at dumaan pa ang maraming taon pagkatapos ang petsang yaon -- at ang mga pinahiran ay narito pa rin sa lupa. Ang ilan ay nawalan ng pananampalataya at humiwalay sa katotohanan. Itinuring niyaong mga nagsalig ng kanilang pagtitiwala kay Jehova ang 1914 bilang tunay na tinandaang panahon - ang 'simula ng wakas' - ngunit napagtanto rin nila na ang kanilang nakaraang paniniwala ay mali tungkol sa 'pagpapaluwalhati sa mga banal,' gaya ng pagkabanggit'. "



Dahil dito, hindi na natin maaaring ibilang na sa Diyos ang mga Adventista at mga Saksi ni Jehovah, kabilang na sila sa mga maling relihiyon Sapagkat ang kanilang mga tagapangaral ay tagapagturong bulaan.



IBA PANG IKAKIKILALA SA BULAAN



Ang isa pa sa tandang ikakikilala sa bulaang mangangaral at bulaang relihiyon ay binanggit ng ating Panginoong Jesucristo. Ganito ang sinabi niya sa Mateo 15:14 :


"'Hayaan ninyo sila. Sila'y mga bulag na tagaakay; at kapag bulag ang umakay sa bulag, kapwa sila mahuhulog sa hukay'. " (MB)


Ang mga bulaang tagapangaral ay mga bulag na tagaakay. Ang sinumang akayin ng mga ito ay mapapahamak lamang na tulad din ng mga tagapangaral nila. Ano ang ibig sabihin ng bulag na tagaakay? Ayon kay Apostol Pablo :


"Ibig nilang maging guro ng kautusan gayong hindi nila nauunawaan ang kanilang sinasabi, ni ang mga bagay na itinuturo nila nang buong tiwala. "
(I Tim. 1:7,
Ibid.)



Ang palatandaang ito ukol sa bulaang tagapangaral at relihiyon ay natupad naman sa Iglesia Katolika Romana. Inaamin ng ma awtoridad ng Iglesia Katolika na sila mismo na tagapangaral ay hindi nakauunawa ! Ganito ang pahayag ni Rev. Andrew Greeley sa aklat na "Your Teenager and Religion" :



" The simple truth is that those of us who have the responsibility for teaching the real meaning of Christianity to the young have failed to convert it into language which has meaning in the contemporary world. We have not found the words which will stir young hearts. We have not found the modes of expression which will break through youthful apathy and indifference and fear. There may be all kinds of valid excuses for our failure, but the fact remains: when we speak about religion to young people they do not know what we are talking about the really do not care to know. Perhaps the reason is that we do not know ourselves. This picture may be too black. " (pp.13-14)



Sa Pilipino :


" Ang madaling unawaing katotohanan ay yaong ilan sa atin na may pananagutang ituro ang tunay na kahulugan ng Cristianismo sa mga kabataan ay nabigong isalin ito sa wikang may kahulugan sa pangkasalukuyang daigdig. Hindi pa natin natatagpuan ang mga salitang makakapukaw sa mga batang puso. Hindi pa natin natatagpuan ang paraan ng pananalita na mag-aalis sa pagwawalang bahala at kalamigan ng loob at takot ng kabataan. Maaaring magkaroong lahat ng uri ng mga makatuwirang dahilan sa ating pagkabigo, ngunit mananatili ang katotohanan: kung tayo ay nagsasalita sa mga kabataan tungkol sa relihiyon hindi nila alam kung ano ang sinasabi natin at talagang wala silang pagpapahalagang malaman. Marahil ang dahilan ay tayo rin mismo ang hindi nakakaalam. Ang paglalarawang ito ay maaaring napakaitim. "



Inamin ng paring si Andrew Greeley na ang dahilan kung bakit hindi nila maipaunawa sa mga kabataan ang mga aral ng Iglesia Katolika ay sapagkat sila mismo ay hindi nakaaalam ng kanilang pananampalataya. Ano kaya ang dahilan at kapos sila sa pagkaunawa? Ganito ang sinasabi sa isa pang aklat ng Iglesia Katolika na sinulat ni Joseph Faa Di Bruno:



" Moreover, a written Bible is a dead book. Nor is it ang easy book, it does not explain itself. " (Catholic Belief, p. 14)

Sa Pilipino :


"Higit doon, ang sinulat na Biblia ay isang patay na aklat. Ni hindi ito isang madaling unawaing aklat, hindi nito ipinaliliwanag ang kaniyang sarili. "



Paano nga makauunawa ng wastong pananampalataya ang mga paring katoliko samantalang hindi nila nauunawaan ang mga nasusulat sa Biblia? Ang Biblia na kinaroonan ng salita ng Diyos ay isa raw patay na aklat at hindi madaling unawain.

Ang totoo, ni hindi nauunawaan ng pari ang kaniyang ginagawa, halimbawa, sa panahon ng pagmimisa. Ganito ang pahayag sa aklat na " The Restless Christian" , sinulat ni Killian McDonnell, O.S.B., sa pahina 171:


" I did not fully understand what I did as I said Mass that day. I did not fully understand the power that is mine. I do not understand it now. It is a mystery..."

Sa Pilipino :

" Hindi ko ganap na naunawaan ang ginawa ko sa aking pagsasagawa ng Misa sa araw na iyon. Hindi ko ganap na naunawaan ang kapangyarihan na aking taglay. Hindi ko ito nauunawaan ngayon. Ito'y isa hiwaga. "


Hindi lamang ang pagsasagawa ng Misa ang hindi nauunawaan ng mga pari. Maging ang kanilang pagtuturo. ukol sa Diyos ay nababalot din ng maraming pagkakasalungatan. Ganito naman ang sinulat ng isang paring Jesuita na si Martin J. Scott sa kaniyang aklat na pinamagatang " God and Myself" , sa pahina 118-119:



" The trinity is a wonderful mystery. No one understand it. The most learned theologian, the holiest Pope, the greatest saints, all are mystified by it as the child of seven. It is one of the things which we shall know only when we see God face to face...."

Sa Pilipino :


" Ang trinidad ay isang kamangha-manghang misteryo. Walang sinumang nakakaunawa nito. Ang pinakamarunong na teologo, ang pinakabanal na Papa, ang pinakadakilang Santo, silang lahat ay nahihiwagaan dito tulad ng isang batang may pitong taong gulang. Isa ito sa mga bagay na malalaman lamang natin kapag nakita na natin ang Diyos nang mukhaan...."



Dahil dito, walang saysay na pag-aangkin ang ginagawa ng mga tagapangaral na katoliko kapag kanilang sinasabi na ang Iglesia Katolika ay sa Diyos. Kung ang Diyos mismo ay hindi nila nakikilala at nauunawaan, paano sila kikilalanin ng Diyos?

Hindi natin ito sinasabi sapagkat nais nating saktan ang damdamin ng maraming tao na ang nagisnan sa mundo ay ang aral ng Iglesia Katolika at iba pang relihiyon. Ang nais lamang namin ay makaiwas ang marami sa pagkadaya at pagkapahamak.


ANG NAKAUUNAWA


Ang dapat pakinggan ay ang tunay na nakauunawa ng salita ng Diyos sa ikaliligtas. Sinabi ng Panginoong Jesucristo ang ganito :




" Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa kanilang nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga:
Upang kung magsitingin sila'y mangakakita, at huwag mamalas; at kung mangakinig sila'y mangakarinig, at huwag mangakaunawa; baka sakaling sila'y mangagbalikloob, at patawarin sila. "
(Mar. 4:11-12)



Kung gayon, may pinagkaloobang makaunawa ng salita ng Diyos. Hindi sila ang bulaan kundi mga tunay na mangangaral. Hindi sila " Bulag na tagaakay". Kundi nakauunawa at maghahatid sa tao sa kaligtasan at hindi sa hukay ng kapahamakan.

Hanapin natin ang mga tunay na tagapangaral upang makarating tayo sa Diyos, kay Cristo, at sa tunay na Iglesia upang tayo ay maliligtas..

Ang Mga Nagpapatotoo Na Ang Iglesia Ni Cristo Ang Tanging Maliligtas




Kapag sinabi ng isang nagpakilalang "CRISTIANO" na siya ay "Ligtas" o "Maliligtas", subalit wala namang mga awtoridad na nagpapatotoo sa kaniya ukol dito, ang sinabi niyang ito ay hindi dapat kaagad na paniwalaan.



Juan 5:31-32
" Kung ako'y nagpapatotoo sa aking sarili, ang patotoo ko ay hindi katotohanan.
Iba ang nagpapatotoo sa akin; at talastas ko na ang patotoong isinasaksi niya sa akin ay totoo. "




Dahil dito, ang Iglesia Ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 - Sa kaniyang pagtuturo na siya ang maliligtas sa parusa ng Diyos sa araw ng paghuhukom - ay hindi nagpapatotoo sa kaniyang sarili lamang, kundi nagbabatay sa mga patotoo ng mga awtoridad ukol sa kaligtasan. Ginagamit niya bilang batayan ang mga patotoo ng ating Panginoong Jesucristo, Apostol, at higit sa lahat, ng Panginoong Diyos, na pawang nakasulat sa Biblia. Bukod dito, ginagamit din niya ang mga patotoo ng mga awtoridad ng ibang mga relihiyon - Ngunit hindi na bilang batayan ng kaniyang pananampalataya sa katotohanan ng kaniyang kaligtasan, kundi bilang mga karagdagang saksi, upang matikom ang bibig ng sinumang kaanib sa mga relihiyong yaon na tumututol sa naturang katotohanan.


Ito ang ilan sa mga nagpapatotoo na ating patutunayan at ilalahad


1. Cristo
2. Apostol Pablo
3. Diyos
4. Papa
5.Mga Pari
6.Adventista
7 At siyempre ang Biblia




CRISTO : Ang pumasok Ang Maliligtas


Sino ang pinatotohanan ng Tagapagligtas at Panginoong Jesucristo na maliligtas?


Juan 10:7, 9
" Muli ngang sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako ang pintuan ng mga tupa.
" Ako ang pintuan; ang sinomang taong pumasok sa akin, ay siya'y maliligtas,..."




Ayon sa patotoo ng Tagapagligtas na si Cristo, ang maliligtas ay ang "Pumasok" sa Kaniya - hindi ang sumampalataya lamang sa Kaniya, hindi ang tumanggap lamang sa Kaniya, hindi ang tumawag lamang ng "Panginoon" sa Kaniya. Ano ang pagkilala ni Cristo sa mga taong pumasok o dumaan sa Kaniya? Mga tupa Niya. Ano ang ginagawa Niya sa mga tupa o mga tao na pumasok sa Kaniya?



Juan 10:16
" At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor. "



Ang mga tao na pumasok sa ating Panginoong Jesucristo ay ginawa Niyang "isang Kawan". Alin ang tinutukoy Niyang kawan?


Gawa 20:28, Lamsa
" Ingatan ninyo kung gayong ang inyong sarili at ang buong kawan na dito'y itinalaga kayo ng Espiritu Santo na mga katiwala, upang pakanin ang Iglesia ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo. "(pagkakasalin sa Pilipino)



Ang kawan ay ang Iglesia ni Cristo. Kaya, kung ang mga pumasok kay Cristo ang maliligtas at ang mga pumasok kay Cristo ay naging isang kawan o Iglesia ni Cristo, ang mga pumasok sa Iglesia ni Cristo ang tunay na maliligtas. Ito ang patotoo ng Tagapagligtas.



APOSTOL PABLO: Katawan Ang Ililigtas


Ang patotoo ba ng Tagapagligtas na si Cristo ay siya ring patotoo ng Kaniyang mga Apostol? Narito ang di-matututulang patotoo ni Apostol Pablo:


Efeso 5:23
" Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa,tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan,at siyang Tagapagligtas nito ." (Magandang Balita)



Pinatutunayan dito ni Apostol Pablo na ang ililigtas ni Cristo ay ang Iglesia, sapagkat ito ang Kaniyang katawan. Dapat mapansin na ang pagtuturo ng mga kasalukuyang tagapangaral ng maraming relihiyong nagpapakilalang Cristiano sa talatang ito ay " Kalahati " lamang ang katotohanang itinuro ni Pablo. Itinataguyod ng maraming tagapangaral ngayon na "Si Cristo ang tagapagligtas. . . .!" ngunit pinuputol nila ang karugtong-"...ng Iglesia".

Ang Iglesia, ayon din sa patotoo ni Apostol Pablo,ang ililigtas ni Cristo? Ano ang pangalan ng Iglesiang ito?


Roma 16:16
" Mangagbatian kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo. "



Ang Iglesiang ililigtas ni Cristo, ayon sa patotoo ni Apostol Pablo, ay ang Iglesia ni Cristo.



DIYOS: Sa Iglesia Idinaragdag Ang Maliligtas



Sa ibabaw ng mga patotoo ng ating Panginoong Jesucristo at ng mga Apostol na ang Iglesia ni Cristo ang maliligtas, ay ang patotoo ng Diyos, na ayon kay Cristo ay Siyang sumasaksi sa Kaniyang patoto.

Ano ang patotoo ng Diyos tungkol sa Iglesia Ni Cristo?


Gawa 2:47
" Na nangagpupuri sa Diyos, at nangagtamo ng paglingap ng boong bayan. At idinaragdag ng Panginoon sa iglesia araw-araw yaong dapat maligtas. " (KJV, pagkakasalin sa Pilipino)



Maliwanag na idinaragdag o dinadala ng Diyos ang mga dapat maligtas - sa Iglesia. Hindi sa kung saan-saan. Mali, kung gayon, ang paniniwala na ang sinumang tao, na basta't sumasampalataya sa Diyos at gumagawa ng mabuti, kahit wala sa Iglesia ni Cristo, ay maliligtas.

Kaya, ang sinumang tumatanggi sa Iglesia ni Cristo ay tumatanggi sa Diyos, kay Cristo, at sa mga Apostol. Ang gayong tao ay hindi maliligtas. Sa kabilang dako, ang sinumang tumatanggap at nakahandang umanib sa Iglesia ni Cristo ay tumanggap sa Diyos, kay Cristo at sa mga Apostol. Ang gayon ang tiyak na maliligtas.



PAPA : Ang Iglesia Ni Cristo Ay Para Sa Kaligtasan



Maaaring hindi alam ng maraming kaanib sa iba't ibang relihiyon ang katotohanang Iglesia ni Cristo lamang ang maliligtas. Ngunit ang katotohanang io ay hindi nalingid sa kaalaman ng mga awtoridad ng kanilang relihiyon. Sa katunayan, hindi lamang nalalaman ng mga awtorid nila ang katotohanang ito kundi opisyal pa nilang ipinahayag ito sa kanilang mga aklat. Isang aklat ng binubuo ng mga pagtuturo ng mga naging papa ng Iglesia Katolika, bilang halimbawa, ang nagpapatotoo nang ganito:


"...the church of Christ, which has been devinely instituted for the sake of souls an of eternal salvation...." (Anne Fremantle, The Papal Encyclicals: In Their Historical Context, p. 153)


Sa Pilipino :


"...ang iglesia ni Cristo, na banal na itinatag sa kapakanan ng mga kaluluwa at ng walang hanggang kaligtasan...."



Pinatutunayan ng aklat na ito na naglalaman ng mga pahayag ng mga papa na ang itinatag ng ating Panginoong Jesucristo para sa "Walang hanggang kaligtasan" ay ang Iglesia ni Cristo.



MGA PARI : Hindi Maliligtas Ang Hindi Kaanib



Dahil dito, ano ang patotoo ng mga paring Katoliko tungkol sa Iglesia ni Cristo at ano ang babala nila sa mga ayaw umanib dito?


"...the Church of Christ today must be in nature, in power, in teaching, what it was when it served men through the twelve Apostles. It is to this Church that all are obliged to belong in order to be saved. Those people who through their own grave fault do not know the true Church, or, knowing it, refuse to join it, cannot be save. " (Most Rev. John Francis Noll and Rev. Lester J. Fallon, Father Smith Instructs Jackson, pp. 35-36)


Sa Pilipino :


"...ang iglesia ni Cristo ngayon sa kalagayan, sa kapangyarihan,sa aral ay dapat maging katulad ng kaniyang dating kalagayan nang ito ay maglingkod sa mga tao sa pamamagitan ng labindalawang Apostol. Sa Iglesiang ito ang lahat ay nananagot na umanib upang maligtas. Yaong mga taong sa pamamagitan ng kanilang lubhang kapabayaan ay hindi nakilala ang Iglesia,o, kung nakilala man ito, ay tumanggin. umanib dito, ay hindi maliligtas. "


Ayon sa dalawang paring may akda ng aklat na ito, obligado ang lahat ng mga tao na umanib sa Iglesia sa Iglesia ni Cristo upang maligtas. Nagpapatotoo rin sila na ang sinumang hindi aanib dito ay hindi maliligtas.



ADVENTISTA : Kasangkapan Ang Iglesia Sa Ikaliligtas



Maging ang mga awtoridad ng mga Iglesiang Protestante ay nagpapatotoo sa kaligtasan ng Iglesia ni Cristo. Ganito ng patotoo ng mga Adventista tungkol sa Iglesia ni Cristo sa isang polyetong pinamagatang "Pansabado" :



" Ang iglesia ni Kristo ang hinirang na kasangkapan ng Diyos sa ikaliligtas ng mga tao. Ang misyon nito ay dalhin ang ebanghelyo sa sanlibutan. " (p.33)


Biblia : Tanging Batayan



Bakit natin tinatanggap at pinaniwalaan ang mga patotoo ng mga awtoridad ng Iglesi Katolika at Protestante na ang Iglesia ni Cristo ang maliligtas? Hindi dahil sa sumasang-ayon ang mga ito sa doktrina ng Iglesia ni Cristo, ni dahil sa ang mga ito ang batayan ng ating pananampalataya, kundi dahil sa ang mga ito ang mismong pinatutunayan ng Biblia, gaya ng inaamin ng isang paring katoliko na si Francis B. Cassily sa kaniyang aklat na pinamagatang (Religion: Doctrine and Practice, pp. 442-444) na Ganito :


"5. Did Jesus Christ establish a Church?
"Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, we learn that Jesus Christ established a Church, which from the earliest times has been called after Him the Christian Church or the Church of Christ.
" The Church, founded and organized by Christ and preached by the Apostles is the Church of Christ, ... It is the only true Church, and the one which God orders all men to join. "


Sa Pilipino :



"5. Si Jesucristo ba ay nagtatag ng Iglesia?
" Oo, mula sa lahat ng kasaysayan, kapuwa panlupa at hindi pangkabanalan, gayundin mula sa Biblia na kinikilalang isang makataong kasulatan, ating nalaman na si Jesucristo ay nagtatag ng isang Iglesia, na mula sa kauna-unahaeg panahon ay tinawag na sunod sa Kaniyang pangalan, ang Iglesia Cristiana o ang Iglesia ni Cristo.
"Ang Iglesiang ito, na itinatag at binalangkas ni Cristo at ipinangaral ng mga Apostol, ay ang Iglesia ni Cristo,...Ito lamang ang tunay na Iglesia, at siyang ipinag-utos ng Diyos na aniban ng lahat ng tao. "



Ayon kay Cassilly, nalaman natin mula sa kasaysayan at mula sa Biblia na si Jesucristo ay nagtatag ng isang Iglesia na tinawag na Iglesia ni Cristo. Pinatutunayan din niya na ang Iglesia ni Cristo lamang ang tunay na Iglesia, at ito ang ipinag-utos ng Diyos na aniban ng lahat ng tao.


Kung gayon, nananatiling ang Biblia ang tanging batayan ng Iglesia ni Cristo sa pinanghahawakan niyang katotohanan ng kaniyang kaligtasan.

Ang Iglesia ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas noong 1914 ay maraming mga patotoo ng Diyos, ni Cristo, ng mga Apostol, at ng mga Propeta. Kaya , kapag sinabi ng isang kaanib sa Iglesia ni Cristo na siya ay maliligtas, tiyak at totoo ang sinabi nya .